You are on page 1of 2

Pasulit sa Tulang “Kay Selya”

Pangalan:__________________________________________________Seksyon:__________Marka:____

Gawain 1.
Panuto: Piliin ang titik ng salita na nagbibigay kahulugan sa salitang nakasalungguhit.

1. Hindi na niya nakayanan ang hilahil na dinadala.


A. Galit B. Hirap C. Pagod D. Sakit
2. Muntik na siyang mawalan ng bait dahil sa lungkot at kasawian.
A. Mawala sa sarili C. Lakas ng loob
B. Ulirat D. Kabaitan
3. Maaari mo akong dustain huwag lamang ang aking mga mahal sa buhay.
A. Hamakin C. Saktan
B. Inisin D. Siraan
4. Hanggang ngayon ay hindi ko mawatasan ang puno’t dulo ng suliranin.
A. Masabi C. Makita
B. Maintindihan D. Makuha
5. Ako ay umid tuwing ikaw ay aking kausap.
A. Hindi makapagsalita C. Natutulala
B. Hindi makakilos D. Makuha
6. Ating pagsaulan ang nakaraan nating suyuan.
A. Balikan C. Ipagtapat
B. Isipin D. Kalimutan
7. Nang ako’y iyong iwan, muntik nang makitil ang aking buhay.
A. Mawalan ng saysay C. Mawalan ng buhay
B. Mawalan ng bait D. Mawalan ng halaga
8. Malumbay niyang minamasdan ang kanilang litrato.
A. Malungkot B. Masaya C. Nabuhay D. Natakot
9. Hindi niya mahahagilap kong saang parti siya nagkulang.
A. Mahahanap C. Makita
B. Matagpuan D. Malaman
10. Hanggang sanlang na lamang ang lahat ng nangyari sa kanila.
A. Alaala C. Imahinasyon
B. Nakaraan D. Salita

Gawain 2:
Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang tamang sagot sa mga katanungan.

_______1. Kanino inalay ni Franciso Balagtas ang tulang "Kay Selya"?


A. Maria Asuncion Revera C. Juana Tiambeng
B. Marie Asucion Rivera D. Maria Asuncion Rivera
_______2. Ilang saknong ang matatagpuan sa tulang "Kay Selya"?
A. 23 B. 21 C. 22 D. 24
_______3. Anong saknong ang may mensaheng: "Sa labis na kalungkutan na naramdam ni Balagtas
noong sila’y nagkahiwalay tanong nya bakit hindi na lang siya namatay kasabay ng paglisan
ni Selya?"
A. Saknong 17 B. Saknong 9 C. Saknong 12 D. Saknong 15
_______4. Alin sa sumusunod ang isyung panlipunan na mahahanap sa
unang at pangalawang saknong?
A. Kalungkutan C. Suliranin sa Pag-ibig
B. Kahirapan D. Pagtataksil
_______5. Ang mensahe ng saknong ito ay ang pinaka kinatatakutan ni Balagtas ay baka makalimot si
Selya sa kanilang pag-iibigan.
A. Saknong 4 B. Saknong 5 C. Saknong 2 D. Saknong 11
_______6. Piliin sa mga sumusunod ang mga isyung panlipunan na
matatagpuan sa tulang "Kay Selya".
A. Pagtataksil C. Takot
B.Suliranin sa Pag-ibig D. Kahirapan
_______7. Makikita natin sa saknong na ito na ipinapahayag ni Balagtas na si Selya parin ang
namumukud tangi sa kanyang puso.
A. Saknong 1 B. Saknong 4 C. Saknong 3 D. Saknong 6
_______8. Sa ngayon maraming tao ang ipinagpapalit ang tunay na pag-ibig kapalit ng kaginhawaan sa
buhay. Anong isyung panlipunan ang makikita dito?
A. Kalungkutan C. Pinagwalang-bahala
B. Pangaapi sa larangan ng Pag-ibig D. Pagtataksil
______9. Sa saknong na ito ipinapahiwatig ni balagtas na ang kanyang pagmamahal kay Selya ay
walang hanggang.
A. Saknong 6 B. Saknong 18 C. Saknong 4 D. Saknong 7
______10. Maraming tao ang nakakaranas nito bunga ng sobrang pagmamahal. Ito ay unti-unting
nagpapawala ng sigla at halaga ng buhay. Anong isyung panlipunan ang makikita dito?
A. Pagtataksil sa pag-iibigan
B. Kalungkutan dala ng Pag-ibig
C. Pang-aapi sa larangan ng Pag-ibig
D. Kalungkutan dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay
_______11. May ilang taludtod ang bawat saknong ang tulang liriko?
A. 11 B. 12 C. 17 D. 14
______12. Anong damdamin ng may-akda ang lumulutang sa mga linyang ito?
Sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
Sabay ang taghoy kong
"O, nasawing palad!"
A. Nagagalit B. Nagsisisi C. Naiinggit D. Nalulungkot
_______13. Anong damdamin ng may-akda ang lumulutang sa mga linyang ito?
Di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin
A. Kasiyahan B. Pagdaramdam C. Pagkagulat D. Takot
_______14. Anong katangian ng may-akda ang nangingibabaw sa mga linyang ito?
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
A. Kawalan ng tiwala C. Katapatan sa pagmamahal
B. Pagtataksil sa sumpaan D. Pag-alala sa pag-ibig
_______15. Ano ang damdaming inihahatid ng tulang 'Kay Selya'?
A. Kasiyahan B. Galit C. Pagkabigo D. Inggit

You might also like