You are on page 1of 2

Gingoog City Comprehensive National High School

Banghay Aralin sa Filipino 7


March 6, 2023
Seksyon: Silang

I. MGA LAYUNIN
Pakatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naipapaliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng Bulong tungkol sa
kabisayaan.
B. Naibabahagi ang mga Ideya, damdaming nakapaloob sa napanood na Bulong.
C. Nakabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na
sumasalamin sa tradisyon ng mga taga Bisaya F7PB-IIa-b-7

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Bulong (Pahina 207)
B. Sanggunian: Modyul sa Filipino 7 (Ikatlong markahan)
C. Kagamitan: PPT, Laptop, IM’s
D. Estratehiya: Pangkatang gawain, Mga katungan,
E. Integrasyon sa ibang asignatura: Esp, Math, Science, AP

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsek ng attendance
3. Pagkuha ng takdang- Aralin
4. Pagpapaalala ng mga kasunduan
5. Pagbabalik-Aral

B. Pangganyak: (LAST MAN STANDING)


Papangkatin ng guro ang mag-aaral sa tatlong pangkat. Pagkatapos ang guro ay magpapakita ng
mga makabuluhang larawang may kaugnayan sa paksang tatalakayin sa pamamagitan ng LAST
MAN STANDING. Ang bawat pangkat ay magpapaunahan sapag tayo at kung sino yung huling
makakatayo ay siyang magbabahagi kung ano ang kanyang sariling ekspresyon sa mga larawang
ito:

C. Presentasyon
Ang guro ay magpapanood ng isang video patungkol sa paksang tatalakayin upang ang mga mag-
aaral ay magkaroon ng ideya sa paksang tatalayin.
Talakayan
Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng Bulong pagkatapos ay magbibigay ng mga halimbawa.
Bigyang paglilinaw o pagpapaliwanag ng guro ang bawat halimbawa ng Bulong na babanggitin ng
guro.

D. Pangkatang Gawain (Talento at Kaalamang nakuha mo Ibida Mo!)


Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay magkakaroon ng
presentasyong hingil sa paksang tinalakay.

Unang pangkat: Gagawa ng Spoken Poetry na naglalahad ng paglilinaw sa mga bulong.


Pangalawang pangkat: Gagawa ng maikling pagsasadula patungkol sa mga bulong.
Pangatlong pangkat: Sumulat ng isang Slogan pangkol sa nakuhang aral sa paksa.
Pangkat apat: Gagawa ng isang maikling awit patungkol sa mga bulong.

Pamantayan
Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Marka
10 8 5
Pagkamalikhain Malikhain at Kawili-wili Katamtaman ang kawilihan ng Hindi kawili-wili
ang presentasyon na presentasyon ang naging
Ginawa presentasyon
Nilalaman Ang pinakitang Hindi masyadong akma sa Malayong-malayo
presentasyon ay akma hinihingi ang ginawang ang presentasyon
presentasyon na ginawa
Koopersyon Lahat ng miyembro ay May dalawang miyembro na Maraming
aktibong nakilahok hindi nakilahok sagawain miyembro ang hindi
nakilahok sa gawain
Kabuuang
puntos

E. Paglalahat (Mga pagpapahalaga)


Tatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang alamin ang mga pagpapahalagang kanilang
natutunan.

Bakit kailangan nating bigyang pagpapahalaga ang ating mga salitang Bulong?

IV. PAGTATAYA (Kalahating bahagi ng papel)


 Magbigay ng dalawang alam na Bulong at ipaliwanag ang bawat isa nito.

V. Kasunduan (Isulat sa isang buong papel)


 Kailangan ba nating panatilihin ang mga Bulong sa makabagong Henerasyon? Ipiliwanag
ito sa loob lamang ng limang pangungusap.

Inihanda ni:
Cago, Rodney E.

You might also like