You are on page 1of 16

7

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagsuri sa Damdamin ng Tauhan
sa Pinanood na Dula
Ikaapat na Markahan - Ikaanim na Linggo
FILIPINO – Ikapitong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagsuri sa Damdamin ng Tauhan sa Pinanood na Dula
Ikaapat na Markahan - Ikaanim na Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Veronica D. Atienza


Editor: Milagros A. Hipolito
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Zaldy B. Millanes
Bryan M. Balintec
Tagaguhit: Jonas B. Navarro
Tagalapat: Bryan M. Balintec
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle A. Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva
Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagsuri sa Damdamin ng Tauhan
sa Pinanood na Dula

Panimula

Mahilig ka bang manood ng mga teleserye? Marami ka na bang napanood


na pelikula? Hindi maikakaila na ang mga Pilipino ay mahilig manood ng iba’t
ibang palabas sa telebisyon o ng mga pelikulang ipinalalabas sa sinehan. Ang
panonood ng mga ito ay nagsisilbing libangan at panahon ng pagsasama-sama ng
pamilyang Pilipino maging ito man ay nakaiiyak, nakatatawa, nakakikilig,
nakatatakot at iba pa. Napalapit na sa puso ng mga Pilipino ang mga palabas sa
telebisyon o pelikula sapagkat hindi lamang nagsisilbing libangan ang mga ito
kung hindi sumasalamin din sa iba’t ibang damdamin at emosyong naiuugnay sa
sariling buhay at karanasan.
Para sa linggong ito, isang kagamitang pampagkatuto muli ang inihanda
para sa iyo upang linangin naman ang iyong kasanayan sa pagsuri sa damdaming
namamayani sa mga tauhan sa dulang pantelebisyon o pampelikula. Ikaw ay
manonood ng isang dulang pampelikula o hindi naman kaya ay makababasa ka ng
ilan sa mahahalagang tagpo nito. Inaasahan na sa pagtatapos nito ay masusuri
mo ang damdaming namayani sa mga tauhan. Handa ka na ba? Halina at simulan
mo nang linangin ang panibagong kasanayan para sa linggong ito.

Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na


dulang pantelebisyon/pampelikula. (F7PD-IVc-d-19)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nasusuri ang damdamin ng mga tauhan sa dulang pampelikula batay sa


pahayag at kilos;
2. naiisa-isa ang mga tauhang may positibo at negatibong damdamin sa
pinanood o binasang bahagi ng dula; at
3. nabubuo ang diyalogo na nagpapakita ng damdamin ng mga tauhan
mula sa dulang pinanood o binasang bahagi nito.

Balik Aral

Sa nakaraang aralin ay nalinang ang iyong kasanayan sa pag-uugnay ng


mga karanasan sa binasang akda sa iyong sariling karanasan. Bago ka
magpatuloy sa panibagong aralin para sa linggong ito, magbalik-aral muna tayo.

Panuto: Sagutin nang mahusay ang sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga karanasan ng tauhan sa nakaraang aralin ang maiuugnay mo sa
iyong sariling karanasan? Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Bakit mahalagang maiugnay ng isang mambabasa ang kaniyang sariling
karanasan sa karanasan ng mga tauhan sa akdang binasa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Mahusay ang iyong mga naging kasagutan! Ngayon ay unawain mo sa


susunod na bahagi ang pagtalakay sa bagong aralin, ang pagsuri sa damdaming
namamayani sa mga tauhan sa dulang pantelebisyon o pampelikula.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Bilang bahagi ng paglinang sa iyong kasanayan sa linggong ito, ikaw ay


manonood ng isang dulang pampelikula tungkol sa obra maestrang Ibong Adarna
sa tulong ng link na ibinigay sa ibaba. Ang dulang pampelikula na ito ay naging
bahagi na ng kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Mapalad ka sapagkat hanggang
sa kasalukuyan ay maaari pa rin itong mapanood ng mga kabataang katulad mo
sa tulong ng internet. Sa iyong panonood ay bigyan mo ng pansin ang mga
damdamin at emosyon ng mga tauhan.

Alam mo ba na…

Ang koridong Ibong Adarna ay


naisapelikula noong taong 1941. Ito
ay inilabas ng LVN Pictures sa
direksiyon nina Vicente Salumbides
at teknikal sa superbisyon ni Manuel
Conde, na isa sa mga naging National
Artists. Ang dulang pampelikula na
ito ay pinagbidahan nina Mila del
Sol, Fred Cortes at Ester Magalona.
Ang dulang pampelikulang ito
ay umiikot sa kuwento ng
pakikipagsapalaran nina Don Pedro,
Don Diego at Don Juan upang
mahanap ang mahiwagang Ibong
Adarna na siyang tanging lunas sa
karamdaman ng kanilang amang
Kuhang larawan mula sa
hari.
https://www.imdb.com/title/tt0787034/

Panoorin mo sa YouTube ang dulang pampelikula na Ibong Adarna (1941)


gamit ang link na ito:

https://www.youtube.com/watch?v=_ad-4luXh5I

Kung walang koneksiyon sa internet upang panoorin ito, basahin ang ilan sa
mahahalagang pangyayari at diyalogo ng mga tauhan sa unang bahagi ng dulang
pampelikula na ito.

3|Pahina
Tagpo: Paghahanap sa lunas sa sakit ni Haring Fernando.

Reyna Valeriana: Ang hari ay matagal nang may sakit at maraming


manggagamot na ang tumingin ngunit hanggang
ngayo’y wala pang makapagpagaling sa kaniya. Sa akala
kaya ninyo’y ano ang makapagpapagaling sa sakit niya?
Manggagamot: Mahal na reyna, ang sakit po ng hari ay likha po ng
isang mahiwagang panaginip. Iisa lamang ang
nalalaman kong kagamutan. May isang ibong maganda
na ang pangalan ay Adarna. Kawili-wili ho kung humuni
at kung marinig ninyong umawit ay gagaling kayong
parang nagdahilan lamang.

Tagpo: Pagbibigay ng basbas ni Haring Fernando sa tatlong prinsipe na


hanapin ang Ibong Adarna sa Bundok Tabor.

Reyna Valeriana: Hindi ba mapanganib sa Bundok ng Tabor?

Manggagamot: Opo mahal na reyna, ngunit ang lalong mapanganib ay


ang paghuli sa Adarna, sapagkat iyon ay engkantada.
Haring Fernando: Bagama’t mahirap sa kalooban kong kayo’y mawalay sa
aking mga mata ay nais kong kayong tatlong mga anak
ko ang siyang pumunta sa bundok ng Tabor.

Tagpo: Pagtulong ng matandang ermitanyo kay Don Juan upang mahuli


ang Ibong Adarna.

Matandang Ermitanyo: Ang ibong sinasabi mo ay engkantada at maaaring ikaw


ay masawi sa paghuli sa kaniya.

Don Juan: Ituro po ninyo sa akin ang punong hinahapunan at


sisikapin kong ito’y mahuli kahit aking ikamatay.

Matandang Ermitanyo: Sa itaas ng bundok na ito, may isang punongkahoy na


maganda. Namumukod siya sa lahat ng mga puno lalo
na ang kaniyang mga dahong kulay pilak. Iyon ang
hinahapunan ng Ibong Adarna. Bago siya matulog,
kumakanta ng pitong ulit. Tuwing matatapos ang
pagkanta ay magpapalit ng balahibo sa iba’t ibang
kulay. ‘Pag narinig mo ang kanta ay sapilitang aantukin
ka ngunit tuturuan kita ng paraan upang ikaw ay
huwag mag-antok.

4|Pahina
Tagpo: Pagtataksil ni Don Pedro kay Don Juan upang agawin ang Ibong
Adarna habang binabagtas ang daan pauwi ng Berbanya.

Don Diego: Bakit mo pinatay ang ating kapatid?


Don Pedro: Sapagkat ako ang dapat magmana ng setro’t korona ng
ating ama at hindi siya!

Tagpo: Pagbabalik nina Don Pedro at Don Diego sa kaharian dala ang
Ibong Adarna.

Haring Fernando: Sino ang nakahuli nito?


Don Pedro: Ako po.
Haring Fernando: Totoo ba, Prinsipe Diego?
Don Diego: Siya nga po ang humuli.
Reyna Valeriana: Hindi ba nalalaman ninyong dalawa ang pinuntahan ng
inyong kapatid?
Don Pedro: Hindi po.
Haring Fernando: Ang ibon ay ilagay na sa mesa at nang kumanta na. Ibig
ko nang mapakinggan ang kawili-wili niyang awit!

Tagpo: Pagbabalik ni Don Juan sa kaharian ng Berbanya at pag-awit ng


Ibong Adarna upang pagalingin si Haring Fernando.

Haring Fernando: Magaling na magaling na ako. Wala na akong sakit!


Salamat sa iyo giliw kong anak at mahal kong reyna, at
sa iyo mahiwagang ibon!

Tagpo: Pagpapataw ng parusa sa pagtataksil na ginawa nina Don Pedro at


Don Diego.

Haring Fernando: Sang-ayon ako sa inyong mungkahi. Si Prinsipe Diego


ay aking pinatatawad at si Prinsipe Pedro ay palayasin
sa kaharian ko sa lalong madaling panahon!
Don Juan: Mahal na hari kong ama, tiklop-tuhod kong isinasamo
na inyong patawarin ang kapatid ko. Kung hindi dahilan
sa akin, dahilan na lamang sa aking reynang ina.
Haring Fernando: Prinsipe Pedro, ikaw ay aking pinatatawad subalit, dahil
sa kasamaan mong nagawa ay hindi ko ibibigay sa iyo
ang aking setro’t korona! Kay Prinsipe Juan ko ito
ibibigay.

5|Pahina
Mga Gabay na Tanong

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Nagustuhan mo ba ang iyong pinanood o binasang bahagi ng dulang


pampelikula? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Paano ito naiiba sa mga bago at modernong pelikula sa kasalukuyan?
3. Ano ang iyong masasabi sa pagganap ng mga tauhan sa dulang pampelikula na
ito?
4. Sino sa mga tauhan ang higit na nakapagpadama sa iyo ng kaniyang
damdamin?
5. Ano ang iyong naramdaman matapos mong panoorin o basahin ang mga bahagi
ng dulang pampelikula na ito?

Basahin at unawain mo ang pagtalakay sa pagsuri sa damdamin ng mga


tauhan sa dulang pantelebisyon o pampelikula.
________________________________________________________________________________

Pagsuri sa Damdamin ng mga Tauhan sa


Dulang Pantelebisyon o Pampelikula

Ang dulang pantelebisyon o pampelikula ay binubuo ng mga gumagalaw na


larawan at tunog. Ito ay lumilikha ng kapaligiran at mga karanasang malapit sa
katotohanan na tinatawag ng iba na de-kahong libangan. Ang mga dulang
pampelikula ay may katangi-tanging kinalalagyan sa ating kultura. Hindi nalalayo
rito ang dulang pantelebisyon dahil ang mga ito naman ay hango rin sa naunang
pelikula. Naiiba lamang ito dahil ang midyum ng telebisyon ay hitik sa
komersyalismo kaya nahahati ang daloy ng kuwento sa pamamagitan ng mga
patalastas ngunit ang istruktura ng dula, ang mga karakter at ang ibig ipahiwatig
nito ay hindi nagkakalayo mula sa dulang pampelikula.
Karaniwang malapit sa tunay na karanasan at pangyayari sa buhay ng tao
at sa lipunang kaniyang kinabibilangan ang paksa ng mga dulang pantelebisyon o
pampelikula. Ito ay mabisang nailalarawan sa tulong ng taglay nitong natatanging
elemento.
Isa sa mahahalagang elemento ng dulang pantelebisyon o pampelikula ay
ang mga tauhan. Ang mga tauhan ang nagpapagalaw at nagbibigay ng buhay sa
dulang pampelikula o pantelebisyon. Mahalaga ang gampanin ng mga tauhan sa
isang dula.

6|Pahina
• Sa mga tauhan umiikot ang mga pangyayari sa isang dula. Nakadarama ng
iba’t ibang damdamin ang mga tauhan sa isang dulang pantelebisyon o
pampelikula.
• Ang mga damdaming ito ay maaaring mapansin o masuri sa pamamagitan
ng mga diyalogo at kilos ng mga tauhan sa dula.
• Maaaring positibo o negatibo ang damdamin o saloobin ng mga tauhan sa
isang dula tulad ng tuwa, lungkot, galit, inggit, tampo, hiya, pag-aalala,
pagmamalasakit, paghanga, panghihinayang, pagsisisi at iba pa.
• Sa pamamagitan ng mahusay na pagbigkas ng mga diyalogo at kilos ng mga
tauhan ay naipadarama nila ang iba’t ibang damdamin at emosyon sa mga
manonood.
Naunawaan mo ba ang gampanin ng mga tauhan sa isang dulang
pantelebisyon o pampelikula? Ngayon ay suriin mo ang damdaming namayani sa
mga tauhan sa pinanood na dulang pampelikula sa tulong ng mga sumusunod na
gawain.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Iguhit ang wastong emoticon para sa damdamin ng tauhan batay sa
kanilang kilos at ginawa mula sa dulang pampelikula na Ibong Adarna. Iguhit ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Natutuwa Nalulungkot Nagagalit Nag-aalala Natatakot

_________ 1. Matagumpay na nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna.


_________ 2. Napilitang pumayag si Don Diego sa masamang balak ng panganay
na kapatid na si Don Pedro.
_________ 3. Nakita ni Don Diego ang nakahandusay na si Don Juan matapos
itong saktan ni Don Pedro.
_________ 4. Pinagmamasdan ni Reyna Valeriana ang lumulubhang karamdaman
ni Haring Fernando dulot ng masamang panaginip.

7|Pahina
_________ 5. Binuhusan ni Don Juan ng mahiwagang tubig sina Don Pedro at Don
Diego at sila’y naging taong muli.
_________ 6. Nagising si Don Juan sa gitna ng kabundukan matapos saktan at
pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.
_________ 7. Umawit ang Ibong Adarna nang magbalik si Don Juan sa kaharian ng
Berbanya.
_________ 8. Pinagtangkaan ni Don Pedro ang buhay ni Don Diego kung hindi ito
papayag sa masama niyang plano.
_________ 9. Ayaw kumanta ng Ibong Adarna pagdating sa Berbanya sapagkat
wala ang tunay na nakahuli sa kaniya.
_________ 10. Sumang-ayon si Haring Fernando na palayasin sa Kaharian ng
Berbanya si Don Pedro dahil sa ginawa niyang pagtataksil.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Suriin ang damdaming namayani sa mga tauhan sa dulang pampelikula
ayon sa kanilang mga pahayag o diyalogo. Piilin mula sa loob ng kahon ang sagot.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

takot tuwa lungkot inggit galit


pananabik pagmamalasakit tapang pagsusumamo pag-aalala

Tauhan Pahayag Damdamin


Haring 1. “Bagama’t mahirap sa kalooban kong kayo’y
Fernando mawalay sa aking mga mata ay nais kong kayong
mga anak ko ang siyang pumunta sa bundok ng
Tabor.”
Don Diego 2. “Bakit mo pinatay ang ating kapatid?”
Don Pedro 3. “Sapagkat ako ang dapat na magmana ng setro’t
korona at hindi siya!”
Matandang 4. “Ang ibong sinasabi mo ay engkantada at
Ermitanyo maaaring ikaw ay masawi sa paghuli sa kaniya.”
Don Juan 5. “Ituro po ninyo sa akin ang punong hinahapunan
at sisikapin kong ito’y mahuli kahit aking
ikamatay.”
Matandang 6. “Pag narinig mo ang kanta ay sapilitang aantukin
Ermitanyo ka ngunit tuturuan kita ng paraan upang ikaw ay
huwag mag-antok.”

8|Pahina
Haring 7. “Ang ibon ay ilagay na sa mesa at nang kumanta
Fernando na! Ibig ko nang mapakinggan ang kawili-wili
niyang awit!”
Haring 8. “Si Prinsipe Pedro ay palayasin sa kaharian ko sa
Fernando lalong madaling panahon!”
Don Juan 9. “Mahal na hari kong ama, tiklop-tuhod kong
isinasamo na inyong patawarin ang kapatid ko.”
Haring 10. “Magaling na magaling na ako. Wala na akong
Fernando sakit!”

Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Isa-isahin at itala ang mga tauhan na may positibo at negatibong
damdamin mula sa pinanood na dulang pampelikula na Ibong Adarna o sa
binasang bahagi nito. Magbigay ng maikling paliwanag sa iyong naging sagot.
Kopyahin ang talahanayan at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Tauhan na may Positibong Paliwanag


Damdamin

Mga Tauhan na may Negatibong Paliwanag


Damdamin

Pagsusulit

Panuto: Basahing muli ang isa sa mga tagpo mula sa dulang pampelikula na Ibong
Adarna. Bumuo ng iyong sariling diyalogo na nagpapakita ng damdaming
namayani sa mga tauhan mula sa tagpong ibinigay. Gawing gabay ang
pamantayan sa pagbuo ng diyalogo. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

9|Pahina
Tagpo: Pagpapataw ng parusa sa pagtataksil na ginawa nina Don Pedro at
Don Diego.

Haring Fernando: Sang-ayon ako sa inyong mungkahi. Si Prinsipe Diego


ay aking pinatatawad at si Prinsipe Pedro ay palayasin
sa kaharian ko sa lalong madaling panahon!
Don Juan: Mahal na hari kong ama, tiklop-tuhod kong isinasamo
na inyong patawarin ang kapatid ko. Kung hindi dahilan
sa akin, dahilan na lamang sa aking reynang ina.
Haring Fernando: Prinsipe Pedro, ikaw ay aking pinatatawad subalit, dahil
sa kasamaan mong nagawa ay hindi ko ibibigay sa iyo
ang aking setro’t korona! Kay Prinsipe Juan ko ito
ibibigay.

Pamantayan sa Pagbuo at Pagmamarka sa Diyalogo

1. Naipakita ang damdaming namayani - 5 puntos


sa mga tauhan.
2. Malinaw ang usapan o diyalogo ng mga tauhan. - 5 puntos
3. Angkop ang mga salitang ginamit. - 4 puntos
4. Kakikitaan ng orihinalidad ang diyalogo. - 3 puntos
5. Malinis ang gawain. - 3 puntos
Kabuoan: 20 puntos

Pangwakas

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng 3-2-1 tsart bilang paglalahad ng iyong mga
natutuhan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Tatlong damdaming namayani sa mga tauhan sa dulang pampelikula


3 na iyong pinanood o nabasang bahagi nito.

Dalawang mensahe o aral na napulot mo mula sa dulang


2
pampelikulang ito.

Isang damdaming nadama mo matapos panoorin o basahin ang mga


1
pangyayari sa dula.

10 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Abellon, Bam. 2019. ABS-CBN News. June 24. Accessed December 16, 2020.
https://news.abs-cbn.com/ancx/culture/movies/06/24/19/a-new-scan-of-
the-original-ibong-adarna-debuts-on-cable-this-weekend.

Citizen Jake. 2020. Youtube. August 20. Accessed 2020.


https://www.youtube.com/watch?v=_ad-4luXh5I.

1941. Ibong Adarna. Directed by Vicente Salumbides. Performed by Mila Del Sol,
Fred Cortes, Ester Magalona, Ben Rubio and Vicente Oliver.

DeOcampo, Nick. 2013. Center for New Cinema. Accessed December 16, 2020.
http://centerfornewcinema.net/seminars-and-workshops/pagsulat-ng-
dulang-pelikula.

Department of Education. 2020. "Deped Commons." Deped. Accessed 2020.


https://commons.deped.gov.ph/K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf.

Prezi. 2013. Dulang Pampelikula at Pantelibisyon. August 19. Accessed 2020.


https://prezi.com/t8pesphzczgm/dulang-pampelikula-at-pantelebisyon/.

Salumbides, Vicente. 1941. Ibong Adarna. October 17. Accessed 2020.


https://www.imdb.com/title/tt0787034/.

11 | P a h i n a
12 | P a h i n a
Balik-aral Pang-isahang Pagsasanay
May kaniya-kaniyang sagot ang mga mag-
May kaniya-kaniyang sagot ang mga mag-aaral. aaral.
Gawain Pagsusulit
Pinatnubayang Pagsasanay 1 May kaniya-kaniyang sagot ang mga mag-
aaral.
1. (natutuwa)
Pangwakas
2. (natatakot) May kaniya-kaniyang sagot ang mga mag-
aaral.
3. (natatakot) o (nag-aalala)
4. (natatakot) o (nag-aalala)
5. (natutuwa)
6. (nalulungkot)
7. (natutuwa)
8. (nagagalit)
9. (nalulungkot)
10. (nagagalit)
Pinatnubayang Pagsasanay 2
1. lungkot
2. takot
3. inggit
4. pag-aalala
5. tapang
6. pagmamalasakit
7. pananabik
8. galit
9. pagsusumamo
10. tuwa
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi
ng Ikaapat na Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang
Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa
pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay
na nakabatay sa mga pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang
pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan
sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like