You are on page 1of 6

I.

Layunin
Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nauunawaan ang talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Naiuugnay ang sariling karanasan sa mga pinagdaanan ni Francisco Balagtas.
c. Nakapagbabalita ng impormasyong natutunan tungkol sa paksang ito.

II. Paksang Aralin


Panitikan: Ang Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar
Sanggunian: Modyular Textbook Filipino 8 – Page. 48-51
Kagamitan: visual Aid, chalk, chalkboard, picture
Pagpapahalaga: Pagiging masikap, matiyaga

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing mag-aaral

A. ACTIVITY
a. Panimulang Gawain

 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng Liban

b. Balik-Aral
- Ngayon balikan muna natin ang inyong
pinag-aralan sa nakaraang talakayan.
 Sa pagkakaalala ko po, ang mga
 Sa inyong naaalala, sino- sino ang tanyag na manunulat sa panahon ng
mga tanyag na manunulat sa Pagbabagong-isip ay sina Dr. Jose
panahon ng Pagbabagong-isip? Rizal, Graciano Lopez Jaena,
Marcelo H. Del Pilar at Antonio
Luna.

 Ang mga tanyag po na manunulat sa


 Sino-sino naman ang mga tanyag na panahon ng himagsikan ay sina
manunulat sa panahon ng Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at
Himagsikan? Apolinario Mabini.

 Ang mga tanyag po na manunulat sa


 Sino-sino naman ang mga tanyag na
panahon ng Hapones ay sina
manunulat sa panahon ng mga
Liwayway A. Arceo, Francisco A.
hapones?
Rodrigo, Gemiliano Pineda, Gloria
Villaraza, Narciso G. Reyes,
Macario Pineda, Serafin S.
Guinigundo, Teodoro A. Agoncillo,
Brigido C. Batungbakal at iba pa.

c. Pagganyak
Paghahawan ng sagabal

Panuto: Hanapin sa hanay B ang


kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa hanay A. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot.

Hanay A
1. c
____1. Si Francisco Balagtas ay isang
2. a
makata at masipag na manunulat ng tula.
3. g
____2. Ang nagpalamlam sa sikat ng araw 4. f
ay ang ulap na namuo sa kalangitan. 5. e
6. b
____3. Nagdala si John ng prutas sa altar ng 7. d
templo upang ihandog sa Diyos. 8. j
9. i
____4. Siya ay napabantog sa pagiging 10. h
makatang manunulat simula ng matuklasan
niya ang kanyang kakayahan sa pagsulat.

____5. Marami sa mga akda ni Jose P. Rizal


ang tunay na kakikitaan ng pag-ibig sa
bayan.

____6. Nakulong si Ben dahil sa maling


paratang na pagnanakaw at pagpatay sa
mag-asawang Ginang at Ginoong Martinez.

____7. Mas sumidhi ang galit ni Jenny sa


kanyang ina noong iniwan siya nito sa
kanyang lola.

____8. Si Ana ay isa sa mga


pinagpipitaganan na dalaga sa kanyang
nayon.

____9. Marami sa mga akda ni Gat Andres


Bonifacio ang kapupulutan ng aral.

____10. Kay gandang pagmasdan ng marikit


at maamong mukha ni Maria Clara kaya
naman marami ang nanliligaw sa kanya.

Hanay B

a. nagpalabo
b. bintang
c. malikhain
d. tumindi/lumalim
e. sinulat
f. nakilala
g. ialay
h. maganda
i. ginawa/nilikha
j. iginagalang
k. naubos

B. ANALYIS

 Paglalahad ng Aralin

- Ngayon dumako naman tayo sa


talakayan.

Talambuhay ni Francisco “Balagtas”


Baltazar

- Siya ay ipinangak noong Abril 2,


1788 sa Panginay, Bigaa (Ngayon ay
Balagtas) Bulacan.
- Kilala rin siya sa tawag “Kiko”
noong kabataan niya. Siya ay
kinikilala rin bilang “Prinsepe ng
Manunulang Tagalog”.
- Ang mga magulang niya ay sina
Juana dela Cruz na isang maybahay
at si Juan Baltazar na isang panday.
- Mayroon siyang tatlong kapatid, sina
Felipe, Concha at Nicholasa.
- Siya ay may limang (5) anak, sina
Isabel, Silveria, Victor, Ceferino at
Josefa.
- Dahil sa kahirapan at pahintulot ng
kanyang magulang, siya ay pumasok
bilang utusan sa isang babaeng may
pangalan na Trinidad sa Tondo
Maynila.
- Sa pagsisikap at pagtitiyaga ay
nakatapos siya ng pag-aaral sa
Colegio de San Jose ng:
 Gramatica Castellana
 Gramatica Latina
 Geografia at Fisica
 Doctrina Christiana

- Ito ang mga kailangang maipasa


bago makapag-aral ng Canones.
- Kumuha rin siya ng ibang kurso sa
Colegio de Letran, ito ay ang:
 Humanidades
 Teologia
 Filosofia
- Dito naman ay naging guro niya si
Padre Mariano Pilapil.
 Nagtapos siya ng pag-aaral
noong 1812 sa gulang na 24.

- Ang sikat na romantikong pag-


iibigan ng ika-19 na siglo, ang
Florante at Laura ay ang kanyang
pinaka-mainam na nilikha.
- Lagi siyang inaanyayahan sa mga
pagtitipon upang bumigkas ng tula.
- Dito niya nakilala ang unang
babaeng nagpatibok ng kanyang
puso at tinulaan niya, si Magdalena
Ana Ramos.
- Si Jose Dela Cruz o mas kilala sa
tawag na “Huseng Sisiw” ang
nagsaayos ng tulang ginawa ni
Francisco Balagtas. Ito ang itinawag
sa kanya dahil sisiw ang ibinayad ni
kiko at kahit sinong makata na
nagpapaayos ng ginawang tula.
- Sa hindi pagtulong sa kanya ni
“Huseng Sisiw” dahil wala siyang
dalang sisiw, hindi na siya lumapit
pa dito.
- Nagsimula niyang matuklasan ang
kanyang sariling kakayahan na
siyang nagpalamlam sa kasikatan ni
“Huseng Sisiw”.
- Taong 1835 sa edad na 47, lumipat
siya sa Pandacan, Maynila na kung
saan dito niya nakilala si Maria
Asuncion Rivera na tinaguriang
“Selya”.
- Naging sila at saksi ang
dalampasigan ng ilog Beata sa
kanilang pagmamahalan.
- Si Mariano “Nanong” Kapule, anak
ng mayamang negosyante ang
naging kaagaw niya kay Selya.
- Dahil sa maling paratang sa kanya
siya ay nabilanggo at mas sumidhi
ang galit niya ng mabalitaan na
nagpakasal kay Nanong ang
dalagang kanyang iniibig.
- Maraming tao ang naniniwala na ang
obra maestra nioyang Florante at
Laura ay sa loob ng bilangguan niya
naisulat.
- Ngunit marami rin ang naniniwala
na sa Udyong, Bataan niya ito
natapos dahil sa karamihan sa mga
akda niya ay sa pook na ito naisulat.
- Sa Udyong Bataan nakilala niya si
Juana Tiambeng at napangasawa ito
sa edad na 54. Dito naging mataas na
kawani siya ng hukuman at naging
Tenyente Mayor at Juez de
Sementera.
- Pangalawang beses siyang
nabilanggo nang paratangan siyang
pumutol ng buhok ng isang utusan
na tinatawag na Alferez Lucas.  Opo ma’am dahil dalawang beses
- Sa pag-apela sa hukuman ay po siyang nabilanggo ng dahil
nalustay ang kanyang pera kaya’t lamang sa maling paratang sa kanya
naghirap na siya sa buhay. na naging dahilan ng pagaubos ng
- Ngunit ipinagpatuloy lamang niya kanyang pera.
ang kanyang paghahabi ng tula at
pagsulat ng dula.
 Sa Napakinggan ko po ang nakatawag
- Siya ay namatay noong Pebrero 20,
ng aking pansin ay ang kanyang
1862 sa gulang na 74 at naiwan ang
pagpapatuloy sa hamon ng buhay
asawa at limang supling.
matapos maubos ang kanyang pera.
Maiuugnay ko ito sa naging buhay ko
na kahit anong hirap sap ag-aaral ay
 Pagtatalakay ng Aralin
nagpatuloy ako para sa pamilya ko.
 Sa palagay mo mahirap ba ang
pinagdaanan ni Francisco Balagtas?
 Kung ako po ang nasa kalagayan ni
Bakit oo at Bakit hindi?
Francisco Balagtas, hindi ako magagalit
dahil alam ko na naghahanap-buhay
lamang din siya at masama ang
magtanim ng galit sa kapwa.
 Sa mga napakinggan mo tungkol kay
Francisco Balagtas, alin sa mga ito  Naging makabuluhan po ito para sakin,
ang nakapukaw o nakatawag ng sa pamamagitan ng pagpapaalala sa
iyong pansin? Paano mo ito mga kabutihang asal na dapat taglayin
maiuugnay sa iyong naging buhay? ng isang batang tulad ko tulad ng hindi
pagsuko sa hamon ng buhay, pagiging
masikap at matiyaga.

 Kung ikaw ang nasa katayuan ni


Francisco Balagtas, magagalit ka rin
ba sa taong minsan nang tumulong
sayo? Bakit?  Maihahalintulad ko po ang aking buhay
sa mga pinagdaanan ni Francisco
Balagtas sa parehong hindi pagsuko sa
 Naging makabuluhan ba para sayo hamon ng buhay, masikap at matiyaga
ang napakinggang kwento ng upang muling makabangon at
talambuhay ni Francisco Balagtas? magtagumpay sa hamon ng buhay.
Papaano?
 Opo, dahil nakasanayan ko na ang
C. ABSTRACTION maghabi ng tula at sumulat ng dula. Ito
rin ang kaloob na kakayahan ng Diyos
Paglalahat sa akin.
 Paano mo maihahalintulad ang mga
pinagdaanan ni Francisco Balagtas
sa iyong sariling karanasan?

 Magandang umaga, narito ang aming


mga natutunan sa talakayan. Si
Francisco ay ipinangak noong Abril
Pagpapahalaga 2, 1788 sa Panginay, Bigaa Bulacan.
 Kung kayo si Francisco Balagtas, Lagi siyang inaanyayahan sa mga
ipagpapatuloy ninyo rin ba ang
pagtitipon upang bumigkas ng tula.
pagsusulat ng dula at paghahabi ng
Magdalena Ana Ramos.
tula? Bakit?

D. APLICATION
Estratehiya: Tara magbalita!

Panuto: Isa-isahin sa klase ang mga 1. M


natutunan sa talakayan sa paraang 2. T
pabalita. 3. M
4. T
5. T

IV. Ebalwasyon
Panuto: Ilagay sa patlang ang T kung ang
pangungusap ay tama at isulat naman ang M
kung ang pangungusap ay mali.

____1. Si Francisco Balagtas ay


pinaratangan na pumutol ng buhok ng
isang utusan kaya siya ay nabilanggo sa
unang pagkakataon.
____2. Matapos maubos ang pera,
ipinagpatuloy niya ang paghahabi ng
tula at pagsusulat ng dula.
____3. Si Huseng Sisiw ang gumawa ng
ginamit na tula ni Francisco para kay
Magdalena Ana Ramos.
____4. Kilala rin si Francisco Balagtas
sa tawag “Kiko” noong kabataan niya.
____5. Nagtapos siya ng pag-aaral
noong 1812 sa gulang na 24.

V. Kasunduan
Panuto: Isulat sa isang buong papel ang
iyong sariling talambuhay.

You might also like