You are on page 1of 6

DAILY LESSON PLAN

DLP AsignaturBaitang Kwarter Oras (Haba): Petsa:


Blng.: a
FILIPINO 7 IKAAPAT 60 minuto May 24,
2022
Gabayan ng Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na Code:
Pagkatuto: nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat F7PB-IVc-
(Taken from the mabigyang solusyon d-21
Curriculum Guide)

Susi ng Konsepto ng Ang inggit ay isa sa mga suliraning panlipunan na marami sa ating
Pag-unawa mga kapwa Pilipino ay nakararanas nito at nagdudulot ng
kapahamakan sa kapwa.
1. Mga Layunin
Pag-alala Naiisa-isa ang sanhi at bunga ng inggit
Knowledge Pag-unawa
Pag-aaplay
Pagsusuri Nasusuri ang sarili kung tama o mali ang mga
Skills pag-uugaling nabanggit
Pagtataya
Paglikha
Attitude Responding to Nailalahad ang taglay na kritikal na pag-iisip sa
Phenomena
(Pangkaasalan) pagdaig ng inggit na naramdaman sa kapwa
Values Valuing Naibabahagi ang karanasan ng pagkakaisa sa
(Pagpapahalaga) pagdaig ng inggit na naramdaman sa kapwa
2. Nilalaman Ibong Adarna: Ang Bunga ng Inggit (Saknong 232-317)
3. Kagamitan Batayang aklat Pluma 7 pahina 450-455, Ikaapat na Markahan
Modyul 3, projector, papel na ibat’ ibang hugis, story map chart,
mga larawan
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang A. Panalangin. Ang lahat ng mag-aaral ay tatayo at
Gawain manalangin.
2 minuto B. Pagbati. Magandang Umaga mga mag-aaral! Ngayong
umaga ay may bago naman tayong malalaman. Handa na ba
kayo? Pero bago yan ating balikan ang nakaraang kabanata
sa Ibong Adarna.
C. Pagbabalik-aral
1. Saan makikita ang Ibong Adarna?
2. Ano ang nangyari kay Don Pedro at Don Diego ng marinig
nila ang awit ng Ibong Adarna?
3. Sino ang nakakuha sa Ibong Adarna?
D. Pagtalakay sa Bagong Aralin

Sasabihin ng guro:
Magaling! Ngayon naman ay tingnan ang nasa larawan.

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.webofbio.com%2 https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fdiscover.hubpages.com%2Fentertainment%2F12-
Fniana-guerrero%2F&psig=AOvVaw3yufRj1h1WSlz_F8oJVUhf&ust=1653648028085000& Famous-Korean-Celebrity-Siblings-That-You-Should-Know&psig=AOvVaw1uUHRBMvCX3Z9WD2EriGkb&ust=1653648165740000&source=i
source=images&cd=vfe&ved=0CAwQjRxqFwoTCJD1jOrG_vcCFQAAAAAdAAAAABAD mages&cd=vfe&ved=0CAwQjRxqFwoTCNDds6zH_vcCFQAAAAAdAAAAABAD

Mga Tanong:
1. Sino sino ang nasa larawan? Kilala niyo ba sila? Bakit sila
sikat ngayon?
2. Sa mga magkakapatid, natural lang lang ba na may inggitan
na nangyari?
3. Magbigay ng karanasan na nagkaroon ng inggitan ng
magkakapatid.
Sasabihin ng guro:
Hindi natin maipagkakaila na mayroong ibang
magkakapatid na nag-aaway at nag-iinggitan dahil sa hindi
pantay na pagmamahal sa magulang. Alam niyo ba na ang
inggitan sa magkakapatid ay nangyari sa Ibong Adarna?
Ngayon basahin ang bahagi ng saknong ng Ibong Adarna na
pinamagatang “Ang Bunga ng Inggit”.

4.2 Gawain Ang Bunga ng Inggit (Saknong 232-317)


15 minuto Nagtagumpay si Don Juan sa paghuli sa Ibong Adarna. Nang
kanyang mahuli ay dinala ito sa ermitanyo. Iniutos ng ermintanyo
na punuin ng tubig ang banga at ibuhos sa mga magkapatid, sila’y
nagyakap. Pinaghanda sila ng pagkain ng ermitanyo sa tagumpay
ng kanyang nakamit. Pagkatapos kumain, sila ay binendisyonan
upang makaating na sa amang naghihintay sa kanila.
Naging masaya sana ang tatlong magkakapatid, kaya lang ay
pinag-isipan ng masama si Don Juan ng kanyang dalawang
nakatatandang kapatid. Ayaw sanang pumayag ni Don Diego pero
dahil sa takot kay Don Pedro ay napasunod na rin siya. Inggit ang
dahilan kung bakit binugbog si Don Juan.
Nang makarating na sa kaharian ang dalawa, ibinigay na ang
ibon. Pinaawit subalit ayaw, sa halip ay ipnakita ang kanyang
pangit na anyo. Nais naman ng ibon na makatulong kaya lang
hihintayin niya si Don Juan.
Ang sinumang makakita kay Don Juan ay tiyak na maaawa sa
labis na pasang tinamo ng kanyang katawan. Hindi siya nakalimot
tumawag sa Poong Maykapal. Hindi niya maubos-maisip kung
bakit siya’y pinagtaksilan ng kanyang mga kapatid. Dumating ang
isang matanda, siya ay tinulungan at pinagpala. Nagpasalamat siya
sa pagtulong na ginawa sa kanya. Naitanong niya kung paano siya
makakabayad. Nawika ng matanda na ang pagtulong ay may
layon, hindi nangangailangan ng kabayaran.
Mula sa Pinagyamang Pluma pahina 450-460

Pangkatang Gawain: Mula sa binasang bahagi ng Ibong Adarna gawin ang


nasa ibaba. Magpalabunutan ang bawat lider ng pangkat. Ang makakuha ng
tatsulok ay sasagutin ang pamagat at tauhan, parihaba ay ang tagpuan, bilog
ay ang problema at ang parisukat ay solusyon. Ang mga sagot ay
matatagpuan sa ulap. Punan ng pangkat ang story map sa loob ng 5 minuto.

STORY MAP
Pamagat:

TAUHAN TAGPUAN

Problema Solusyon
Sasabihin ng Guro:
Lahat ba ay nasagutan? Ngayon ay tingnan natin kung tama ba
ang naging sagot ng bawat pangkat.

4.3 Analisis Mga Tanong:


2 minuto 1. Ano ang iyong naramdama habang ginagawa ang story
map?
2. Naging matagumpay ba ang pagbuo ng story map? Bakit?
3. Lahat ba ng naging sagot ng bawat pangkat ay tama?

Sasabihin ng Guro:
Napakagaling! Ang lahat ng gawain ay maging madali
kapag nagtutulungan ang bawat isa sa pangkat. Dapat ninyo
itong ugaliin ang pagtulong lalo na sa mga
nangangailangan.
4.4 Abstraksiyon Mga Tanong:
15 minuto 1. Mula sa binasang saknong ng Ibong Adarna, ano ang sinapit
ni Don Juan sa kamay ng kanyang mga kapatid?
2. Ano ang kanyang kalagayan nang iwan siya ng mga kapatid
sa gitna ng malawak na kaparangan?
3. Kung ikaw si Don Juan, mapapatawad mo ba ang iyong
mga kapatid sa pagtataksil at pananakit na ginawa sa iyo?
4. Anong katangian ang higit na lumutang sa kanyang mga
kapatid gayundin kay Don Juan dahil sa pangyayaring ito?
5. Ang inggit na naramdaman ng magkapatid ay nangyayari
lang ba sa pamilya? Saan maaaring mangyari ito?
6. Magbigay ng halimbawa na ang inggit ay isang suliraning
panlipunan.

4.5 Aplikasyon Panuto: Suriin kung Tama o Mai ang ugaling ipinapakita. Isulat
5 minuto ang hugis puso kung tama ang pag-uugali at kalahating puso kung
mali.
1. Inaalagaan ko ang aking kapatid na bunso, lalo na kapag
wala ang aming magulang.
2. Lagi kong inaaway ang aking kuya.
3. Tinutulungan ko ang aking ate sa mga gawaing bahay.
4. Naiinggit ako ssa kapatid bunso.
5. Tinuturuan ko sila sa paggawa ng kanilang takdang-aralin.

4.6 Pagtataya Panuto: Pumili ng isa mula sa mga suliraning panlipunan na


10 minuto nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Isulat ang iyong
sariling opinyon o mungkahi upang malutas ang suliranin. Sikapin
na makasunod sa pamantayan.

Kasalukuyang Suliraning Panlipunan sa Bansa:


1. Pagbaba ng bilang ng gumagamit ng ipinagbabawal
na gamot
2. Kahirapan sa panahon ng pandemya
3. Seguridad ng pagkain na nakaapekto sa kalusugan ng
kabataang Pilipino

Pamantayan sa Pagsulat:

5 puntos- Ang solusyon ay makabuluhan at sadyang nakatutulong


upang malutas ang suliranin.
3 puntos- Gumamit ng mga salitang simple at madaling unawain.
2 puntos- Maayos at malinis ang pagpapahayag at pagkakasulat.

Tandaan: May mga mag-aaral na lumiban dahil sa hindi


inaasahang pangyayari. Sila ay padadalhan ng mga gawain upang
makabawi. At sa mga modular learning modality na mga mag-
aaral, sila ay padadalhan din ng mga gawain.

5. Takdang Para mas lalo pang mapalawig ang pag-unawa sa ating paksa,
Aralin magtala ng isang suliraning panlipunan na hindi natin natalakay.
I minuto Magbigay ng mungkahing solusyon sa suliraning ito. Isulat sa
kalahating papel. Ipasa sa susunod nating pagkikita.

6. Panapos na Laging tandaan na ang pananalig ng Diyos ay sandata sa anumang


Gawain pagsubok. Maraming salamat mga mag-aaral sa inyong
1 minuto partisipasyon at pagtutulungan. Paalam!

You might also like