You are on page 1of 29

Pagsusuring

Pampelikula
Modyul 6:
Nakapanood ka na ba ng mga
pelikula?
Ano ang pinakanagustuhan
mong pelikula na napanood?
Pelikula
• sine at pinilakang
tabing,
• ay isang larangan na
sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan
bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi
ng industriya ng
libangan.
Pelikula
• Ito isang anyo ng sining. Ito ay
tanyag na libangan at negosyo.

• Nililikha ito sa pamamagitan


ng pagrekord ng "totoong" tao
at bagay sa kamera, at/o sa
pamamagitan ng kartong-
biswal na nagtatangkang
makita ang reyalidad at
katotohanan ng buhay.
Kapag dumating ka sa
oras, na kailangan mong
pumili sa pagitan ng
pagmamahal o pag-ibig
at sa pamilya . Alin dito
ang iyong pipiliin?
Tauhan
• Ang mga tauhan ay may kaniya-kaniyang galing sa
pagpaparamdam ng emosyon sa bawat eksena na lalong
nagpalutang sa papel na kanilang ginampanan. Si Joy (Kathryn
Bernardo) ay isang OFW sa Hong Kong na nagsusumikap
upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya
sa Pilipinas. Si Ethan (Alden Richards) isang babaero, walang
seryosong relasyon ay nagtatrabaho bilang isang bar tender sa
niraraketang bar ni Joy sa gabi habang naghihintay ng
kaniyang citizenship.
Paksa/Tema
• Ipinakita ang reyalistikong mga sitwasyon sa buhay ng mga OFW,
paglalahad ng mga hindi kanais-nais na bunga na paglayo sa
pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa. Katulad ni Joy
na siyang inaasahan na makakapagbigay ng mga
pangangailangan ng kaniyang pamilya sa Pilipinas ay kinailangan
niyang pagsabay-sabayin ang pagiging kasambahay, pag-aalaga
ng bata at matanda, pagbebenta ng online products, at pagiging
isang waitress sa isang bar. Idagdag pa ang kagustuhan niyang
makapunta sa Canada. Hanggang magtagpo ang kanilang landas.
Layon
• May kaniya-kaniyang sitwasyong pinagdadaanan ang
bawat isa. Kailangan lang maging positibo at maingat
sa lahat ng hakbang upang sa gagawing desisyon ay
hindi magkamali. Ipinapakita din ng pelikulang ito na
kapag mahal ka ng isang tao hahayaan ka muna
niyang tuparin ang pangarap mo, dahil kapag
nagmamahal ka, kailangan ay marunong kang
magsakripisyo.
Gamit ng Salita
• Ilan sa mga salitang ginamit sa pelikulang ito
ay ang pambansang salita dahil sa pagiging
romantiko nito. Punong-puno ng hugot at iba’t
ibang klaseng emosyon na may masasagi at
masasaging bahagi ng iyong puso na talaga
namang matatangay ka ng mga linya.
1. Ano-anong pamamaraan ang ginawa ni Joy upang matustusan
niya ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya sa
Pilipinas?
2. Ano ang ibig sabihin ni Joy sa sinabi niyang, “ang choice ay
para lamang sa may pera”?
3. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan bilang kabataan,
kasintahan, at anak.
4. Makatuwiran ba na isantabi ang pag-ibig para sa ating
pamilya at pangarap? Pangatwiranan.
5. Paano nakatulong ang mga salitang ginamit upang
mabigyang- kahulugan ang nais ipahiwatig ng pelikula?
Pagbibigay ng Sariling Bayas o Pagkiling
• Ang bayas ay isang inklinasyon predisposisyon o pagkakagusto na nagiging
balakid upang maging kapani-paniwala ang isang pinagmumulan ng
impormasyon.

• Minsan, pinoprotektahan ng isang pinanggagalingan ng impormasyon ang


opinyon niya na nagiging sanhi ng pagkawala ng kaniyang pokus sa
katotohanan. Kapag nangyari ito, may bayas o pagkiling na ang taong iyon.
Mahalaga na malaman mo ang mga bayas sa kahit anong impormasyon na
iyong natatanggap upang hindi ka madaling malilinlang o maloloko.
Maaaring may bayas ang isang impormasyon na hindi nagbibigay ng
kumpletong katotohanan. Maraming mga bayas o pagkiling ang nasa porma
ng propaganda techniques .
Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring Pelikula

• Kailangang ipakilala sa unang talata ang


paksa ng pelikula. Maaaring magsimula ang
may-akda sa mga simpleng detalye tulad ng
pamagat ng pelikula, mga aktor at aktres na
nagsiganap, at pati na rin sa pook at panahon
kung saan nangyari ang kuwento.
Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring Pelikula

• Isalaysay ang daloy ng pelikula. Kailangang


masakop ng manunulat ang kabuoan ng istorya
liban na lang sa pagwawakas nito upang naisin
pa rin ng mambabasa na panoorin ang pelikula.
Maaaring magbigay ng mga halimbawang
eksenang mahalaga at pati na rin ang mga
eksenang tatatak sa isipan ng manonood.
Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring Pelikula

• Maaaring magbigay ng kritisismo sa ikatlong talata sa


isang partikular na aspekto ng pelikula. Maaaring
pagpilian ang mga aktor at aktres na gumanap, ang
pagkahabi ng kuwento, ang hitsura ng mga eksena, ang
kalidad ng tunog at musika, at pati na rin ang mga
tema, simbolismo, at mensaheng gusting ipahayag ng
pelikula. Magbigay ng mga halimbawa sa pelikula
upang suportahan ang mga kritisismo.
1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?
Lumutang ba ang mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida
(protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?

2. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba


itong kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga
manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

3. Gamit ng Salita – ay ang tanyag na mga linya o kataga na may


kaugnayan sa tema o ipinapahayag ng tauhan sa pangyayari.

4. Layon – ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyang


ipahayag o ipaalam.
• Ang mga salitang ginagamit ay depende sa kung anong uri ng pelikula ito:
halimbawa, sa mga palabas na ang tema ay drama, pag-ibig, romansa
musikal ay ginagamit ang balbal, lalawiganin at pambansang salita.

• Samantala sa komedya, aksyon, musikal at katatakutan ay pormal, balbal,


pampanitikan at lalawiganin naman ang naaangkop gamitin.
Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula
1. Pinilakang Tabing – (Silver Screen) o sinehan

2. Sine – lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong


panoorin.

3. Cut – salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa


pag-arte o may eksenang hindi maaayos ang pagkakagawa.

4. Lights, camera, action – hudyat na magsisimula na ang pag-arte o


ang pagkuha ng eksena.

5. Take two – tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena.


Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula

6. Derek – tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang


gagalaw sa pelikula.

7. Bida – tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.

8. Kontrabida – katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang


pelikula.

9. Okey, taping na! – pormal na hudyat na ang taping ay magsisimula na.

10. Break! Break! – saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng


eksena.
Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula

11. Anggulo – tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at pag-


arte.

12. Artista – mga taong gumaganap ng bawat papel na hinihingi ng


istorya

13. Musika – dapat naaangkop sa kuwento o eksena at galaw ng


bawat tauhan.

14. Iskrip – kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na


paglalahad sa pelikula kasama ang detalye ng aksyon at mga
patnubay na teknikal na kailangan sa produksyon.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa


isang pelikula upang mas ______.

A. lumutang ang damdamin ng may akda

B. lalong makasabay ang mga tagapanood

C. mabigyang-kahalagahan ang diyalogo ng mga nagsiganap

D. lalong maunawaan ng mga tagapanood ang nais iparating nito


2. Ito ay salitang karaniwang ginagamit sa mga pelikulang
Pilipino.
A. ingles C. sariling wika
B. taglish D. hiram na salita

3. Ginagamit ang mga salita sa mundo ng pelikula upang higit na


mabigyang-kahulugan ang mga pahayag depende kung ano ang
______.
A. pelikulang paggagamitan C. totoong pahayag ng
pelikula
B. pahayag na nais ipabatid D. salitang mauunawaan ng
manonood
4. Karaniwang salitang ginagamit sa mga
pelikulang drama, komedya, romansa at pag-ibig.
A. balbal C. di-pormal
B. pormal D. lalawiganin
5. Ano ang isang inklinasyon o pagkagusto na
pumigil sa isang pinagmulan ng impormasyon na
maging wasto?
A. bayas C. layon
B. dokumentaryo D. tema
6. Mahalagang may kaalaman sa bayas o
pagkiling sa impormasyon sa isang pelikula
upang hindi ka madaling ______.

A. malamangan C. malito
B. malinlang D. mapaniwala
7. Mahalagang mapukaw ang interes at pananaw
ng mga tagapanood sa isang pelikula
upang____________.
A. hindi masayang ang pinagpagurang pelikula
B. mas maging kaabang-abang ang bawat eksena
C. masulit ang pagod at hirap ng mga artistang
nagsiganap
D. mas maging tutok at hindi nawawala ang
abilidad sa pagtingin sa katotohanan
8-10 Suriin kung saang sangkap ng nilalaman ng
pelikulang nabasa /napanood maiaangkop ang
mga sumusunod na pahayag:

8. Pangalawang anak. Bread winner ng pamilya


at binatang ama.
A. layon C. tema o paksa
B. tauhan D. gamit ng salita
9. Sa bandang huli ng pelikula,nagkaroon ng
kaisahan at naibalik ang dating relasyon ng mga
magkakapatid.
A. layon C. tema o paksa
B. tauhan D. gamit ng salita
10. Ang pagiging tapat sa anumang bagay ay
nakakapagdudulot ng isang masaya at
magandang amahan.
A. layon C. tema o paksa
B. tauhan D. gamit ng salita
Sagot:
1. A 6. C
2. A 7. D
3. D 8. A
4. C 9. A
5. A 10. A

You might also like