You are on page 1of 18

BANGHAY ARALIN FILIPINO

GRADO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.6
Panitikan : El Filibusterismo
Teksto : Padre Florentino
Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat
(39) Katapusan
Wika : Mga salitang ginagamit sa masining na paglalarawan
Bilang ng Araw : 4 na Sesyon
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN
PAG-UNAWA SA PANONOOD ( PD ) ( F10PN-IVi-j-85 )
 Nasusuri ang aestetikong katangian ng napanood na bahagi ng
isinapelikulang nobela.

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) ( F10PB-IVi-87 )


 Nasusuri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin ng
mga tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes,
kagalakan/kagalakan, pagkayamot/pagkatakot.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ( F10PB-IVi-j-95 )


 Nagagamit ang malalim at mapanuring p-ag-unawa sa akda upang
mapahalagahan at kalugdan ito ng lubos.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IVi-j-86 )


 Naibibigayan ng kaulkulang pagpapakahulugan ang mahahalagang
pahayag ng awtor/mga tauhan.

PAGSASALITA (PS) (F10PS-g-82)


 Naisasagawa ang isang angkop na pagsasatao ng mga tauhan ng
nobela.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIf-g-75)


 Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao,
pangyayayari at damdamin.

PAGSULAT ( F10PU-Iv-J-89 )
 Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa
nobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa
mga salitang panlarawan.

Ikaapat na Markahan| 103


TUKLASIN

I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA PANONOOD ( PD ) ( F10PN-IVi-j-85 )


 Nasususri ang aestetikong katangian ng napanood na bahagi ng
isinapelikulang nobela.
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) ( F10PB-IVi-87 )
 Nasususri ang napakinggang paglalahad ng sariling damdamin ng
mga tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes,
kagalakan/kagalakan, pagkayamot/pagkatakot.

II. PAKSA

Panitikan : Padre Florentino (El Filibusterismo)


Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat
(39) Katapusan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sakurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Pagpapanood/pakikinig ng music video tungkol sa isang huwarang nilalang.

https://www.youtube.com/watch=jDqZyhigVac

Ikaapat na Markahan| 104


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: PLEASE PASS
a. Mula sa awit na napanood/napakinggan, piliin ang mga
bahaging naibigan mo at ipaliwanag kung bakit?
b. Ano sa bahagi ng napanood/napakinggan ang nag-iwan ng
kakintalan sa iyong isispan? Bakit?
c. Maktwiran ba ang kinasapitan ng persona sa awit? Bakit?

2. Pokus na Tanong

a. Paano magiging positibo sa buhay sa kabila ng pagkakait sa iyo ng


katarungan?

b. Paano nakatutulong ang masining na paglalarawan sa paglalahad ng


paniniwala at pagpapahalaga?

GAWAIN
Ipakita sa pamamagitan ng Pagsasatao (Role Play) ang
sumusunod na mga sitwasyon. Ipaliwanag ang senaryong ipinakita at
kung ano ang epekto nito sa mamamayan.

a. Paggamit ng kapangyarihan ng salapi


b. Kalupitan at pagsasamantala sa kapwa
c. Paninindigan sa sariling prinsipyo
d. Karuwagan

ANALISIS

1. Makatwiran bang gumamit ng salapi sa pagkamit ng isang


dakilang layunin? Ipaliwanag.
2. Gaano kahalaga sa isang tao ang paninindigan sa sariling
prinsipyo? Pangatwiranan.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Ang lahat ng nangyayari, tagumpay man o kabiguan ay may dahilan. Sa


huli ay matutuklasan nating lahat na ang ating gawa ay may kaakibat na bunga,
maaaring mabuti o masama. Isipin pa rin na sa hiwaga ng buhay, pag-ibig pa
rin ang dapat na manaig.

Ikaapat na Markahan| 105


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: JUMBLED WORDS


Bumuo ng konsepto batay sa mga salitang nakasulat sa ibaba.

mahirap buhay man o mayaman


nakararanas ng suliranin lahat ay sa

Sagot:
Mayaman man o mahirap, lahat ay
_______________________________________.
nakararanas ng suliranin sa buhay.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: Y SPEAK

Ang malayong agwat ba ng mayaman at mahirap ay nakikita pa sa


kasalukuyan? Ilahad ang sariling opinyon.

IV. KASUNDUAN

1. Kilalanin si Padre Florentino.


2. Anong mahalagang papel ang ginampanan ni Padre Florentino sa
nobela at anu-anong kultura ang nangingibabaw sa pagtalakay sa
kanyang pagkatao.
3. Basahin ang mga Kabanata Sa Ilalim ng Kubyerta (2), Mga Alamat ( 3 )
, at Ang Katapusan ( 39 )

Ikaapat na Markahan| 106


LINANGIN
I. LAYUNIN

PAGLINANG SA TALASALITAAN (PT) ( F 10PT-IVi-j-86 )


 Nabibigyan ng kaukulang pagpapakahulugan ang mahahalagang
pahayag ng aktor/mga tauhan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) ( F10PB-IVi-j-95 )


 Nagagamit ang malalim at mapanuring p-ag-unawa sa akda upang
mapahalagahan at kalugdan ito ng lubos.

II. PAKSA

Panitikan : Padre Florentino (El Filibusterismo)


Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat
(39) Katapusan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sakurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya:KILALANIN MO AKO!
Pagpapabigkas sa piling mag-aaral ng mga sikat na linya
ng mga artista sa mga pelikula. Alamin ang mensaheng
taglay ng bawat pahayag.

A. “You’re nothing but a second rate, trying hard, copycat!!!”


Lavinia (Bituing Walang Ningning)

B. “Ngayon, matitikman nyo ang ganti ng isang api !!!”


Amor Powers (Pangako Sa “Yo)

Ikaapat na Markahan| 107


C. “You had me at my best, she had me at my worst, but still you
chose to break my heart”
Popoy (One More Chance)

Gabay na tanong:
Mungkahing Estratehiya: SPIN THE WHEEL
Anu-anong katangian ng mga tauhan ang ipinakilala batay
sa mga binitiwan nilang mga pahayag?

2. Gawain
Panimulang Pagkilala ( FAS) Form a Sentence
Bumuo ng pangungusap na maglalarawan kay Padre
Florentino sa tulong ng simulang letra ng kanyang Pangalan
F - _____________________________________________________
L - _____________________________________________________
O -_____________________________________________________
R- _____________________________________________________
E - _____________________________________________________
N ______________________________________________________
T -_____________________________________________________
I - _____________________________________________________
N - ____________________________________________________
O - ____________________________________________________

3. Presentasyon

Si Padre Florentino

Kabanata 2 - Sa Ilalim ng Kubyerta


Isa sa mga tauhang nakasakay si Padre Florentino na nasa Ilalim ng
Kubyerta na amain ni Isagani, at ng makilala ito ay inanyayahang pumanhik ito
sa ibabaw ng kubyyerta.

Kabanata 3 - Mga Alamat


Habang nasa kubyerta nahilingan na magkuwento si Padre
Florentino ng isang alamat, ang pag-iibigan ng isang arsobispo, tutol ang lahat
kaya’t sa halip na tuparin ng arsobispo ang pangakong pakakasalan ay itinira
na lamang ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.

Kabanata 39 - Katapusan
Inisip ni Padre Florentino ang pagkutya sa kanyang pagkamababang –
uri ng pagkapari at pagka-indiyo ni Semoun, subalit bakit pinili na sa kanya
makituloy. Nilimot niya ang lahat…Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay
Semoun. Na tanging taong pinagtapatan ng lahat lahat na may kaugnayan sa
kanyang buhay.
El Filibusterismo, Obra Maestra Ikatlong Edisyon. Book Rex Store, Inc. Amelia V. Bucu,et. al

Ikaapat na Markahan| 108


3. Pangkatang Gawain

Pangkat I: Mungkahing Estratehiya: MONOLOGO

Ibahagi ang mga tinuran ni Padre Florentino kay Simoun sa huling


tagpo sa nobela. Ilahad ang kahulugan ng kanyang mga pahayag .

Pangkat II: Mungkahing Estratehiya: PUNTO POR PUNTO

Kilalanin ang tauhang nagbitiw ng sumusunod na pahayag.


Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob dito. Iugnay ito sa kasalukuyang
kaganapan.

1. “Isang Diyos na makatarungan at Diyos na pagpaparusa sa mga


kulang ang pananalig at gumagawa ng ng masama. Siya rin ang
Diyos ng kawanggawa dahil kasabay ng kanyang pagpaparusa
sa atin ay pinabubuti niya tayo.”

2. “Nasaan ang mga kabataang naglalaan ng magagandang sandali,


ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti
ng bayan? Ang pagpapakasakit ay karapat-dapat kung ito ay
malinis at busilak!”
3. “Nawa ay itago ka ng kalikasan ng dagat. Hahanguin ka lamang
ng Diyos kung kakailanganin ka ng mga tao para sa isang banal
at dakilang layunin. Samantala, diyan ay hindi ka makagagawa ng
kasamaan.”

Pangkat III: Mungkahing Estratehiya: GRAPHIC ORGANIZER

Kung ikaw si Simoun, paano mo sasabihin ang mga binitiwang


salita nang hindi ka makakasakit ng iyong kapwa?
Mga pahayag ni Kung ako si Simoun,
Simoun na nakasakit Kanino Sinabi ganito ang aking
ng damdamin sasabihin upang hindi
makasakit
“Hindi bumibili ng
alahas ang mga
tagalalawigan, mahirap
siguro ang mga taga-
roon?”

“Kapag paring Indio ang


kura-paroko ng isang
bayan tiyak maralita
iyon.”

Ikaapat na Markahan| 109


Pangkat IV: Mungkahing Estratehiya: SINE MO ‘TO

Paano ipinaliwanag ang sumusunod na mga kaisipan sa mga


kabanatang tinalakay?
A. Pagsasamantala sa kapwa C. Pagsasamantala sa kapwa
B. Paninindigan sa sariling prinsipyo D. Karuwagan

Pamantayan sa Pagmamarka
(Tingnan ang inihanda ng guro)

Kailangan
Katamtamang
Napakahusay Mahusay pang
Mga Kategorya Husay
10-9 8-7 Paghusayin
6-5
4-1
Lahat ng
May mga
Ang mga inilahad ay
datos /gawain
datos/gawain ay Angkop ang higit na
Kaangkupan sa na hindi
inilahad ay datos /gawaing nangangaila-
Task/Layunin gaanong
nagpapakikita ng inilahad. ngan ng
nagpapakita ng
kaangkupan . kaangkupan
kaangkupan.
sa gawain.
Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag ang
Hindi malinaw
ginawang ginawang ginawang
ang ginawang
Kalinawan ng pagpapaliwanag/ pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapakita
Presentasyon pagkakabuo ng / pagkakabuo ng / pagkakabuo
ng mensaheng
mensaheng mensaheng ng mensaheng
nais ipabatid.
ipinababatid. ipinababatid ipinababatid.
Halos lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
Ang lahat ng walang
Dalawa sa
miyembro ng disiplina. Hindi
May pagkakaisa miyembro ng
pangkat ay maayos ang
at pangkat ay hindi
nagkakaisa at may presentasyon.
pagtutulungan maayos na
respeto sa isa’t isa. Nangangaila-
ang bawat nakikilahok sa
Napakaayos ng ngan ng
Kooperasyon miyembro. gawain.Maayos
kanilang ipinakitang disiplina at
Maayos ang ang ipinakita
presentasyon dahil respeto sa
ipinakitang nilang
lahat ng miyembro bawat
presentasyon ng presentasyon at
ay kumikilos sa isa.Kailangan
bawat isa. may respesto
gawaing nakaatang lahat ng
sa bawat isa.
sa bawat isa. miyembro ay
nakikipagtulu-
ngan sa
gawain.
Malikhain at
Napakamalikhain at
mahusay ang Walang buhay
napakahusay ng Maayos na
pagpapalutang ang ipinakitang
Pagkamalikhain pagpapalutang sa napalutang ang
sa nais pagpapalutang
/ Kasiningan nais ipabatid na ideya na nais
ipabatid na ng mensahe /
mensahe/ ipabatid.
mensahe/ ideya.
impormasyon
impormasyon.

Ikaapat na Markahan| 110


 Pagtatanghal ng pangkatang gawain
 Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang
gawain
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Naipakita ba sa aralin ang kabayanihan at karuwagan ng tauhan?


Patunayan.
2. Sakaling makapagbitiw ng pahayag na nakasakit sa damdamin ng
kausap, paano mo maiipaliwanag nang maayos ang tunay na nais
mong sabihin?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Sa pakikipagkapwa tao isinaalang-alang ang respeto at


pagmamahal sa kapwa. Maging maingat sa mga pahayag. Kung walang
sasabihing maganda ay mas mabuti pang manahimik na lamang.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: TALK SHOW

Sa pagiging makatarungan ng isang tao _____________________________


at ito ang magiging daan upang_____________ ______________________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: AKO SI IDOL!

Sino ang iyong iniidolo?. Ano ang katangiang hinahangaan mo sa


kanya? Paano mo tinutularan ang kahanga hangang katangiang ito?

Ikaapat na Markahan| 111


4. Ebalwasyon :

Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.


1. Sang-ayon sa nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
ang ugat ng kasamaan na nais ipakita ipahiwatig o bigyan ng diin
ay ang:
A. Kapangyarihan
B. Salapi
C. Paniniwala
D. Kultura

2. Kanino nais ipatungkol ang pahayag na ito? “Ang tubig ay


lumulunod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy , kapag
pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na karagatan at
gumugunaw ng santinakpan.”
A. Simoun
B. Kapitan Tyago
C. Padre Camorra
D. Isagani

3. “Hindi bumibili ng alahas ang mga tagalalawigan, mahirap siguro


ang mga taga-roon?”
A. Nahihiyang tumawad sa presyo ng alahas
B. Wala silang hilig sa mga alahas
C. Walang salapi
D. Walang sapat na pambili

4. Binigyan ng kalinga ni Padre Florentino si Simoun nang


dumating ang mag-aalahas sa kanyang bahay.
A. Bukas ang kanyan bahay sa mga panauhin
B. Palatadaan ito na mabait si Padre Florintino
C. Isang magandang kaugalian
D. Nalimutan na ni Padre Floretino ang ginawa sa kanya

5. Nawa ay itago ka ng kalikasan ng dagat. Hahanguin ka lamang


ng Diyos kung kakailanganin ka para sa isang banal at dakilang
layunin. Samantala, diyan hindi ka makagagawa ng kasamaan.
A. May misyong dapat isagawa
B. Kailangan pa ng lipunan si Isagani
C. Katarungan ang dapat umiral
D. Paalala ng isang nagmamalasakit

Ikaapat na Markahan| 112


Susi sa pagwawasto
1. B 2. C 3. D 4. B 5. C

INDEX OF MASTERY:

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Iugnay ang ilang mga pangyayari sa aralin sa iyong karanasan o


karanasan ng iba.
2. Anong kalagayan ng Pilipinas noon ang makikita pa rin sa ngayon?
Patunayan.
3. Alamin ang mga halimbawa ng masining na paglalarawan.

Ikaapat na Markahan| 113


P A G N I L A Y A N AT U N A W A I N
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIf-g-75)


 Nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao,
pangyayayari at damdamin.

II. PAKSA

Panitikan : Padre Florentino (El Filibusterismo)


Kabanata : (2) Sa Ibaba ng Kubyerta
(3) Ang mga Alamat
(39) Katapusan
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : El Filibusterismo
Disenyo batay sakurikulum ng K12
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng isang tagpo ng paboritong panooring
pangtelebisyon. ( Ang Probinsyano )

https://www.youtube.com/watch?v=ardI8EpPAgs

Ikaapat na Markahan| 114


Gabay na Tanong:
Mungkahing Estratehiya: SPIN THE WHEEL
a. Ano ang mahalagang mensaheng taglay ng mga napanood ?
b. Piliin ang mga salitang naglalarawan.

ANALISIS

1. Sa iyong palagay, ano-anong mahahalagang aral ang ipinamulat ni


Rizal sa pamamagitan ng mga akda ? Paano ito inilahad ng akda?
2. Gumamit ng mga salitang angkop sa paglalarawan sa mga tauhan sa
akda.
a. Padre Florentino
b. Simon
c. Donya Victorina
 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)
Masining na Paglalarawan at Mga Halimbawa

Masining na paglalarawan ay naglalayong pukawin ang guniguni at


damdamin ng mambabasa. Higit na mabibigyang diin dito ay hindi ang tiyak na
larawang nililikha ng imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang
nagpapaganda rito gaya ng iba pang mga salitang patalinghaga.

Mga Halimbawa ng Masining na Paglalarawan

A. Paglalarawan sa Tao
1. Kawangis niya’y talang nagniningning sa kalangitan.
2. Siya’y mukhang angel sa umagang kayganda.

B. Paglalarawan sa Damdamin
1. Tila bulking sumasabog sag alit nang mga sandaling iyon.
2. Punong-puno ng nakakatakot na larawan ang kanyang ulo.

C. Pagalarawan ng Bagay
1. Ang mumunting hikaw na iyan ang nagtataglay ng kinang ng
pagkilala.
2. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang
kapangyarihang nalalamon.

D. Paglalarawan ng tanawin o Lugar


1. Sa sinag ng bukang-liwayway ay tila nga naman nag-
aanyayang kung paano ang bahay na malaki.
2. Paraiso ang kapara ng landas na tinatahak niya patungo sa
dakong iyon.

Ikaapat na Markahan| 115


ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: DUGTUNGAN MO, PAHAYAG KO

Nalaman ko na mahalagang maunawaan ang paggamit ng masining na


paglalarawan upang _______________________________________.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya: PICK U’R CHOICE (pictures)

Ibabahagi ng mga mag-aaral mga paglalahad na napuna sa mga


larawan.

2. Ebalwasyon

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.


1. Si Doña Geronima ay kilala sa pagbibigay ng masaganang
bangkete para sa mararangal na tao tulad ni Kapitan Tiago na
mahilig ding magbigay ng isang masaganang pagtitipon
A. mararangal na panauhin
B. pagtitipon para sa mga kilalalang tao
C. okasyong para sa atla sosyudad
D. wala sa pagpipilian

2. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang


kapangyarihang nilamon.
A. paglalarawan ng damdamin
B. paglalarawan ng tao
C. paglalarawan ng bagay
D.wala sa nabanggit

3. Paano mo pagagaanin ang kalooban ng isang taong punong-


puno ng hinanakit sa buhay?
A. yayakapin mo ng may pagmamahal
B. pagbibigay payo hango sa aral ng Panginoon
C. hihimuking gumanti
D. lahat ng nabanggit

Ikaapat na Markahan| 116


4. Sa panahong ito ano ang masasabi ninyo sa mga pahayag ng
ating pangulong Duterte.
A. nakakahiya
B. pagkalumo sa kawalang desiplina sa pagsasalita
C. naaaliw sa bawat binibitaawan niyang pahayag
D. nakalilimot sa kagandahang-asal

5. Sa pagganap ni Aura ( isa sa mga tauhan.sa Probinsyano ) ano


ang naihahatid nito sa mga tagapanood.
A. kaligayahang nadama ng mga manonood.
B. paghanga sa kanyang pagganap
C. pagkamangha sa galing ng pagganap
D. lahat ng nabanggit

Susi sa pagwawasto

1.C 2.C 3. B 4. B 5. D

IV. KASUNDUAN

1. Maghanda para sa isang pagsulat bilang awtput 4.6


2. Magbasa ng isang maikling kuwento at itala sa kwaderno ang mga
salitang naglalarawan.

Ikaapat na Markahan| 117


ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT ( F10PU-Iv-J-89 )
 Naisusulat ang paglalarawan ng mahahalagang pangyayari sa
nobela na isinaalang-alang ang artistikong gamit ng may-akda sa
mga salitang panlarawan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 4.6


Kagamitan : Pantulong na biswal
Sanggunian : El Felibusterismo sa Ikasampung Baitang
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Magpapabasa ng isang maikling kuwento. Pahulaan ang mga damdamiing


makikita dito at ilarawan ang mga tauhan, ipasuri ang kaangkupan nito sa
bawat sitwasyon.

ANALISIS

1. Paano inilalarawan ang mga tauhan sa maikling kuwento?


2. Bakit kailngang suriin ang mga damdaming nakapaloob sa isang akda.

Ikaapat na Markahan| 118


ABSTRAKSYON

Paano nakatulong ang paglalarawan sa mga nakuha mong kaalaman sa


pagsusuri ng isang akdang pampanitikan?
APLIKASYO

APLIKASYON

GOAL - Nakabubuo ng isang sanaysay na may temang “Sa gitna ng mga


kabiguan, na gamit ang mga salitang paglalarawan, paano ka
magiging makatarungan?”

ROLE - Isa kang mag-aaral na napili upang maging kinatawan ng iyong


klase sa patimpalak sa paglikha ng sanaysay

AUDIENCE - Mga hurado ng naturang patimpalak

SITUATION - Pagpili ng mga mag-aaral na magiging staffers ng Pahayagang


Pampaaralan ( Dahong Ginto )

PRODUCT - Pagbuo ng isang sanaysay ukol sa temang “Paano ka


magiging makatarungan sa gitna ng kabiguan?

STANDARD - Pamantayan sa Pagmamarka:


A. Maayos ang detalye ng pagkakabuo
B. Taglay ang wastong representasyon ng ideya
C. Makatotohanan
D. Kalinisan ng Awtput

Tayain ito ayon sa sumusunod:


10-9 puntos - lahat ng pamantayan ay maisakatuparan
8-7 puntos - tatlong pamantayan ang naisakatuparan
6-4 puntos - dalawang pamantayan ang naisakatuparan
3-1 puntos - isa lamang pamantayan ang naisakatuparan

 Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.


 Pagbabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan
sa pagkakasulat.

Ikaapat na Markahan| 119


IV. KASUNDUAN

1. Basahin at pag-aralan ang Aralin 4.7: Si Simoun.


2. Bakit naging misteryoso ang katauhan ni Simoun mula simula
hanggang matapos ang nobela ?
3. Paano mapapahalagahan ang kulturang nararapat pagyamanin ng
bawat isa sa atin?

Ikaapat na Markahan| 120

You might also like