You are on page 1of 13

I.

Mga Layunin
A. Nakapagbibigay kahulugan ng tunay na pag-ibig;
B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng pagsayaw;
C. Naiuugnay ang tekstong binasa hinggil sa pansariling realisasyon
patungkol sa pag-aaral; at
D. Nakagagawa ng maikling tulang tunay na pag-ibig sa taong minamahal.

II. Paksa
Paksa: Tunay na Pag-ibig
Tatalakaying Genra: Korido
Pamagat ng Teksto: ANG UNANG BABAENG NAGPATIBOK SA PUSO NI
DON JUAN, SI DONYA JUANA
Mga Kagamitan: marker,mahiwagang kahon,shoe me board at radyo
Sanggunian: PLUMA I
Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan
pahina 527-534

Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag
Kasanayang Pampag-iisip:
- Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
-pagbibigay halaga at kahulugan ng tunay na pag-ibig.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a. “Akting Ko Hula Mo” Ang klase ay papangkatin sa limang grupo.
Sa pamamamgitan ng Mahiwagang Kahon na nasa mesa ang
bawat grupo ay bubunot ng sitwasyon na kanilang ipapahula sa
ibang grupo. Ang grupong pinakamaraming mahuhula ay siyang
mananalo.

2. Paglinang ng Talasalitaan
a.“Putukan Na.” Magtatawag ang guro ng limang mag-aaral upang
paunahan na paputukin ang lobo at idikit sa pisara ang kasikahulugan
na hinahanap na salita ang unang makakakuha ang magkakaroon ng
premyo.

marikit di-batid makakain pagod taksil


marilag di tatap masisila pagal palamara

B. Paglalahad

1. Gamit ang Graphic Organizer. Ang guro ay magtatawag ng isang kinatawan


upang pumunta sa harap at isulat kung ano para sa inyo ang tunay na
kahulugan ng TUNAY NA PAG-IBIG?

Nakapagbibigay ng
iba’t ibang
kahulugan ng
TUNAY NA PAG-IBIG

2. Ang sabi nila natural lang sa tao ang humanga sa taong gusto niya o
hinahangaan niya.Subalit may mga pagkakataon na sabi naman ng iba kapag
nakita muna ang isang taong gusto mo ng hindi sinasadya kailangan huwag
muna itong pakawalan,dahil iyon na raw ang nilaan sayo ng Diyos at siya na ang
tinadhana na tunay na pag-ibig mo.Ngayon ay masasaksihan natin ang isang
Prinsipe na nagbighani at napamahal sa isang napakagandang Prinsesa.Ito ay
isang Kabanata sa Ibong Adarna, “Ang Unang Babaeng Nagpatibok sa Puso ni
Don Juan,si Donya Juana (Aralin 15).
C. Linangin

1. Pag-awit/pagtula sa teksto.

2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong kanilang aawitin o


itutula pagkatapos ay muli silang bubunot sa mahiwagang kahon ng song title na
kanilang sasayawin habang ito’y kanilang binubuod.

3. Tatawag ang guro ng kinatawan ng pangkat na siyang magsasalaysay ng


ibinuod na kuwento sa pamamagitan ng pagsasayaw.

4. Pagkatapos ay pabubunutin muli ang bawat pangkat ng tig-iisang katanungan


at bibigyan sila ng isang minuto upang ipahayag ang kanilang kasagutan habang
sumasayaw. Sa pamamamgitan ng “Bulungan Mo Ako” ay ibabahagi ng isang
kinatawan ng grupo ang kanilang sagot sa ibang pangkat.

Mga Gabay na Tanong:

a. Bakit labis na nabighani ang prinsipe nang makita niya si Donya Juana?

b. Maituturing mo bang tunay na pag-ibig ang namagitan kina Don Juan


at Donya Juana kahit na isang beses pa lang silang nagkita?

c. Sa iyong palagay ano ang naging dahilan ni Donya Juana nang


magpanggap siyang galit kay Don Juan para pasukin niya ang
balon?

d.Bakit ganun na lamang ang pagkabighani ni Donya Juana kay Don Juan,
bagamat sagli na panahon pa lamang silang nagkakilala.

e.Kung ikaw si Don Juan,ipagsasapalaran mo rin ba ang sarili mong buhay


alang-alang sa kaligtasan ng iyong minamahal? Bakit?

f. Ipaliwanag. “Lahat ay hahamakin para mapa-ibig ka lamang”

D. Pagnilayan at Unawain

1. Lihim ng Mahiwagang Kahon. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral


patungkol sa kanilang pag-aaral.

a. Bakit kayo nag-aaral? Mahalaga ba ito?

b. Bilang mga mag-aaral paano mo maipapakita at maipaparamdam sa


taong mahal mo o nagugustuhan mo ang totoo at tunay na
pag-ibig?
c. Naranasan niyo na baa ng umibig ng totoo?

E. Ilapat

1. Ang bawat mag-aaral ay magsusulat sa hugis pusong papel na kung saan ay


isusulat nila ang taong kanilang gustong makasama habang buhay.At ihuhulog
nila ito sa kanilang wishing box.At ito’y kanilang itatago.

IV. Pagtataya: Vissible Quiz

A. Gamit ang Show me Board.Itaas ang letra ng pinakaangkop na sagot sa


sumusunod na katanungan sa bawat bilang.

1. Sa anong akdang pampanitikan nabibilang ang tekstong binasa?

a. Kuwentong bayan b. bugtong


c.Korido d.epiko

2. Gayon pa man ay tinimpi


ang pagsintang ngumingiti,
saka siya nagkunwaring
sa prinsipe’y namumuhi.

Ano ang damdaming nais ipahiwatig ni Donya Juana kay Don Juan?

a. pagsuyo b. pagkukunwaring nagagalit


c. naiinis d. nagtatampo

3. Prinsesa kong minamahal,


ang matakot ay di bagay,
manghawak sa kapalara’t
sa Panginoon na kalooban.

Ano ang nais ipahiwatig ng saknong na iyong nabasa?

a. Takot at pangamba b.walang tiwala sa sarili


c. Paghihinala d. pagdurusa

4. Alin sa sumusunod ang unang kinalaban ni Don Juan?

a. Higante b. Lobo
c. Serpyente d. Ermetanyo

5. Siya ang unang babaeng nagpatibok kay Don Juan?


a. Donya Maria b. Donya Juana
c. Donya Leonora d. Donya Isabela
B. Itaas ang letrang J kung ang sumusunod na pahayag ay tama at B naman kung
mali.

1. Namatay ba sa pakikipaglaban si Don Juan sa Higante.


2. Inibig ba agad ni Donya Juana si Don Juan nang una sila itong nagkita.
3. Nagkagusto nga ba ang Higante kay Donya Juana kaya’t labis na lamang ang
pagababantay nito sa kanya.
4. Sa kabanatang binasa nagpakasal ba sina Don Juan at Donya Juana.
5. Ang Ibong Adarna ba ay ang isang uri ng Akdang Pampanitikan?

V. Kasunduan

A. Sumulat ng isang tula na ang pamagat ay “Tunay na Pag-ibig” (4-5 saknong)

3 2 1
MGA PAMANTAYAN (puntos) (puntos) (puntos)
1.GRAMATIKA
2. ANGKOP ANG GINAMIT NA
SALITA.
3. WASTONG PAGBIGKAS
4. MASTERI

Kabuuang Puntos:___________
I. Mga Layunin

A. Nakapagbibigay ng reaksyon sa napanood na dula.


B. Naibubuod ang tekstong binasa sa pamamagitan ng pagguhit;
C. Naiuugnay ang tekstong binasa hinggil sa sarili mong karanasan.
D. Nakatatanghal ng maikling dula tungkol sa pag-ibig at pananampalataya.

II. Paksa

Paksa: “Pananampalataya at Pag-ibig ”


Tatalakaying Genra: Korido
Pamagat ng Teksto: SI DONYA LEONORA AT ANG SERPYENTE
Mga Kagamitan: marker,show me board,flaglet,laptop,projector
Sanggunian: PLUMA I
Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan
pahina 541-550

Kasanayang Pampanitikan:
- Dugtungang pagkukuwento
- Pagtukoy sa damdaming namumutawi sa pahayag.
- Pagtukoy ng paksa sa pinanood na dula
Kasanayang Pampag-iisip:
-Pagbibigay saloobin, reaksyon o opinyon
Halagang Pangkatauhan:
Pananampalata sa Diyos at Pag-ibig sa Minamahal ang naging solusyon
sa pagsubok na naranasan.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Tuklasin

1. Pagganyak
a.Papangkatin sa apat ang klase.Ang bawat pangkat ay
maghahanap ng kani-kanilang puwesto.Pagkatapos ay magbabangit ang
guro ng mga iba’t ibang sitwasyon na kanilang iaarte. Ang pinakamarami
at pinakamagandang sitwasyon na ginawa ang siyang mananalo.
1. Eksena sa Hospital na Nanay na nanganganak.
2. Eksena sa Simbahan ng mga taong madasalin.
3. Eksena na nakikipag-rambulan sa mga kaklase para sa babaeng
minamahal.
4. Eksena ng dalawang magkasintahan na kinakasal.
5. Eksena ng mga taong nagtitinda sa palengke.
6. Eksena sa Beauty Pagent na inagawan ng korona.
7. Eksena ng taong nanakawan sa Mall.
3. Paglinang ng Talasalitaan
a. MIX AND MATCH. Pagtatambalin ng mga mag-aaral ang
sumusunod na salita ayon sa mga salitang magkakasingkahulugan.

nakahuma nakakibo

maluwat matagal

panagimpang panaginip

huhumpayan titigilan

b. Vissible quiz. Itaas ang puting flaglet kung ang sagot sa


sumusunod na tanong ay “OO’”at itim na flaglet naman kung hindi.

Mga Kasabihan:
1. Totoo ba na nasa Diyos ang Awa nasa Tao ang Gawa?
2. Kapag ba namatay ang isang tao siya ba ay hinahatulan ng
Diyos?
3. Ikaw ba ay sinubok at binibigyan ng problema ng Diyos?
4. Masasabi mo bang mas matimbang ang pag-ibig kaysa sa
pananampalataya sa Diyos?
5. Nasubukan mo na rin bang sinisi ang Diyos ng mawala ang
taong iyong pinakamamahal?
6. Naniniwala ka ang pagmamahal kaysa sa pananampalataya?

B. Paglalahad
1. Pagpapanuod ng dula tungkol sa “Sinubok ni Satanas ang Diyos”
a. Pagbibigay reaksyon ng mga mag-aaral sa napanuod.
b. Pagtukoy ng mga mag-aaral sa tema ng pinanuod na dula.
c. ANAGRAM. Bubuo ang mga mag-aaral ng panibagong mga
salita na mahahango mula sa salitang PAG-IBIG at
PANANAMPALATAYA.
2. Sa buhay ng tao hindi nawawala na tayo ay sinusubok ng Diyos kung
hanggang saan ang kaya natin para harapin ang mga ito at mabigyan ng
tamang solusyon.Sinusubok tayo ng Diyos dahil inaaalam niya kung gaano
nga ba katatag ang pananampalataya natin sa kanya at matinding pag-
ibig natin sa taong ayaw nating mawala at labis na minamahal.Ngayon ay
masasaksihan natin ang isang Prinsipe na sinubok nang isang malaking
serpyente para mailigtas ang lamang ang Prinsesa.Ito ay isang Kabanata
sa Ibong Adarna. Si Donya Leonora at ang Serpyente (Kabanata 16).

1. Pag-awit/pagtula sa teksto.
2. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng bahagi ng tekstong aawitin o
itutula pagkatapos ay iguguhit nila ang buod ng kanilang binasa sa show
me board.
3.Tatawag ang guro ng kinatawan ng pangkat na siyang magsasalaysay
ng ibinuod na kuwento sa pamamagitan ng dugtungang pagkukuwento.
4. Pabubunutin ang bawat pangkat ng tig-iisang katanungan at bibigyan
sila ng tatlong minuto upang isulat ang kanilang sagot sa show-me-board.
Sa pamamagitan ng TEAM STAY, TWO STRAY ay ibabahagi ng dalawang
kinatawan ng grupo ang kanilang sagot sa ibang pangkat.

Mga Gabay na Tanong:

a. Ilarawan ang palasyong tinitirhan ni Donya Leonora.


b. Bakit muling nabighani si Don Juan nang makita niya sa
palasyo si Donya Leonora.
c. Ano ang naging reaksyon ni Donya Leonora nang makita niya
si Don Juan sa loob ng kanilang palasyo.
d. Ipaliwanag.Paano mo mailalarawan si Don Juan bilang isang
mangingibig? Masasabi mo ba na siya ay isang
huwarang kabataan pagdating sa larangan ng
pagmamahal.
e. Sa labanan ni Don Juan at ng serpyente bakit nahirapan si
Don Juan na puksain ang serpyente.
f. Sa iyong pananaw,napatay ba ni Don Juan ang serpyente
dahil sa balsamong ibinigay sa kanya ni Donya
Leonora o siya ay nagtagumpay dahil sa matibay na
pananampalataya sa Diyos?
g. Sa iyong palagay, Alin ang mas matimbang ang
pananampalataya sa Diyos o ang Pag-ibig sa taong
minamahal? Ipaliwanag.

D.Pagnilayan at Unawain
1. Mahiwagang Bote. Pagbibigay realisasyon ng mga mag-aaral
patungkol sa kanilang sariling karanasan.
a. Ikaw naranasan muna ba na sinubok ka ng Diyos?
b. Pinairal mo ba ang masidhi mong pagmamahal para lamang
maligtas ang iyong minamahal o pinalakas mo ang iyong
pananampalataya sa Diyos para harapin ang
pagsubok niya?
c. Magbigay ng isang sitwasyon na hindi mo makakalimutan na
sinubok ka ng Diyos?

E. Ilapat

1. Ang klase ay mahahati sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay


bibigyan ng tig-limang minuto upang magsadula tungkol sa Pag-ibig at
Pananampalataya.

5 4 3 2 1
Mga Pamantayan (Puntos) (Puntos (Puntos (Puntos) (Puntos)
) )
Interpretasyon ng Piyesa
Ayos na pagkakasunod
sa pagtatanghal
Husay at galing sa pag-
arte.
Malinaw na nauunawaan
ang pagsasalita
Nakukuha ang atensyon
ng mga manunuod
Kabuuang Puntos:_________

2. Gamit ang Venn diagram. Ang guro ay magtatawag ng tig-isang


miyembro sa bawat pangkat upang mag-sulat ng pagkakaiba at
pagkakatulad ng Pag-ibig at Pananampalataya?

PAGKAKATULAD PAGKAKATULAD
PAGKAKA-IBA
IV. Pagtataya:

A. Numbered Heads Together. Ang bawat miyembro ng pangkat ay may kanya-


kanyang bilang. Magtatawag ng isang bilang ang guro na paunahan pumunta sa
harapan upang idikit ang wastong sagot. Matapos basahin ng guro ang tanong
mag-papaunahan ang bawat pangkat sa pagsagot.Ang pinakamaraming nasagot
na pangkat ay siyang panalo.

1. “Hindi kita kailangan


ni makita sa harapan,
umalis ka’t manghinayang
sa makikitil mong buhay.”

Anong damdamin ang nasasalamin sa saknong na nabasa?


a. nag-aalala c. nagmamalaki
b. nayayamot d. nanakot

2. Alin sa sumusunod ang matinding nakalaban ni Don Juan sa pagligtas


niya kay Donya Leonora?

a. malaking leon c. serpyente


b. lobo d. hegante

3. Sa sindak ni Leonora
napasigaw kapagdaka:
“Ay, Don Juan, aking sinta,
buhay nati’y paano na?”

Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng saknong?

a. nagmamalaki c. nagsusumamo
b. nag-aalala d. naninisi

4. “Danga’t ako’y nagkapuso


na pinukaw ng pagsuyo
sa dilag mo’y kailan ko po
matatanggap ang pagsiphayo?”

Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng saknong?


a. naninisi c. nag-aalala
b. nagmamalaki d. nagsusumamo

5. “Di mo baga nalalamang


mapanganib iyang buhay;
sa serp’yente kong matapang,
sa walang salang namamatay.

Anong damdamin ang nais ipahiwatig ng saknong?

a. nagagalit c. natatakot
b. napapaisip d. naguguluhan

B. Itaas ang salitang “Havey” kung ang sumusunod na pahayag ay tama at


“Boom” naman kung mali.

1. Namatay si Donya Leonara dahil hindi kinaya ni Don Juan na paslangin


ang serpyente.
2. Dahil sa kagandahan ni Donya Leonora ay muling napa-ibig at
nabighani si Don Juan sa kanya.
3. Galit at poot ang ipinakita ni Donya Leonora sa prinsipeng sa kanya’y
humahanga.
4. Walo ang ulo ng serpyenteng nakatunggali ni Don Juan.
5. Masasabi mo niyo bang si Don Juan ay isang babaero?

V. Kasunduan

A. Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pag-ibig at pananampalataya sa


Diyos. Ilagay ito sa malinis na papel.
Republika ng Pilipinas
PAMPAMAHALAANG PAMANTASAN NG PANGASINAN
Kampus ng San Carlos
KOLEHIYO NG EDUKASYON
DEPARTAMENTO NG MGA WIKA
Lungsod San Carlos, Pangasinan (2420)

Mala-masusing
Banghay-Aralin
sa Pagtuturo ng
IBONG ADARNA
(KABANATA 15-16)
(Ikapitong Baitang)

Inihanda ni:
JOSUA CRESPO BUGARIN

Petsa ng Pagpasa:
25 Hulyo 2016
Ipinasa kay:
G. Archimedes Riemann M. Cayabyab

You might also like