You are on page 1of 12

DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

Plaridel St., Mandaue City

MGA SITWASYONG NAGPAPAKITA


NG IBA’T IBANG DAMDAMIN
AT MOTIBO

IKAAPAT NA MARKAHAN– LINGGO 5

SARILING LINANGAN KIT


PAUNANG SALITA

Ang sariling linangan kit na ito ay nabuo upang


matulungan ang mga mag-aaral sa pagpapalawak ng kanilang
kaalaman at magsilbing patnubay para mapag-alaman nila ang
mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo
ng mga tauhan sa akdang Florante at Laura.

Ang mga gawain dito ay makakapagtibay ng kanilang


kaalaman sa mga iba’t ibang kasanayan sa nasabing learning
competency na pwedeng gamitin at makakapagpa-unlad ng mga
pang-araw-araw na pamumuhay at ng sariling karanasan.

Nahahati sa tatlong bahagi ang kit na ito:


A. Ano ang Nangyari? dito ay sasagutin ng mga mag-aaral ang
iba’t ibang katanungan na hindi pa nila masyadong nalalaman.
B. Ano ang Dapat Malaman? ito ang bahagi na ipapaliwanag
ang paksa o ang learning competencies na nakapaloob dito.
C. Ano ang Natutunan? sa bahaging ito ay nahahasa ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang natutunan pagtukoy sa
mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo.
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang kakayahang
komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at 1
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t I
ibang uri ng teksto at akdang pampanitikang pambansa upang
maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
MGA LAYUNIN:
Natutukoy ang mga damdamin na ipinapahayag sa mga
larawan at sa tinalakay na kabanata.
Nailalahad ang mga sitwasyong nagpapakita ng
damdamin o motibo
Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa ibinigay
na paksa
Naipapahayag ang nararamdaman sa kumakalat na
pandemya sa pamamagitan ng pagguhit ng mukha sa
paper plate.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
F8PB-IVg-h-37
Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin at motibo ng mga tauhan
F8PU-IVg-h-39
Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang
aralin

I. ANO ANG NANGYARI?


1.

Anak, mahal na mahal kita! Lahat ay gagawin ko Ipinapangako ko Ama na tutuparin ko 2


para sa iyo. Pagbutihin mo ang iyong pag-aaral lahat ng mga habilin mo. Pag-iigihan
dahil ito lamang ang tanging maipapamana ko na ko ang pag-aaral ko. Mahal na mahal
hindi maaagaw ng iba. din kita!
2.

Tanong:
a. Sa unang larawan, ano ang masasabi mo sa pag-uusap ng mag-ama?
b. Ilahad ang damdamin na nangingibabaw sa pag-uusap?
c. Ano ang ipinapahiwatig sa pangalawang larawan?

Pagsasanay Bilang 1: Talatinigan

Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga


sinalungguhitang salita bawat pangungusap.
3
a. hinahangad d. tatagal
b. namutawi e. panangis
c. pasakit f. hihintayin

1. Naiintindihan ko ang kanyang panambitan.


2. Huwag mong ninanasa ang hindi sa iyo.
3. Ito ang nasnaw sa bibig ni Inay.
4. Nabuhay siya sa hilahil.
5. Wala kang hihintin na ginhawa

Pagsasanay Bilang 2:

Panuto: Lagyan ang patlang ng tala ( ) kung ang pahayag ay tungkulin ng


magulang at smiley ( ) kung ito ay tungkulin ng anak.

_______1. Pagtulong sa mga gawaing-bahay.


_______2. Pagtatrabaho para sa pamilya.
_______3. Pag-aaral ng mabuti.
_______4. Igalang ang mga magulang.
_______5. Palakihin ang mga anak na may pananalig sa Diyos.
_______6. Sumunod sa lahat ng payo at habilin.
_______7. Gabayan ang mga anak sa lahat ng bagay.
_______8. Pagbibigay ng pangunahing pangangailangang pinansyal gaya ng
pagkain, damit, bahay at iba pa.
_______9. Maging mabuting tao.
_______10. Pagturo ng pagmamahal at katapatan sa bayan.

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?

Panuto: Basahin ang mga kabanata mula akdang Florante at Laura na nasa
ibaba. 4

PAGHIHINAGPIS NG ISANG ANAK


89 Ang nagkahiwalay na laman mo’t buto,
kamay at katawang nalayo sa ulo,
saknong
ipinaghagisan niyong mga lilo
at walang naawang maglibing na tao.
90 “Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan,
kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway, taludtod
ang di nagsiayo’y natatakot namang
bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.

91 “Hanggang dito, Ama’y aking naririnig


nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis,
ang panambitan mo’t dalangin sa langit, SAKNONG -
na ako’y mailigtas sa hukbong malupit. tumutukoy sa
isang grupo sa
92 “Ninanasa mo pang ako’y matabunan loob ng tula na
ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan, may dalawa o
nang huwag mahulog sa panirang kamay maraming
ng Konde Adolfong higit sa halimaw. taludtod

93 “Pananalangin mo’y di pa nagaganap,


sa liig mo’y biglang nahulog ang tabak;
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang: Adiyos, Bunso at buhay mo’y lumipas!

94 “Ay, amang ama ko! kung magunamgunam


madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian
luha niring pusong sa mata’y nanukal!

95 “Walang ikalawang ama ka sa lupa,


sa anak na kandong ng pag-aaruga;
ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
sa habag mo’y agad nanalong ang luha.
5
96 “Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin,
sampu niring buhay ay naging hilahil;
ama ko’y hindi na malaong hihintin
ako’t sa payapang baya’y yayakapin.

Halaw mula sa akdang Florante at Laura


Sa kabanatang ito, ginugunita ng nakagapos na si Florante ang amang
mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan
at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y ilibing.
Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan niya ang nasa isip
ng ama.

Inilalahad din sa kabanatang ito ang damdadamin at saloobin ni Florante sa


sinapit ng kanyang ama sa kamay ni Konde Adolfo.

Tanong:
1. Ano ang damdaming nangingibabaw sa akda?
2. Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag:
a. sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan kung kakampi sa lilo’y iyo nang
kaaway.
b. walang ikalawang am aka sa lupa sa anak na kandong ng pag-aaruga
3. Bakit kaya nagawang ipapatay ni Konde Adolfo si Duke Briseo?
3. Sa kasalukuyang panahon, meron pa rin bang mga katulad ni Konde
Adolfo? Patunayan.
Alam mo ba na...

Ang wika ay hindi lamang instrumento sa pagpapahayag ng kaisipan kundi


ng saloobin, gawi at paniniwala. Sa pamamagitan nito’y naipahahayag natin
ang nadarama natin sa ating kapwa.

Pagpapahayag ng Emosyon

Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa


wikang Filipino, kabilang ang sumusunod:

1. Isang paraaan ang paggamit ng padamdam na pangungusap sa


pagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit sa pangungusap na ito
ang bantas na padamdam (!), at kung minsa’y ang bantas na patanong (?)
tulad ng sumusunod:
6
a. Paghanga: Wow! Perfect ang iskor mo.Naks! Ganda! Bilib ako!
b. Pagkagulat: Ha? Nakakahiya.Inay! Naku po!
c. Pagkatuwa: Yahoo! Pasado ako, Yehey! Yipee!
d. Pag-asa: Harinawa, Sana sumama ka sa group study namin.
e. Pagkainis/Pagkagalit: Bagsak ako! Kakainis!

Ginagamit din kung minsan ang panandang pananong (?) sa


pagpapahayag ng damdamin lalo na kung ito ay may halong pagtataka.
Maaaring samahan ang mga ito ng parirala o sugnay na tumitiyak sa
emosyong nadarama. Gaya nito:
a. Paghanga: Wow, ang ganda n’yan, a!
b. Pagkagulat: O, ikaw pala!
c. Pagkalungkot: Naku, kawawa naman siya!
d. Pagtataka: Siyanga? Totoo bang sinabi mo?
e. Pagkatuwa: Yipee! Matutuwa si Mommmy.
f. Pagkagalit/ Pagkainis: Hmmpp! Nakaiinis ka!
g. Pag-asa: Naku, sana nga’y makapasa ka na!

2. Isa ring paraan ang paggamit ng pahayag na tiyakang nagpadama ng


damdamin at/ o saloobin ng nagsasalita. Ngunit mahuhulaang hindi
masyadong matindi ang damdaming inihahayag sa ganitong paraan.
Pansinin ding ginagamitan ng tuldok ang mga pahayag, bagaman maaari
ring gamitan ng padamdam ang bawat isa upang makapaghudyat ng mas
matinding damdamin.
a. Pagtanggi: Dinaramdam ko, hindi na ako lalahok sa paligsahan.
b. Pagkasiya: Mabuti naman at narito na kayo.
c. Pagtataka: Hindi ako makapaniwala. Ngayon ko lang narinig ang
balitang iyan.
d. Pagkainis: Nakabubuwisit talaga ang kinalabasan ng pagsusulit.

(Filipino 10, Modyul para sa Mag-aaral, p. 95-96)

Motibo - dahilan para gawin ang isang bagay, pakay, o pagnanais


Halimbawa:
a. Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura.
b. Tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang
kanyang ina.

III. ANO ANG NATUTUNAN?

Gawain Bilang 1: Tukuyin Mo, Damdamin o Motibo? 7

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang talahanayan kung ang mga sumusunod na


pahayag ay nagpapakita ng damdamin o motibo. Sagutin sa sagutang papel
at gayahin ang pormat.

Mga Pahayag Damdamin Motibo


Halimbawa:
a. Yahoo! Pasado ako, Yehey! Yipee! /
b. Nang mamataan niya si Frollo, hinila
/
niya ito at sa matinding lungkot na
nararamdaman ay inihulog niya ito mula
sa tore.
1. Wow! May pag-asa pa tayong
umunlad!
2. Sa labis na kahihiyan at kawalan ng
pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na
saksakin ang sarili.
3. Natutukso siyang tumalon at
magpalunod na lamang upang matapos
na ang kaniyang paghihirap.
4. Takot na takot siya sapagkat hindi niya
alam kung ano ang naghihintay sa
kaniya.
5. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa
ating bansa!

Gawain Bilang 2: Emosyon Mo… Ipahayag Mo

Panuto: Ilarawan ang damdaming na ipinapahayag sa bawat taludtod ng tula.


Kopyahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Taludtod ng tula Damdamin


1. ang di nagsiayo’y natatakot namang
bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.
2. “Hanggang dito, Ama’y aking naririnig
nang ang iyong ulo’y itapat sa kalis,
3. “Ay, amang ama ko! kung magunamgunam
madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
4. nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang: Adiyos, Bunso at buhay mo’y lumipas!
5. nang huwag mahulog sa panirang kamay
ng Konde Adolfong higit sa halimaw.

Gawain Bilang 3: Damdamin Mo, Ipahayag Mo

Panuto: Sa isang paper plate, iguhit ang mukha na nagpapakita ng iyong


nararamdamin sa nangyayaring epidemya ngayon. Sa likod na bahagi ng 8
paper plate, ipaliwanag kung bakit iyan ang iyong nararamdaman. Gayahin
ang halimbawa sa ibaba.

Harap
Likod (Huwag gayahin ang aking paliwanag.)
Ako ay nalulungkot sa nagaganap ngayon lalo na ang malawakang pagkalat
ng epidemya na Covid-19 dahil marami ang naaapektuhan at namamatay.

Gawain Bilang 4:

1. Gumawa ng islogan tungkol sa mga sumusunod:

a. pagmamahal ng magulang sa mga anak

b. pinakamagandang bagay na maaari nating gawin ngayong panahon ng


pandemya.

SYNOPSIS

9
Ang Self Learning Kit na ANSWER KEY
ito ay tumatalakay tungkol sa
Pagsasanay Bilang 1:
mga sitwasyong nagpapakita ng 1. e. panangis
damdamin at motibo sa akdang 2. a. hinahangad
3. b. namutawi
Florante at Laura. 4. c. pasakit
5. f. hihintayin

Pasasanay Bilang 2:

1. 6.

2. 7.
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na masubok at
malinang ang kanilang kakayahan at magagamit ang mga
natutunan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Tara na at samahan mo kami sa paglalakbay at alamin
ang iba’t ibang damdamin at motibo na ipinapakita sa iba’t
ibang sitwasyon.

Sanggunian:

Florante at Laura, Karapatang-ari 1999 ng Emerald House (Unang


Rebisyon 2007)
Modyul sa Filipino 10, Unang Markahan, p. 95-96
www.google.com

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF MANDAUE CITY 10
Mandaue City

NIMFA D. BONGO, Ed. D., CESO V


Schools Division Superintendent

ESTELA B. SUSVILLA, Ph.D., CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, Ed. D.


OIC-Chief Curriculum Implementation Division
ISMAELITA N. DESABILLE, Ph. D.
Education Program Supervisor-LRMDS

FELICITAS C. MAGNO
Education Program Supervisor-Filipino

MYRISIA D. BARBON
Writer/Illustrator/Layout Artist

11

You might also like