You are on page 1of 32

Maligayang Pasko

Arguelles, Shan Mark V.


I. Talasalitaan
1. Bumaba si Juli sa
kanilang bahay nang
labit ang tampipi at
umiiyak.
Sagot: Bagahe
2. Ang mga nakatatanda ay
mahilig uminom ng salabat
tuwing umaga. Sagot: Tsaa
mula sa katas ng luya.
Sagot: Tsaa mula sa katas ng luya
3. Ang mga bata ay
nanaog mula sa hagdanan
kasama ang kanilang mga
magulang.
Sagot: Bumaba
4. Pinakaiingatan ni
Magdalena ang laket na
tanging alaala niya sa
kan'yang mga yumaong
magulang.
Sagot: K'wintas na maaaring lagyan ng maliit na
imahen.
5. Nang makita ang
nawawalang anak, agad
na hinagkan ito ng
kan'yang ina.
Sagot: Hinalikan
II. Pamagat
Ang kabanatang ito ay may halong panunuya
at pinamagatang “Maligayang Pasko,” sapagkat
ito ang araw na umalis si Juli at napipi si
Tandang Selo dahil sa lungkot na siya ay
nakalimutang batiin ni Juli ng isang
“Maligayang Pasko!” bago lumisan.
III. Tauhan
Tandang Selo — Ang nagbasbas at huling
nakausap ni Juli bago ito lumisan. Siya rin ang
matandang napipi sa kabanatang ito.

Juli — Umalis sa kanilang bahay upang


magtrabaho dahil hindi nangyari ang inaasahan
niyang himala mula sa Birheng Maria.
IV. Tagpuan
Araw ng pasko sa
bahay nina Kabesang
Tales.
V. Banghay: Simula
Nagising si Juli nang maaga, bago pa
sumapit ang araw, at nag-iisip nang
malalim. Tumingin siya sa paa ng Birhen
kung ito ay naghimala, subalit siya’y binigo
ng kan’yang tanging pag-asa. Ang nakita
niya lamang ay sulat ng ama na
nanghihingi ng limang daang piso upang
siya ay makalaya.
Papataas na aksyon
Nagsimula nang mag-impake si Juli sapagkat
wala siyang sapat na pera, kaya’t kinakailangan
niyang magtrabaho para kay Hermana Penchang.
Lumisan siyang naluluha at dala-dala ang
kan’yang tampipi; samantala, si Tandang Selo
naman ay nanatiling nakatitig sa labas kung saan
nakasuot nang magarbo ang mga bata.
Kasukdulan
Dumating ang mga kamag-anak ni Tandang
Selo at binati ito. Nang babatiin niya rin ang
mga ito, walang boses na lumabas sa kan’ya
at kahit anong gawin niya ay hindi pa rin
magawang magsalita; sumigaw naman at
nagkagulo ang mga kamag-anak niya na
napipi na raw ang ito.
VI. Simbolismo
Pagiging pipi ni Tandang Selo — sinisimbolo
nito ang kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino na
magpahiwatig ng kanilang nais sabihin.
Walang pera sa paa ng Birhen —
pinahihiwatig nito na nasa Diyos ang awa at nasa
tao naman ang gawa.
VII. Kultura
Matibay na pananalig — makikita ito sa
pagtingin ni Juli sa paanan ng Birhen kung
ito ay gumawa ng himala.

Pagdiriwang ng Pasko — makikita ito sa


pagtitig ni Tandang Selo sa labas at
kan’yang nakita ang mga batang nakabihis
nang marangya.
VIII. Suliranin
Relihiyon
—Ipinakikita sa kabanatang ito na ang ibang tao
ay masyadong kumakapit sa relihiyon kung kaya’t
sila ay umaasa sa mga himala.
—Ang mga bata ay natatakot sa Pasko dahil sila
ay binibihisan nang magara (na hindi nila nais
sapagkat matigas ang damit at masakit sa paa ang
bagong sapatos).
IX. Mensahe
—Nasa Diyos ang awa, at nasa tao ang
gawa.
X. Mga Katanungan
Bakit takot ang mga
bata sa pagdating ng
Pasko?
Sagot:

Sapagkat ayaw nilang magsuot


ng bagong damit at sapatos;
kinatatakutan din nila ang mga
kurot na manggagaling sa
kanilang magulang.
Paano ipinakita ni Juli
ang matibay niyang
pananalig sa Diyos?
Sagot:

Umaasa siyang gumawa ng


himala ang Birhen sa kabila ng
napakaliit na pagkakataong
magkatotoo ito.
Ano ang sumisimbolo
sa pagiging pipi ni
Tandang Selo?
Ipaliwanag.
Sagot:

Kawalan ng kalayaan ng
mga Pilipino na magsalita
ng nais nilang sabihin.
Paano naging
mapanuya ang pamagat
ng kabanata?
Sagot:

Sapagkat kabaliktaran
ng pamagat ang emosyon
at damdaming ipinakikita
ng kabanata.
Ano ang hinihingi ng
ama ni Juli at para saan
ito gagamitin?
Sagot:

Pera upang makalaya


siya mula sa
pagkakakulong.
Maraming Salamat!

You might also like