You are on page 1of 6

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. Layunin
a. Nasusuri ang mahahalagang detalye ng “Ibong Adarna” batay sa napanood ng mga mag-aaral.
b. Nakapagsasama-sama ng mga balyus na ipinakita sa pelikulang “Ibong Adarna”.
c. Nakapaglalagom ng mahahalagang pangyayaring nakapaloob sa akdang tinalakay.

II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Ang Ibong Adarna ( Ang Buod ng Ibong Adarna)
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma, Baisa-Julian et. al. 2014 , Youtube.com, Ang Ibong Adarna Full Movie
Group 2 (BMSLS), 4-2-16, Wikipedya.com
c. Kagamitan: Movie Clip ng Ibong Adarna
d. Aral: Iba’t ibang anyo ng pag-ibig

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
(Tatawagin ng guro ang isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.)
(Tatayo ang mga mag-aaral at pangungunahan ng
naatasang mag-aaral ang panalangin)
b. Pagbati

Isang magandang umaga sa inyong lahat!


Magandang umaga rin po!
c. Pagtala sa lumiban
(Aatasan ng guro ang kalihim ng klase upang itala
ang mga lumiban. (Titingnan ng kalihim ng klase kung may lumiban at
itatala ito.)
B. Balik-Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang mahahalagang
tauhan sa “Ibong Adarna” at mula rito ay naisa-isa
natin ang kanilang mga katangian at papel sa akda.
Bilang balik-tanaw, sino ang pinakanagustuhan
ninyo sa mga tauhan at bakit?
Nagustuhan ko po si Don Juan dahil siya ay
mabuting anak, kapatid, at prinsipe. Siya ay
matulungin sa kapwa at may matibay na
pananampalataya sa Diyos na sa palagay ko ay dapat
taglayin ng bawat isa sa atin.
Magaling! Kung tutuusin ay tunay na kahanga-hanga
ang pag-uugali ni Don Juan na bukod sa pagiging
mapagkawanggawa at pagkakaroon ng busilak na
kalooban ay mayroon pang matatag na paniniwala at
pananampalataya sa Diyos. Sino pa ang inyong
nagustuhan?
Sir sa kabila ng kabuktutan, naibigan ko rin ang
katauhan nina Don Pedro at Don Diego sapagkat
iyon ay konkretong representasyon ng mga taong
hindi miminsang nilamon ng kahinaan ng puso, ng
matinding inggit at pag-iimbot, sapagkat iyon ay mas
makatotohanan. Sa realidad, may mga taong
nadadala ng kasamaan ngunit sa isang banda ay may
puso pa ring nagmamahal. Sa mga taong katulad nila
tayo mas natututo.
Mahusay na pagsuri sa dalawang anggulo ng tauhan.
Kahit sa realidad, parati nating tandaan na ang mga
taong sakdalan man ng sama ay may puso pa ring
nagmamahal sa magulang man, anak, o asawa. Sino
pa ang may ibang naibigan?
Si Donya Maria Blanca po sir sapagkat ipinakita niya
ang wagas na pagmamahal kay Don Juan sa
pamamagitan nang pagtulong at pagsuporta rito na
maiuugnay sa tunay na buhay. Hindi lamang
pambahay at hindi lamang nakakulong sa pagiging
asawa at ina ang babae kundi katuwang ng lalaki sa
lahat ng aspekto ng kaniyang buhay.
Tama! Ang ganap ni Donya Maria Blanca ay ang
pagwasak sa nakakahong pagkilala ng babae sa
lalaki, na ang babae ay may kakayahan din kapantay
ng lalaki o minsa’y higit pa, sa mga bagay-bagay.
Nakatutuwa naman ang inyong mga kasagutan.

C. Pagganyak
Kung inyong mapapansin ay bitbit ko na naman ang
aking mahiwagang kahon. Sa loob nito ay ang mga
piraso ng “nawasak na puso” na sisikapin nating
mabuong muli sa pamamagitan ng pagbuo at
pagbibigay-paliwanag sa mga konseptong
nakapaloob dito. Ang bawat konsepto ay nahahati sa
dalawa (biyak na puso) at ang mga boluntaryo ang
bubunot nito sa kahon. Kapag nakabunot na ay
hahanapin niya ang kaniyang “kabiyak” at
pagdurugtungin nila ang mga puso pagkatapos ay
ipaliliwanag at huhugutan ang konseptong
nakapaloob. Ang gawaing ito ay tinatawag na
“Broken Pairs”. (Bubunot ang mga boluntaryo at hahanapin ang
kanilang “kabiyak”. Pagkatapos ay ipaliliwanag nila
ang konseptong napunta sa kanila.)
Mga Konsepto:
Pamilya
Pag-Ibig
Kapatid
Ano ang inyong napansin sa aktibiting inyong Pagsubok
ginawa?
Sir napansin po namin na ang mga konsepto ay
kinabibilangan ng pag-ibig, pamilya, kapatid, at
pagsubok.
Sa inyong palagay, ano kaya ang kaugnayan ng mga
konseptong iyan sa akdang “Ibong Adarna”?
Malaki po sir ang kaugnayan ng mga konseptong
nabanggit sapagkat doon po iikot ang buong istorya.
Tama ang iyong tinuran. At upang maiugnay at
maunawaan pa natin nang husto ay sabay-sabay
nating tuklasin ang mundo ng mahiwagang Ibong
Adarna.

D. Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa buod ng
Ibong Adarna. At upang mas maging makatotohanan
ang ating talakayan ay panonoorin natin ang
mahahalagang pangyayari sa akda. Mangyari lamang
na ang lahat ay manood at makinig nang mabuti.
(Tahimik na manonood ang mga mag-aaral)

E. Pagtatalakay
Sa inyong napanood, ano sa palagay ninyo ang paksa
ng “Ibong Adarna”?
Ang paksa po ng “Ibong Adarna” ay hindi lamang
nakasentro sa hiwaga at kapangyarihan ng ibon
kundi mas nagbigay-diin sa pag-ibig.
Bakit mo nasabing pag-ibig?
Dahil sa pag-ibig po umikot ang buong istorya. Ang
pag-ibig po na hindi lang tungol sa romantikong pag-
ibig kundi higit sa pag-ibig sa Diyos, sa kapwa at sa
pamilya na matutunghayan sa palabas.
Magaling! Magbigay nga kayo ng eksena o bahagi
ng pelikula na nagpapatotoong pag-ibig ang paksa ng
“Ibong Adarna”.
Sir unang-una po, pag-ibig sa ama at magulang ang
nagtulak sa magkakapatid upang mahanap ang Ibong
Adarna.
Pag-ibig at pananampalataya po sa Diyos ang
ipinamalas ni Don Juan sa bahagi ng paghihirap niya
bunga ng kabuktutan at kapalamarahan ng kaniyang
mga kapatid.
Pag-ibig naman po sa kapwa ang ginawang
pagtulong ni Don Juan sa ermitanyo, maging ang
kaniyang pagpapatawad sa mga taksil na kapatid.
Sir ang ipinakita naman po ni Donya Leonora at
Donya Maria Blanca ay tunay na pag-ibig sa isang
espesyal na tao, partikular si Don Juan.
Magagaling ang inyong mga naging kasagutan.
Bagaman balot ng kahiwagaan, kababalaghan, at
kataksilan ang korido ay mas lumutang dito ang iba’t
ibang anyo ng pag-ibig. .

F. Paglalapat

Ngayon ay igugrupo natin ang klase sa lima (5). Ang


bawat pangkat ay maghahanda at magtatanghal ng
munting dula-dulaan na nagpapakita ng iba’t ibang
anyo ng pag-ibig. Ito ay ang pag-ibig sa magulang,
pag-ibig sa Diyos, pag-ibig sa kapwa, pag-ibig sa
kaibigan, at pag-ibig sa kapatid.
(Ang bawat mag-aaral ay maghahanda at
magtatanghal ng munting dula-dulaan.
G. Paglalahat
Upang mabatid kung lubusan ngang naunawaan ang
napanood ay magkakaroon tayo ng dugtungang
pagkukuwento. Sa gawaing ito ay kinakailangan ang .
partisipasyon ng bawat mag-aaral sa klase. Simple
lamang ang alituntunin, kailangan lamang dugtungan
ang kuwentong nasimulan ng kaklase hanggang sa
ang lahat ay makapagdugtong-dugtong ng bahagi
patungo sa wakas ng kuwento.
(Magsisimula ang dugtungang pagkukuwento at
makikiisa ang bawat mag-aaral)

IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang malinis na papel ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan.
1. Ano ang pangalan ng kahariang
pinamumunuan ni Haring Fernando at Reyna
Valeriana?
2. Sino ang pangalawang anak nina Haring
Fernando at Reyna Valeriana?
3. Sa anong bundok matatagpuan ang punong
dinarapuan ng Ibong Adarna?
4. Sino ang tumulong kay Don Juan upang
mahuli niya ang Ibong Adarna?
5. Sino ang prinsesang tunay na minahal ni Don
Juan?

V. Takdang-Aralin

Sa isang bondpaper (short), gumawa ng reaction


paper kaugnay ng inyong napanood na pelikula
tungkol sa “Ibong Adarna”.
Pamantayan
Nilalaman – 40%
Organisasyon – 40%
Pagkamalikhain sa Pagsulat – 20%

You might also like