You are on page 1of 15

GUIDE CARD

MOOG NG PANANAGUMPAY

Kasanayang
PAKSA
Pampagkatuto

F8PT-Id-f-20

Naibibigay ang Mga Talasalitaan


kahulugan ng sa Alamat ng
Kasoy at Alamat
matalinghagang
ng Mina ng Ginto
pahayag sa
alamat

May mga Alituntunin na


Upang ikaw ay
da dapat sundin at gawin
makapagsimula sa bawat
upang ikay makarating
bahagi ng iyong
bahagi ng iyong pakikipag
pakikipagsapalaran na
sapalaran sa pagkamit ng
mapagtagumpayan mo
kasanayan sa pagkatutu
ang mga kinakaharap na
na kung saan ang ng
pagsasanay kinakailangan
panagumpay ay masarap
malan mo ang bawat
hagkan kung iyong
alituntunin sa bawat
pinagsumikapan,
bahagi. Kailangan mo ng
painaghirapan at higit sa
sandata ng ipagkakaloob
lahat ikaw ay nagpakita
sa iyo ng iyong mga
ng kahusayan sa
magulang at kaibigan
pagharap sa bawat
upang malampasan mo
pagsasanay na inihanada
ang mga inihandang
ng iyong guro na may
pagsasanay o mga
tagubiling magiging
pagsubok hinggil sa
gabay mo ang iyong mga
pagpapalawak ng iyong
magulang sa bawat
mga Talasalitaan sa mga
pagsasanay
akdang babasahin.
GUIDE CARD
Mga panuntunan at Gabay

Narito ang ilang mga paaalala at mga gabay


sa iyong pagharap sa moog ng
pakikipagsapalaran patungo sa
pananagumpay. May Limang sandata na dapat
mong tangan at harapin sa Moog na may
taglay na iba’t ibang Gawain.

Unang Bahagi : Mga Panuntunan sa loob ng Moog

Ikalawang Bahagi: Mga Pagsubok na Tatahakin

Ikatlong Bahagi: Pagpapalawak ng iyong kaalaman


sa moog ng pakikipagsapalaran

Ikaapat na Bahagi: Pagtatasa ng iyong kakayahan


tungo sa moog ng pananagumpay

Ikalimang Bahagi: Moog na Pananagumpay at


Pagkilala
ACTIVITY
CARD Mga Paghahanda sa
Pagsubok …

Bigyan mo ng pansin ang mga


matatalinhagang salita na mababasa mo sa mga
inihandang babasahin. Sa bating pagbabasa may
mga salita o pahayag na mahirap unawain sapagkat
ito ay may malalim na kahulugan na iyong bibigyan
ng kahulugan upang lalo mong maunawaan ang
iyong binabasa.

Pakinggan ang kaalaman hinggil sa kahulugan at kahalagahan ng Talasalitaan…

Ang Matatalinhagang
salita o pahayag ay may Ito ay isa sa mga
malain na pakahulugan ginagamit na paraan
batay sa pagkakagamit sa upang mas lalo pang
pangungusap o magkaroon ng mabisang
pagpapahayag, pakikipagtalastasan. Kahit
ang tao ay marunong
Ito ay ang mga magbasa dapat ay
ekspresyongmay malalim na marunong din siyang
salita o na may di tiyak na umunawa ng kanyang
kahulugan. binasa upang lubos niyang
Sinasalamin nito ang maintindihan ang kanyang
kagandahan at binabasa.
pagkamalikhain ng Wikang
Filipino.
Ang mga
Ito ay nakakapaghubog matatalinghagang pahayag
sa mga intelektwal ng isang ay maaaring nasa anyo ng
tao. Mas binibigyang sawikain o idyoma,
kahusayan ng mga pahayag kasabihan o salawikain
na ito ang mga akda
.
GAWAIN 1 PANUTO: Tukuyin ang mga matatalinhagang salita na karaniwang
may kaugnayan sa babasahing akda.

B T A A D I A T

G N O G
L T

PANUTO: Tukuyin ang mga matatalinhagang salita na hango sa iba’t


GAWAIN 2 ibang alamat. Salungguhitan ang mga napiling matalinhagang salita.

1. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang mapalad na


Makaka-isang dibdib ng kanyang anak.
2. Iniangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito’y itinurong pababa. Sa isang
kisap-mata ay nalalang ang mundo.
3. Sumigaw nang malakas si Perla ang kanyang kapittukong kapatid “Paro!
1.
Paro!,” marami ang nakaulinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo
silang nakita.
4. Pinarusahan ng mga diwata ang mga ito na manatili sa putikang iyon at doon
manirahan.
5. Urong sulong so Maria sa paglapit sa pinto at sa huli ay tumakbo siya
papalayo nagulat ang kanyang ama dahil may nakita siyang isang maliit na
halaman na mabilis na tumitiklop ang mga dahon nito.

ACTIVITY
Mga Pagsubok na Tinatahak… CARD
ASSESSMENT
CARD Pakinggan ang babasahing alamat ni Tatay…

Kung Bakit Nasa Ilalim ng Lupa ang Ginto


Isang Alamat mula sa Lungsod ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk,


naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si
Kunto ay bata pa ngunit siya angpinakamalakas at
pinakamatapang sa kanilang nayon kaya’t siya ang
ginawang puno ng matatandang pantas.

Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay


nang tahimik. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa
kanilang bathala. Taon-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang
parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang
mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.

Kung nagdaraos sila ng cañao ay naghahanda sila


linggo-linggo. Pumapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang
bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.

Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang


mangaso. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya
ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kaniyang
tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap
ngunit ang ibong ito ay kakaiba.

Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag


sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na
lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.

Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang


tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto.
Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng
takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang
nakita.

Hindi na niya ipinagpatuloy ang kaniyang pangangaso.


Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang
pantas. Sabi ng isang matanda,“Marahil ang ibong iyon ay ang
sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin nadapat tayong
magdaos ng cañao.”

“Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng cañao,”


ang pasiya ni Kunto.
Ipagpapatuloy ni Nanay ang pagbabasa…

Alamat ng Mina ng Ginto…

Ipinagbigay-alam sa lahat ang cañao na gagawin. Lahat ng


mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa
isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda
ng masasarap na pagkain.

Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli


ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang
bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa
kanila.

Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng


bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita
nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang
lalaki! Ang mukha ay kulay-lupa na sa katandaan at halos hindi
na siya makaupo sa kahinaan. Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki
angmga mata sa kanilang nakita. Natakot sila.

Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika ng


ganito: “Mga anak,magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil
sa kayo’y mabuti at may loobsa inyong bathala, gagantimpalaan
ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng
aking ipagbilin.”

“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito


sa aking tabi.Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking
palayok. Ipagpatuloyninyo ang inyong cañao. Pagkalipas ng
tatlong araw, bumalik kayo rito sapook na ito.

Makikita ninyo ang isang punongkahoy, na kahit minsan


sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita
magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga ay maaari
ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin.
Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”

Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.


Ipinagpatuloy nilaang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw,
ASSESSMENT bumalik sila sa pook napinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang
CARD palayok at gaya ng sinabi ngmatanda, nakita nila ang isang
punongkahoy na maliit. Kumikislap ito saliwanag ng araw—lantay
na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitangdahon.
ASSESSMENT
CARD
Pakinggan muli ang huling bahagi ng alamat ni Tatay…

Alamat ng Mina ng Ginto…

Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto


ang kauna-unahang lumapit sa punongkahoy at pumitas ng
isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng
kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao.Bawat isa ay
pumitas ng dahon.

Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga


taga-Suyuk. Ang datinilang matahimik na pamumuhay ay
napalitan ng pag-iimbutan at inggitan.Ang punongkahoy naman
ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulonito’y hindi na
maabot ng tingin ng mga tao.

Isang araw, sabi ng isang mamamayan, “Kay taas-


taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng
punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulinn na natin ang mga
sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba
ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at
binungkal ang lupa upang umuwag ang mga ugat. Nang
malapit nang mabuwal ang punongkahoy ay kumidlat nang
ubod-talim. Kumulog nang ubod-lakas at parang pinagsaklob
ang lupa at langit.

Nabuwal ang punongkahoy. Nayanig ang lupa at


bumuka sa lugar nakinabagsakan ng puno. Isang tinig ang
narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong
kabutihan: ang punong-ginto, upang maging mariwasa ang
inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan,
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo
sinunod ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang
puno. Sa tuwi-tuwina ay inyongnanaisin ang gintong iyan.”

At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao


sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula
nga noon, nakukuha lamang ang ginto sa pamamagitan ng
paghukay sa lupa.
ASSESSMENT
CARD Pagpapalawak ng iyong kaalaman sa moog ng
pakikihamok…

Nagustuhan mo ba ang iyong napakinggang


Alamat?
Tandaaan mo ang iyong binasang alamat
may ginamit na mga matatalinhagang salita
upang maging masining ang pakakasalaysay ng
pinagmulan ng Mina ng Ginto. Humanda ka sa
mga inihandang pagsasanay.

GAWAIN 1 PANUTO: Piliin kaugnay na salita mula sa isinasaad na


kahulugan
ng larawan.

a. palamuti g. pag-alay m. metal


b, pagsamba h. ritwal n. paghiling sa anito
c. kayamanan i. cañao o. pagluwalhati
d. yamang mineral j. paghandog p. pambayad
e. yamang ispirituwal k. kumikinang q. pagsayaw
f. salot l. paghirang r. kasalanan
PANUTO: Piliin ang kahulugan ng mga salitang may
GAWAIN 2 nakitim batay sa pagkakagamit nito sa pahayag.

HANAY A
HANAY B

__________ 1. Si Kunto ang pinakamalakas at


pinakamatapang sa kanilang nayon
kaya’t siya ang ginawang puno ng a. pagdiriwang
mga matatandang pantas.
b. tagapayo
________ 2. Taon-taon ay nagdaraos sila ng
canao bilang parangal sa kanilang c. ipinadala
mga anito.
d. nakita
________ 3. Nakatayo ito sa isang landas na
e. nilalakad
kaniyang tinutunton.
________ 4. Bagamat siya’y malakas at f. binalot
matapang, sinagilahan siya ng takot.
________ 5. Marahil ang ibong iyon ay ang sugo
ng ating bathala.

GAWAIN 3 PANUTO: Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng


pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa
akda.
.
1. Naging mariwasa ang taga Suyuk nang makita nila na ang puno ay may ginto
Kahulugan_____________________________________________________
2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kahulugan - __________________________________________________
3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala.
Kahulugan_____________________________________________________
4. Namayani ang pag-iimbot sa mga taga Suyuk kaya ibinaon sa lupa ang ginto.
Kahulugan - ___________________________________________________
5. Namalas ng Bathala ang pagiging gahaman at sakim ang mamamayan ng Suyuk
Kahulugan _____________________________________________________
ENRICHMENT
CARD
Karagdagang Kaalaman sa Pagharap
sa Moog ng Pakikihamok…

Pakinggan ang babasahing alamat ni Tatay…

ALAMAT NG BUTO NG KASOY


URL: http://www.gintongaral.com/mga-alamat/alamat-ng-buto-ng-
kasoy/

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang


abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat
madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot
nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang
kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang
lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga


ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at
kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya.
Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga
Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo.
Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang
Dalanghita, ni Saging ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-


masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy
ang lungkut na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto


ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita
ang katuwaan.”

Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”

“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na


kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na
tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan.
Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi
nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na
Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa
pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito.”
Ipagpapatuloy ni Nanay ang pagbabasa…

Alamat ng Buto ng Kasoy…

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada.


Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap
ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto.”

Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang


sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at
halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng


mga Kuliglig ay sumaliw sa awit ng mga Maya. Sa tuwa ng
Elepante ay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay
din sa pagimbay ang mahagway na Kawayan kasama ang
Pagong na nagbababa at nagtataas ng bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang


kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng
pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.

Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid.


Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat.
Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga
kuweba. Mahigpit namang ikinabit ng mga halaman ang mga
ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan.


Takot at kinakaliglig sa lamig ang Buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang


ginaw. Mabibingi ka sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka
pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing Buto ng Kasoy. Bilang


panghabambuhay na parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa
labas ng Kasoy ang abuhing Buto nito.
ENRICHMENT
CARD
Iyan ang Alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong Buto.
ENRICHMENT
Panuto: Isulat ang kasingkahulugan ng mga CARD
matatalinhagang salita sa bawat bilang batay sa
GAWAIN 1
pagkagamnit sa pangungusap .

______________ 1. NAANTIG ang puso ng butihing Ada sa hinaing ng buto ng kasoy


_____________ 2. HUDYAT ng pamamahinga ang pagwasiwas ng pananglaw ng Ada
_____________ 3. MAGDARAOS ng kasiyahan ng butihing Ada noong gabing iyon
_____________ 4. Ang tunog ng ibang mga hayop ay SUMASALIW sa huni ng mga ibon
______________ 5. NAGSUMAMO ang buto ng kasoy na siya ay ibalik sa loob ng prutas

GAWAIN 2 PANUTO: Gamitin sa sariling pangungusap ang mga talinhagang


Salita

1. Magdaraos 2. Sumasaliw 3. Hudyat

__________________________ __________________________ __________________________


__________________________ __________________________ __________________________
__________________________ __________________________ __________________________
__________________________ __________________________ __________________________
__________________________ __________________________ __________________________
__________________________ __________________________ __________________________
__________________________ 4. Naantig
__________________________
5. Nagsumamo
__________________________
__________________________ __________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
ENRICHMENT
CARD

PANUTO: Sumulat ng sariling pagsasalay sa bawat larawan na


may kaugnayan sa binasang alamat. Gumamit ng
Matatalinhagang salita

GAWAIN 3

1.
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

2. ___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

3.
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
REFERENCE
CARD

Moog ng Pananagumpay…

Nawa’y magamit mo ang iyong natutuhan


sa mga pagsubok na iyong pinagdaanan
sa mga sitwasyong di inaasahan sa
kasalukuyan kailangan mo ng tatag ng loob
at determinasyon sa paghaharap sa buhay.

Narito ang mga SANGGUNIAN na kinuhanan


ng mga kaalaman, mga larawan at mga
grapiko…
K + 12 Gabay Pangkurikulum Filipino 8 –MAY
2016
Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral
sa Baitang 8 Deped Manual
https://buklat.blogspot.com/search/label/Mga%2
0Alamat%20ng%20Hayop?&max-results=7
https://friendlystock.com/product/family-
wearing-surgical-face-masks/
https://www.scribd.com/doc/315772750/Kahuluga
n-Ng-Matalinghagang-Salita

https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-
matalinghagang-pahayag
http://pre04.deviantart.net/9a3f/th/pre/i/2015/115/9/7/bathala___th
e_supreme_god_by_trixdraws-d4tk9nr.jpg
\
https://morrighansmuse.files.wordpress.com/2014/04/heritagearts
center-com.jpg?w=660

Isinulat ni : IRENE M. YUTUC MT-1 Filipino


https://www.scribd.com/doc/315772750/Kahulugan-Ng-Matalinghagang-Salita

https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-matalinghagang-pahayag
http://pre04.deviantart.net/9a3f/th/pre/i/2015/115/9/7/bathala___the_supreme_god_by_trixdraws-d4tk9nr.jpg
\
https://morrighansmuse.files.wordpress.com/2014/04/heritageartscenter-com.jpg?w=660

You might also like