You are on page 1of 9

KAGAWARAN NG EDUKASYON

Rehiyon V
SANGAY NG CAMARINES SUR
Pambansang Mataas na Paaralan ng San Jose Pili
San Jose, Pili, Camarines Sur

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 8

Grade 8 – Sunflower
Ika-6 ng Marso, 2020
10:00-11:00 n.u.

I. MGA LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailalarawan ang tauhan ng akda batay sa tinalakay na paksa. (F8PN-IVf-g-36)


b. Naibabahagi ang nadarama matapos mapanood ang isang music video na may temang
katulad ng aralin. (F8PD-IVd-e-35)
c. Nakapagtatanghal ng natatanging presentasyon na nakaangkla sa temang pagmamahal
sa ama.

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Florante at Laura: Dalawang Ama na may Magkaibang Katangian
b. Batis: E-Learning ng Florante at Laura, C&E Publishing; Manwal ng Guro sa Florante at
Laura
c. Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, prodyektor, powerpoint presentation, kagamitang
biswal, musika, ispiker, bato, tisa, marker, kartolina.
d. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Nalilinang ang kasanayan sa
pagbibigay kahulugan sa matatalinghagang pahayag sa akda, pagsusulat, panood,
pagbabasa, pagsusuri, at pagsasalita.
e. Konsepto: Ipapakilala ang dalawang ama na may magkaibang katangian. Madarama
ang damdaming namamayani sa dalawang anak na lalake na nabuhay sa piling ng
dalawang amang may magkaibang paraan ng pagpapalaki.
f. Halagang Pangkatauhan: Hinuhulma ng mga magulang ang pag-uugali sa
pamamagitan ng mga gintong aral at tagubilin.
g. Integrasyon sa mga Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao, Matematika, Agham,
at Kasaysayan.
h. Metodolohiya: 4A’s na dulog (Aktibi. Abstraksyon, Analisis, Aplikasyon)

III. PAMAMARAAN

Oras
Pasunod-sunod
na Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Kagamitan
na Gawain
Ilalaan
5 min. A. Panimulang
Gawain Ama namin na
1. Panalangin Tumayo ang lahat para sa makapangyarihan sa lahat,
panalangin, maaari mo bang hinihiling po namin ang inyong
pangunahan ang pagdarasal? presensiya at patnubayan ninyo
Wengar. po kami sa bagong kaalamang
tatalakayin po namin ngayon.
Patnubayan ninyo rin po ang
aming guro na siyang
nagsisilbing pangalawang
magulang namin. Iyan lamang
po ang aming samo’t dalangin
sa matamis na pangalan ni
Hesus. Amen.
2. Pagbati Magandang buhay sa lahat! Magandang buhay rin po Sir.
Kumusta kayo? Mabuti naman po.

3.Pagpapanatili Bago maupo ang lahat, pakiayos (Ang lahat ay aayusin ang
ng Kalinisan muna ng inyong mga upuan sa kanilang upuan at pupulutin ang
at Kaayusan tamang linya at pulutin ang mga mga papel at plastik na
basurang nakakalat sa ilalim ng nakakalat.)
inyong upuan.

4. Pagtala ng Kalihim, maaari mo bang itala at


Liban sa iulat sa klase ang liban sa araw na
klase ito. Sir, wala pong liban sa araw na
ito.
Mabuti!

5. Pagpasa o Mayroon ba akong ipinabaon na


Pagwasto ng takdang-aralin sainyo? Mayroon po.
Kasunduan Gumawa po ng isang islogan na
ang tema ay tungkol sa ami
ng ama.

Nagawa ba ninyo ang islogan? Opo.

Kung gayon ipasa na ang inyong (ipapasa ng mga mag-aaral ang


ginawa. kanilang ginawang islogan)

6. Pagbabalik- Ano ba ang huli nating tinalakay Ang paksang ating tinalakay
aral noong Miyerkules? Palmones. noong nakaraang Miyerkules ay
. tungkol po sa Paninibugho ni
Florante kay Laura.
Gamit ang hashtag (#) magbigay
ng tatlong salita na maglalahad sa #Nagmahal
naramdaman ni Florante ng #Nanibugho
maalala niya ang sintang si laura #Nasaktan

Mahusay! Batid kong lubos na ang


inyong pag-unawa sa natapos na
aralin.

5 min 7. Pagganyak Ngayon ay may iparirinig akong (Pipikit at dadamdamin ng mga


isang awitin na may pamagat na mag-aaral ang awitin) Powerpoint
“Aking Ama” Dance with my presentation,
prodyektor,
father tagalog version. Habang
laptop,
nakikinig ay kailangang pumikit at musika, at
damdamin ang awitin. ispiker

Ano ang kaugnayan sa paksa ng


awitin inyong napakinggan? Ang awitin na napakinggan po
ay tungkol sa ama. Ama po ang
nagsisilbing haligi sa tahanan at
ang gumagabay sa mga anak.
Magaling! Maraming salamat.

5 min. B. Paglalahad Maraming ipinagbabawal ang


ng Aralin inyong mga magulang gawin gaya Kagamitang
ng pagkagat, pangungurot at biswal
pamamalo.

Ngayon batay sa ginawa natin


pagsusuri sa awiting ating
napakinggan, ano sa tingin ninyo
ang paksang tatalakayin natin
ngayong araw? Tungkol po sa ama nina
Florante at Aladin. Ang
Dalawang Ama na may
Magkaibang Katangian.

Paglalahad ng Gaya ng dati ay may mga pokus


Layunin tayong inaasahang matamo sa
pagtatapos ng talakayan. Maaari
mo bang basahin, Hazel. Mga Layunin:
a. Nailalarawan ang tauhan
ng akda batay sa
tinalakay na paksa.
(F8PN-IVf-g-36)
b. Naibabahagi ang
nadarama matapos
mapanood ang isang
music video na may
temang katulad ng aralin.
(F8PD-IVd-e-35)
c. Nakapagtatanghal ng
natatanging
presentasyon na
nakaangkla sa temang
pagmamahal sa ama.
Kaya ba nating matamo ng mga
layunin na nabanggit? Kayang-kaya po.

Paghawan ng Sa ating talakayan ay may mga Powerpoint,


Sagabal salita tayong makikita na maaring prodyektor,
maging sagabal sa inyong pag- laptop, tisa at
unawa sa aralin, kaya’t marapat pisara
lang na ito’y ating bigyang pansin
upang maging mabisa ang
proseso ng ating talakayan.
Inaasahang sagot:
Panuto: Ibigay ang
kasingkahulugan ng mga punong Nananangis
salita sa tulong ng mga ginulong
salita sa ibaba nito. Pagkatapos  Si John ay nananaghoy
ay gamitin ninyo ang nabuong sa sakit.
salita sa pangungusap.
Mamamatay tao

 Berdugo ang naging


asawa ni Rizalyn.

Magpag-isip-isip

 Umuwi ka muna nang


magunamgunam mo
ang mga dapat gawin
bukas.

10 a. Aktibiti Bago tayo tumungo sa ating


min. pormal na talakayan ay Pamantayan:
magkakaroon muna tayo ng isang
pangkatan gawain.
MathDaLenggo!

Panuto: Hahatiin ang klase sa


apat na pangkat. Pipili ng isang
kinatawan na bubunot ng math
equations na sasagutan niyo.
Bawat sagot sa tanong ay may
katumbas na pantig. Pagsama-
samahin ang bawat pantig upang
mabuo ang salitang hinahanap.

Suliranin 1: Inaasahang sagot:

Pangkat 1:

22 = MA
14 = PAG
12 = BI
15 = GAY

Suliranin 2: Amang MAPAGBIGAY Prodyektor,


laptop
Pangkat 2: at
kagamitang
22 = MA biswal
14 = PAG
22 = MA
18 = HAL

Amang MAPAGMAHAL
Suliranin 3:
Pangkat 3:

22 = MA
17 = BAG
22 = SIK

Amang MABAGSIK

Suliranin 4:

Pangkat 4:

22 = MA
15 = PAG
33 = HA
30 = NGAD

Amang MAPAGHANGAD
10 b. Analisis Analisahin natin ang mga nabuong
min. katangian sa katatapos pa lamang
nating gawain.
Panuto: Magtanghal ng isang
minutong presentasyon ang bawat
pangkat batay sa nabuong mga
salita na naglalalad ng katangian
ng magkaibang ama. Mayroon
lamang kayong limang minuto
para sa paghahanda. Inaasahang presentasyon:

Pangkat 1: Tula
Amang mapagbigay,
Amang Mapagbigay Nagmamahal nang tunay;
Maaasahan sa buhay’
Lagi nating kaagapay.

Pangkat 2: Dula-dulaan

Amang Mapagmahal “Tay! Tay! Tay! Mahal kita Tay!” Kagamitang


biswal

Pangkat 3: Hugot

Amang Mabagsik Mabagsik man aking ama,


pagmamahal ko’y di mag-iiba.
Dahil mahal na mahal kita!
Mabagsik kong ama!

Pangkat 4: Islogan

Amang Mapaghangad ”Lahat ng bagay ay hangad,


Amang Mapaghangad”
Napakahusay ninyong lahat!
5 mins C. Abstraksyon Upang mas lalong nating
maunawaan ang ating paksa,
sabay-sabay nating alamin ang
mga kaisipang nakapaloob sa mga
sumusunod na saknong:

Sabi ni Florante:

Inaasahang sagot:

Humibik si Florante para sa


minamahal na amang
inaakalang nahulog sa kamay
ng taksil na si Adolfo.
Kagamitang
biswal,
laptop,
prodyektor
Kung kayo ang nasa sitwasyon,
ano ang mararamdaman ninyo
kung malaman ninyong pumanaw
na ang inyong ama? Iiyak po akong nang sobra at
malulungkot.

Si Florante ay nalulugami sa
hirap at ngayo’y naghahanap ng
karamay, ngunit iniisip niyang
wala ng buhay ang ama at
naroon na sa langit.

Ang Panginoon po sapagkat


Kung kayo si Florante, sino ang anumang pagsubok ang ating
inyong unang lalapitan sa mga kahaharapin Panginoon lamang
oras ng kapighatian? ang tanging masasandalan.

Mahusay! Sa inyong palagay ano Narinig poi to ng gererong si


kaya ang naramdaman ng taong Aladin. Siya po ay nahabag kay
nakarinig ng mga panaghoy ni Florante at halos magputok ang
Florante? kanyang dibdib. Siya naman ang
nagsalaysay tungkol sa kanyang
ama. Para sa kanya ito ay
mabangis, hindi marunong
tumangkilik at mag-aruga.

5 min. c. Aplikasyon Upang mas lalong maging mabisa


ang ating talakayan ay sagutin
natin ang sumusunod na mga
tanong.

Panuto: Sa pagsagot sa mga


tanong, magpa-flash ng pangalan
ng inyong ama, kung kaninong
pangalan ng ama ang maipapakita
siya ang sasagot.

Unang pangalan: PERPEKTOU


Powerpoint,
Bakit kailangan maging huwaran prodyektor,
ang isang ama sa kanyang mga laptop,
anak? Kailangan pong maging kagamitang
huwaran ang isang ama sa biswal
kanyang anak sapagkat ang
ama po ang nagiging haligi ng
tahanan, siya po ang nagbibigay
gabay sa mga anak.

Ikalawang pangalan:

Kung ihahambing mo ang iyong


ama sa ama ni Florante na isang
kristiyano o ni Aladin na isang
morao, kanino siya higit na
nakatutulad? Bakit? Sa ama po ni Aladin, sapagkat
masyado pong mahigpit ang
aking ama ngunit pinalaki po
kami sa layaw.

Kung ikaw ang papipiliin ng mga Mapagmahal ngunit may


katangian na tataglayin ng iyong pagkaistrikto po upang mas lalo
ama, ano-ano ito? Bakit? po akong mahubog na maging
isang mabuting tanak o tao.

3 min. Pagpapahalaga Ngayon ay bigyang-pansin natin


ang mga mahahalagang aral sa
paksang ating tinatalakay.

(Magpapakita ang guro ng


dalawang uri ng bato at ipapaikot
sa klase)

Inaasahang sagot:
Ano-ano ang mga katangian ng
dalawang batong hawak ko? Ang isa po ay makinis, maputi at
maliit. Ang isa po ay
magaspang, may mga butas at
malaki pero pareho po itong
bato.
Paano ninyo maiuugnay ang
dalawang bagay na hawak ko sa
paksang ating tinalakay? Ang dalawang batong ito ay
maihahalintulad o maiuugnay
natin sa ating mga ama na
matitigas at hindi kakikitaan ng
kahinaan subalit katulad ng mga
bato ay mayroong iba’t ibang
katangiang tinataglay.
Tumpak! Pero sa huli, anumang
pagkakaiba o pagkakapareho ng
bawat ama hindi maipagkakailang
ama pa rin natin sila. Palaging
nariyan upang gumabay, umalalay
at maging bato na maaaring
magsilbing armas sa oras ng
pangangailangan.

3 min. Paglalahat Maaari ninyo bang bigyang-sulyap


ang mga tinalakay natin sa araw
na ito. Sa tulong ng kagamitang
pedagohikal na nakadikit sa
pisara, isulat ang mga natutuhang (Isusulat ang kanilang natutuhan
aral sa paksang tinalakay. sa ginupit na haligi)

(Pipili ng apat na mag-aaral na Kagamitang


magsusulat sa mga ginupit na biswal
haligi ng tahanan)

Maraming salamat! Tunay ngang


naunawaan ninyo ang ating paksa
ngayon araw.

IV. EBALWASYON

Para sa bilang 1-2.


A. Panuto: Sa tulong ng kagamitang pedagohikal paghambingin ang pagkakaiba ng ama ni
Florante sa ama ni Aladin. (3 puntos)

Duke Briseo Sultan Ali-Adab

Katangian Katangian
Para sa bilang 3-7.
B. Panuto: Batay sa napanood at napakinggang music video magsulat ng isang linya ng
kanta na tumatak sainyo at iugnayan sainyong sariling ama. (5 puntos)

(Pagmamarka: Nilalaman- 2 puntos; Pag-uugnay- 2 puntos; Organisasyon ng Ideya- 1 puntos)

Para sa bilang 8-10.


C. Panuto: Batay sa itinanghal ninyong presentasyon gumawa ng isang hugot o pick-up line
tungkol sa inyong ama. (3 puntos)

Susing sagot:

1. Mapagmahal, Magbigay
2. Mabagsik, Mapaghangad
3-7. Kung may pagkakataon na mayakap siya at masabi ko na mahal kita ama. Dahil punamaw
na ang aking ama gusto kong makausap siya ulit upang sabihing mahal na mahal ko siya
8-10. “Hindi matutularan ang haligi ng tahanan sapagkat ang buhay nila ay sa pamilya
nakalaan”

V. TAKDANG ARALIN
Ika- 9 ng Marso, 2020

A. Gumuhit ng dalawang bagay na sumisimbolo sa ama nina Florante at Aladin na sina


Duke Briseo at Sultan Ali-adab. Lagyan ng dalawang salitang aangkop sa bagay na
ginuhit. (Iguhit sa isang buong papel)

B. Ipaliwanag ang siniping saknong sa Florante at Laura na may pamagat na


“Pamamaalam ni Florante”. (3-5 pangungusap lamang)

“Napahinto rito’t narinig na muli,


Ang pananambitan niyong nakatali;
Na ang wika’y “Laurang aliw niring budhi,
Paalam ang abang kandong ng pighati!”

Sanggunian: E-Learning ng Florante at Laura,


C&E Publishing; Manwal ng Guro
sa Florante at Laura

Inihanda ni:

JETHRO G. OREJUELA
Nagsasanay na Guro – Filipino 8
Iwinasto ni:

BERNARDINA C. ABRAHAM
Guro 1, Filipino 8

Nabatid ni:

GLENDA LIZA S. TORNILLA, Ph.D


Internship Coordinator, HT III

NELSON L. ESPAŇO
Punongguro II

You might also like