You are on page 1of 12

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
7
FILIPINO
Kwarter IV – Linggo 3
Paglalahad ng Sariling Pananaw
mula sa Akdang Ibong Adarna

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 7
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 3: Paglalahad ng Sariling Pananaw mula sa Akdang Ibong
Adarna

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun paman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa
Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Genilyn A. Celedonio
Pangnilalamang Patnugot: Norita L. Adorna
Editor ng Wika: Maricar T. Cuenca
Tagawasto: Maja Jorey B. Dongor
Mga Tagasuri: Luis R. Mationg, Maricel A. Zamora,
Maja Jorey B. Dongor, Jouilyn O. Agot
Tagaguhit: Lucille F. Magnetico
Tagalapat: Jane Marie R. Oreo
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:

Ronald S. Brillantes Enrile O. Abrigo, Jr.


Mary Jane J. Parcon Ernesto P. Socrates Jr.
Ronald N. Fragata Maja Jorey B. Dongor
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Paglalahad
Pagsulat ng
ng Sariling Pananaw
Awiting-bayan
mula sa Akdang Ibong Adarna
MELC: Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may-akda sa bisa ng
binasang bahagi ng akda (F7PB-Iva-b-20)

Mga Layunin:
1. Nakikilala ang pamilya ni haring Fernando ayon sa kanilang ginawa.
2. Nailalahad ang iyong damdamin sa mga piling pangyayari sa akdang binasa.
3. Nakabubuo ng isang tula para sa tauhang nakaantig sa iyong damdamin dahil
sa kabutihang kanyang nagawa.

Subukin Natin
Panuto: Piliin at isulat ang angkop at nararapat na sagot sa bawat bilang.

_____1. Sa pag-awit ng Ibong Adarna, si Don Pedro ay unti-unting nakatulog at di na niya


namalayan na siya ay napatakan ng ito ay magbawas. Sa iyong palagay ano ang
ipinahihiwatig at unti-unting siyang nakatulog?
A. Natakot sa awit ng Ibon C. Maganda ang tinig ng Ibon
B. Pinainom siya ng pampatulog D. May bumato sa kanya
_____2. Ano ang naging epekto ng pagkakasakit ni haring Fernando sa kanyang pamilya?
A. Pagkalungkot B. Pagkatuwa C. Pagkagalit D. Pagkasabik
_____3. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Sa iyong
palagay anong uri ng pinuno si Haring Fernando?
A. Mabait B. Matulungin C. Mapagmahal D. Lahat ng nabanggit
_____4. Sa iyong palagay, sino sa mga anak ng hari ang nakagawa ng kabutihan sa
kanyang kapwa? Na isa sa ipinapakitang imahe sa akda na maaari nating
tularan.
A. Don Diego B. Don Pedro C. Don Juan D. Don Angelo
_____5. Ang mga sumusunod ay magandang motibo kaya’t isunulat ang akdang Ibong
Adarna maliban sa:
A.Handang humarap sa pagsubok ang at ilagay sa panganib ang ng mga anak ang
sariling buhay para sa kanilang ama.
B. Hayaang mapahamak ang kapamilya upang makuha ang nais.
C. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari.
D. Huwag masilaw o mahumaling sa kinang ng mahiwagang puno upang makaiwas
siya sa kapahamakan.
Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap, MALI kung ito
ay mali at di naaangkop.
______6. Mahalaga ang pagsunod sa payo ng magulang at nakatatanda.
______7. Mag-isip ng ikakapahamak ng iyong kapatid kapalit ng iyong tagumpay.
______8. Dapat ikatuwa ang pagkakasakit ng isang kapamilya.
______9. Maging mapanuri sa iyong kapaligiran lalo na’t bago mo lamang ito narating.
______10. Sumira sa pangako upang makuha ang bagay na ninanais mo.
1
Ating Alamin at Tuklasin
Maraming pagpapala ang nakakamit ng isang taong may mabuting kalooban,
halina’t ating pag-aralan at pagnilyan ang nilalaman at motibo ng may akda sa pagsulat
ng Ibong Adarna. Magkaroon ng sariling pagninilay sa kahalagahan ng akdang ito.

Bakit kaya may taong kahit


Kaban ng Kaalaman gawan mo ng masama, ibabalik pa
rin sa iyo ay kabutihan?
Piedras Platas – ang punong
tirahan ng mahiwagang ibon.

Bundok Tabor – matatagpuan ang Sapagkat


mahiwagang ibon. iyan ang
turo sa atin
Ermitanyo – matandang lalaking ng
nakatira sa bundok/kagubatan na Panginoon.
tumulong kay Don Juan upang Sabi nga
maging madali ang kanyang kapag binato
paghahanap sa kinaroroonan ng ka ng bato,
mahiwagang ibon. batuhin mo
siya ng
Tinapay – tanging baon ni Don Juan tinapay.
sa kanyang paglalakbay. Na
ibinigay pa niya sa matandang
lalaki.

Naalala mo pa ba ang naunang aralin na tinalakay patungkol sa


Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna? Ang iyong mga natutuhan ay makatutulong
ng malaki upang maunawaan ang ating bagong aralin.

Isinulat ang Ibong Adarna upang magkaroon tayo ng pagninilay sa mga bagay-bagay
na ating nakikita, naririnig, at sa mga taong ating nakakasalamuha. Sa madaling salita
nais ng may-akda na magkaroon ito ng epekto sa ating sarili lalo na ang paggawa ng
kabutihan sa ating kapwa maging ito man ay katulad natin o mas mababa pa sa atin sa
lahat ng oras at pagkakataon. Katulad ng mga anak na handang humarap sa
pagsubok at ilagay sa panganib ang sariling buhay para sa kaligtasan ng ama hari.
Ito ay isang dakilang gawain ng isang anak. Gayundin ang pakikidalamhati ng mga
taong nasa iyong palagid dahil sa pagkakasakit ng kanilang hari. Sa huli upang
magtagumpay sa mga minimithi sa buhay kailangang makinig sa mga babalang
sinasabi sa atin ng ating kapwa, upang hindi tayo mapahamak. Upang mas lalo
nating maunawaan ang motibo ng may-akda sa pagsulat nito. Iyong basahin ang saknong
7-161.

2
IBONG ADARNA
Buod ng saknong 7-161

Ang kahariang Berbanya na pinamumunuan ni Haring Fernando at Reyna


Valeriana kasama ang tatlong prinsipe na sina Don Pedro, Don Diego at ang bunsong si
Don Juan ay nagkaroon ng mabigat na suliranin dahilan ito sa pagkakasakit ng hari sa
hindi malamang dahilan, nagsimula ito nang managinip ang hari tungkol sa knayang
bunsong anak na pinatay ng mga masasamang loob at inihulog sa malalim na balon. Ito
ang naging dahilan kaya’t hinanap nila ang mahiwagang ibon sapagkat ito lamang ang
tanging makapagbibigay lunas sa karamdaman ng hari.

Umalis si Don Pedro sakay ng isang kabayo sa loob ng tatlong buwang paglalakbay
namatay ang kabayo kaya’t napilitan siyang maglakad kahit mahirap upang matagpuan
ang kinaroroonan ng mahiwagang ibon. Nakita niya ang bundok Tabor at siya ay namangha
dahil sa taglay nitong hiwaga. Kaya’t siya’y nakatulog ng mahimbing. Di niya namalayan
ang pagdating ng mahiwagang Ibong Adarna, inihanda ang sarili sa pitong ulit na pag-
awit at pitong ulit na magpapalit ng kulay, bago siya tuluyang matulog siya ay magbabawas,
sa kasamaang palad bumagsak ito kay Don Pedro at tuluyang naging bato.

Si Don Diego naman ang inutusang sumunod sa kanyang kapatid, kaya’t ito’y
naghanda sa gagawing paglalakbay. Narating din niya ang bundok Tabor na kanyang
pakay. Sa tabi ng puno napansin niya ang isang bato na tila siya ay inaayayahang doon
magpahinga. Di nagtagal dumating sa Piedras Platas ang ibon at sinimulan ang kanyang
pag-awit sa lambing ng kanyang tinig si Don Diego ay unti-unting napapikit at tuluyang
nakatulog, pitong awit, bawat awit balahibo’y nag-iiba ng kulay. Tulad ng dati siya’y
nagbawas at kay Don Diego ito bumagsak kaya’t siya’y naging bato na rin.

Sa loob ng tatlong taon hindi pa rin bumabalik ang kanyang mga kaptid kaya’t ninais
ni Don Juan na hanapin na ang mga ito. Bindesyon ng ama ang tanging baon nito upang
masigurong ligtas sa gagawing paglalakbay. Wala siyang dalang anuman maliban sa
limang tinapay. Hiniling sa Poon na siya ay gabayan at matagpuan ng ang hinahanap. Sa
tuwing siya ay nakakaramdam ng pagod tumatawag siya sa Birheng Maria upang mapawi
ang kanayang agam-agam sapagkat nagiging panatag na muli ang kanyang pakiramdam.
Sa kanyang patuloy na paglalakbay nakita niya ang isang matanda sugatan, ang matanda
ay may sakit na ketong na parang lumpo pa. Humingi ito ng makakain at agad na iniabot
ni Don Juan ang natirang tinapay na kanyang baon. Nagpasalamat ang matanda sa
kabutihan ng kanyang kalooban. Kaya’t tinanong ng matanda kung ano ang kanyang sadya
sa lugar na iyon, sinabi nito na hinahanap niya ang mahiwagang Ibon gayundin ang
kanyang mga kapatid. Sinabi ng matanda na marami pa siyang hirap na pagdaraanan.
Kaya’t ang payo sa kanya ay lubos na mag-ingat upang hind maging bato. Sinabi rin ng
matanda na sa unahan ay may makikita siyang bahay at ito ang makapagtuturo kung saan
matatgpuan ang kanyang pakay.

Ibinalik din ng matandang ermitanyo ang tinapay na bigay nito, nasaktan Si Don
Juan sa ginawa ng matanda sapagkat mula pagkabata gawain na niya ang paglilimos sa
mga nangangailangan. Pilit din itong ibinalik sa matanda at tuluyang umalis upang
ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay.
(Pinagkunan: Ma. Rosario Benedicta, Ang Ibong Adarna Isang Pagsasaayos at Pagpapahalaga,
Quezon City: ISA-JECHO Publishing , Inc.,2014,1-8.)

3
Tayo’y Magsanay
Gawain 1

Panuto: Tukuyin sa pangungusap kung sino ang gumawa ng kilos. Piliin sa hanay B ang
sagot para sa hanay A

HANAY A HANAY B
1. Nanaginip siya ng masama at naging dahilan ng kanyang A. Don Pedro
misteryosong sakit na ikinabahala ng buong kaharian.
2. Siya ang ikalawang naglakbay upang hanapin ang B.Don Diego
mahiwagang ibon na naging bato rin katulad ng kanyang
kapatid na panganay.
3. Makapitong ulit na pag-awit at makapitong ulit na C.Haring Fernado
pagpapalit ng kulay ng balahibo.
4. Nakasalubong niya ang matandang ermitanyo at binigyan D. Ibong Adarna
siya nang babala na huwag masisilaw sa kinang ng
mahiwagang ibon.
5. Siya ang unang naglakbay upang hanapin ang E.Don Juan
kinaroroonan ng mahiwagang ibon, sa kasamaang palad Siya
rin ang unang naging bato.

Gawain 2

Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang damdaming nangingibabaw sa sumusunod na


pahayag. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

_________1. Handang humarap sa pagsubok at ilagay sa panganib ng mga anak ang


sariling buhay para sa kanilang ama. (pagmamahal, pagkasuklam)
_________2. Naghari ang katahimikan sa kaharian nang magkaroon ng misteryosong
karamdaman ang hari. (pagkalungkot, pagkatuwa)
_________3. Sa wakas narating ni Don Pedro ang bundok Tabor kung saan nakatira ang
Ibong Adarna. (pagkalungkot, pagkatuwa)
_________4. Namatay ang kabayong sinasakyan ni Don Pedro, kaya’t naglakad na lamang
siya upang makarating sa kinaroroonan ng Ibong Adarna. (pagkalungkot,
pagkatuwa)
_________5. Hindi nakabalik sa kahariaan ang mga kapatid ni Don Juan sa loob ng
tatlong taon. (Pag-aalala, pagkatuwa)

Paano ipinakita ni Don Juan ang


pagmamahal sa ibang tao ?

4
Ating Pagyamanin
Gawain 1

Panuto: Magbigay ng sariling pananaw sa naging motibo ng may-akda na naging


epekto nitosa mga mambabasa. Piliin sa loob ng kahon ang tutugon sa mga pahayag.
Titik lamang ang isulat.

A.Pagmamahal B.Pananalig C.Pakikidalamhati D.Pagmamalasakit E.Pagmamahal


sa magulang sa Diyos sa pinuno sa kapwa sa kapatid

_______1. Handang humarap sa pagsubok at ilagay sa panganib ng mga anak ang


sariling buhay para sa kanilng ama.
_______2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari.
_______3. Pinaiiwas ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o mahumaling sa kinang
ng mahiwagang puno upang makaiwas siya sa kapahamakan.
_______4. Sa poon nanalangin upang paglalakbay ay maging ligtas at ako’y bigyang
patnubay upang mapanatag aking kalooban.
_______5. Sa loob ng tatlong taon mga kapatid ni Don Juan ay hindi na muling nakabalik
mula sa malayong paglalakbay kaya’y ninais niya sundan ang mga ito.

Gawain 2

Panuto: Iayos ang tula ayon sa pagkakasunod-sunod ng saknong mula sa bilang 1 – 3.


to ay binubuo ng 12 pantig may tatlong saknong. Isulat ito sa nakalaang ispasyo sa
ibaba.

ULIRANG ANAK AT KAPATID

A B C

Buhay inialay para sa Oh Don Juan ikaw’y Sa mga kapatid naramdaman


pamilya ulirang kapamilya ay awa
Kapahamakan mo ay di Pagmamahal mo ay di Sa halip na pagkamuhi sa
alintana kayang tumbasan nagawa
Makita lamang lunas na Nang kahit na sino pa Kaya buong kaharian ay
ninanasa mang mga nilikha natuwa .
Mabuting kalooban hatid Na sa mundong ito ‘kaw Tagumpay ay ibinahagi sa iba.
ay ligaya ang pinagpala.

5
__________________________________________
(Pamagat )
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

_________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
__________________________________________________________________

Kung ikaw si Don Juan, gagawin mo


rin ba ang ginawa niya? Lalo na
samatandang humingi sa kanya ng
makakain?

Ang Aking Natutuhan


Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata.

Sa buhay natin mahalaga ang 1. __________________ sapagkat sila ang nagbibigay sa


atin ng pagmamahal at gabay sa pagtahak sa tamang landas. Sa pagkakasakit ni
2. ___________________ asawa at mga anak ang naging liwanag niya. Naunang umalis si Don
Pedro upang hanapin ang kinaroroonan ng mahiwagang ibon ngunit siya’y nabigo at naging
3. _______________. Sumunod na umalis ay si Don Pedro subalit siya’y nabigo rin at naging
bato. Ipinagkaloob ang 4. __________________ ng ama upang baunin nito sa kanyang

6
paglalakbay. Hindi siya nabigo sapagkat nasa kanya ang patnubay ng 5. _____________ sa
matagal at mapagod na paglalakbay.

Ating Tayahin
Panuto: Piliin at isulat ang tamang sagot na hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa patlang
ang iyong sagot.

_______1. Ang mensaheng taglay ng pagharap ng magkakapatid sa panaganib para sa ama.


A. Wagas ang pagmamahal sa kanilang magulang.
B. Paghahangad sa kayamanang mamanahin sa magulang.
C. Kahihiyan ng pamilya kung hindi sila kikilos para sa ama
D. Upang makapamasyal sa malayog kabundukan at kaparangan.

_______2. Ang mensaheng taglay ng panalangin ni Don Juan bago siya nakipagsapalaran.
A. Mahina at takot sa susuongin panganib sa paglalakbay.
B. Malakas pero may kahinaang taglay ang kanyang kalooban.
C. Nais niya na siya ay gabayan sa kanyang gagawing paglalakbay.
D. Napipiltan lamang siya sa kanyang gagawing misyon kaya bumubulong.

_______3. Ang mensaheng taglay ng pagtulong ni Don Juan sa matandang Ermitanyo ay:
A. Likas na siya ay maawain, matulungin at mapagkawanggawa sa lahat ng tao
B. Maaari siyang tulungan sa kanyang misyon kaya niya ito tinulungan.
C. Hindi na niya kailangan kaya ibinigay na lamang niya sa matanda.
D. Wala siyang magawa sapagkat pinagbawalan siyang pumasok sa gubat.

_______4. Ikinalungkot ng kaharian ang pagkakasakit ng hari. Ano ang nais ipahiwatig ng
kanyang mga nasasakupan?
A. May bagong hari na papalit C. Wala na silang magiging hari
B. Mahal nila ang kanilang hari D. Maghihirap na ang kanilang kaharian.

_______5. Pinaiiwas ng matanda si Don Juan na huwag masilaw sa kinang ng mahiwagang


puno. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. Gusto ng matanda na ilihis siya ng daan
B. Nais angkinin ng matanda ang mahiwagang puno
C. Ayaw ng matanda na Makita ni Don Juan ang mahiwagang puno
D. Ayaw ng matanda na mapahamak si Don Juan dulot ng mahiwagang puno

________6. Ang mga sumusunod ay aral na maaari nating matutunan lalo na sa buhay ni
Don Juan maliban sa:
A. Pagtulong sa mga nangangailangan.
B. Pagiging maka-Diyos
C. Mapagmahal sa pamilya
D. Paghahangad ng ikapapahamak ng kapwa
7
________7. Makikita sa pamilya ni Haring Fernando ang pagmamahalan. Ano ang nais
ipahiwatig nito sa atin?
A. Mahalaga ang pagmamahalan, pagbibigyan, pagsusunuran sa pamilya
B. Maging masaya kung ano ang naibibigay ng magulang
C. Ipagdamot kung ano ang meron ka sa iyong kapamilya
D. Makontento lamang sa mga bagay na meron tayo

________8. Sa pag-alis ni Don Juan sa Kaharian, ang tanging dala nito ay limang tinapay
lamang. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Bibili na lamang siya ng pagkain sa mga tindahan
B. Kakain na lamang siya sa kainan na kanyang madadaanan
C. May inutusan na siya para maghanda ng kanyang pagkain
D. Nagtitiwala siya sa Diyos na siya ang magbibigay ng lakas na kailangan niya

________9. Para maging matagumpay sa isang misyon o Gawain, ano ang dapat nating
gawin?
A. Iasa sa ibang tao ang ating tagumpay
B. Maging matiyaga at magkaroon ng tiwala sa sarili
C. Gumawa ng masama laban sa ating kapawa upang magtagumpay
D. Magsinungaling at sabihing nagawa mo na ang dapat mong gawin

________10. Ang mga sumusunod ay pahiwatig sa naging kilos nina Don Pedro at Don Diego
nang gumamit sila ng kabayo sa kanilang paglalakbay. Alin dito ang hindi
kabilang?
A. Tamad silang maglakad ng malayo
B. Mabilis na marating ang pakay sa bundok
C. Wala silang paang magagamit sa paglalakad
D. Makabalik kaagad sa kanilang kaharian

Matapos mong maisagawa ang napakahalagang


gawaing ito ay lubos kitang binabati at
pinasasalamatan!

8
Susi sa Pagwawasto

Ating Tayahin
1. A 6. D
2. C 7. A
3. A 8. D
4. B 9. B
5. D 10. C

Subukin natin

1. C 6. TAMA
2. A 7.MALI
3. D 8. MALI
4. C 9. TAMA
5. B 10. MALI

Sanggunian

Aklat

Benedicta, Ma. Rosario. Ang Ibong Adarna Isang Pagsasaayos at Pagpapahalaga, Quezon
City: ISA-JECHO Publishing , Inc.,2014.

9
FEEDBACK SLIP
A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like