You are on page 1of 8

8

Filipino 8
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Paghinuha sa Paksa, Layon
at Tono ng Akda
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Marilou A. Ganay

Editor : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya


Tagasuri : Ferdinand A. Torres, Melchora N. Viduya, Helen O. Custodio,
Catalina H. Casillan, Wilma DG. Macatbag,
Roberto Z. Barongan, Magdalena C. Manaoat
Tagaguhit : Amado II A. Caragay
Editha M. De Guzman
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education - Rehiyon ng Ilocos (Calasiao, Pangasinan)

Modyul 5
Paghinuha sa Paksa, Layon at Tono
Ikatlong ng Akda
Markahan

Alamin

Para sa Mag-aaral
Tungkol saan ang modyul na ito?

Magandang araw!
Ang pag-aaralan mo ngayon ay tungkol sa Paghinuha sa Paksa, Layon
at Tono ng Akda.
Ang layunin sa pag-aaral na ito ay;
• Sa modyul na ito ay inaasahang mapauunlad mo ang kakayahang
nahihinuha ang paksa, layon at teksto ng akdang binasa. (F8PB-IIIe-f-
31)

Inaasahan na sa pagtatapos sa araling ito, ikaw ay ganap na may


natutunan at naunawaan tungkol sa Paghinuha sa Paksa, Layon at Tono ng
Akda.

1
Subukin

Subukin mo muna ang iyong sarili kung ano ang alam mo na tungkol sa
paksa, layon at tono ng akda.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang talata at pagkatapos sagutin ang sumusunod na tanong.
Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo.
Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay
nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kanyang klase. Marami kaming natututuhan
sa kanya at sa lahat ng ito, siya ay aming pinasasalamatan. Sana’y marami pang
tulad niya upang maraming mag-aaral ang mahasikan niya ng karunungan.

1. Ang paksang pangungusap ng talata ay matatagpuan sa pangungusap


bilang ______________.
a.1 b. 2 c. 3 d. 4
2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _______________.
a.paghanga b. pananabik c. pag-asam d. kasiyahan
3. Ang layon ng tekstong binasa ay ____________________.
a. manghikayat b. magpaliwanag
c. magbigay- parangal d. magbigay –kaalaman

Tuklasin Pagkakaiba

Panuto: Suriin ang akda sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang
naglalakad na estudyante . Maya-maya’y biglang naglaho ang dalawang binatilyo
sa dilim. Narinig ang impit na tili ng dalagitang estudyante. Tinangkang saklolohan
ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin.
TIYO BEN: Huwag kang makialam , Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo
na sila.
1. Sa iyong palagay, ano ang layon ng may-akda sa pagsulat ng bahaging ito
ng isang iskrip?
2. Ano ang damdamin nagingibabaw kay Tiyo Ben sa pahayag niyang “Huwag
kang makialam, Boyet. Mapapahamak lang tayo”?
3. Tungkol saan ang binasang iskrip?

2
Suriin

Sa pagbuo mo ng iyong sagot sa mga tanong sa bahaging Tuklasin ng


modyul na ito ay dumaan ka sa tinatawag na paghihinuha. Ano ba ang
paghihinuha? Magpatuloy ka sa pagbasa upang ito’y iyong malaman.

Paghihinuha - ito ay proseso ng pagkuha ng kaisipan ng binabasa batay sa mga


ebidensya o mga implikasyong ipinakikita sa isang kuwento, pangyayari o akda.
Karaniwan itong tinatawag na “reading between the lines”. Dumadaan tayo sa
prosesong ito upang makuha natin ang paksa, layon, at tono ng binabasang akda.

1. Paksa ng akda – ang binibigyang-tuon sa akda. Tinatalakay ito ng mga


pangungusap na bumubuo sa akda.
Halimbawa: Ang paksa ng akdang ito ay nCov.

Ang novel coronavirus (nCoV) ay tatawagin nang Covid-19 ayon sa World Health
Organization (WHO). Ang kahulugan ng Co ay Corona, ang Vi ay Virus at and D ay
disease. Ang 19 ay kumakatawan sa taon na ito ay natuklasan. Disyembre 2019
nang kumalat sa Wuhan City sa China ang sakit na naihahalintulad sa pneumonia
at mabilis na kumalat sa 26 na bansa sa mundo kabilang ang Pilipinas. Sa
kasalukuyan, mahigit 1,000 na ang namamatay sa China. Sinasabing maraming
ospital doon ang nagsisiksikan dahil sa rami ng dinadalang pasyente na may
sintomas ng Covid-19. Ang palatandaan na may Covid -19 ay mataas na lagnat,
ubo at sipon. Marami ang nagsasabi na nakuha ang sakit sa paniki at may
nagsasabing sa pangolin. Sa isang palengke umano sa Wuhan, nag-originate ang
sakit.

Sabi ng WHO, ang pagpapalit ng pangalan ng sakit ay para maiwasan ang mis-
information at mga hindi pagkakasundo. Sabi ng WHO, target umanong magkaroon
ng bakuna laban sa Covid-19 pagkalipas ng 18 buwan.

Nagpalit man ng pangalan, ang nililikhang per-wisyo ng sakit na ito ay


nagpapatuloy at marami nang inutang na buhay. Pati ang ekonomiya ng China ay
bumabagsak sapagkat maraming kompanya ang nagsasara lalo na sa Wuhan City.
Dahil sa paglaganap ng sakit, nagmistula na umanong “ghost city” ang Wuhan na
nag-aalisan ang mga tao sa takot na mahawa ng sakit. Noong nakaraang Linggo,
30 overseas Pinoy workers ang sinundo ng Philippine government at kasalukuyang
naka-qurantine sa Athletes Village sa Capas, Tarlac. Wala namang nareport na
may sakit sa mga na-repatriate na OFWs.

Ang maagang pagkatuklas sa bakuna laban sa Covid-19 ang inaasahan na


makakapigil sa paglaganap ng sakit. Napakatagal naman ng 18 buwan para
makapagpalabas ng bakuna. Nararapat magtulung-tulong ang mga malalaking
bansa sa mabilisang pagtuklas sa gamot para ganap na mapigilan ang pagkalat ng
Covid-19. Nalampasan na umano ng sakit na ito ang SARS na nanalasa rin sa
China noong 2003.
3
Ang pag-iingat naman ng mga Pilipino ang laging panawagan ng DOH. Huwag
munang dumalo sa mga pagtitipon o huwag munang magdaos ng mga event
habang nananalasa ang Covid-19. Panawagan din naman na huwag magpanic at
pakyawin ang face mask. Ireserba ang mga ito sa mga hospital workers na laging
nasa front line. Sundin ang DOH sa panawagang ito.
(Pang-masa - February 14, 2020 - 12:00am)

2. Tono ng Akda- ang damdaming namamayani o nangingibabaw sa


akda. Ang mga ito ay maaaring: galit, saya, pagkalungkot,
pangamba, pag-asa, takot, seryoso, agam-agam at iba pa.
Halimbawa: Ang tono ng akdang binasa tungkol sa nCoV ay seryoso.

3. Layon ng Akda - ang nais iparating ng akda sa mambabasa. Ang mga


ito ay maaaring:
1. magbigay – impormasyon,
2. manghikayat o mangumbinsi,
3. manlibang,
4. magbukas o magmulat ng isipan,
5. magbigay ng babala
6. magturo at iba pa.
Halimbawa: Ang layon ng akdang binasa tungkol sa nCoV ay
magbigay ng impormasyon.

Pagyamanin

Gawain 2:
Panuto: Basahin ang komentaryong panradyo sa ibaba at isulat ang paksa, tono
at layon nito.
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng XYXY, narito ang inyong
pinagkakatiwalaang mamamahayag na sina Noel Magtibay at Jacky Gracia
at ito ang Kaisa Mo.
Noel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Jacky: Magandang umaga ,partner!
Noel: Partner, talaga naming mainit na isyu ngayon ang pagbabakuna ng
Covid vaccine.
Jacky: Oo nga, partner. Nagdadalawang –isip ang gating mga kababayan kung
magpapaturok ba o hindi. Ayon kay Sec Duque, may mga side effects daw
ito gaya ng pagkakaroon ng lagnat, pagkakaroon ng rashes sa balat at pag
naging grabe daw ang side effect ay nakahanda naman ang mga hospital.

4
Noel: Naku, partner. Nakatatakot naman iyang pahayag na ‘yan ni Sec Duque.
Talagang magdadalawang-isip nga ang ating mga kababayan niyan
kung magpapaturok ba o hindi ng covid vaccine.
Jacky: Oo nga partner , pero , bakuna ang nakikitang solusyon ng WHO upang
makaahon tayo sa pandemyang ito. Kaya, sa akin lang, partner , ha, dahil
naniniwala ako sa pagbabakuna ay dapat huwag magmadali sa
pagbabakuna. Pag-aralan muna at obserbahan ang epekto nito sa mga
nauna nang mga bansa na nagpaturok ng covid vaccine. Kung
makabubuti talaga, di, sino ba ang aayaw sa buti?
Noel: Sang-ayon ako diyan , partner! May kasabihan nga na, ang lumakad
nang matulin, kung matinik ay malalim.
Jacky: Korek ka diyan, partner!
1. Paksa: ______________________________________
2. Tono: _______________________________________
3. Layon: ______________________________________

Isagawa
Gawain 3A:
Panuto: Magbalik-tanaw sa dalawang sanaysay na nabasa mo na. Isulat mo
ang pamagat nito, ang paksa, layon at tono.
Pamagat: Paksa: Layon: Tono:
Sanaysay 1: __________ ___________ __________ __________
Sanaysay 2: __________ ___________ __________ __________

Gawain 3B: Alin sa dalawang sanaysay ang higit na naibigan mo? Bakit?
________________________________________________________________________

Tayahin
Gawain 4:
Panuto: Basahin ang akda sa ibaba at sagutin ang sumusunod na tanong.
Hahamakin Ang Lahat
Abdon M.Balde Jr

“Kung kaya mong magbreakdance sa JS,” sabi ni Cherry. May halong


biro. Para na rin niyang sinabing, “Pagputi ng uwak”.

5
Ngunit hindi ganoon ang dating kay Dindo.

Sinuway ni Dindo ang bilin ng magulang. Inilihim niya sa mga kaibigan


ang balak.

Nagpalakas siya . Kinausap si Sam. Nagsanay si Dindo. Hindi inalintana


ang sakit at hirap.

“Pwede ka na”, sabi ni Sam pagkaraan ng isang buwan.

Isang linggo bago mag-JS Prom, nilapitan ni Dindo si Cherry na


nagmemeryenda sa canteen.

“Para sa ‘yo, handa na ako”,sabi ni Dindo.

“Oh, shocks!”, sagot ni Cherry, nakangisi. “Serious ka? Kami na ni Joko


‘no!”

Malungkot na tumalilis si Dindo, iika-ika, hila ang paang may polio.


Malupit ang pag-ibig.

1. Ano ang paksa ng binasang akda?


a. paghahanda sa JS Prom b. pagkabigo sa pag-ibig
c. panloloko sa kapwa d. pag-aaral ng pagsayaw
2. Ang tonong nangingibabaw sa akda ay _____________.
a. pagkalungkot b. panghihinayang
c. pagkainis d. paghanga
3. Ang layon ng akda ay __________________.
a. magbigay ng impormasyon b. magbukas ng kaisipan
c. magpaliwanag d. magpaalala

6
3. B
2. A
1. C

Tayahin

Iba-iba ang sagot (batay sa sanaysay na binasa ng mag-aaral)

Isagawa (Gawain 3a & 3b)


Guro ang magwawasto
Tuklasin
3. magbigay ng paalala,
2. seryoso
1. pagpapaturok ng bakuna ng Covid-19 virus

Pagyamanin (Gawain 2)
3. C
2. A
1. A

Subukin (Gawain 1)

Susi ng Kasagutan

SANGGUNIAN
Deped Curriculum Guide 2019
PangMasa, February 14, 2020

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education — Bureau of Learning Resources (DepEd- BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985


E-mail Address: blr.lrdqad@deped.gov.ph *blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like