You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III- Gitnang Luzon
Sangay ng Bulacan
Engineer Virgilio V. Dionisio Memorial High School
Poblacion, Pulilan, Bulacan
Taong Panuruan 2020-
2021

I. Layunin Masusuing Banghay-Aralin sa Filipino 7

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. Nailalahad ang kahulugan ng mga antas ng wika batay sa pormalidad nito sa tulong ng
gawain
b. Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad nito mula sa usapan
c. Nabibigyang halaga ang tamang gamit ng salita batay sa okasyon, lugar, at taong
kinakausap
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7
C. Kagamitang panturo: laptop, google meet, at presentasyon

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
Bago tayo magsimula ng panibagong Handa na ba ang lahat? (Magsisimula na sa
talakayan ay manalangin muna tayo. pananalangin)
, pamunuan mo ang ating
panalangin.

2. Pagbati
Magandang umaga at pagpalain kayo ng Magandang umaga rin po Bb. Rubiano
Poong May Kapal 7-Patience

3. Pagtatala ng liban
Kalihim , mayroon bang liban Wala pong liban sa ngayong araw Bb. Rubiano
sa iyong mga kamag-aral ngayong araw?

Ikinagagalak kong malaman na lahat kayo


ay nandito sa kabila ng maraming problemang
kinahaharap natin lalo’t higit sa internet
connection.

4. Pagbibigay paalala para sa birtwal na klase.


(Babanggitin ng guro ang mga mahalagang
paalala o mga panuntunan bago magsimula
ang talakayan)
B. Balik-aral
Bago tayo dumako sa paksang tatalakayin
para sa araw na ito ay magbalik-aral muna
tayo.

Noong nakaraang araw ay tinalakay natin ang Ma’am isa sa uri ng mga awiting-bayan ay
mga awiting-bayan, ngayon ay maaari ka ang kundiman halimbawa po nito ay yung
bang magbigay ng isang uri awiting-bayan at Ikaw po ni Yeng Constantino dahil ito ay awit
magbigay ka ng isang halimbawa nito. na tungkol sa pag-ibig.

Mahusay! Ngayon ay Bakit itinuturing na Dahil ito po ay sumasalamin sa ating mga


yaman ng ating bansa ang mga awiting- kaugalian, karanasan, pananampalataya at
bayan? maging hanapbuhay.

Magaling! Huwag ding kalimutan na ang mga


awiting-bayan ay nagtataglay din ng iba’t
ibang damdamin ng mga gumawa nito.
Nananatili itong buhay dahil dahil na rin likas
na pagiging malikhain ng mga Pilipino.

C. Motibasyon
Bilang pagsisimula ng ating talakayan ay
may gagawin tayong aktibidad at tatawagin
natin itong “Anong sasabihin mo”. Marami
tayong mga taong nakakasalumuha sa araw-
araw paano mo sila kinakausap? Paano mo
sila binabati? Simulan na natin.
How are you na ba?
Ano ang sasabihin mo kapag nakasalubong
mo ang kaibigan mong konyo?
Magandang umaga/hapon po!
Ano ang sasabihin mo kapag nakasalubong
mo ang iyong guro sa paaralan?
Gg na pre eguls lalakas ng kalaban
Ano naman ang sasabihin mo kapag nanalo o
natatalo na ng iyong kalaro sa isang mobile
game?
Kalagu mo naman!
Ano ang madalas na sinasabi ng iyong
kamag- anak mula sa probinsya?
Nagkakaiba po ito depende sa kausap at sa
May napansin ka ba sa paraan kung paano mo lugar kung saan natin sila kinakausap.
sila kausapin? Kung mayroon ay ano iyon?

Mahusay! Batay sa ibinigay ninyong mga


halimbawa ito ay nangangahulugang na
nakabatay ang salitang ating gagamitin sa
lugar, okasyon, at sa kung sino ang ating
kinakausap at dito na pumasok ang iba’t ibang
antas ng wika batay sa pormalidad nito.

D. Pagtalakay sa Aralin

Dahil ibinigay ko na ito sainyo bilang


takdang- aralin ay natitiyak ko na mayroon na
kayong ideya tungkol sa mga antas ng wika.
Ang antas ng wika ay nauuri sa dalawa, maaari
mo ba itong ilahad?

(Tatawag ng mag-aaral ang guro) Ma’am ito po ay ang pormal at di pormal na


antas ng wika.
Mahusay! Ang pormal at di pormal.

Una nating bigyang diin ang impormal na


antas ng wika.

Ano ba ang salitang Impormal o Di Ito po yung mga salitang ginagamit natin sa
Pormal? pang-araw-araw na pakikipag-usap.

(Tatawag ng mag-aaral ang guro)

Mahusay! Ito ang mga salitang ginagamit


natin sa karaniwang usapan o sa pakikipag-
usap natin sa ating mga kaibigan o mga
kakilala at ito ay nauuri sa tatlo.

Maaari mo bang ilahad ang tatlong uri ng Ito po ang balbal, kolokyal, at lalawiganin
impormal na salita?

(Tatawag ng mag-aaral ang guro)

Magaling! May ipakikita akong larawan


sa inyo at nais kong tukuyin ninyo kung
anong uri ng impormal na antas ng wika ito.

(Ipapakita ng guro ang larawan)

Batay sa mga larawang inyong nakita anong Batay po sa mga larawan ito po ay balbal
uri ng impormal na antas ng wika ito?

Paano mo nasabi na ito ay antas ng wikang Dahil po ang salitang balbal ay mga salitang
balbal? kalye at mga nabubuong salita ng mga
manlalaro at mga kapatid nating bakla.

Tama! Kaya’t tinatawag din ang mga


salitang balbal o slang na salitang kalye o
kanto. Tinatawag din itong singaw ng
panahon dahil sa bawat panahon ay may mga
umuusbong na bagong salita.

Mula sa pangungusap ay maaari mo bang Yung sikyo po ma’am


tukuyin kung alin dito ang salitang balbal?
(Ipakikita ng guro ang pangungusap “Si Mang
Narding ang bagong sikyo namin sa
paaralan.”)

Mahusay! Bago ko muling magbigay ng


ilan pang halimbawa ng mga salitang balbal
ay
alamin muna natin kung paano nga ba
nabubuo ang mga ito.

Mayroon ka bang ideya kung paano (Maaaring magbigay ang mag-aaral ng isang
nabubuo ang mga salitang balbal? paraan kung paano nabubuo ang mga salitang
balbal)

Mahusay! Ngayon ay ituloy natin ang


pagtalakay tungkol sa kung paano ba nabubuo
ang mga salitang balbal:

Una, pagkuha sa dalawang huling pantig ng


salita tulad ng salitang Amerikano kapag
kinuha natin ang dalawang huling pantig nito
ano ang sagot? Kano po ma’am.

Mahusay! May iba pa ba kayong alam na Opo ma’am, yung mestiza po naging tisay.
halimbawa ng salitang kinukuha ang huling
pantig nito?

Magaling! Isa pang halimbawa nito ay yung


sigarilyo naging “yosi”.

Mayroon bang katanungan tungkol sa Wala po


unang paraan kung paano nabubuo ang
salitang balbal?

Sunod na paraan naman kung paano ito


nabubuo ay sa pamamagitan ng pagbabaliktad
sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na
naging “astig”. Na hindi nakaapekto o
nakapagpapabago ng kahulugan ng salita.

Ngayon ay subukin natin ang inyong Ma’am etneb, bente po.


kaalaman tungkol sa pangalawang paraan
kung paano nabubuo ang mga salitang balbal.

Sa loob ng talahanayan ay may mga salitang


ilalapat ninyo ang inyong kaalaman tungkol
sa ikalawang paraan kung paano nabubuo ang
mga salitang balbal.
(Tatawag ang guro ng mag-aaral na sasagot)
1. Pulis Lespu
2. Dito Otids
3. Hindi Dehins
4. Malupet Petmalu
5. Malakas Sakalam

Mahusay! Inaasahan kong naunawaan mo


ang ikalawang paraan kung paano nabubuo
ang mga salitang balbal.

Isa rin sa paraan kung paano nabubuo ang


mga salitang balbal ay sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang Ingles at
pagbibigay dito ng ibang kahulugan.
Halimbawa toxic
hindi maayos na kalagayan “toxic na schedule”
o hindi maayos na tao “toxic na kasama”.

Ikaw naman may alam ka bang halimbawa (Ititipa ng mga mag-aaral ang kanilang mga
nito at maaari mo bang ibahagi ito sa klase at kasagutan kasama ang kahulugan nito)
sabihin ang kahulugan nito? Itipa ninyo sa
ating chat box ang inyong mga sagot.

Magaling! Iba pang halimbawa nito ay


songs ibig sabihin ay masakit, plastic hindi
totoong kaibigan o tao, cancer ibig sabihin ay
hindi sanay maglaro o hindi magaling
maglaro, chicks ibig sabihin ay maganda/
seksing babae.
Salita Totoong Bagong
kahulugan pagpapakahulugan
Songs Mga kanta Masakit
Plastic Lalagyan Hindi totoong
kaibigan/tao
Cancer Sakit Hindi magaling
lumaro
Chicks Young bird Maganda o
seksing babae

At ang huli paraan kung paano ito nabubuo


ay ang pagbibigay kahulugan mula sa katunog
na pangalan nito halimbawa, Carmi Martin
ang ibig sabihi nito ay karma.

Sa pamamagitan ng mga pangalan ng mga


kilalang taong ito ay bumuo ng kahulugan
batay sa katunog ng kanilang pangalan.

(Ipapakita ng guro ang mga larawan at tatawag


ng mga mag-aaral na sasagot nito)

Ano ang napansin ninyo sa mga salitang


nabanggit?

Mahusay1 Kung mapapansin ninyo ito rin ang


tinatawag nating gay language kung saan ito Ma’am ito ay mga salitang ginagamit ng ating
ay pinauso o ginawa ng ating mga kapatid mga kapatid na bading.
bakla at nakita natin dito kung gaano ka
malikhain ang kanilang mga isip.

Naunawaan ba ang iba’t ibang paraan kung Opo, ma’am!


paano nabubuo ang mga salitang balbal?

May mga katanungan ba? Wala po.

Ito pa ang ilang mga halimbawa ng salitang


balbal: bagets, charing, ermat, erpat, utol,
baler, ispluk, jowa.
Ngayon ay dumako naman tayo sa
susunod na antas ng wikang impormal
tukuyin ninyo ito sa pamamagitan ng larawan.
(Ipakikita ng guro ang larawan)

Batay sa mga larawang inyong nakita anong Ito po ay kolokyal


uri ng impormal na antas ng wika ito?

Ano nga ba ang antas ng wikang kolokyal? Ito po yung ginagamit natin sa pakikipag-usap
natin araw-araw.
Mahusay! Ito ang mga salitang ginagamit
natin madalas sa karaniwang usapan.
Halimbawa nyan ay una pagpapaikli ng salita
o pagkakaltas ng ilang titik mula sa salita.
Halimbawa ay yung paano ay nagiging pa’no
tinanggal natin yung pangalawang “a”.

Ngayon ay subukan nyo naming paikliin


ang mga salita sa loob ng talahanayan.
(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na
sasagot)
Kailan Kelan
Pare P’re
Nasaan Nasa’n
Wika mo Kamo
Hintay ka Teka

Mahusay! Ito pa ang ilang halimbawa ng


mga salitang kolokyal na pinapaikli natin ang
salita: mayroon-meron, tara na-te’na, wika
ko- kako, aywan-ewan.

Bahagi rin ng antas ng wikang impormal


na kolokyal ang pagsasama ng dalawang wika
halimbawa tagalog at Ingles “tag-lish” o
tagalog-espanyol, maaari ring paghalo ng
wikang Filipino sa iba pang wika sa mundo.

Halimbawa:
-Kailan mo isa-submit yung project mo?
(Tag- lish)
-A-attend ka ba ng discussion ngayon? (Tag-
lish)
-Sino yung pasahero ng tatay mo kagabi?
(Tagalog-Espanyol)

Kayo naman ang magbigay ng halimbawa When kaya ako makakauwi sa house? Tag-
ng dalawang wikang pinaghalo o pinagsama lish po ma’am.
sa isang pangungusap. Sige nga .

Mahusay! At kung mapapansin ninyo itong


antas ng wikang impormal na kolokyal ay ang
ginagamit natin araw-araw dahil hindi natin
maiwasang mapaghalo ang dalawang wika sa
pagsasalita o pakikipag-usap lalo’t higit sa
internet ngayon ito yung wikang ginagamit.

Ito pa ang ilan pang halimbawa ng antas ng


wikang impormal na kolokyal.

Halimbawa:
-Siya ang bagong alkalde ng kanilang bayan.
(Tagalog-espanyol)
-Ma’am may quiz po ba ngayon? (Tag-lish)
-Ako na po magle-lead ng prayer. (Tag-lish)

Naunawaan na ba kung ano ang antas ng Opo!


wikang impormal na kolokyal?

May mga katanungan ba? Wala po!

Kung ganon ay dumako na tayo sa huling


antas ng wikang impormal. Muli sa tulong ng
mga larawan ay tukuyin kung anong antas ng
wikang impormal ito.
(Ipakikita ng guro ang larawan)

Batay sa mga larawang inyong nakita anong


uri ng impormal na antas ng wika ito?

Mahusay! Ibig sabihin ang mga tinalakay


nating awiting-bayan noong nakaraang lingo Lalawiganin po
ay nasa antas ng wikang impormal na
lalawiganin.

Ngayon ano nga ba ang antas ng wikang


impormal na lalawiganin?

Mahusay! Ang lalawiganin o tinatawag


ding provincialism ay ang mga wika o salita Ito po yung mga salitang ginagamit sa mga
na ginagamit sa isang partikular na lugar. lalawigan o probinsya.
Mapapansin na ang mga salitang ito ay may
kakaibang tono o bigkas na maaaring
magbigay ng ibang kahulugan dito.

Halimbawa: tanan (Bisaya)-lahat, ambot


(Bisaya)-ewan, ngarud (Ilocano)-nga, malagu
(Kapampangan)-maganda.

Ngayon ikaw naman ang magbigay ng


halimbawa ng salitang lalawiganing alam mo.
Sige .

Magaling! Ito pa ang ilang mga halimbawa Ma’am yung maragul po mula sa mga
ng lalawiganing salita o mga salitang mula sa Kapampangan ibig sabihin po malaki.
isang partikular na lugar na limitadong tao
lamang ang nakauunawa o mga tao lamang na
gumagamit nito ang nakaaalam.
Halimbawa:
Lalawiganin Tagalog/
kahulugan

Pumanaw (Ilocano) Aalis

Maluto (Bikulano) Kanin

Langgam (Cebuano) Ibon

Ungngo (Ilocano) Halik


Bitis (Bikulano) Paa

Naunawaan na ba ang antas ng wikang Opo!


impormal na lalawiganin?

May mga katanungan ba? Wala po!

Mabuti kung ganon, ngayon naman ay


dumako na tayo sa antas ng wikang pormal o
mga salitang pormal.

Ano nga ba ang mga salitang pormal? Ito po yung ginagamit sa mga paaralan o mga
pormal na pagpupulong.
Mahusay! Ang mga salitang pormal o
antas ng wikang pormal ay mga salitang
istandard at karamihan sa mga gumagamit
nito ay ang mga dalubwika o mga nakapag-
aral ng wika. Ito rin ang ginagamit ng mga
manunulat ng aklat at mga nagsusulat ng
balita. Ang mga salitang pormal ay nauuri sa
dalawa.
Ma’am Pambansa po at Pampanitikan.
Kung tunay kang nagsaliksik ay ibigay mo
nga ang dalawang uri nito?

Mahusay! Ngayon sa tulong ng mga


larawan ay tukuyin kung anong antas ng
wikang pormal ito.
(Ipakikita ng guro ang larawan)
Pambansa po.
Batay sa mga larawang inyong nakita anong
uri ng pormal na antas ng wika ito?
Ma’am ito po yung mga salitang makikita sa
Tama! Ngunit ano nga ba ang antas ng diksyunaryo.
wikang pormal na Pambansa?

Magaling! Ang salitang pormal na


Pambansa ay mga salitang matatagpuan sa
mga diksyunaryo, o mga salitang tanggap at
inaprubahan ng KWF. ito rin ang mga wikang
ginagamit sa paaralan at pamahalaan.

Maaari ba kayong magbigay ng halimbawa


ng mga salitang Pambansa o matatagpuan sa
diksyunaryo? Maaari ninyo itong itipa sa ating (Magbibigay ang mga mag-aaral ng
chat box. halimbawang alam nila)

Sige nga , maaari mo bang gamitin (gagamitin ng mag-aaral ang halimbawang


sa isang makabuluhang pangungusap ang binigay nito sa isang pangungusap)
halimbawang iyong ibinigay?

Mahusay! Ngayon ay magbibigay naman


ako ng ilan pang mga halibawa:
Halimbawa: Kapatid, Ina, Aklat, Salapi,
Paaralan, Kabataan

Naunawaan na ba kung ano ang antas ng Opo!


wikang pormal na Pambansa?

May mga katanungan ba? Wala po!

Kung ganon ay dumako na tayo sa susunod


na antas ng wikang pormal muli sa tulong ng
mga larawan ay tukuyin kung anong antas ng
wikang pormal ito.
(Ipakikita ng guro ang larawan)

Batay sa mga larawang inyong nakita anong Pampanitikan po


uri ng pormal na antas ng wika ito?

Ano nga ba ang antas ng wikang pormal na Ma’am yung mga masisining po na salita na
pampanitikan? hindi madaling maunawaan.

Tama! Ang mga salitang pormal na


pampanitikan ay mga salitang hindi madaling
maunawaan na ginagamit ng mga dalubwika
at manunulat, halimbawa sa pagsusulat ng
tula madalas silang gumamit ng mga tayutay,
kasabihan, at kawikaan upang mas bigyang
rikit ang kanilang nilikha at maitago ang
tunay na kahulugan nito upang mapagana ang
isip ng mga mambabasa.

Magbibigay ako ng halimbawa ng mga


salitang pormal na pampanitikan at ibibigay
ninyo ang katumbas nito sa Pambansa.

Handa na ba? Simulan na natin.


(Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na
sasagot)

Halimbawa:
-Maybahay Asawa
-Kaputol ng pusod Kapatid
-Bukas palad Handang tumulong
-Balat-sibuyas Iyakin/ Sensitibo
-Kapit-tuko Mahigpit na kapit
-Ilaw ng tahanan Ina
Magaling! Ngayon ito ang ilan pang mga
halimbawa ng mga salitang pormal na
pampanitikan.
Halimbawa:
-Siya ay animo isang bulaklak sa
ganda.(Tayutay-pagtutulad)
-Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.
(Kasabihan)
-Abot langit ang pagmamahal niya sakin.
(Tayutay-Pagmamalabis)

Naunawa na ba kung ano ang mga salitang Opo!


pormal na pampanitikan?
Wala po!
May mga katanungan ba?

Tingnan natin kung tunay nyo nga bang


naunawaan ang ating talakayan gamitin natin
ang hagdang ito bilang representasyon ng mga
antas ng wika.

Tatawag ako ng mga mag-aaral na sasagot sa Opo!


aking mga katanungan handa na ba?

Anong antas ng wika ang ilalagay natin sa Balbal po


unang baitang?

Mahusay! Ano ba ang kahulugan ng balbal? Mga salitang ginagamit po sa kalye sinsabi po
na ito ang pinakamababang antas ng wika.

Tama! Ang mga salitang balbal ay tinatawag


ding singaw ng panahon dahil bawat panahon
ay may mga bagong salitang umuusbong.

Ngayon sa ikalawang baitang anong antas ng Kolokyal po


wika ang ilalagay natin dito?

Tama! Ano ba ang kahulugan ng kolokyal? Ito po yung lagi nating ginagamit sa
pakikipag-usap.
Magaling! Ang mga salitang kolokyal ay
pagsasama ng dalawang wika o pagpapaikli
ng salita.

Sa ikatlong baitang anong antas ng wika ang Lalawiganin po


dapat nating ilagay dito?

Tama! Ano ba ang lalawiganin? Ito po yung salitang ginagamit ng isang


partikular na lugar.
Mahusay! Ito ay ang mga salitang partikular
na grupo o lugar lamang ang nakauunawa o
yung mga gumagamit lamang nito ang
nakauunawa nito.

Ngayon sa ikaapat na baitang ano ang dapat Ma’am yung Pambansa po


nating ilagay dito?
Tama! Ano naman ang kahulugan nito? Ito po yung mga salitang matatagpuan sa
diksyunaryo
Mahusay! Ito ang mga salitang matatagpuan
sa diksyunaryo at ginagamit sa paaralan,
pamahalaan, at pag-uulat ng balita.

At kita naman na ang nasa pinakataas na


baitang ay ang pampanitikan.

Ano ba ang pampanitikan? Mga masisining na salita po na hindi


madaling maunawaan.

Mahusay! Ito ang mga salitang hindi


madaling maunawaan na ginagamit ng mga
dalubwika o ng mga manunulat upang mas
pagandahin ang kanilang mga sinusulat.

E. Paglalahat

Upang malaman ko kung tunay nga bang


naunawaan ninyo ang ating talakayan ay
sagutin ninyo ang mga sumusunod na tanong:

1. Sa iyong palagay bakit mahalagang Mahalagang pag-aralan ang antas ng wika


pag-aralan ang antas ng wika batay sa batay sa pormalidad nito upang malaman
pormalidad nito? natin ang tamang gamit ng mga salita, kung
kailan, saan, at paano gamitin ang mga ito.

Mahusay! Dahil ang tamang gamit ng mga


salita sa angkop na lugar at okasyon ay
nagsisilbi ring respeto sa iyong kausap. Hindi
naman natin maaaring kausapin ang ating
guro ng “mamshie! Ako na ang mag-
aanswer!” o sa mga seminar na magtatanong
kayo sa taga pagsalita ng “Ssob yan po bang
kwan”. Kaya mahalagang isaisip natin ang
tamang paggamit ng mga salita depende sa
okasyon at lugar.
Pinapadali nito ang ating pakikipag-usap sa
2. Sa iyong palagay ano ang naitutulong iba sa personal man o sa chat at text
ng mga mga salitang balbal at halimbawa po imbis na sabihin pa pong
kolokyal sa ating buhay? hintay ka pwedeng teka na lang po.

Tama! Dahil pinadadali nito ang ating


pakikipag-usap sa iba halimbawa kung
nagmamadali ka sa nais mong sabihin mas
mapapabilis ang iyong pagpapahayag ng
saloobin o damdamin sa pamamagitan ng
pagkaltas ng ilang titik mula sa salita o
paggamit ng ilang balbal na salita. Maaari ka
namang gumamit ng gay lingo, antas ng
wikang pormal na pampanitikan, o
lalawiganin upang hindi maunawaan ng iba
ang inyong pinag-uusapan kung ito ay
personal dahil limitado lamang ang taong
nakaiintindi nito,
ngunit huwag natin itong gamitin upang pag-
usapan ang iba sa masamang paraan o
paggamit nito upang ang mga hindi
magaganda mong sinasabi sa tao ay hindi
niya maunawaan.
F. Paglalapat

Sa kasalukuyang panahon ano ang Ang atin pong wika ay umuunlad at


magandang naidudulot ng mga bagong magandang bagay na isa ang mga kabataan sa
usbong na salita sa ating wika? dahilan ng pag-unlad nito dahil sa patuloy na
pagtangkilik ng ating wika.
Mahusay! Ito lamang ay nagpapatunay na
kasabay ng pagbabago ng panahon ay
umuunlad ang ating wika sa tulong ng mga
kabataang tumatangkilik nito, dahil ito ay
patuloy na nagbabago o dinamiko ito lamang
ay proweba na ang ating wika ay hindi
mapupunta sa pagkamatay dahil nakasasabay
ito sa pagbabago ng panahon.

IV. Ebalwasyon

Upang malaman ko kung tunay nga


bang naunawaan ninyo ang ating talakayan ay
magkakaroon tayo ng isang maikling
pagsusulit.

Ito ay binubuo lamang ng sampung


katanungan. Susuriin nyo lamang ang antas
ng wikang ginamit ng bawat tauhan na nag-
uusap. Ito ay sasagutan ninyo sa loob ng
sampung minuto.

Nauunawaan ba? Opo!

May mga katanungan ba tungkol sa panuto Wala po!


bago magsimula?

Kung ganon ay maaari na kayong magsimula. (Magsisimula na ang mga mag-aaral sa


pagsasagot)
Tapos na ang inyong sampung minuto, kayo
ang magwawasto ng sarili ninyong mga sagot
ngunit huwag ng tangkaing mandaya dahil
hindi ako ang inyong niloloko kung hindi ang
inyong mga sarili. Magsimula na tayo.
(Babanggit ng guro ang sagot).

V. Takdang-aralin

Bago matapos ang ating talakayan para sa


araw na ito ay ibibigay ko na sa inyo ang
inyong takdang-aralin para sa susunod na
araw.

Magsaliksik tungkol sa kaligirang


pangkasaysayan ng alamat. Matapos
magsaliksik ay sagutin ang mga sususunod na
katanungan.
1. Ano ang isang alamat?
2. Sa paanong paraan lumaganap ang mga
alamat?

3. Ano ang nakatulong upang mapanatili ang


alamat bilang isang mahalagang bahagi ng
ating panitikan sa loob ng mahabang
panahon?

(tatawag ang guro ng isang mag-aaral upang


basahin ang kasunduan)

Isulat ang inyong mga sagot sa inyong


kuwaderno sa asignaturang Filipino. Kuhanan
ito ng litrato at ipasa sa ating google
classroom.
Opo!
Naunawaan ba ang inyong takdang-aralin?
Wala po!
May mga katanungan ba?

Bilang pagwawakas ng ating talakayan ay


pamunuan mo ang ating pangwakas na
panalangin . (tatawag ang guro ng
mag-aaral)
Paalam at salamat din po Bb. Rubiano
Paalam at salamat 7-Patience!

Inihanda ni:
Bb. Colline Denise J. Rubiano, Lpt
Ebalwasyon
Maikling Pagsusulit
Panuto: Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang nangyari sa isang
family reunion. Kilalanin at isulat sa linya kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin,
o pormal.

PAMPANITIKAN1.Lola: Ang pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na


nagdulot sa akin ng kaligayahan. (Maluha-luha habang nagsasalita)
KOLOKYAL 2. Jean: Uy, si Lola, emote na emote...
KOLOKYAL 3. Lito: Hayaan mo nga siya, Jean, moment niya ito eh.
LALAWIGANIN 4. Tita Lee: O sige, kakain na tayo. Pakitawag si Manang para tumulong sa
paghahanda ng mesa.
BALBAL 5. Ding: Wow! Ito ang chibog!!! Ang daming putahe...
KOLOKYAL 6. Kris: Oh, so dami. Sira na naman my diet here.
LALAWIGANIN 7. Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin sa
paghahanda.
BALBAL 8. Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong Kano. Dumating siya para
makilala kayong lahat.
PAMPANITIKAN9. Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang na. Kelan ba naman ang pag-
iisang dibdib?
PAMPANITIKAN 10. Lolo: Basta laging tatandaan mga apo, ang pag aasawa'y hindi parang
kaning isusubo na maaaring iluwa kapag napaso.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III- Gitnang Luzon
Sangay ng Bulacan
Engineer Virgilio V. Dionisio Memorial High School
Poblacion, Pulilan, Bulacan
Taong Panuruan 2020-
2021

Inihanda ni:

COLLINE DENISE J. RUBIANO, LPT


Guro sa Filipino

Ika-21 ng Mayo, 2021

You might also like