You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon I
Dibisyon ng San Carlos
PANGALANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Capataan, San Carlos City, Pangasinan

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Layunin:
a. Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan F8PN-IVg-h-37
b. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng tauhan
II.
A. Paksang Aralin : Pagpaparaya ni Aladin
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8
C. Mga Kagamitan: TV, laptop
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kapuwa at sa Bayan

III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Paunang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtatala ng liban sa klase
2. Balik-aral
a. Pagpapakita ng larawan
b. Bakit kaya nagawa ni Adolfo na magtaksil sa bayan?
3. Pagganyak
a. Mga uri ng emosyon
(Positibo at Negatibo)
a.1. Kumusta ka?
a.2. Ano ang nararamdaman mo ngayong araw?
B. Paglalahad ng aralin
a. Panuto: Punan ng tamang titik ang mga sumusunod na salita
upang mabuo ang kahulugan nito.
1. PA_B_YA – Pagpaparaya
2. M_R_ - Muslim
3. P_G-IB_G – pagmamahal
4. P_G_T_N- putulin
5. IR_G – kasintahan
a. Panonood sa Florante at Laura: Mga saknong 347-359
C. Pagtalakay sa Aralin
a. Palabunutan
Mga Tanong:
1. Sino ang nagsasalita sa tula?
2. Sino ang kanyang ama?
3. Ano ang kanilang relihiyon o paniniwala?
4. Bakit napakahirap para kay Aladin na isalaysay ang kanyang
buhay?
5. Magbigay ng halimbawa ng saknong na nagpapakita ng
matinding damdamin ni Aladin.
6. Paano mo ilalarawan si Aladin bilang isang anak? bilang isang
kasintahan?
7. Ano ang naging damdamin ni Aladin sa kanyang ama nang
malaman niyang may gusto pala ito sa kanyang kasintahang si
Flerida?
D. Paglalagom
a. Three-minute paper
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang “three-minute
paper”.
Tanong:
Kung ikaw si Aladin, magpaparaya ka ba o ipaglalaban ang iyong pag-
ibig?
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung anong damdamin sa bawat bilang.
1. "Sa pagbatis niring mapait na luha,
ang pagkabuhay ko'y sukat mahalata...
(Ay, ama ko! bakit...? Ay, Fleridang tuwa!)
katoto'y bayaang ako'y mapayapa. – Pagdadalamhati
2. Kanilang nilibot ang loob ng gubat,
kahit bahagya nang makakitang landas;
dito sinalita ni Alading hayag
ang kanyang buhay na kahabag-habag. – Kahabag-habag

V. Takdang-aralin
a. Basahin ang mga natitirang saknong sa Florante at Laura: Ang Pagwawakas.
Pagkatapo ay sumulat ng maikling buod ng binasang mga saknong.

Inihanda ni:
ANGELINE M. CANO
Guro sa Filipino 8

Binigyang-pansin ni:

JOSEPHINE V. CASILLAN
Head Teacher III

You might also like