You are on page 1of 3

Pebrero 6, 2019

GRADE 7 –SAMPAGUITA 8:40-9:40 GRADE 7 – DENDROBIUM 1:00-2:00


GRADE 7 – LILY– 10:00-11:00 GRADE 7 – DAHLIA– 11:00-12:00
GRADE 7 –ANTHURIUM 3:00-4:00
____________________________________________________________________________

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
• Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestro sa
Panitikang Pilipino.
B. Pamantayang Pagganap
• Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng koridong
naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe ang napakinggang bahagi ng akda (F7PN-
Iva-b-18)

 Nakapagbabahagi ng isang pangyayari sa iyong buhay na sa kabila ng kabiguan sa


buhay ay nakabangon.
II.NILALAMAN/PAKSANG-ARALIN
Panitikan: IBONG ADARNA- Si Don Pedro at Ang Puno ng Piedras Platas
III.KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
• Mga pahina sa gabay ng guro:
• Mga pahina sa mga kagamitang pang mag-aaral:
• Mga pahina sa teksbuk: p 420-425
B. Iba pang kagamitang Panturo
• Laptop,TV at chalk
IV. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
a. Pagbabalik-Aral
Saang bahagi ng Ibong Adarna ang huli nating napag-aralan?
b. Paglalahad ng layunin.
c. Pagganyak
Nasubukan mo na bang mabigo sa isang bagay na inaasam mo?
Paano mo hinarap ang kabiguang ito?
Sa iyong palagay ano pa kaya sana ang dapat mong ginawa upang maiwasan ang pagkabigo?
Mahalagang tanong:
Paano ang tamang paghahanda upang mapagtagumpayan ang isang mahirap na misyon o
pagsubok?
d. Paglinang ng Talasalitaan
ipapakuha ang quiz notebook at magkakaroon ng pagbabaybay sa mga salita.
1 Si Don Pedro’y tumalima s autos ng amang hari--. tumalima- sumunod, sumang-ayon
2.  sa masamang kapalaran ang prinsipe’y nakatagal narating ding mahinusay- matagumpay
3. doon na muna lumagi – tumira, manahan
4. nagulaylay ng panatag - nahimlay
5.nag-aalimpuyong apoy- naglalagablab

B. Paglinang ng Aralin
a. Pagtatalakay
Pagpapabasa ng buod ng bahagi ng Ibong Adarna Si Don Pedro at ang Piedras Platas
at si don Diego
BUOD:
Lumakbay si Don Pedro sa kanyang kabayo ng tatlong buwan. Sa huli namatay ang
kanyang kabayo. Nang dumating na sa Bundok Tabor si Don Pedro, meron siyang
nakitang isang punong kumikislap na tila dyamante. Ito ang puno ng Piedras Platas.
Habang naghihintay si Don Pedro, nakatulog ito. Habang natutulog, dumating ang Ibong
Adarna at kumanta ng pitong beses at pitong beses din itong nagpalit ng anyo ng
balahibo. Pagkatapos nito, nagbawas ang Ibong Adarna bago matulog. Napatakan si
Don Pedro at ang bunga nito ay naging bato si Don Pedro.

 Ano ang pinatunayan ni Don Pedro nang agad siyang tumalima sa utos na
kanyang hanapin at iuwi sa palasyo ang ibong makapagpapagaling sa sakit ng
ama?
 Anong katangian ni Don Pedro ang naging dahilan kung bakit hindi siya
nagtagumpay?

 Ano ang dahilan kung bakit kailangan natin maranasang mabigo?


 Paano makatutulong ang mga pagsubok sa pagharap sa buhay?
b. Gawain: Pagpangkat-pangkat
Mag-isip ng isang taong sikat o celebrity na maari nating makitaan ng isang pangyayari
sa kanyang buhay na sa kabila ng kabiguan ay bumangon parin.
Iuulat ito sa klase ng bawat pangkat.
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
a. Paglalahat
Paano ang tamang paghahanda upang mapagtagumpayan ang isang mahirap na
misyon?
b. Paglalapat
Bakit hindi mo kailangang katakutan nag kabiguan?
c. Pagtataya
Magbahagi ng isang pangyayari sa iyong buhay na kung saan ikaw ay nakaranas ng
isang pagbibigo at paano mo nakamit ang pagbangon mula sa pangyayaring iyon.

Pangyayaring may
pagkabigo

d. Kasunduan
Basahin ang unang kabanata ng IBONG ADARNA –saknong 81- 109 – Si Don Diego at
ang Awit ng Ibong Adarna.
V. TALA

VI. REFLEKSYON

JENELYN C. ACOSTA
Guro sa Filipino

Iwinasto ni:

MA. NILA D. FUENTEBELLA, MT-I


Tagapangulo ng Departamento

You might also like