You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 8

Naipamalas ng mag-aaral ang akayahang komunikatibo,


PAMANTAYAN NG
mapanuring pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang
PROGRAMA
pampanitikan gamit ang teknolohiya.

I. LAYUNIN
DOMAIN KASANAYANG PAMPAGKATUTO
PAG-UNAWA SA Naipapaliwanag ang mga kaisipan: kaisipan, layunin at
BINASA paksang natalakay.
PAGLINANG NG Nabibigyang kahuluganang mga salita batay sa
TALASALITAAN pagkakagamit sa bugtong.
PANONOOD Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw sa paraan ng
paglalahad ng nagsasalita.
PAGSASALITA Naipapahayag ang sariling opinyon o pananaw tungkol sa
napapanahong isyu.
PAGSULAT Nakasusulat ng talatang naglalahad ng sariling opinyon o
pananaw sanapapanahong isyu o paksa.

II. PAKSANG ARALIN

PAKSA: Anyo ng Kontemporaryong Panitikan – Pahayagang Tabloid


KAGAMITAN: Laptop, Powerpoint Presentation,
SANGGUNIAN: Panitikang Filipino 8 pp. 128-131

III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

Magandang umaga klas. Magandang umaga rin po Bb. Cruz.

Maaari na kayong umupo. Maraming salamat po.

Bago natin simulan ang ating bagong


talakayan, may inihanda akong Gawain
para sa inyo.
Bago riyan, papangkatin ko muna kayo ng
lima.
Ang mga nakaupo sa una at pangalawang
hilera sa aking kanan ay ang grupong Yehey!
BALITA, ang mga nakaupo sa pangatlo at
pang-apat na hilera ay ang grupong
TSISMIS, ang mga nakaupo naman sa
una at pangalawang hilera sa aking kaliwa
ay ang grupong ISPORTS, ang mga nasa
pangatlo at pang-apat na hilera ay ang
grupong LITERATURA, at ang nasa
hilerang likod ay ang grupong
PALAISIPAN.

Pakibasa nga ang panuto Roger. Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng mga
bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat ang
mga letra ng iyong sagot sa mga kahon
upang mabuo ang crossword puzzle.
Gawin lamang ito ng sampung minute.

Maraming salamat.
Handa na ba ang lahat? Opo ma’am.

Kung gayon, ang oras ninyo ay


magsisimula na.
(Sumasagot sa crossword puzzle)
Tapos na ang sampung minute klas,
magpalitan na ng papel sa kabilang grupo
at atin nang alamin ang inyong mga sagot.

(Ipapakita sa t.v. ang crossword puzzle na (Nagtsetsek ng sagot)


sasagutin)

Klas, basahin nga ang unang bugtong. 1. Pinipilahan ng mga manonood, sa


pinilakang tabing ito’y itinatampok!

Ano ang sagot? Pelikula ma’am.

Magaling, ang susunod na bugtong ay… 2. Kahong puno ng makukulay na


larawan at usapan ng mga tauhan,
tunay na kinagigiliwan ng kabataan!

Ano ang sagot? Komiks ma’am.

Tama, pakibasa ang pangatlong bugtong. 3. Ako ay itinuturing na pang masang


pahayagan.

Ano ang sagot? Tabloid ma’am.


Mahusay, ang pang-apat pakibasa nga. 4. Sa isang click lang mundong ito’y
mapapasok na para mag-FB, twitter
o magsaliksik pa.

Ano ang sagot? Internet ma’am.

Magaling,pakibasa ang susunod na 5. Musika’t balitaay mapapakinggan


bugtong. na. Sa isang galaw lamang ng
pihitan, may FM at AM pa!

Ano ang sagot? Radyo ma’am.

Tama,ang pang-anim na bugtong ay… 6. Kuadradong electronikong


kagamitan, tampok ay iba’t ibang
palabas na kinaaliwan!

Ano ang sagot? Telebisyon ma’am.

Magaling, at ang pang huli pakibasa nga. 7. Pabala’t nito’y may larawan pang
sikat na artista.Nilalama’y mga
artikulong tumatalakay sa iba’t
ibang paksa.

Ano ang sagot? Magasin ma’am.

Mahusay!

Mukhang handa na kayo para sa ating


aralin. Bago riyan, may isa pa akong
bugtong na ipasasagot. Ang makakasagot
nito ay may karagdagang limang puntos
sa susunod na pagsusulit. Yehey!

Handa na ba kayo klas? Opo ma’am.

Ang bugtong na ito ay,”Maliit na diyaryong


inilalako sa daan: balita, tsismis,at iba pa
ang laman.”
Sino ang makakasagot? (Nagtaasan ng mga kamay)

Subukin mo Katrina. Tabloid ma’am.


Tumpak! Bigyan natin siya ng limang
palakpak. (Pak,pak, pak, pak, pak)

B. LINANGIN

Ngayon klas, ano ang ating paksa sa araw


na ito? Subukin mo nga Jestony. Tungkol po sa pahayagang tabloid ma’am.

Tama. Ano nga ba ang tabloid klas?


Basahin mo nga Maricel. Tabloid. Maliit at abot-kaya umpara sa
isang broadsheet. Sapagkat mas maliit
ang espasyo ng tabloid, mas maliit din ang
inaasahang pangkonteksto sa mga balita.
May puntong naisasantabi na ang mga
pambansang isyu. Sa kaunting espasyong
ito, nagkakasya ang maraming
sambahayan para sa balita at
impormasyon. Higit na binibigyang pokus
ng mga tabloid ang mga police stories at
mga kwentong ikamamangha ng mga
mambabasa kumpara sa pambansang
isyung inilalatag ngmga broadsheet. Sa
anyo ng balita hanggang sa paggamit ng
termino, pumapasok ang isyu ng tama o
mali.

Maraming salamat. Naintindihan ba klas? Opo ma’am.

Batid kong naunawaan na ng lahat. Kung


gayon ay mayroon akong ibibigay na
babasahin ninyo tungkol sa Tabloid.
Basahin ng tahimik.

(Ibibigay ang babasahin) (Magbabasa ng tahimik)

Nabasa niyo na ba klas? Hindi pa ma’am.

Ipagpatuloy ang pagbabasa.

Tapos na ba klas? Opo ma’am.

Ngayon batid kong masasagot ninyo ang


aking inihandang mga tanong.

Ang unang tanong, pakibasa at pakisagot 1. Bakit itinuturing na pangmasa ang


nga Carla. pahayagang tabloid?
- Itinuturing itong pangmasa dahil ito
ay nakasulat sa tagalog.

Magaling! Dumako naman tayo sa 2. Sa iyong nabasa, anong pamagat


ikalawang katanungan. Subukin mo nga ng tabloid ang nagtataguyod ng
Loren. alternatibong pamamahayag?
- PINAS po ma’am.

Tama, at ang panghuling katanungan, 3. Ito ay tawag sa uri ng tabloid na


subukin mo nga Elaiza. sagad sa kalaswaan?
- Smut tabloid po ma’am.
Tumpak!

C. PAGPAPAYAMAN

Ngayon manonood naman kayo ng isang (Manood ng bidyo)


bidyo.

(Ipapanood sa klase ang bidyo tungkol sa


isyung same sex marriage na binitawang
salita ni Manny Pacquiao)

Para sa panghuling Gawain, sa dating (Gagawa ng isang headline)


mgagrupo, gumawang headline mula sa
napanood na bidyo. Ang gawaing ito ay
tatapusin sa loob ng tatlong minute. Ang
oras ay mag-uumpisa na.

Natapos na ang tatlong minute, maari na (Magbabasa ng nagawang headline ang


ninyong ibahagi sa klase ang nagawang bawat grupo)
headline ng bawat grupo. Umpisahan natin
sa grupong BALITA, sa grupong TSISMIS,
sa grupong ISPORTS, sa grupong
LITERATURA, at ang grupong
PALAISIPAN.

Mahusay ang lahat.


D. PAGTATAYA

Bago ko iwan ang inyong takdang-aralin (Sasagutin ang pagsusulit)


ay magkakaroon muna kayo ng maikling
pagsusulit. Maglabas ng isang kapat na
papel at alamin kung ang pahayag ay
TAMA o MALI.

Tapos na ba klas? Opo ma’am.

Maari na kayong magpalitan ng papel sa (Magpapalitan)


inyong katabi.

Ito ang mga kasagutan sa mga (Magtsetsek)


katanungan.

(Ipakita ang mga sagot)

Pakipasa na ang mga papel. (Magpapasa)

E. TAKDANG-ARALIN

Para sa inyong takdang-aralin. Kumuha ng


isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at
suriin ang mga bahagi o pahina nito. Sa
pagsusuri, magiging pangunahing bagay
kung bakit inilagay ang bahaging iyon at
kung ano ang inaasahan nitong
mambabasa.
Pangalan ng tabloid:
Petsa ng pagkakalathala:
Bahagi Deskripsyon Pagsusuri

Iyan lamang para sa araw na ito. Paalam!

Paalam din po ma’am.

You might also like