You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Octobre 28, 2019

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon

I. LAYUNIN:
Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/ awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan (F7PS-IIIa-c-13)

Tiyak na Layunin: Nabibigkas nang may wastong ritmo ang tula/awiting panudyo

II. NILALAMAN

A. Paksa: Mga Akdang Pampanitikan ng Luzon


(tulang panudyo, , tugmang de gulong at palaisipan)
B. Sanggunian: Supplemental Lesson Plan 7 p. 3-5, Mapeh 7 (MU7LU-la-2)
C. Kagamitan: aklat, Sipi ng mga taksto, laptop
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagtsek ng atendans

1. Pangganyak na Tanong
a. Naranasan niyo na bang tuksuhin o manukso?
b. Ilang beses niyo na itong naranasan o ginawa? Isulat ito sa pisara ang simbolo at
salita.
c. Ano ang inyong nararamdaman kung kayo ang tinutukso o nanunukso?

B. Panlinang na Gawain:
- Pangkatang Gawain (Hatiin ang klase sa tatlong pangkat)
- Pangkalahatang panuto: Bigkasin nang may wastong ritmo ang awiting panudyo.
- Sampung minuto ang ilalaan sa pag-eensayo ng bawat pangkat
- Pagtatanghal ng bawat pangkat
-
Pamantayan sa pagtatanghal:

Wastong ritmo ………………….10 pts


Boses/tinig ………………………..5 pts
Aksyon/galaw …………………….5 pts
Kooperasyon …………………5 pts
Kabuuan………………………..25 pts

C. Pagsusuri
1. Batay sa inyong ginawa, ano ang tula/awiting panudyo?
2. Ano katangian ng tula/awiting panudyo?
3. Dapat bang magalit kung ikaw ay tinutukso? Bakit?
D. Paglalahat
1. Bakit kailangang bigkasin nang may wastong ritmo ang tula/awiting panudyo?

E. Paglalapat
Bigkasin nang may wastong ritmo ang tula/awiting panudyo.

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

IV. EBALWASYON (PANGKATAN)

Panuto: Bigkasin nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng Tula/Awiting panudyo.

Chit-Chit-Chit
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto’t Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri parang tandang.

Santo Nino sa pandakan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Pamantayan sa Pagtatanghal:

Wastong ritmo ………………….10%


Boses/tinig ………………………..5%
Aksyon/galaw …………………….5%
Kooperasyon ………………………5%
Kabuuan………………………..25

V. Kasunduan

Ano ang tugmang de gulong, bugtong at palaisipan?

You might also like