You are on page 1of 13

I.

LAYUNIN

a. Nasusuri nang may malalim na pagdalumat sa mga isyung panlipunan at kaisipang lutang sa
akdang tinalakay.

b. Naipapahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang
hudyat sa paghahayag ng saloobin o damdamin.

c. Nakapagtatanghal ng isang sociodrama na nagpapakita ng “Filipino Value System” o


kaugaliang Pilipino noon at sa kasalukuyang panahon nang may orihinalidad sa at
pagkamalikhain sa paggamit ng salita.

II. Paksang-Aralin

a. Paksa: El Filibusterismo (Ang Ibinunga ng mga Paskil, Kabanata 32)


b. Sanggunian: El Filibusterismo, Espinoza Teodirica et. al. 2018, pp. 265-270.
Ang Pilibusterismo, Jamero Dolores et. al. 2003, pp.164-168
c. Kagamitan: Slide Presentation, Alternative Response Card, Big book ng El
Filibusterismo.
d. Aral: Katapatan ng pag-ibig ang dapat manaig

I. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
(Tatawagin ng guro ang isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.)
(Tatayo ang mga mag-aaral at pangungunahan ng
naatasang mag-aaral ang panalangin)
b. Pagbati

Isang magandang umaga sa inyong lahat!


Isang magandang umaga rin po!
c. Pagtala sa lumiban
(Aatasan ng guro ang kalihim ng klase upang itala
ang mga lumiban.) (Titingnan ng kalihim ng klase kung may lumiban
at itatala ito.)
B. Balik-Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang Kabanata 31 ng El
Filibusterismo na may pamagat na “Ang Mataas na
Kawani” kung saan natunghayan natin ang
pagtatalo ng Mataas na Kawani at Kapitan Heneral.
Sa inyong palagay, ano-anong mga
kahinaan/katangian ng namumuno sa bayan ang
ipinamalas ng Kapitan Heneral?
Mapagmataas po ang Kapitan Heneral, at
naniniwalaang ang kaniyang desisyon ay palaging
tama dahil siya ay makapangyarihan.
Tama! Dahil siya ang nasa posisyon, sinasabi niya
na wasto at dapat laging masunod ang kaniyang
mga desisyon tama man ito o mali, labag man sa
karapatang-pantao o hindi. Ang ganitong ugali ng
isang pinuno ba ay nagaganap pa rin sa
kasalukuyan?
Opo madam! Sa aking opinyon, marami pa ring
namumuno sa kasalukuyan ang mas pinaiiral ang
kapangyarihan kaysa sa tunay na kahulugan ng
katarungan at pagkakapantay-pantay. Halimbawa na
lang po ang mga makapangyarihang nakagagawa ng
malaking kasalanan sa bayan, dahil sa kanilang
posisyon ay hindi sila naparurusahan.
Magaling! Isa sa pinakamagandang halimbawa ng
maling pagpapairal ng kapangyarihan at posisyon
ay ang pananamantala at paggamit nito sa
katiwalian dala ng paniniwalang sila ay hindi
maparurusahan. Nabanggit mo ang katarungan,
paano ipinakita sa kabanata ang kawalan ng
katarungan sa pamamahala?
Naipakita po ito sa pamamagitan ng desisyon ng
Kapitan Heneral na manatili si Basilio sa piitan
gayong wala naman talaga siyang kasalanan. Ito
raw ay upang magsilbing banta sa mga nagnanais
pang kumalaban sa pamahalaan. Dahil isang alila si
Basilio ay hindi niya nakamit ang tunay na
katarungan.

Karagdagan po, dahil may alitan sa pagitan ng


Kapitan Heneral at ng Mataas na Kawani na isang
taong matuwid, may paninindigan, at may pangarap
na tungo sa ikabubuti ng Pilipinas maging ng
relasyon nito sa Espanya, ay hindi nito pinakinggan
ang pahayag ng Mataas na Kawani na nararapat na
palayain si Basilio. Dahil doon ay nagdesisyon ang
Mataas na Kawani na bumalik na sa Espanya dahil
sapagkat hindi niya kayang sikmurain ang
sistemang pinaiiral ng Kapitan Heneral.
Mahuhusay na tugon! Ang desisyon ng Kapitan
Heneral at ang nangyari kay Basilio ay isang
patunay ng kawalang-katarungan sa kabanata na
maaaring iniugnay ni Rizal sa totoong buhay noong
mga panahong iyon. Gayundin, ang pamemersonal
ng Kapitan Heneral sa Mataas na Kawani na naging
dahil ng pag-alis nito ay pagpapakita ng maling
pamamahala ng may kapangyarihan. Mainam
naman at naunawaan ninyo ang ating nakaraang
aralin.

C. Pagganyak
Ngayon, bago tayo dumako sa ating talakayan ay
magkakaroon muna tayo ng isang aktibidad. Simple
lamang ang panuto; una ay kailangan ko ng sampu
(10) hanggang labinlimang (15) boluntaryo para
rito; pangalawa, ang bawat mag-aaral ay bubuo ng
isang linya; pangatlo, ang nasa dulong linya ay
bibigyan ko ng di-berbal na mensahe na ipapasa
naman niya sa nasa harapan hanggang sa
makarating sa dulo ang mensahe. Bawal lumingon
ang bawat boluntaryo hanggang hindi sila
kinakalabit ng nasa likod na siyang magpapasa ng
mensahe. Mahigpit ding ipinagbabawal ang
pagsasalita habang ipinapasa ang mensahe.
Tatawagin natin ang akitibidad na ito na “Pass the
Act”
(Gagawin ng mga mag-aaral ang iniatas na gawain
ng guro sa pamamagitan nang wastong pagsunod sa
prosidyur o hakbang ng aktibidad)
Sa inyong palagay, ano ang kaugnayan ng inyong
ginawa sa panibagong paksa natin sa araw na ito?
Madam, maaari pong ang tatalakayin natin ngayon
ay may kinalaman sa pagpapasa-pasa ng mga
mensahe o balita mula sa isang tao patungo sa iba
pa.
Tingnan natin mamaya kung tama ba ang iyong
naging tugon.
D. Paglalahad
Ang inyong ginawa ay may malaking kaugnayan sa
panibago nating paksa na may pamagat na “Ang
Ibinunga ng mga Paskil, Kabanata 32” ng El
Filibusterismo. Bilang gabay sa ating pag-aaral sa
paksang ito ay mayroon tayong mga layunin na
kinakailangang matamo. Pakibasa nga nang sabay-
sabay ang mga ito.
Nasusuri nang may malalim na pagdalumat sa mga
isyung panlipunan at kaisipang lutang sa akdang
tinalakay.

Naipapahayag ang sariling paniniwala at


pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang
hudyat sa paghahayag ng saloobin o damdamin.

Nakapagtatanghal ng isang sociodrama na


nagpapakita ng “Filipino Value System” o
kaugaliang Pilipino noon at sa kasalukuyang
panahon nang may orihinalidad sa at
pagkamalikhain sa paggamit ng salita.

Maraming salamat sa pagbasa. Ang inyong mga


nabanggit ang magiging sukatan natin kung naging
matagumpay ba ang ating pagtatalakay.
Katulad ng mga nakalipas na araw, sa bago nating
aralin ay may mga terminolohiya tayong mababasa
na maaaring maging balakid sa ating talakayan.
Upang mahawan ang mga iyon ay magkakaroon
tayo ng isang gawain na tinatawag nating
alternative response card. Gamit ang mga letrang a,
b, c, at d na kumakatawan sa mga opsyon ay
huhulaan o ibibigay ninyo ang wastong
kasingkahulugan ng mga terminolohiyang
nakasalungguhit sa bawat pangungusap.
1. Kasapi ka pala sa organisasyon kaya alam mong
lahat ang patakaran. (a. Miyembro b. Opisyal c.
Imbitado d. Tagapagtatag)
2. Nagsisiga sila upang mamulaklak ang mga puno
ng mangga. (a. Nagpapahangin b. Nagpapausok
c. Nagpapaaraw d. Nagdidilig)
3. Kailangang walang kinikilingan ang hurado
kundi katotohanan upang masabing makatarungan
ito at kagalang-galang. (a. kinakalaban b.
pinapaburan c. tinitimbang d. pinupuna)
4. Nasagap ko sa umpukan ang di kapani-
paniwalang balita sapagkat tinawag ako ng ilang
kapalagayang-loob. (a. Nasuri b. Naberipika c.
Nakuha d. Napatunayan)
5. Hindi niya inalintana ang malaking problema
sapagkat matibay ang dibdib niya. (a. hinarap b.
pinag-aralan c. kinalimutan d. inintindi)
Magaling at matagumpay ninyong naibigay ang
mga kasagutan sa bawat aytem. Naunawaan niyo na
ba ang kahulugan ng bawat terminolohiya?
Opo!
Kung gayon ay dadako tayo sa pagbasa sa panibago
nating paksa, “Kabanata 32, Ang Ibinunga ng mga
Paskil”. Ang ating paksa ay matatagpuan sa inyong
mahiwagang aklat. Basahin natin ito at pagkatapos
ay magkakaroon ng aktibidad na tatawagin nating
The Walking Gallery kung saan ay mag-iikot kayo
sa silid-aralan upang basahin ang mga tanong at
isyung nakapaskil sa pader na may kinalaman sa
ating paksa.
BIG BOOK

(Babasahin ng mga mag-aaral ang Kabanata 32 at


pagkatapos ay mag-iikot sa silid-aralan upang
basahin ang mga tanong na nakapaskil sa pader)
E. Pagtatalakay
Bakit nagbago ang damdamin ni Paulita kay
Isagani?
Nagbago ang damdamin ng dalaga kay Isagani dahil
sa ibinunga ng mga paskin na pagkakadakip sa
ilang mga mag-aaral. Ayaw rin ng dalaga na
madamay siya sa mga problema ni Isagani, at para
sa kaniya, ang binata ay isang probinsiyanong
walang pangarap.
Tama! Napawi ang pag-ibig ni Paulita kay Isagani
dahil sa mga pangyayaring gawa ng mga paskin. Sa
inyong palagay, makatwiran ba ito?
Hindi po. Ang tunay po kasing pag-ibig ay hindi
napaparam nang gayon-gayon na lamang. Ang
tunay na pag-ibig ay handang lumaban at manatili
anoman po ang problema.

Hindi po. Sa aking palagay, kung tunay na pag-ibig


man ang nararamdaman ni Paulita kay Isagani ay
tatanggapin niya ito nang buong-buo at hindi niya
ito ipagpapalit nang gayon na lamang bagkus ay
tutulungan niya pa ang binatang maigpawan ang
mga problema.

Opo! Makatwiran po iyon dahil naging praktikal


lamang si Paulita sa kaniyang naging desisyon.
Hindi tayo mabubuhay ng dahil sa pag-ibig lamang.
Mahuhusay! Bagaman magkakaiba ang inyong
tugon ay makabuluhan. Sa isang banda, hindi iyon
makatwiran sapagkat hindi natin dapat iwan ang
taong minamahal natin lalo sa oras ng kagipitan. Sa
kabila naman, sa panahong kailangan maging
praktikal ay magpakapraktikal tayo ngunit hindi
tayo dapat magpadalos-dalos sa pagdedesisyon.
Sino ang ipinalit ni Paulita kay Isagani at ano ang
ipinagpapalagay niyang katangian nito?
Si Juanito Pelaez po na para kay Paulita ay isang
matalino, mayaman at may dugong Kastila.
Magaling, si Juanito Pelaez ang siya ng pakakasalan
ni Paulita. Ngayon, para sa inyo, ano ang sukatan
ng katapatan ng pag-ibig?
Ang sukatan po ng katapatan ng pag-ibig ay ang
pananatili kahit na gaano pa kabigat ang
problemang pinagdaraanan.

Ang sukatan po ng katapatan ng pag-ibig ay ang


pagtanggap sa isang tao, sino man siya at saan man
siya nagmula.
Ang sukatan po ng katapatan ng pag-ibig ay ang
hindi pagtingin sa iba at ang pagiging kuntento sa
kung ano man ang mayroon ang taong minamahal.

Ang sukatan po ng katapatan ng pag-ibig ay


pagpapatawad sa mga pagkukulang ng kapareha
samantalang sinisikap namang mapunan ang mga
iyon sa pagtutulungan ng bawat isa.
Mahuhusay! Nagagalak ako at may kaniya-kaniya
kayong opinyon at saloobin sa sukatan ng katapatan
ng pag-ibig.
Ngayon ay dumako naman tayo sa isa pang isyu,
ano ang libangan ni Ben Zayb sang-ayon sa
kabanata?
Ang makinig sa tsismis sa bayan po ang libangan ni
Ben Zayb.
Tama! Ang makinig sa tsismis sa bayan. Ano ang
isang dahilan niya kung bakit mahilig siya na
makinig at mangalap ng tsismis?
Isa po sa mga dahilan niya ay upang magkaroon
siya ng mga paksa sa kaniyang sulatin.

Magaling! Sa pamamagitan ng pakikinig at


pangangalap ng kwento at tsismis ay nagkakaroon
siya ng paksa sa sulatin. Para sa inyo, ano ang
ibinubunga ng mga tsismis at haka-haka ng tao?
Para po sa akin, nagbubunga ito ng maling kwento
at balita kapag ang napakinggang kwento ay
kinwento at ibinahagi sa iba sapagkat palaging may
dagdag at kulang.
Para po sa akin, hindi maganda ang idinudulot nito
lalo na kung tsismis dahil mahirap mapatunayan
kung ito ba ay makatotohanan o hindi.

Sa akin naman po, napakasamang pag-uugali ng


pakikinig sa mga tsismis at pakikipagtsismisan
dahil madalas ay nagbubunga ito ng away sa
pagitan ng mga tao, institusyon at iba pa.
Kahanga-hanga ang inyong mga pananaw sa ating
paksa ngayong araw na ito. May tanong ba kayo?
Wala po!
Mainam naman kung gayon. Ibig sabihin ay
naunawaan ninyo ang paksa natin sa araw na ito.

F. Paglalapat
Ang inyong klase ay hahatiin sa apat (4) na pangkat
at ang bawat pangkat ay magtatanghal ng isang
maikling sociodrama na nagpapakita ng kaugaliang
Pilipino noon at ngayon hinggil sa proseso ng
ligawan, pagpapakasal, at piging o salo-salo. Ang
unang dalawang pangkat ay magtatanghal ng
“NOON” samantalang ang huling dalawang
pangkat ay magtatanghal ng “NGAYON”.
Tatawagin natin ang aktibidad na ito na “Ganito
kami noon, paano kayo ngayon?
(Ang bawat pangkat ay magtatanghal ng isang
maikling sociodrama nang may orihinalidad at
pagkamalikhain)

PAMANTAYAN
PAMANTAYAN
5 4 3 2 1
NILALA Buong Nasagot Nasagot Nasagot Nasagot
husay na nang ang lahat ang halos ang iilan sa
MAN
nasagot mabuti ang ng lahat ng hinihinging
AT
ang lahat lahat ng hinihinging hinihinging awtput
PRESEN ng hinihinging awtput awtput
TASYO hininging awtput

N awtput

KOOPE Naipapam Naipapam Naipapam Naipapam May


alas ng alas ng alas ang alas ang pagkanya-
RASYO
buong halos lahat pagkakaisa pagkakaisa kanya ang
N
miyembro ng ng mga ng iilang bawat
ang miyembro miyembro miyembro isang
pagkakaisa ang miyembro
pagkakaisa

TAKDA Natapos Natapos Natapos Natapos Hindi


ang gawain ang gawain ang gawain ang gawain natapos
NG
nang nang sa loob ng ngunit ang gawain
ORAS
buong buong itinakdang lumagpas
husay sa husay oras ng 5
loob ng ngunit minuto
itinakdang lumagpas
oras ng 2
minuto sa
itinakdang
oras

PREPA Laging Laging Nakahand Kailangan Walang


alisto at handa ang a sa g lumabas kahandaan
RASYO
laging mga pangkatan sa klase
N
handa ang kagamitan g gawain dahil
mga / bawat isa walang
kagamitan sa handang
/ bawat isa pangkatan kagamitan
sa g gawain. /medyo
pangkatan magulo
g
G. Paglalahat
Upang muling balikan ang kabanata ay magsagawa
tayo ng “Dugtungang Pagkukuwento” nang sa
gayon ay maisa-isa at malaman natin ang
mahahalagang bahagi ng kabanata. Tatawag ako ng
mga mag-aaral o boluntaryo at sa pamamagitan ng
pagdudgtungan ng kwento ay isasalaysay nating
muli ang mga pangyayari sa “Ang Ibinunga ng mga
Paskil.” (Sa pamamagitan ng “Dugtungang Pagkukwento ay
ibubuod at isasalaysay na muli ng mga piling mag-
aaral ang ika-32 Kabanata ng El Filibusterismo)

II. Pagtataya
Panuto: Isa-isahin ang ibinunga ng mga paskin sa
mga sumusunod:
a. Mga ina _________________________
b. Mamamayan _____________________
c. Pecson __________________________
d. Tadeo __________________________
e. J. Pelaez ________________________
f. Macaraig ________________________
g. Basilio _________________________
h. Isagani _________________________

III. Takdang-Aralin
Panuto: Basahin ang susunod na Kabanata 33 ng El
Filibusterismo at itala ang mahahalagang kaisipang
nakapaloob dito. Gawin ito sa isang buong papel.

You might also like