You are on page 1of 7

TAGOLOAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Baluarte, Tagoloan, Misamis Oriental


Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8
Ika-25 ng Abril taong 2022
10: 45 am – 11: 45 am
Inihanda ni: Ruby A. Nepaya

I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras, 98% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nailalahad ang talambuhay ni Francisco Balagtas;
B. Nakasusulat ng isang talata na naglalaman ng mungkahi kung paano makapagtapos ng
pag-aaral ang isang batang mahirap; at
C. Napahahalagahan ang talambuhay ni Francisco Balagtas.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Talambuhay ni Francisco Balagtas
B. Sanggunian: Grade 8 Filipino Modyul (Ikaapat na Markahan)
C. Kagamitan: Makukulay na papel, Mga larawan, Aklat, Handouts, at Bluetooth Speaker

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Paunang Gawain
-Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

Bb. Joyce, maari mo bang pangunahan ang Sa ngalan ng Ama ng Anak ng Espiritu
panalangin. Santo, Amen.

-Pagbati
Magandang araw sa lahat! Magandang araw din po Ma’am!

Kumusta na ba kayo? Mabuti po Ma’am.

Natutuwa akong marinig iyan dahil kayo ay


nasa mabuting kalagayan.

-Pagsisiayos ng upuan (isasaayos ang mga upuan at pupulutin ang


Bago kayo umupo nais kong isaayos niyo mga kalat sa sahig)
muna ang hanay ng inyong mga upuan at
pulutin ang mga kalat sa sahig.
Maraming salamat po Ma’am.
Maaari na kayong umupo.

-Pagtatala ng liban sa klase


Kapag tinawag ko ang iyong pangalan itaas
ang kanang kamay at sabihin ng narito po.
Narito po.
Bernat, Joyce.

-Pagbabalik-Aral Opo Ma’am.


Klas, natatandaan niyo ba ang huling paksa
sa inyong modyul?
Ang huling paksa po na aking nasagutan sa
Ginoong Ritchie, maari mo bang sabihin modyul Ma’am ay tungkol sa
kung anong huling paksa ang iyong Komunikatibong Pahayag.
nasagutan sa module.
Mahusay!
Isa, dalawa, tatlo, isa dalawa, tatlo, todo
Bigyan natin ng Rufa Mae Clap! na’to!

B. Pagganyak
Klas, nangangailangan ako ng dalawang
mag-aaral upang buuin ang puzzle at idikit
ito sa pisara. Kapag tapos ng buuin ang
puzzle ay sabihin ang pangalan na
mababasa sa larawan. Ang unang
makabubuo ay siyang panalo at
makakatanggap ng isang gantimpala. Opo Ma’am.
Maliwanag po ba?

Pagbilang ko ng tatlo, saka kayo mag-


uumpisa. (mag-uumpisa ng buuin ang puzzle)
1, 2, 3!

Francisco Balagtas

Francisco Balagtas!

Ang unang nakabuo ng puzzle ay si Bb.


Joyce. (palakpak)

Bigyan natin siya ng Barangay Clap! Siya po si Francisco Balagtas.

Klas, batay sa nabuo ninyong larawan, sino


ang taong iyan?

Magaling! Ang paksang tatalakayin natin ay tungkol


po sa buhay ni Francisco Balagtas.
Sa tingin ninyo ano kaya ang tatalakayin
natin ngayong araw?

Tama!

C. Paghawan ng Sagabal
Sabay-sabay nating basahin ang kahulugan Kulang
ng bawat salita. Nailimbag
1. Salat Pinagplanuhan at ineensayo bago isagawa
2. Nailathala
3. Ekstemporanyo

D. Paglalahad
Klas, ang paksang tatalakayin natin ay ang
Talambuhay ni Francisco Balagtas.

E. Pagtatalakay
Klas, pinadalhan tayo ng liham ni Francisco
Balagtas.
Nais kong makinig kayo nang mabuti sa
ating Bluetooth speaker dahil dito natin Opo Ma’am.
matutunghayan ang kaniyang talambuhay.
(makikinig ang mga mag-aaral sa bluetooth
Handa na bang makinig ang lahat? speaker tungkol sa talambuhay ni Francisco
Balagtas)
Sige klas, simulan na natin.
(Dear Grade 8,
Tawagin niyo lang ako sa aking palayaw na
Kiko. Ang aking tunay na pangalan ay
Francisco Balagtas. Isinilang ako noong
ika-2 ng Abril, taong 1788. Ang aking mga
magulang ay sina Juana Dela Cruz na
isang maybahay at Juan Balagtas na isang
panday. Nakatira ako sa Barrio, Panginay,
Bigaa Bulacan. Ako ang bunso sa aming
apat na magkakapatid na sina Felipe,
Concha, at Nicholasa.)

Si Kiko po Ma’am.

Klas, batay sa inyong narinig, sino ang


nagpadala ng liham? Ang kaniyang tunay na pangalan ay
Francisco Balagtas.
Ano ang kaniyang tunay na pangalan?

Magaling! Sa Panginay, Bigaa, Bulacan po Ma’am.

Saan siya nakatira? Ang trabaho po ng ama ni Kiko ay isang


panday.
Ano naman trabaho ng ama ni Kiko?

Tama!

Klas, siya si Francisco Balagtas isang


Prinsipe ng Manunulang Tagalog at ang
may-akda ng Florante at Laura. Noong ika-2 ng Abril taong 1788 po Ma’am.

Kailan nga siya isinilang?

Tama!

Kung ating susumahin klas ang edad ni Ako po Ma’am.


Balagtas ngayon, ilang taon na kaya siya?

Sino ang nais pumunta dito sa harapan at 2022


mag- solve sa pisara? - 1788
234
Sige ikaw nga Bb. Rufa.

Magaling! Dahil diyan makatatanggap ka ng (Mahirap ang aking kinalakihang pamilya


isang gantimpala. ngunit kahit salat man kami sa pera hindi
hadlang iyon para makapag-aral upang
Ipagpatuloy natin ang kwento. makamit ang pangarap ko sa buhay.)
Ang katayuan po sa buhay ng pamilyang
Balagtas ay mahirap po Ma’am.
Klas, ano ang katayuan sa buhay ng
pamilyang Balagtas?

Magaling! Pinag-aral pa rin po si Kiko kahit mahirap


sila.
Pero ano ang ginawa ng pamilya ni Kiko?

Tama! Pinatunayan iyan ni Kiko na hindi


hadlang ang kahirapan para magpatuloy
tayo sa ating pangarap sa buhay. (Nag-aral ako sa isang parochial school sa
Bigaa, Bulacan kung saan pinag-aralan ko
Ipagpatuloy natin ang kwento. ang panalangin, katekismo, Doctrina
Christiana, Kartilya at Misterio.)

Nag-aral po si Kiko sa isang parochial


school Ma’am.
Saan nag-aral si Kiko klas?

Ang parochial school ay isang pribadong


paaralan na sinusuportahan ng isang
partikular na simbahan o parokya. Ang St. Mary’s Academy of Tagoloan o
SMAT po Ma’am.
Dito sa Tagoloan, ano kaya ang parochial
school na ating matutunghayan?

Magaling!

Klas, balikan natin ang ating kasaysayan,


noong unang panahon, ang mga paring
Kastila ang pumipili ng mga guro para sa
mga batang lalaki at babae upang
masubaybayan nila ang itinuturo na mga 333 na taon po Ma’am.
bagay-bagay sa mga bata.

Ilang taon nga tayo sinakop ng mga


Kastila?
(Kalaunan, natapos ko na ang aking
Tama! sekondarya ngunit ako’y nag-aalala kung
makakapasok pa ba ako sa kolehiyo.
Ipagpatuloy natin ang kaniyang kwento. Naghanap ako ng paraan upang
ipagpatuloy ang aking pag-aaral sa awa ng
Diyos ako ay namasukan bilang houseboy
sa pamilyang Trinidad sa Tondo, Manila.)

Namasukan po siya bilang houseboy


Ma’am.
Klas, ano ang ginawa ni Kiko para
makapag-aral siya? Sa pamilyang Trinidad po Ma’am sa Tondo,
Manila.
Saan siya namasukan?

Mahusay!
Di ba klas, mapamaraan itong si Kiko kahit
na mahirap sila, gumawa siya ng paraan
para makapag-aral ng kolehiyo dahil nais
niya talagang magtagumpay sa buhay.

Sina Padre Mariano Pilapil at Jose dela


Cruz o Huseng Sisiw ang kaniyang naging (Noong 1835, natagpuan ko si Maria
guro. Asuncion Rivera nang lumipat kami sa
Pandacan. Siya ang aking pinakamamahal
Ipagpatuloy natin ang kaniyang kwento. ngunit tila hindi sang-ayon ang tadhana sa
aming pag-iibigan dahil naging karibal ko si
Mariano Kapule na nagpakulong sa akin
nang walang dahilan.)

Dahil po siguro sa selos Ma’am.

Bakit kaya ipinakulong si Kiko nang walang


dahilan?

Tama! Dahil nais maangkin ni Mariano


Kapule si Maria Asuncion Rivera kaya kung
anu-ano ang ibinibintang kay Kiko at (Taong 1838, napalaya ako at nailathala ko
hanggang sa tuluyang nabilanggo nga si na rin ang Florante at Laura noong
Kiko. panahong iyon.)

Florante at Laura po Ma’am.

(Naging maganda ang takbo ng aking


Ano ang kaniyang nailathala klas? buhay dahil ako ay naging katulong sa
Katarungan ng Kapayapaan nang lumipat
ako sa Balanga, Bataan noong 1842.
Pagkatapos ng 16 na taon ay naging Major
Lieutenant at Punong Tagasalin ng
Hukuman.)

Gumanda po ang takbo ng buhay niya


Ma’am.
Maari niyo bang ilarawan ang naging buhay
ni Kiko noong panahong iyon?
(Makalipas ang dalawang taon, dito ko na
Tama! nakilala si Juana Tiambeng ng Orion
Bataan. Agad kaming nagpakasal at
Ipagpatuloy natin ang kaniyang kwento. biniyayaan kami ng labing-isang (11) anak,
limang lalaki at anim na babae ngunit
ikinalulungkot kong apat lamang ang
nabuhay.)

11 po Ma’am.

Ilan ang kanilang naging anak? (Naging malupit sa akin ang tadhana dahil
nakatanggap ako ng reklamo na pinutol ko
Ipagpatuloy natin ang pakikinig. ang buhok ng aking katulong at ako’y
nakulong.)

Dalawang beses na po Ma’am.

Klas, ilang beses na nakulong si Kiko? Nakulong si Kiko dahil pinagbibintangan


siyang pinutol niya ang buhok ng kaniyang
Bakit nakulong si Kiko sa ikalawang katulong.
pagkakataon?
(Makalipas ang apat na taon, ako ay
napalaya at pinagpatuloy ko ang pagsusulat
ng tula para may pantustos sa aking
pamilya.)

Ginawa ni Kiko ang pagsusulat ng mga tula


para maiahon niya ang kaniyang pamilya sa
kahirapan dahil naubos ang pera nila noong (Maraming salamat sa pagsubaybay ng
araw ng paglilitis. aking kwento hanggang dito na lamang,
Francisco Balagtas.)

Opo Ma’am.
Klas, nagustuhan niyo ba ang takbo ng
kaniyang kwento? Kasi po Ma’am kahit mahirap sina Kiko ay
nagpatuloy pa rin siya ng pag-aaral.
Paano mo nasabi Bb. Jane?

Magaling!

Noong Pebrero 20, 1862, si Balagtas ay


namatay sa edad na 74.

Klas, dito sa Pilipinas, labis na


pinahahalagahan si Kiko dahil ang
Balagtasan ay ipinangalan sa kaniya ang
Pilipinong termino para sa debate gamit ang
ekstemporanyong taludtod. Wala na po Ma’am.

Klas, may mga katanungan ba? Opo Ma’am.

Naunawaan na ba ninyo?

Magling!
(magsusulat ang mga mag-aaral)
F. Paglalapat
Panuto: Sumulat ng isang talata na
nagpapakita ng mungkahi kung paano
makapagtapos ng pag-aaral ang isang
batang mahirap. Isulat ito sa kalahating (ipapasa na ang papel)
bahagi ng papel. (15 minuto)

Tapos na ang ating oras para sa gawain,


nais kong ipasa na ang mga papel sa
harapan. Mahalagang pag-aralan po natin ang
talambuhay ni Francisco Balagtas dahil ito
G. Paglalahat po ay nagbibigay ng aral at nagsilbing
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang inspirasyon para sa ating lahat na kahit
pag-aralan natin ang talambuhay ni mahirap man sa buhay si Kiko ay
Francisco Balagtas? nagpursige pa rin siyang mag-aral at
pinatunayan niyang hindi hadlang ang
kahirapan para makamit ang pangarap sa
buhay.
(palakpak)

Magaling! Bigyan natin si Bb. Apple ng


Laban lang clap!

IV. Pagtataya
Panuto: Kilalanin at tukuyin ang mga hinihingi sa ibaba tungkol sa talambuhay ni Francisco
Balagtas. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ito sa patlang bago ang
bilang. (10 minuto)

A. Mariano Kapule F. Abril 2, 1788


B. Juan dela Cruz at Juan Balagtas G. Jose dela Cruz
C. Juana Tiambeng H. Francisco Balagtas
D. Pebrero 20, 1862 I. Balagtasan
E. Maria Asuncion Rivera J. Pagsulat ng tula

___1. Petsa ng kamatayan ni Francisco Balagtas.


___2. Sila ang mga magulang ni Kiko.
___3. Petsa ng pagsilang ni Francisco Balagtas.
___4. Sino ang tinutukoy na M.A.R
___5. Sino ang may-akda na awit na Florante at Laura.
___6. Naging libangan ni Kiko sa loob ng kulungan.
___7. Siya ang tinaguriang Huseng Sisiw.
___8. Ang asawa ni Francisco Balagtas.
___9. Tawag sa Pilipinong termino na ipinagalan kay Francisco para sa debate gamit ang
ekstemporanyong taludtod.
___10. Siya ang karibal ng pagmamahal ni Kiko kay Selya at ang nagpakulong sa kaniya.

V. KASUNDUAN
Panuto: Sumulat ng sariling talambuhay at ilagay ito sa isang buong papel.

VI. PUNA

VII. PAGNINILAY

You might also like