You are on page 1of 4

Filipino 10

Ikaapat Markahan Worksheet Blg.: 3


Iskor:

SI KABESANG TALES
(El Filibusterismo)

SUBUKIN

GAWAIN 1

Tauhan Paniniwala sa Pagmamahal Pakikitungo sa Pagmamahal


Diyos sa Bayan Kapwa sa Magulang
Kabesang ✔ ✔ ✔ ✔
Tales
Tandang Selo ✔ ✔ ✔
Simoun ✔ ✔ ✔ ✔
Huli ✔ ✔ ✔
Tano ✔ ✔ ✔ ✔

BALIKAN

GAWAIN 2
Panuto: Magbigay ng mga katangian dapat taglayin ng isang kabataan sa kasalukuyang
panahon.

May prinsipyo at Maging


Mahaba ang Bukas ang isipan
pangarap sa mapagkumbaba
pasensya
buhay sa iba

1 2 3 4

TUKLASIN 1
Filipino 10
Ikaapat Markahan Worksheet Blg.: 3

GAWAIN 3
Panuto: Magtala ng mga katangiang dapat taglayin ng isang ama ng tahanan na
naghahangad ng maayos na buhay para sa knyang pamilya. ipaliwanag kung bakit
mo napili ang mga katangiang iyo.

1. Matatag,dahil siya ang magiging lakas at haligi ng tahanan.


2. Masikap, ang mga ama ay gagawin ang lahat para sa kinabukasan ng kanilang
pamilya.
3. Mapagmahal. Ang mga ama ay may di matatawarang pagmamahal sa pamilya.
4. Hindi Makasarili. Inuuna ang iba bago ang sarili, higit lalo ang pamilya.
5. May takot sa Diyos. Ang mga ama ay may takot sa Diyos na kanilang nais makuha
rin ng kanilang mga anak.

SURIIN

GAWAIN 4
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat katanungan. Itala ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Sino si Kabesang Tales? Bakit siya binasangan matanglawin?


- Ang panganay na anak ni Tandang Celo, siya ang ama ni Juli,Tano at Lucia siya ay
naghahangad na pag-aralin ang kanyang anak na si Juli na katulad ni
Basilio. Matanglawin ang naging bansag sa kanya dahil parang lawin ang mga mata
niya sa likod ng kanyang baril. Ang bawat matingnan ay napatatamaan.
2. Magbigay ng mga katangian ni Kabesang Tales na maituturing na dapat tularan ng mga
ama o magulang. Bakit?
- Ang mga katangian ni Kabesang Tales na maituturing na dapat tularan ng mga ama
o magulang ay ang pagiging matiyaga, may prinsipyo, may pangarap sa buhay at
ang at pagiging responsible nito. Dahil sa isang pamilya,mahalaga na responsable
ang ama dahil sya ang magiging sandigan ng buong pamilya,dapat lang na syang
matibay at matiyaga
3. Paano ipinaglaban ni K. Tales ang kanyang lupain? Naging matagumpay ba siya? Bakit?
- hindi siya umalis sa kanyang lupain dahil alam niya na may karapatan siya sa lupaing iyon
sapagkat maraming oras at panahon ang ginugol para lamang mapalago iyon. Hindi si
nagging matagumpay sapagkat dinakip si Kabesang Tales at ipinatutubos sa halagang 500
piso
4. Maglahad ng sariling pananaw sa pakikipaglaban para sa iyong Karapatan.

2
Filipino 10
Ikaapat Markahan Worksheet Blg.: 3

- ang paglaban sa karapatan ay dapat nasa lugar,nang di kailangang mangapak ng


ibang tao. Alam mo ang karapatan ng iba na dapat mong igalang.
5. Kung ikaw si K.Tales, Pangaturiwan. na dapat pumatay at ilagay sa iyong kamay ang
paghihiganti sa mga taong may atraso sa iyo? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
- Hindi sapagkat ito’y mali kahit gaano pa kalaki ang nagging atraso sa iyo ng isang
tao mali pa rin ang paghihiganti lalong lalo na sa marahas na paraan.

GAWAIN 5:
Panuto: Bigyang-kahulugan at ipaliwanag ang sumusunod na pahayag.

1. Ano amg ibig sabihin ni KAbesang Tales sa “ magiging lupa rin tayo at hubad
tayong talaga nang ipinanganak?
- Lahat tayo ay mula sa iisang Panginoon, nilikha ng pantay-pantay kawangi nya at mula sa
abo,lahat tayo rin ay babalik sa abo. Walang sino man ang may kakayahang mapigilan ito.
2. Anong batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab. Tales?
- Wala kundi ang batas ng pansariling kaligtasan lamang ng mga eskribano at hukom na takot
sa korporasyon ng mga kura.
3. Bakit matagal na hindi kinausap ni Tandang Selo ang anak na si Tales?
- Dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng kapalit na maaaring gawin noon.
4. Bakit sinabi ni Kab. Tales na kung siya’y matatalo sa usapin ay di na niya
kailangan ang anak?
- Kung matatalo siya sa usapin ay wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa
kanyang anak kaya puspusan ang ginagawa niyang paglaban para sa kapakanan din ni
Tano ang kanyang hangad na ito.
5. Sa anong bagay inihambing ng mga tao si Kab. Tales sa kanyang
pakikipaglaban sa mga prayle? Bakit?
- Sa palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na
siya’y tiirisin
lamang.

GRAMATIKA/WIKA

Gawain 6

Panuto: Sikaping ibuod ang buhay ni Kabesang Tales batay sa mga kabanata. Gamitin ang
tamang mekaniks sa pagsulat sa wastong pag-uugnay ng mga pangungusap at
talata. (15 puntos).

3
Filipino 10
Ikaapat Markahan Worksheet Blg.: 3

Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina
Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.

Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa
kaniyang tubuhan.

Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio.
Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala
ito sa korte ngunit natalo siya.

Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya.
Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang
laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.

Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas
ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa
si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.

_
Pangalan at Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

Petsa: Petsa:

Inihanda ni:
MENILDA F. BARENG

You might also like