You are on page 1of 11

Kampanyan

g
Panlipunan
Modyul 2
Ikatlong Markahan
IKALAWANG LINGGO
Sa pag-aaral ng USLeM na ito, inaasahang
maisagawa mo ang sumusunod:

MELC A. Nasusuri ang mga hakbang sa


pagbuo ng isang kampanyang panlipunan
ayon sa binasang mga impormasyon.
• Nakikilala ang kampanyang panlipunan
• Nakalilikom ng mga impormasyon
kaugnay sa pagbuo ng kampanyang
panlipunan
• Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo
ng isang kampanyang panlipunan
• Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo
ng isang kampanyang panlipunan
Panuto: Ibigay ang katumbas na salita ng mga salitang
nakadiin sa pangungusap ayon sa gamit nito sa impormal na
komunikasyon. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
A. tatay C. bente E. uso B. malaki D. mestizo F. bahay

_____ 11. Malaki ang naipong pera ngayon ni erpat ngayon.


_____ 12. Maraming matataas na balay ang nakita ko sa
bayan.
_____ 13. Binigyan ni Ninong ng etneb ang lahat ng bata.
_____ 14. Malakas ang dating niya, palibahasa tisoy.
_____ 15. Talagang in-na-in ngayon ang pagvo-vlog.
Pagpapakilala ng Aralin

 
Ang kampanyang panlipunan ay isang gawaing naglalayong
maipabatid ang mahalagang impormasyon kaugnay sa usaping
panlipunan. Ito ay maaaring nasa anyo ng isang infomercial, patalastas,
photo-story, poster, vlog, blog, social media posts, banner, tula-awit,
spoken word poetry, jingle, pagtatanghal, akdang pampanitikan at
iba pa. Naglalayon itong himukin ang mga taong sumuporta sa isang
proyektong makatutulong sa pagsisimula ng isang pagbabago. Ilan sa
mga paksa ng kampanyang panlipunan ay tungkol sa pagtatapon ng
basura, pagputol ng mga puno sa kagubatan, pagtaas ng halaga ng
presyo ng mga bilihin at iba pa.
Mga Hakbang sa Pagsasaggawa ng Kampanyang Panlipunan
 
1. Pumili ng isang napapanahong isyung panlipunan na nais
gawan ng solusyon sa pamamagitan ng isang kampanyang
panlipunan.
2. Alamin kung sino ang target na mambabasa, manonood at
tagapakinig ng iyong bubuoing kampanyang panlipunan.
3. Mangalap at magsaliksik ng sapat na datos na kakailanganin sa
napiling paksa para sa bubuoing kampanyang panlipunan.
4. Planohin ang magiging pamamaraan at mga hakbang sa
isasagawang kampanyang panlipunan.
5. Isagawa ang plano batay sa nabuong hakbang at pamamaraan.
PHOTO ESSAY
•Makatutulong din sa pagbuo ng kampanyang
panlipunan ang pag-alam sa mga terminong ginagamit
sa mundo ng multimedia at mga impormal na salitang
ginagamit natin sa usapan. Ang multimedia ay paggamit
na higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag sa
paraang elektroniko. Kasama sa mga pamamaraang ito
ay ang bidyo, larawan, tunog, at iba pa. Ilan sa
halimbawa ng mga salitang ginagamit ay ang
sumusunod:
Internet-Internasyonal na network na pang-kompyuter na nag-
uugnay sa mga indibidwal na nasa iba't ibang panig ng
mundo
 
Techie-Tawag sa taong bihasa sa teknolohiya.
World Wide Web (WWW)-Isang koleksyon ng mga dokumento na
naka-store sa iba’t ibang kompyuter sa pamamagitan ng
internet sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Distance Learning -Tumutukoy sa isang maayos na programa ng
pagtuturo na ang guro at mag-aaral ay magkalayo o hindi
pisikal na magkasama.
Upload-Paraan ng pagpapasa ng mga data mula sa kompyuter
patungo sa iba sa pamamagitan ng network.
 
Tingnan ang pagkakagamit ng mga ito sa isang makabulhang
pangungusap:
 
1. Nag-aaral ang mga bata ngayon gamit ang distance learning.
2. Sinimulan niya ang paglagay ng world wide web (www) sa kaniyang
search bar.
3. Pangunahing pangangailangan ngayon ang paggamit ng internet
upang makaagapay sa online learning.
4. Nauuso na talaga ngayon ang pag-upload ng mga video sa mga
social networking sites.
Hindi lahat ay techie at may kakayahang makaagapay agad sa
teknolohiya.
Makikita naman sa ibaba ang halimbawa ng mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon.
 
1. Lalawiganin - mga salitang nagmula at sumasaklaw sa lalawigang pinagmulan nito.
  Halimbawa: balay (bicol) – bahay, saka (ilokano) – paa kan-on (cebuano) – kanin
 
2. Balbal – tinatawag sa ingles na slang. Ito ay mga salitang kanto o salitang kalye.
  Halimbawa: erpat – tatay, tsekot – kotse, chibog- kainan
3. Kolokyal – ito ay mga pang-araw-araw na salitang gingamit sa pagkakataong pormal.
Kadalasang ginagawa sa mga salitang ito ay pinaiikli ng isa, dalawa o higit pang
salita lalo na sa pasalitang komunikasyong mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa: nasan – nasaan, halika – lika, hintay – antay
 
4. Banyaga – Ito ay mga salitang hiniram sa ibang wika. Binubuo ito ng mga
pangngalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika, o mga
salitang walang salin sa wikang Filipino.
Halimbawa: tisyoy – mestizo, tsimay – muchacha, toma – tomar
TAKDANG ARALIN 2-IKATLONG MARKAHAN

Pangkatang Gawain:

1. Ibigay ang hinihingi ng Gawain 1, Gawain 2 at Gawain 3


(Pahina 4-5 Modyul 2-Ikatlong Markahan)

2. Isulat sa Yellow Pad ang mga kasagutan.

3. I-turn in sa Google Classroom ang Larawan ng mga


kasagutan.

You might also like