Professional Documents
Culture Documents
IBONG ADARNA
Punan ang patlang ng mga wastong salita upang mabuo ang diwa ng bawat talata. Piliin ang sagot sa talaan sa kaliwang bahagi.
banga Isinilid ng Ermitanyo ang ibon sa ____________ at iniabot kay Don Juan
batong kasama ang bilin na kumuha ng ____________ at sumalok ng tubig. Dala ang
bendisyon banga, nagbalik si Don Juan sa Piedras Platas at binuhusan ang dalawang
hawla ____________ naroon. Unti-unti, ____________ ang kanyang mga kapatid.
lumitaw Masaya silang nagbalik sa Ermitanyo at doon ____________. Sa paghahangad
mapagaling na ____________ ang may sakit na ama, humayo na ang magkakapatid at
nagdiwang ibinigay ng Ermitanyo ang hawla. Sa paglisan, hiningi ni Don Juan ang
____________ ng Ermitanyo.
Leonora Isinalaysay ng negrita ang mga _______________ ng ama ni Donya Maria para
maalala kay Don Juan hanggang sa _______________ nila mula kay Haring Salermo
nasasaktan ngunit hindi pa rin _______________ ni Don Juan ang kanyang sinta. Naglabas
pagsubok ng _______________ ang negrita at tinamaan ang negrito habang nagsasalita
pagtakas ngunit si Don Juan ang _______________ . Nasaktan si Don Juan ngunit hindi
pilak pa rin niya naalala si Mariang mahal niya. Higit siyang napapamahal kay
suplina _______________ . Natapos ang palabas at nawalang mistulang bula ang
tubig negrito at negrita. Ang tanging naiwan ay ang praskong balot ng
_______________ at ang laman ay _______________ .
Sinimulan ng manunulat ang kanyang korido sa pagpuri kay Birheng Maria. Ayon sa manunulat, si Birheng Maria ang nagbibigay
liwanag ng isip para hindi siya magkamali. Inaamin ng manunulat na siya ay isang hamak lamang, mahina ang katawan at
kaisipan. Siya raw ay tila naglalayag nang mag-isa at nang napalayo na, hindi na niya kayang mamangka. Humihingi rin siya ng
gabay sa pagpaplano ng kanyang buhay. Hinihiling din niya na pakinggan ng Birhen ang kanyang kinathang korido.
Si Don Fernando ay hari ng Berbanya. Siya ay mabuti at iginagalang mapa- mayaman man o mahirap. Hinahangaan din siya ng
mga hari ng ibang reyno dahil sa kanyang pamumuno.
Si Donya Valeriana ang kanyang asawang napakaganda at may kabaitang dapat tularan.
May tatlo silang anak: sina Don Juan, Pedro at Diego. Si Don Pedro ang panganay, kainaman ang postura. Si Don Diego ay
mahinhin at malumanay at ikalawang anak. Bunso si Don Juan na mapagmahal at puno ng kabaitan. Mahal na mahal siya ng
kanyang mga magulang. Malaki ang pagmamahal ng kanilang mga magulang sa kanila.
Dumating ang araw na pinapili ni Don Fernando ang mga anak kung gusto nilang maging pari o hari. Ayon sa tatlo, nais nilang
maging hari upang makapaglingkod sa Berbanya. Dahil dito, pinag-aral sila at sinanay humawak ng sandata.
Umunlad ang buong Berbanya sa pamumuno ni Haring Fernando. Ngunit isang gabi habang natutulog ang hari napanaginipan
niya na ang kanyang anak na si Don Juan ay pinagtaksilan at pinatay ng dalawang masasamang tao. Pagkatapos itong patayin,
inihulog ito sa isang balon.
Nagising ang hari at matindi ang pagkalungkot mula noong gabing iyon. Kung nag-iisa, lumuluha at nagbubuntong-hininga siya.
Dahil dito, lumubha ang kanyang karamdaman. Nanghina siya at tila malapit na ang kanyang kamatayan. Nagpatawag ng isang
mediko ngunit hindi pa rin matunton ang sanhi ng karamdaman ng hari. Nalungkot at natakot ang lahat sa palasyo lalo na ang
kanyang asawa’t mga anak.
Isang araw, may isang manggagamot na dumating upang tuklasin ang kanyang karamdaman. Ayon sa manggagamot, nagmula
ang sakit ng hari sa isang masamang panaginip. Upang magamot ito, kailangang mapakinggan ng hari ang pag-awit ng Ibong
Adarna. Matatagpuan daw ang Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakatira sa puno ng Piedras Platas. Kung araw, ang ibong ito ay
nasa mga burol at naghahanap ng pagkain. Sa gabi naman, natutulog ito sa kanyang puno.
Agad inutusan ni Don Fernando ang kanyang panganay na anak na pumunta sa Bundok Tabor at kunin ang Ibong Adarna.
Agad sinunod ni Pedro ang utos ng ama. Sumakay siya sa isang kabayo at naglakbay ng tatlong buwan. Sa kanyang paglalakbay
napunta siya sa isang mataas na bundok. Inakyat niya ito at narating ang itaas ngunit namatay ang kanyang kabayo. Naglakad
siya upang makaabot sa Bundok Tabor.
Sa Bundok Tabor ay nakita niya ang punong kumikislap na tila dyamante. Mayabong at bukod-tangi ang mga dahon ng puno. Sa
ilalim ng punong iyon siya namahinga. Naisipan niyang baka ito na ang Piedras Platas na tirahan ng Adarna.
Takipsilim na at maraming ibong nagliliparan. Tinitingnan ni Don Pedro kung alin at nasaan ang Ibong Adarna. Laking pagtataka
niya dahil walang lumapit o dumapo sa punong pinagpapahingahan niya. Hindi pinapansin ng mga ibon ang punong iyon.
Halos buong gabing namalagi si Pedro sa punong iyon. Bahagyang galaw lamang ng mga sanga ay tinitingnan niya kaagad.
Ngunit wala siyang nakitang ibon. Natulog siya at nagpasyang sa umaga na lamang hahanapin ang ibon.
Habang natutulog si Don Pedro, dumating ang Ibong Adarna. Dumapo ang ibon sa sanga ng Piedras Platas. Pinaganda nito at
inayos ang mga balahibo. Nagsimulang umawit ang Ibong Adarna. Ang buong kabundukan ay tumahimik para makinig sa pag-
awit ng ibon. Kumikislap na tila mga parol ang mga dahon ng puno habang umaawit ito.
Pitong awit ang narinig mula sa ibon at nagpapalit ng anyo ng balahibo sa bawat kanta. Pagkatapos umawit, ugali ng ibon ang
magbawas at matulog. Ngunit nang magbawas ito, napatakan si Don Pedro at siya ay naging bato.
Nang hindi makabalik si Don Pedro, inutusan ng haring ama si Don Diego na hanapin ang kanyang nawawalang kapatid at ang
Ibong Adarna. Naglakbay si Don Diego ng limang buwan at dumaan sa mga parang, gubat, bundok, at ilog nang walang takot.
Narating niya ang Bundok Tabor at takipsilim na nang matagpuan niya ang Piedras Platas.
Nagtaka si Don Diego dahil maraming nagliliparang ibon ngunit wala ni isa mang dumapo sa puno. Dahil sa pagod, namahinga siya
sa ilalim ng puno sa tabi ng batong may kakaibang hugis. Hinintay niya ang Ibong Adarna.
Dumating din ang Ibong Adarna. Nagpapalit ito ng balahibo tuwing may bagong aawitin. Naaliw si Don Diego sa pakikinig
hanggang sa makatulog. Gaya ng dati, umawit ang ibon nang pitong beses at pitong ulit ding nagpalit ng anyo. Pagkatapos
umawit, dumumi at natulog ang ibon. Tulad ng kanyang kapatid, napatakan ng dumi si Don Diego at naging bato.
Hindi dumating si Don Diego at dahil dito, lalong lumubha ang karamdaman ni Don Fernando. Gusto niyang ipahanap si Diego sa
kanyang minamahal at bunsong anak ngunit natatakot siya na hindi na rin ito makabalik. Ayaw ng hari na mawala si Don Juan sa
kanyang piling.
Habang pinag-iisipan ng kanyang ama ang tungkol dito, nagdurusa si Don Juan sa pagkawala ng kanyang dalawang kapatid at sa
paglubha ng sakit ng kanyang ama. Kaya lumapit siya sa kanyang ama at hiniling na siya naman ang hananap sa Ibong Adarna at
sa kanyang mga kapatid.
Magtatatlong taon na at hindi pa rin bumabalik ang kanyang mga kapatid at lumulubha ang sakit ng kanyang ama. Ngunit sinabi
ng hari sa anak na kung mawawala pa si Don Juan sa palasyo aya baka tuluyan na siyang mamatay.
Sinabi ni Don Juan na naaawa siya tuwing nakikita niya ang kanyang ama na nasa malubhang kalagayan. Tinakot pa niya ang ama
na aalis nang walang paalam kung hindi siya papayagang umalis. Nabigla at natakot ang hari.
Binigyan ng bendisyon ng ama si Don Juan. Lubhang nalungkot ang hari at ang reyna sa pag-alis ni Don Juan. Naglakbay si Don
Juan nang walang dalang kabayo at nagbaon lamang siya ng limang pirasong tinapay. Habang naglalakbay ay nananalangin siya
kay Birheng Maria na patnubayan siya at bigyan ng lakas na matiis ang mga paghihirap alang-alang sa pagmamahal niya sa
kanyang mga magulang at sa dalawang kapatid. Nagdasal siyang sana’y maligtas siya sa lahat ng panganib.
Napag-isipan ni Don Juan na kakain siya ng isang pirasong tinapay bawat buwan upang mapawi ang kanyang gutom. Hanggang
isang araw ay narating niya ang isang malaking bundok. Nanalangin siya sa Diyos at Birheng Maria na tulungan siya. Narinig ng
langit ang kanyang mga dasal at naakyat din niya ang bundok. Sa itaas ng bundok ay nakakita siya ng matandang ketongin.
Binigyan ni Don Juan ng tinapay ang matandang ketonging humingi ng pagkain sa kanya. Nagpasalamat ang matanda at tinanong
kay Don Juan kung ano ang pakay niya. Sinabi ni Juan na kukunin niya ang Ibong Adarna para gumaling ang kanyang amang may
sakit. Hinahanap din niya ang dalawa niyang kapatid.
Pinayuhan ng matanda si Don Juan kung ano ang dapat gawin upang makuha ang Adarna.
Mabilis ang paglakad ni Don Juan pagkatapos ng pakikipag-usap sa matanda. Nakita niya ang Piedras Platas at nabighani siya sa
kagandahan ng puno, sa gintong sanga nito at malalabay na dahon. Ngunit sa tulong ng kanyang Inang Mahal nalinaw ang pag-
iisip ni Don Juan kaya nagpatuloy ito sa paghahanap ng bahay na dapat niyang puntahan.
Natagpuan niya ang isang dampa na may nakatirang Ermitanyo na agad namang nagpatuloy at nagpakain sa kanya. Sinabi ni Juan
sa Ermitanyo na hinahanap niya ang Ibong Adarna at ang dalawa niyang kapatid. Sinabi ng Ermitanyo na napakalakas ng Ibong
Adarna at wala pang taong nakakatalo rito. Ngunit sinabi ni Don Juan na handa siya alang-alang sa kanyang ama.
Pinayuhan si Don Juan ng Ermitanyo na sa puno ng Piedras Platas makikita ang Adarna. Hatinggabi ito dadapo sa puno at aawit
ito nang pitong beses at pitong ulit ding magpapalit ng kulay ng balahibo. Nakakatulog ang sinumang makarinig sa awit ng Adarna
ayon sa Ermitanyo. Pinayuhan niya si Don Juan na hiwain ang kanyang palad at patakan ng isang dayap sa tuwing aawit ang ibon.
Dumurumi ang Adarna pagkatapos ng awit nito bago matulog. Dapat iwasan ni Don Juan ang dumi para hindi siya maging bato.
Kapag tulog na ang ibon, maaari na itong kunin kasama ang gintong sintas.
Humayo na si Don Juan upang abangan ang ibon.
Nakita ni Juan na dumapo ang Ibong Adarna sa sanga ng Piedras Platas. Naakit si Don Juan sa kumikislap na puno at magandang
ibon. Sa pagkanta ng ibon, bahagyang inantok si Don Juan kaya hiniwa niya ang kanyang palad at pinatakan ito ng katas ng dayap.
Sa tindi ng hapdi ng sugat, nagising si Don Juan.
Umawit ang ibon nang pitong ulit at pitong ulit itong nagpalit ng anyo. Gaya ng dati, dumumi ito pagkatapos umawit. Nakita ni
Don Juan ang pagpatak ng dumi at kagyat siyang umilag upang hindi maging bato. Nang makatulog ang ibon ay agad niyang
tinalian ang mga paa nito ng gintong sintas. Dali-dali niyang dinala sa Ermitanyo ang ibon.
Isinilid ng Ermitanyo ang ibon sa hawla at iniabot kay Don Juan kasama ang bilin na kumuha ng banga at sumalok ng tubig. Dala
ang banga, nagbalik si Don Juan sa Piedras Platas at binuhusan ang dalawang batong naroon. Unti-unti, lumitaw ang kanyang
mga kapatid. Masaya silang nagbalik sa Ermitanyo at doon nagdiwang. Sa paghahangad na mapagaling ang may sakit na ama,
humayo na ang magkakapatid at ibinigay ng Ermitanyo ang hawla. Sa paglisan, hiningi ni Don Juan ang bendisyon ng Ermitanyo.
SAKNONG 233-275 BUNGA NG MASAMANG GAWA
Nagpatuloy ang tatlong magkakapatid patungong Berbanya. Sa daan, nakaisip si Don Pedro ng isang masamang balak.
Nagpahuli si Don Pedro at kinausap niya si Don Diego. Mayroon siyang masamang balak kay Don Juan. Natakot si Don Diego sa
sinabi ni Don Pedro. Sinabi ni Don Diego na malalaman din ang katotohanan tungkol sa Ibong Adarna.
Naiinggit siya kay Juan dahil sa gantimpalang makukuha nito. Pinilit ni Don Pedro si Don Diego na sumama na sa kanyang
masamang balak. Sinabi nito na bubugbugin nila si Don Juan hanggang sa ito’y manghina. Pagkatapos, kukunin nila ang ibon at
dadalhin sa kanilang ama nang buong dangal. Pumayag si Don Diego.
Binugbog nila si Don Juan. Hindi nanlaban si Juan. Sumisigaw lamang siya na tigilan na nila ang ginagawa nila. Nang makita
nilang parang patay na si Juan, iniwan nila ito at kinuha ang Ibong Adarna.
Dumating ang magkapatid sa palasyo at agad silang pumunta sa kanilang ama upang ibigay ang Ibong Adarna. Nang makita ng
hari ang pagbabalik ng dalawang anak at ang Adarna, gumaan ang loob niya at parang mawawala na ang kanyang sakit. Ngunit
hindi niya nakita si Don Juan at tinanong kung nasaan ito. Ang sagot ng dalawa ay hindi nila alam. Nabigo at naghimutok ang
amang hari sa pagkawala ni Don Juan. Muling bumigat ang kanyang kalooban at lalong lumubha ang kanyang sakit.
Naging malungkot at Ibong Adarna. Pumangit ang kanyang balahibo at hindi na siya kumanta. Nainip ang hari dahil hindi
kumakanta ang ibon. Nagduda na siya kung iyon nga ang totoong Ibong Adarna. Sinabi niya na kung hindi aawit ang ibon ay baka
tuluyan na siyang mamatay.
Hindi umawit ang Adarna habang wala pa si Don Juan na siyang totoong may-ari sa kanya. Umasa ang hari na buhay pa si Juan, at
makababalik sa Berbanya.
Habang lumulubha ang sakit ng hari ng Berbanya, gumagapang naman sa damuhan si Don Juan dahil sa bugbog na inabot niya sa
dalawang nakatatandang kapatid. Sa kawalan ng pag-asa, nagdasal siya sa Diyos.
Nagdasal din siya na sana ay gumaling ang sakit ng amang hari; na sana ang Ibong Adarnang pinaghirapan niyang kunin ang
makapagpagaling sa kanyang ama.
Narining ang kanyang mga dasal nang isang matanda mula sa bundok ang lumapit sa kanya.
Pinahiran nito ng gamot ang mga sugat ni Juan. Parang isang panaginip ang nagyari kay Don Juan. Nang magising, nanumbalik
ang kanyang dating lakas at sigla. Inakala niya na ang matandang iyon ay ang “Diyos”.
Tinanong ni Don Juan kung ano ang maibabayad niya sa ginawa ng matanda. Sinabi ng matanda na hinihintay na si Don Juan ng
kanyang ama sa Berbanya. Nagpaalam si Don Juan at naglakbay pauwi ng Berbanya.
Nang gumaling, bumalik si Don Juan sa Berbanya. Ikinatuwa ng kanyang ina ang kanyang pagbabalik ngunit ikinasindak ng
magkapatid na Pedro at Diego. Lumuhod at hinalikan ni Don Juan ang kanyang ama.
Pagkakita sa kanya, ibinalik ng Ibong Adarna ang magaganda nitong balahibo at inawit ang tungkol sa sinapit ni Don Juan.
Nakatulog ang hari at napawi ang sakit. Natuklasan niya ang kataksilan nina Pedro at Diego at binalak na sila’y parusahan. Sa
halip na maparusahan, hiniling ni Don Juan sa ama na patawarin ang mga kapatid.
Nanumbalik ang sigla ng hari, gayundin ang kaayusan ng Berbanya. Inatasan ng hari na magbantay ang tatlong magkakapatid sa
ibon, tig-tatatlong oras bawat gabi.
Kahit napatawad na ng amang hari at ni Don Juan sina Don Pedro at Diego, muling nagtangka ng masama ang dalawa laban kay
Don Juan upang makaganti sa pagkapahiya nila.
Isang gabi, inimbita ni Don Pedro si Diego na samahan siyang magtanod sa Ibong Adarna. Tinanong ni Diego kung sino ang
magtatanod pagkatapos niya. Sinabi ni Don Pedro na si Don Juan naman ang susunod na magtatanod. Ang dalawa ay nagkasundo
kaya nagkwentuhan at nagbiruan hanggang pagsapit ng ikasampu ng gabi. Ginising nila si Don Juan kahit hindi pa nito oras.
Sinabi niya sa dalawa na halinhinan siya sa susunod nang maaga. Ngunit sa pagtatanod ay nakatulog siya. Nang tulog na si Don
Juan binuksan ng dalawa ang hawla at pinawalan ang Adarna. Nang makita ni Don Juan na wala na ang ibon agad siyang umalis
ng palasyo at ng kaharian ng Berbanya. Nang magising ang kanilang ama at nakita na wala na ang ibon, tinanong niya kung sino
ang nagtanod nang gabing iyon. Sinabi nila na si Don Juan. Kaya inutusan niya ang dalawang anak na hanapin at ibalik si Don
Juan. Naghanap ang magkapatid hanggang sa marating nila ang Armenyang Kabundukan.
SAKNONG 443-478 DI HUSTO ANG TANGAN
Napakaganda ng Armenyang Kabundukan. Maraming malalaking punungkahoy na namumunga. Marami ring mga ibon doon
tulad ng maya, pugo’t kalaw, limbas, uwak, at lawin. Amoy sampaga at milegwas ang simoy ng hangin doon. Naririnig din ang
daloy ng tubig na umaagos sa mga bato. Tahimik at mapayapa sa lugar na ito mapagabi man o mapaumaga. Sa Kabundukang
iyon nagpasyang manirahan si Don Juan upang pagsisihan ang kanyang mga pagkukulang.
Nahanap din nina Diego at Pedro si Juan. Kinausap nila si Juan na kung ayaw na nitong bumalik sa Berbanya, sasama na lang
silang manirahan sa Armenyang Kabundukan. Pumayag si Don Juan. Walang araw na hindi sila nagsasaya dahil maraming
maaaring gawin doon tulad ng pangingisda o panghuhuli ng mga ibon. Tuwing Linggo, silang magkakapatid ay nagkakaroon ng
munting salu-salo. Masaya ang buhay nila sa Kabundukan ng Armenya.
Isang araw habang naglalakad silang magkakapatid, may natuklasan silang isang balon. Ang balon ay gawa sa marmol ngunit
walang tubig at napakalalim. Pinagpasyahan nilang pasukin ang balon.
Naunang pumasok si Don Pedro, ngunit hindi nagtagal at muli siyang lumabas dahil sa takot sa dilim at kalaliman ng balon.
Sumunod si Don Diego, ngunit natakot din siya sa kadiliman at kalaliman ng balon. Ang huli ay si Don Juan. Bumaba si Juan sa
balon at nilabanan ang takot sa dilim at lalim nito. Sinabi niya sa sarili na tatapusin niya ang kanyang sinimulan. Ang kanyang
mga kapatid ay nangangamba at naiinip sa kahihintay kay Juan. Pababa nang pababa si Juan hanggang sa makatapak siya sa lupa.
Pagharap niya ay nakita niya ang isang palasyong ginto at pilak.
Nang makita niya ang palasyo, may nakita rin siyang napakagandang babae na nagngangalang Donya Juana, isang prinsesa. Pinuri
at sinamba ni Don Juan ang kagandahan ni Donya Juana.
Hiniling ni Donya Juana na huwag siyang iwanan doon dahil may isang sakdal lupit na higanteng nagbabantay sa kanya. Hindi
natakot si Don Juan sa higante
Nang dumating ang higante, inaglahi niya si Donya Juana. Dahil dito, nagalit si Don Juan at hinamon ang higante sa isang
pagtutuos. Sa tulong ng Diyos nanalo si Don Juan. Aalis na sana sila nang maalala ni Juana na ang kanyang kapatid na si Leonora
ay naroon pa. Si Leonora naman ay binabantayan ng serpyenteng may pitong ulo. Hiningi ni Donya Juana kay Don Juan na iligtas
ang kanyang kapatid mula sa serpyente. Pumayag naman si Don Juan.
Nakita ni Don Juan sa palasyo si Prinsesa Leonora. Nagtitigan muna sila hanggang sa magtanong si Leonora kung ano ang
ginagawa niya roon at kung bakit walang ingat sa pagsasalita ang binata. Humingi ng paumanhin si Juan. Nagkagustuhan ang
dalawa habang nag-uusap. Dumating ang serpyenteng nagbabantay kay Leonora at naglaban sila ni Don Juan. Bahagyang natigil
ang labanan. Sa pagtutuloy ng laban, binuhusan ni Juan ng balsamo ang ulo ng serpyente. Matapos matalo ang ahas, umalis
sina Leonora at Juan sa palasyo.
Kalalabas lamang nina Don Juan at Leonora. Ikinuwento nila ang mga nangyari sa balon. Sa sobrang inggit, muling nagtangkang
pagtaksilan ni Don Pedro si Don Juan.
Nakalimutan ni Leonora ang kanyang singsing sa palasyo sa loob ng balon. Habang bumababa ng balon si Don Juan, pinutol ni
Pedro ang lubid at bumagsak si Juan. Pinababa ni Leonora ang kanyang Lobo at inutusan itong gamutin si Juan.
Samantala, sa itaas ng balon, hinikayat ni Pedro si Leonora na siya na lamang ang mahalin. Nang di pumayag si Leonora, sapilitan
itong binuhat ni Pedro pauwi ng Berbanya. Naiwan naman sa balon si Don Juan.
Sa mga araw na nagdaan, lubos ang kalungkutang nadama ng amang hari dahil sa pagkawala ni Don Juan. Malaking tuwa raw
kung mayayakap niya ang kanyang minamahal na bunsong anak. Itinanong ng hari sa dalawang nakatatandang anak kung ano
ang natagpuan nila sa mga bundok at gubat. Ayon sa dalawa lahat daw ay pinuntahan at pinaghanapan nila ngunit hindi nila
nakita si Don Juan, maliban sa dalawang prinsesang iniligtas nila mula sa higante at serpyente sa kanilang kaharian sa loob ng
balon. Hiningi ni Don Pedro na makasal agad sila ni Leonora ngunit taimtim na hiniling ni Leonora na masunod ang kanyang
panatang mabuhay nang mag-isa sa loob ng pitong taon. Samantala, inihanda ang kasal nina Don Diego at Donya Juana. Siyam
na araw ang walang tigil na kasiyahan, habang patuloy ang pagdurusa ni Don Juan sa Armenya.
Naabutan ng lobo si Don Juan na sugatan at bali-bali ang mga buto. Para mapagaling si Don Juan, kumuha ng tubig mula sa Ilog
Herdan ang lobo. Umahon sila mula sa balon at iniwan na ng lobo si Don Juan. Sa paglalakbay, napagod at naidlip si Don Juan.
Nakita siya ng Adarna at nagising si Juan sa awit nito. Ikinuwento ng ibon kung paano siya nakaalis sa palasyo. Sinabihan din siya
ng ibon na limutin na si Leonora at maglakbay patungong Reyno delos Cristales upang hanapin ang isang Maria Blanca.
Lubos ang kalungkutan ni Leonora ngunit inaasam niyang sana’y buhay pa si Don Juan sa tulong ng lobong inutusang manggamot.
Samantala, tila hindi matunton ni Don Juan ang daan patungong Kaharian ng delos Cristal. Tatlong taon na siyang naglalakad sa
gubat at mga kabundukan, ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa sa Diyos. Isang araw, nakatagpo siya ng isang matandang
ermitanyo. Nanlimos ng pagkain si Don Juan. Sa kanyang gutom, nakuha niyang kainin ang maitim at bukbuking tinapay.
Binigyan pa siya ng matanda ng pulut-pukyutan at tubig. Naubos ni Don Juan ang pagkain at tubig at nagpasalamat siya sa
kabaitan ng matanda. Itinanong niya sa matanda ang daan patungong de los Cristal. Pinapunta ng matanda si Don Juan sa
ikapitong bundok. Sinabi nito na matatagpuan ni Don Juan ang isang ermitanyo na pagbibigyan niya ng isang pirasong tela.
Sa kanyang silid, nasa isip pa rin ni Leonora si Don Juan. Biglang pumasok si Don Pedro. Sinubok niyang hikayatin si Leonora na
limutin na si Don Juan ngunit di ito sumuko. Hihintayin pa rin niya ng pitong taon si Don Juan, kaya mapipilitan ding maghintay si
Don Pedro ng pitong taon.
Kinailangan ni Don Juan na maglakbay ng limang buwan patungo sa bundok na katatagpuan sa isa pang ermitanyo. Nang makita
si Don Juan ng ermitanyo, nais niyang paalisin nito. Ngunit pagkatapos siyang tanungin kung ano ang ginagawa sa bundok,
ipinakita niya ang barong binigay sa kanya ng unang ermitanyo. Sinabi ng ermitanyo na ito ay baro ni Jesus at itinanong niya ang
kailangan ni Don Juan. Muling itinanong ni Don Juan kung nasaan ang delos Cristal. Tinawag ng ermitanyo ang mga hayop sa
gubat pero walang may alam. Kaya pinadala siya ng ermitanyo sa Olikornyo patungo sa isa pang ermitanyo para ibigay ang barong
dala niya.
Nakarating sila doon at nakita siya ng isa pang ermitanyo na kapatid ng ermitanyong nakausap na niya. Ibinigay niya ang baro at
tinanong kung alam nito ang delos Cristal. Tinawag naman ng ermitanyo ang mga ibon ngunit walang may alam. Nahuling
dumating ang Agila at alam nito ang delos Cristal. Pinangako nitong dadalhin doon si Don Juan. Nagpasalamat siya at lumipad
sila patungong kaharian ng delos Cristal.
Pagkatapos ng isang buwan, nakarating si Don Juan sakay ng agila sa kaharian ng Cristales. Dinala siya ng agila sa paliguan ng mga
prinsesa. Umalis ang agila at pinayuhang magtago ang prinsipe. Sa pag-alis ng agila, nakita ni Don Juan si Donya Maria.
Pinagmasdan niya ito at di maipikit ang mga mata sa sobrang ganda ng prinsesa. Nang pumasok na sa paliguan si Donya Maria, sa
pagkahumaling ni Don Juan ay ninakaw at pinaghahalikan niya ang damit ng prinsesa.
Pagkatapos maligo, nalaman ng prinsesa na nawawala ang kanyang damit. Isang oras siyang naghanap pero pa rin niya nakita.
Galit na galit ang prinsesa at nangakong parurusahan ng kanyang ama ang may kagagawan nito. Sa wakas, lumabas ang
magnanakaw at nagpaliwanag si Don Juan. Sinabi rin niya na mula siya sa Berbanya at dala siya ng mahiwagang bula. At habang
nag-uusap, nalaman nilang sila’y umiibig sa isa’t-isa.
Ikinuwento ni Donya Maria na ang mga batong nakikita nila’y dating mga taong nanligaw sa kanya na naparusahan ng ama niyang
hari, kaya nagbilin siya ng mga ilang bagay ukol sa wastong paraan ng pagkilala at pagpapakilala sa hari. Pagkatapos niyo’y
naghiwalay ang dalawa. Nakita ni Don Juan ang hari at kinapanayam siya nito. Hindi niya sinunod ang payo ni Maria at
pinagtawanan si Don Juan ng buong korte. Dahil dito, binigyan ng hari ang prinsipe ng malulupit at tila mga imposibleng utos.
Ngunit dahil sa mahika ni Donya Maria, natupad lahat ang mga utos ng hari gaano man kahirap. Dahil dito, napapayag ni Don
Juan ang hari na ipakasal sa kanya si Donya Maria.
Ipinatawag si Don Juan sa palasyo ngunit ayaw niyang manatili roon dahil ayaw niyang sumailalim sa mahika ng hari. Pumayag si
Don Juan na sundin ang kahit anong kahilingan ni Haring Salermo. Una’y pinakawalan ng hari sa dagat ang labindawalang ita na
galing sa prasko. Sinabi ng hari na kailangang maibalik ni Don Juan ang lahat ng ita sa loob ng prasko bago mag-umaga. Nang
gumabi na, nagkita sina Don Juan at Donya Maria. Matapos nilang magsaya, ipinangako ni Maria na maibabalik ang mga ita sa
prasko. Pinagpahinga na ni Maria si Juan. Tumungo si Maria sa dagat at tinawag ang mga ita. Nanginginig sa takot na
nagsibalikan ang mga ita sa loob ng prasko.
Inutusan naman ng hari na iurong ni Don Juan ang bundok sa harapan ng palasyo upang masagap niya ang sariwang hangin
pagkagising niya sa umaga. Sa tulong ni Maria, naiurong ang bundok.
Hiningi naman ng hari na itabon sa ldagat ang lupa ng bundok at gumawa ng isang malaking palasyong may matitibay na moog.
Nais ng hari na magkaroon ng magandang lagusan mula sa palasyo real patungong moog na may mga kanyong nakahanay.
Kinaumagahan, dahil din kay Donya Maria natupad ang hiningi ng hari.
Habang naglalakad sa tabing dagat, sinadyang ihulog ng hari ang kanyang singsing. Inutusan niya si Don Juan na ibalik ito. Hindi
nabigo si Don Juan kay Maria. Kinaumagahan, sa hapag sa tabi ng higaan ng hari, naroon ang singsing na nahulog sa dagat.
Malungkot ngayon ang prinsesa kahit sa piling ni Don Juan. Alam ng prinsipe na tunay na mahal siya ni Donya Maria ngunit
mayroon lamang itong iniisip na malalim. Malubha ang kanyang ama kaya naman dali-dali siyang pumunta sa palasyo.
Kinaumagahan ay ipinasundo uli ng hari si Don Juan at mukhang may ibabalita rito. Si Don Juan ay naghintay sa magandang
kapalarang ibibigay sa kanya. Si Don Juan ang pipili kung sino ang kanyang mapapangasawa.
May tatlong silid na may butas, at sa bawat butas, ang hintuturo lamang ng bawat prinsesa ang nakalabas. Hindi makapaniwala
ang hari sa galing ni Don Juan sa pagpili. Nakaisip ng isang plano si Haring Salermo. Kung hindi, ipapapatay na lamang niya si Don
Juan.
Nalaman ni Donya Maria ang plano ng kanyang ama at nagmakaawa ngunit hindi ito nakinig kaya naisipan ni Donya Maria na
tumakas. Sakay sa pinakamabilis na kabayo, nagtanan ang magkasintahan ngunit sinundan sila ni Haring Salermo. Nawalan na
ito ng pag-asang makuha muli ang anak kaya isinumpa niya ito. Hiniling niya na kung si Donya Maria ay tatapak sa Berbanya, siya
ay malilimutan ng lalaking umiibig sa kanya. Ipinaubaya na ni Haring Salermo ang lahat sa Diyos na Makapangyarihan.
Dahil sa sama ng loob, nagkasakit ang hari at tuluyan nang namatay. Walang nagawa ang kanyang karunungan upang iligtas ang
kanyang buhay.
Bago magtungo ang magkasintahan sa palasyo ng Berbanya, iniwanan muna ni Don Juan si Donya Maria sa isang bayan. Ayon kay
Don Juan, siya muna ang uuwi upang ihanda ang palasyo at Berbanya. Ngunit hindi sang-ayon si Maria sa planong ito. Ayon sa
kanya, hindi na kinakailangang abalahin pa ang ama ni Don Juan. Nagpumilit si Don Juan at nangakong babalik matapos ang
paghahanda. Bago umalis si Don Juan, hiniling ni Donya Maria na huwag siyang lilimutin ni Don Juan. Hiniling rin niya na huwag
itong lalapit sa kung sinumang babae.
Nang dumating sa Berbanya, buong pamilya ni Juan ay sumalubong sa kanya, lalo na si Leonorang naghihintay sa kanya. Nagsaya
ang buong Berbanya. Sinabi ni Leonora ang katotohanan na si Juan ang nagligtas sa kanya mula sa ilalim ng balon. Ang haring
nakikinig ay walang masabi sa ipinagtapat ni Leonora. Ang mga tao sa kaharian ay nagtuos ng pansin sa dalawang kapatid ni Juan
na nagtaksil.
Sumunod nang ipinamalita ang darating na kasal nina Don Juan at Leonora. Ang kaharian ay nagdiwang dahil may gaganaping
kasal ngunit hindi nila alam na dahil sa pasya ng hari ay may isang magagalit.
Nalaman naman ni Donya Maria sa tulong ng kanyang karunungan na nalimutan na siya ng kanyang sinisinta. Hindi tinupad ni
Juan ang pangako niyang babalikan si Maria kaya nagalit ito. Ikakasal na sina Juan at Leonora kinalingguhan ngunit hindi pa
tapos ang lahat para kay Donya Maria.
Nagalit na nang tuluyan si Donya Maria kaya kinuha niya ang prasko at tinangkang bitawan ito upang gunawin ang buong reyno.
Ngunit biglang bumalik ang alaala ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan si Maria at humingi ng tawad. Sa kalungkutan, nagsalaysay
na rin si Leonorang nakatungo. Isinalaysay ni Leonora ang tungkol sa kanyang nakaraan. Nagmakaawa si Don Juan kay Donya
Maria na itigil na ang ginagawa dahil mahal pa rin niya ito habang buhay at walang makakapagpaiba nito.
Sinabi sa lahat ni Don Juan na tunay niyang mahal si Maria at inihahandog na niya si Leonora kay Pedro dahil masamang mag-
away ang magkapatid. Ang pag-ibig ni Juan para kay Maria ay totoo at hindi mababago. Gayon man ay sinabi rin ni Don Juan na
masaya na siyang makasa si Don Pedro kay Leonora dahil ito’y banal at marapat sa pagmamahal niya. Kailangang sundin ni Juan
ang mga magulang kaya gagawin niya ito. Mas titibay ang kanilang kaharian kung kay Pedro makakasal si Leonora.
Nagpasalamat na rin si Juan kay Leonora dahil iniligtas din siya nito.
Hiniling ni Don Juan na makasal sila ni Donya Maria. Sa wakas ay pumayag na rin ang hari at ang arsobispo. Si Leonora naman ay
makakasal kay Don Pedro na nagmamahal sa kanya. Nasiyahan si Maria sa pasya habang si Leonora ay tahimik lamang. Pumayag
ang hari dahil isang karangalan na maging manugang si Maria.
Pumili si Haring Fernando ng kanyang kapalit at ang kanyang napili ay si Don Juan dahil sa lahat ng nagawa nito ngunit sinabi ni
Donya Maria na ibigay na lamang ang korona kay Don Pedro dahil si Don Juan ay may sariling reynong pamumunuan. Pinutungan
ng korona at naghari sa reyno si Don Pedro.
Umalis sa Berbanya ang mag-asawa. Nagtungo sila sa malayong reyno ni Donya Maria. Mapayapa ang reynong dinatnan ng
dalawa. Ang engkanto ng dating hari ay nawala nang tuluyan at ang dating mga pinarusahan ay nagbalik sa dati. Nagkaroon ng
pista para sa bagong hari at reyna.
Inalala na lang ni Donya Maria ang kanyang pamilya. Nagkaroon ng isang malaking pista para sa lahat. Si Don Juan ang naging
hari ng reyno.
Tumagal ang pista ng siyam na araw dahil ang reyno ay hindi nagsaya sa loob ng walong taon. Nang mamatay sina Don Juan at
Donya Maria, nagluksa ang buong bansa. Nag-alay ang mga mamamayan ng mga dasal para sa kanilang mabubuting pinuno. At
doon nagtatapos ang koridong ito.