You are on page 1of 2

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. Layunin:
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda.

KBI: Pagmamahal sa pamilya

II. Paksa
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

III. Mga Kagamitan


A. Sanggunian:
K to 12 CG Code (F7PN-IVa-b-18) p. 146 ng 190
B. Kagamitan
TV, PPT Presentation, kagamitang panturo

IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Balik-Aral
Ibahagi ang mga napulot na aral noong nakaraang talakayan.

B. Pagganyak
Itanong: Natatandaan niyo pa baa ng mga mahiwagang hayop na naitalakay sa nakaraang markahan?
Ibigay ang kanilang mga katangian.

C. Pagbibigay ng mga Gawain


Indibidwal na Gawain. Basahin ang akda tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna.

D. Pagsusuri
1. Ano ano ang tatlong pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas?
2. Bakit karaniwang may kinalaman sa relihiyon ang paksain ng panitikan sa panahong iyon?

E. Pagtatalakay
Talakayan tungkol sa pagtukoy ng mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda.

F. Paglalapat
Kung ikaw ay isa sa mga taong nabubuhay sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, tatangkilikin mo
rin baa ng koridong Ibong Adarna? Ipaliwanag.

G. Paglalahat
Sa araling ito, natutunan ko na _________.

H. Pagtataya
PANUTO: Tukuyin ang mahahalagang detalye at mensahe ng napakinggang bahagi ng akda. Piliin ang
wastong sagot mula sa kahon.
_______1. Ito ay binubuo ng 8 pantig sa loob ng isang taludtod at apat na taludtod sa isang taludturan.
_______2. Ito ang tawag sa mabilis na himig ng Korido.
_______3. – 5. Ito ang karaniwang paksa ng Korido.
MGA PAGPIPILIAN
Korido Kababalaghan
Pananampalatay Allegro
a
Alamat

I. Kasunduan
Pag-aralan ang motibo ng akdang Ibong Adarna.

V. Mga Tala
_____ Natapos _____ Kulang sa Oras
_____ Hindi natapos _____ Suspensyon

VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatutulong ba ang remedial?
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan/nasolusyunan sa
tulong ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadbuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like