You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. LAYUNIN
A. Pangkaalaman
a) Nalalaman ng mag-aaral ang…
i. Mga saknong 030-045 ng Ibong Adarna
ii. Mahahalagang kaisipan ng binasa
B. Pangkasanayan
a) Nahihinuha ang mga susunod na kaganapan batay sa suliraning inilahad sa paksa.
b) Naihahambing ang sakit ng hari sa mga “sakit” ng lipunan sa kasalukuyang panahon.
C. Pagpapahalaga
c) Nakabubuo ng isang islogan na nagpapakita ng mga suliranin sa pamahalaan ng Pilipinas.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Panaginip ng Hari (Mga Saknong 030-045 ng Ibong Adarna)
B. Mga Kagamitan: Laptop, pisara, yeso, Overhead Projector, Biswal eyds at kartolina.
C. Sanggunian: Pinagyamang Pluma – Filipino 7 nina Dayag, Baisa-Julian, Lontoc, Esguerra
III. PLANO NG PAGKATUTO

Panimulang Gawain
Gawaing Pangguro Gawaing Pang-estudyante
1) Panalangin
- Bago natin simulan ang ating talakayan humingi - (Pupunta sa harapan ang bata upang
muna tayo ng basbas sa Panginoon upang mas manalangin.)
maging makabuluhan ang araw na ito na
pangungunahan ni Ginoong Valdez. (Pupuntahin - Amen.
ang napiling bata sa harapan upang manalangin.)
(Pagkatapos manalangin ay mananatiling
nakatayo ang mga bata.)
2) Pagbati
- Magandang umaga sa inyong lahat! - Magandang umaga rin po, Sir!

- Bago kayo umupo ay tignan muna ang ilalim ng


inyong upuan kung may kalat at pulutin ito. - Opo sir!

3) Pagtatala ng lumiban sa Klase.


(Magtatawag ng isang mag-aaral upang magtala
ng mga lumiban sa klase.)

- May lumiban ba sa klase? Ginoong - Wala po sir ang lumiban sa klase sa araw na
Alexander? ito.

- Magaling! Ating palakpakan ang ating mga - (Papalakpak ang mga mag-aaral ng sabay-
sarili sapagkat wala ni isang lumiban sa klase sabay.)
sa araw na ito.
Pagbabalik-Aral
(Iparirinig sa mga mag-aaral ang korus ng kantang
KAYONG PAMILYA KO by Edwin Marollano
feat FRENCHIE DY
.) (Magtataas ng kamay ang isang mag-aaral na
gustong sumagot.)
- Ano ang gustong iparating ng kantang inyong
pinakinggan?

- Binibing Corpuz. - Sir, ang pagkakaunawa ko sa kantang inyong


pinarinig ay patungkol ito sa pamilya.
Pagsasalarawan ng pagmamahal ng isang
magulang sa kanyang mga anak.
- Eksakto. Klas, ating tinalakay noong
nakaraan ay patungkol kay Haring Fernando
at ang tatlong prinsipe.
- G. Dela Cruz, sa inyong palagay, naging - Opo sir, sapagkat natalakay po roon ang
mabuti bang ama si Haring Salermo sa isang pagiging mabuting ama ni Haring
kanyang mga anak? Bakit? Salermo.

- Tama! Bigyan natin ng tatlong bagsak si


Ginoong Dela Cruz.

(Papalakpak ang mga mag-aaral ng tatlong


- Batay sa ating tinalakay, ano kaya ang bagsak.)
implikasyon ng paraan ng pamumuno ni - Sir, masasabing siya ay mabuting hari dahil
Haring Fernando sa kaniyang kaharian? B. naging masagana ang buhay ng mga tao sa
Erica? kanyang nasasakupan dahil sa kanya.
- Mahusay B. Erica! Klas, bigyan natin siya ng
limang bagsak! (Papalakpak ang mga mag-aaral ng limang
bagsak.)

Pagganyak
- Bilang panimula ng ating aralin, - Opo sir!
magkakaroon tayo ng isang laro! Gusto niyo
ba iyon Klas?
- (Babasahin ng mga mag-aaral ang pamagat ng
- At tatawagin itong “IBONG ADARNA”. sabay-sabay.)
- Ano ulit ang pamagat ng ating laro? “IBONG ADARNA!”
- Opo sir.
- Ngayon mayroon akong inihandang card na
tawagin nalang natin Ibong Card at bawat
blangko na makikita ninyo ay inyong
pupunan ito sa pamamagitan ng pagbunot sa
mahiwagang kahon. Naintindihan ba Klas?

- Ngayon bawat mabubunot niyo sa


mahiwagang kahon na papel ay may
nakapaloob dito. Tukuyin niyo lamang kung
masamang panaginp ba ito o mabuti.
Pagkatapos bunutin ay idikit ito sa blangko
ng Ibong Card.

- Ang makakuha at makagawa ng tama ay may


naghihintay sa inyong gantimpala.
- Opo sir, handang-handa na!
- Handan naba kayo Klas?
I B O N G

“ADARNA”

(Magtataasan ang mag-aaral ng kanilang kamay)


- Klas, sino ang gustong sumubok sa larong
ito? - Sir, ang nabunot ko po ay nalulunod.
- Bb. Corpuz bumunot ka sa mahigawang
kahon. - Sir, para sa akin masama po dahil senyales
- Sa iyong palagay ang panaginip ba na po ito ng may masamang mangyayari.
nalulunod ay masama ba o mabuti?
- Mahusay! Ngayon idikit mo na ito sa Ibong
card. - Sir, ang nabunot ko ay natanggalan ng
- G. Dela Cruz, ikaw ang susunod na bubunot. ngipin.
- Sa iyong palagay masama ba ito o hindi? - Sir, masama po dahil sabi ng matatanda ay
may mamatay sa inyong pamilya.
- Magaling! Tulad ng sabi ng matatanda kapag
natanggalan ng ipin ay may mamatay.

- Maari mo na itong idikit sa Ibong Card.

- G. Sinohin, ikaw ang susunod na bubunot. - Sir, ang nabunot ko ay umiiyak.

- Para sayo, masama ba itong panaginip? Ano - Sir, masama po at may pamilya ka na
ang kahulugan ng umiiyak sa panaginip? nagdadalamhati o nalulungkot.

- Mahusay! Ngayon idikit mo na ito sa Ibong


Card.

- Bb. Mauricio, ikaw ang susunod na bubunot. - Sir, ang nabunot ko ay mga nanalo sa loto.

- Mabuti ba itong panagip o masama? - Sir, mabuti po dahil senyales po ito na


magkakapera ka.
- Magaling! Maari idikit mo na ito.

- Bb. Ortega, ikaw naman ang bumunot. - Sir, ang nabunot ko po ay naliligaw.

- Sa tingin mo masama ba itong panaginip o - Sir masama po dahil maari itong mangyari
mabuti? kapag kayo ay namasyal.

- Eksakto! Minsan nangyayari iyan sa totoong


buhay. Maari mo ng idikit Bb. Ortega.

- G. Guzman, maari ka ng bumunot. - Sir ang nabunot ko ay dinaganan.

- Sa iyong palagay masama ba ito mabuti? - Sir, masama po kasi sa Ilokano batibat po ito
Ipaliwanag. maaring mahirapan kang huminga.

- Tumpak! Dahil naranasan ko na rin iyan


mahihirapan ka talagang huminga. Idikit mo
na G. Guzman.

- Bb. Roderos, maaari ka ng bumunot. - Sir, ang nabunot ko ay kras din ako ng kras
ko.
- Mabuti ba ito o masamang panaginip? Bakit?
- Siyempre sir higit pa sa mabuti dahil
nabibigyan tayo ng pag-asa sa taong gusto
- Eksakto! Mahusay na paliwanag. Idkit mo na natin.
ito.

- Bb. Avila, maari ka ng bumunot.


- Sa tingin mo masama ba ito o mabuting - Sir, ang nabunot ko po ay umiihi ako.
panaginip? - Sir masama dahil naranasan kong managinip
ng umiihi at naihi po talaga ako sa higaan ko.
- Nakatutuwa naman ang iyong sagot. Idikit
mo na ito Bb. Avila.

- G. Bermudo, ikaw naman ang bumunot.


- Sir, ang nabunot ko ay nahulog sa bangin.
- Mabuting panaginip ba ito o hindi?
Ipaliwanag. - Sir, para sakin hindi po sapagkat baka
mangyari ito sayo sa totoong buhay.
- Mahusay! Idikit mo na ito.

- Bb. Eugenio, ikaw na ang susunod.


- Ang nabunot ko po ay ahas.
- Ito ba ay mabuti o masamang panaginip?
Ipaliwanag. - Sir, masama po ito dahil malas ang
sinisimbolo ng ahas.
- Magaling! Dahil ang ahas ay nagpapahiwatig
ng kamalasan sa buhay. Idikit mo na ito.

- Bb. Blasé, maari ka ng bumunot.


- Para sayo mabuti ba ito masama? - Sir, ang akin pong nabunot ay mga pumanaw.
- Sir, para sa akin mabuti po dahil makakausap
o makikita mong muli ang mga yumao mong
- Magaling! Minsan mabuti ito dahil minamahal sa buhay.
makakapiling mong muli sila kahit sa
panaginip man lang. Idikit mo na ito.

- Bb. Velasco, ikaw naman ang bumunot.


- Sa iyong tingin Bb. Velasco masama ba ito o - Sir, ang nabunot ko ay nakapulot ng ginto.
mabuting panaginip? Bakit? - Sir, sa aking narinig kapag daw may ginto
- Tumpak! Idikit mo na ito sa Ibong Card. kang napulot ay may kapalit itong buhay.

- G. Manzano, maari ka ng bumunot.


- Mabuti o masamang panaginip ba ito? - Sir, ang nabunot ko ay kasama ang artista.
- Tama! Kahit sino naman kung artista ang - Sir, mabuti po dahil makakasama ko po ang
nasa panaginip mo. Idikit mo na ito. mga artistang aking hinahangaan.

- Bb. Labisto, ikaw na ang susunod na


bubunot. - Sir, nabunot ko ay namasyal sa ibang bansa.
- Mabuti ba o masama ito? Saang lugar ang
gusto mong mapasyalan? Bakit? - Sir, mabuti po at sa bansang Korea dahil
mahilig po ako sa Kpop.
- Magaling! Idikit mo na ito sa Ibong Card.

- Klas, lahat ng inyong mga sinagot ay tama at


sobrang mahuhusay ang mga inyong
paliwanag!
- Klas, bigyan natin ng palakapakan ang bawat
isa sa atin! (Magpapalakpakan ang mga mag-aaral)
- Ngayon ay may nakahandang tatlong
katanungan at bubunot ako ng pangalan sa
maliit na kahon na hawak ko ngayon.
- Maliwanag ba Klas?
- Tungkol saan ang mga nakadikit sa Ibong - Opo sir!
Card? G. Guzman? - Sir, tungkol ito sa panaginip.
- Magaling G. Guzman!
- May naranasan ka naba sa mga nabasang
panaginip? Bb. Corpuz? - Sir, yung nanaginip po ako na kras ako ng
kras ko dahil nagkatotoo po ito kasi nalaman
- Magaling Bb. Corpuz! ko po na may gusto rin siya sa akin.
- Ano ang napanaginipan mong hindi mo
malilimutan? G. Kyle. - Sir, yung namasyal ako sa isang lugar tapos
- Mahusay G. Dela Cruz! sa totoong buhay napuntahan ko ito. Déjà vu!
- Klas, bigyan sila ng limang bagsak!
(Ang mga mag-aaral ay papalakpak ng limang
bagsak)

Pagpapakilala sa Paksa
- Ngayon klas ay may ipakikita akong
isang larawan at gagawin niyo lamang ay
ibabahagi ninyo ang inyong mga naiisip
patungkol sa larawang ito.
- Malinawag ba Klas? - Opo sir!

(Magpapakita ng larawan)

- Klas, ano ang nakikita niyo sa larawan?


- G. Dela Cruz, maari ka bang magbigay - Sir, isang lalaki po na nanaginip.
kung ano ang nasa larawan?
- Tumpak! Bukod sa nanaginip ano pa ang - Sir, dalawang klase po ng panaginip
nakikita mo sa larawan Bb. Corpuz? masama at mabuting panagip?
- Magaling Bb. Corpuz!
- Ngayon klas magbigay nga kayo ng
inyong karanasan kapag kayo nanaginip. (Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga kanilang
karanasan tungkol sa panaginip.)
- Mahusay Klas!

Pag-alis ng Sagabal
- Ngayon mayroon akong inihandang laro para
sa inyo.
- Tatawagin itong “On-The-WINGS-of-Love”
at sa bawat pakpak na inyong bubunutin ay
may laman na salita at tutukuyin ninyo ang
kasingkahulugan nito sa mga salitang
nakikita niyo sa screen.
- Klas, pagkatapos malaman ang kasing-
kahulugan ng salitang nabnunot ninyo ay
gagamitin ito sa pangungusap.
- Naintindihan ba ang panuto Klas? - Opo sir!
- Magaling! ngayon tayo ay magsimula na!

Pagpipilihan:
pinagtaksila pag-iisip doktor
n
lungkot natulog

- Sir, ang aking nabunot na salita ay Nililo.


Ang kasingkahulugan ng salitang nililo ay
pinagtaksilan.
- Ngayon bubunot ako ng pangalan at siya ang - Nililo niya ang kanyang asawa.
unang magtatanggal ng pakpak ng Ibong
Adarna. (Ang mga mag-aaral ay papalakpak ng tatlong
(Bubunot ng pangalan sa mahiwagang box) bagsak)
- Ikaw ang unang mapalad na nabunot G.
Guzman. Maaari ka nang bumunot ng isang
pakpak.
- Tama! Gamitin ito sa pangungusap G.
Guzman.
- Mahusay! Klas,bigyan natin ng tatlong
bagsak si G. Guzman.
-
Klas, lahat ng aking nabunot ay mahusay
kaya naman palakpakan natin sila!

Pagbasa
- Klas, batid ko na may nahihinuha na kayo sa
ating tatalakayin sa araw na ito at alam ko na
nakatulong din ang mga salitang ating
binigyang diin upang lalong mas
maunawahan ninyo ang babasahin nating
akda patungkol pa rin sa ibong adarna.
- Ito ay katuloy lamang ng ating tinalakay
nung nakaraan na ang pamagat ay…
(Magtatawag ng isang mag-aaral na
magsasabi ng pamagat)
- G. Joshua tumaya ka at sabihin ito.
- Tama! Masaya ako na naalala mo pa rin at - Sir, Ang Pagsubok ni Haring Salermo.
alam ko rin Klas na tumatak pa rin ito sa
inyong isipan.
- Ngayon, dumako naman tayo sa panibago
natin tatalakayin at bahagi pa rin ito ng ibong
adarna.
- At matatagpuan ito sa mga saknong 1061-
1285 na pinamagatang “Pagpapatuloy ng
mga Pagsubok”.
- Pakibsa nga ulit Klas ang pamagat? (Lahat ng mag-aaral ay babasahin ang pamagat)
- “Pagpapatuloy ng mga Pagsubok”
- Magaling!

- Ating babasahin ang pagpapatuloy ng mga


pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo.
Ano-ano kaya ang mga inaatas ni Haring
Salermo kay Don Juan? At ito ang ating
tutuklasin!

(Magtatawag ng mga mag-aaral at aatasan ito (Sisimulan na ang pagbabasa)


ng bawat saknong na babasahin.)
Pagtalakay
- Klas, batid ko na naunawahan niyo ang ating
binasa patungkol sa pagpapatuloy ng
pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo kay
Don Juan.
- Ngayon may nakahandang katanungan upang
malaman natin ang nangyari sa ating binasa.

- Isa-isahin ang tatlo pang kahilingan ni Haring - Sir, buwagin ang kastilyo para makalanghap
Salermo kay Don Juan. Vincent? ng hangin ang Hari, ibalik ang singsing ng
Hari na nahulog sa karagatan at paamuhin
- Magaling! ang mailap na kabayo.

- Sino ang nagbalatkayong mailap na kabayo? - Sir, si Haring Salermo po.


Guzman?

- Mahusay!

- Paano napaamo ni Don Juan ang mailap na - Sir, sa tulong ni Donya Maria na nag-anyong
kabayo? Lea? Malou? busal ng kabayo kaya napaamo niya ang
mailap na kabayo.
- Tumpak!

- Tama ba ang ginawa ni Donya Maria na - Sir opo dahil hindi kayang gawin ni Don
pagtulong kay Don Juan? G. Edu? Juan mag-isa lahat ng pinapagawa ni Haring
Salermo.
- Mahusay!

- Sa tatlong huling kahilingan ni Haring - Sir, para po sa akin ang pinakamahirap ay


Salermo kay Don Juan, alin sa mga ito ang ang ikaanim na kahilingan na hanapin ang
pinakamahirap para sa iyo? Bakit? Bb. singsing na nahulog sa ilalim ng dagat. Dahil
Blasy? po naputol ang isang daliri ni Donya Maria
dahil sa nataranta si Don Juan.
- Mahusay!

- Ang anim na kahilingan ang pinakamahirap


sapagkat naputol pa ang daliri ni Donya
Maria sa pagkuha ng singsing ng kanyang
Ama.

Paglalapat
- Ngayon, maglabas kayo ng ikalawang bahagi
ng papel.
- Klas, pumili ng isang saknong na kung saan
ito ang inyong gagamitin sa inyong Gawain.
- Gagawin niyo lamang ay bibigyang
importansya ito sa pamamagitan ng
pagbibigay ninyo ng opinyon.
- Naunawahan ba Klas ang aking panuto? - Opo sir!
- Magaling!
- Simulan na ang inyong Gawain. (Magsisimula ng magsulat ang mga mag-
aaral)

Pagpapahalaga
- Ngayon, sukatin naman natin ang inyong
katatagan at katapangan.
- Magbigay ng repleksiyon sa kasabihang
“Tulad ng unos, lilipas din ang pagsubok.”
- G. Valdez maari mo bang ibigay o ibahagi sa - Sir, dumanas din ako ng mga mabibigat na
amin ang iyong repleksiyon sa nasabing suliranin at pagsubok sa buhay. Pero hindi ito
kasabihan? naging dahilan upang manghina ang
pananalig ko sa Diyos; sa halip ay sinikap
kong maging matatag at magpatuloy sa aking
tungkulin bilang isang mabuting anak sa
aking mga magulang.

- Magaling! Kagaya ni Don Juan hindi siya


sumuko dahil alam niya na may tutulong sa
kanya hindi lamang si Donya Maria kundi
ang ating Panginoon. (Papalakpak ang mga mag-aaral)
- Klas, palakpakan natin si G. Valdez!

Paglalahat
- Pagsunud-sunurin ang mga naganap na
pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng
tableau o larawang-buhay.
- May apat na ibon rito na may nakapaloob na
pangyayari.
- Kailangan ko ng tig-dadalawang kalahok sa
bawat grupo.
- Bubunot ang lider ng isa at gagawin ito ng
kaniyang miyembro sa harapan.
- Pagkatapos ay ipapaliwanang ng lider ang
ipinakita ng kanyang mga kagrupo.
- Klas, kapag narinig niyo na tumunog na ang
bomba, ibig sabihin ay tapos na ang inyong
tatlong minuto.
1. Sa pamamasyal nina Don Juan ay nawala ng
Hari ang kanyang singsing.
2. Nakatulog si Don Juan sa paghihintay. Paglitaw
ng prinsesa ay walang kumuha ng singsing.
3. Nakuha niya ang singsing ngunit ang dulo ng
hintuturo ng Prinsesa ay naputol.
4. Napaamo naman agad ni Don Juan ang kabayo.

- Boooom! Sumabog na ang granada.


- Mahusay Klas! Dahil diyan mayroon kayong
gantimpalang matatanggap.

IV. PAGTATAYA

Pagtataya
- Klas, dumako naman tayo sa pang-huli
nating gawain at tatawagin itong pangkatang
gawain.
- Hahatiin ko kayo sa apat na pangkat at
magtatalaga kayo kung sino ang gusto niyong
lider.
- Magbibigay ako ng kartolina sa bawat
pangkat.
- Ngayon ilabas ninyo ang inyong mga
pangkulay at kagamitin sa pagguhit o
paggupit sa kartolina.
- Ito ang rubrics ng inyong gagawin.

Kraytirya Puntos
Pagkamalikhain 10
Kaangkupan sa Paksa 5
Nilalaman 10
Kabuuan 25
- Opo sir! Handang-handa na kami.
- Klas, awin ito sa loob ng limang minuto.
Kapag tumunog na ang bomba ibig sabihin
ay tapos na ang inyong takdang oras at
maghanda para ibahagi ito klase.Inaasahan
ko na ang bawat grupo ay matatapos at may
maipakikitang output ng gawain sa
itinakdang oras. Handa na ba kayo?

- Magaling!
Tauhan Simbolo Dahilan
- Unang grupo, gumuhit ng isang simbolo sa 1. Donya Maria
bawat tauhan batay sa katangiang 2. Don Juan
ipinamalas nito sa aralin (Donya Maria, Don 3. Haring Salermo
Juan at Haring Salermo) at ilagay kung bakit
ninyo napili ang simbolo.
P-
- Ikalawang grupo, gumawa ng akrostik sa A-
G-
akronim na PAG-IBIG ng dalawang tauhan na I-
B-
I-
sina Don Juan at Donya Maria. G–

- Ikatlong grupo, maglahad ng paghahambing


gamit ang Venn diagram sa sinaunang
katangian ng dalaga at sa kasalukuyang
panahon na makikita sa tauhan ni Donya
Maria.
- Ikaapat na grupo, magbigay ng kabutihan at
di-kabutihang dulot ng panghihimasok ng
magulang sa pag-ibig ng anak gamit ang
fishbone map.
- (Tutunog na ang bomba) Tapos na ang (Magbabahagi ang mga mag-aaral na kanilang
inyong tatlong minuto. Ibahagi sa klase ang natapos na gawain)
inyong mga ginawa.

- Magagaling kayong lahat! Ang may


pinakamaraming puntos na nakuha ay may
kapalit na gantimpala. Kunin ninyo ang
inyong gantimpala. Basahin ng sabay-sabay
ang takdang aralin.

V. TAKDANG-ARALIN

Takdang-Aralin
- Bilang pagtatapos ng ating talakayan, mag-
iiwan ako sa inyo ng isang gawain at
gagawin niyo ito sa loob ng inyong tahanan.
- Magsaliksik sa internet ang buod ng ating - Sige po sir!
tinalakay kanina na “Pagapatuloy ng
Pagsubok” at ibigay ang gintong-aral nito.

Pampinid na Gawain
- Klas, dito na nagtatapos ang ating talakayan - Salamat sir at paalam rin po!
sa araw na ito. Maraming salamat sa
pakikinig at nakita ko bawat isa sa inyo ang
pagkatuto. Kitakits bukas! Paalam 7-
Unknown!

Inihanda ni:
BENEDICT M. DUMLAO
Praktis Titser
Binigyang-pansin ni:
MARK M. SUANQUE
Ko-Titser

You might also like