You are on page 1of 12

Submitted By:

Cithel Aubre D. Abante


John Benony Quintal IV-St. Augustine

Submitted To:
Mrs. Mayla Atienza

Kabanata 10:

Talasalitaan
pagmumuni-muni hinalukay Tinahak nilaslas huwad pagiisip-isip hinukay nilandas hiniwa palsipikado; peke

Mga Tauhan
Simoun Kapitan Basilio Kapitana Tika Sinang Anak ni Sinang Hermana Penchang Kabesang Tales Tata Selo

Buod
Nakipanuluyan si Simoun sa bahay ni Kabesang Tales na nasa pagitan ng San Diego at Tiani.
Ipingmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber (upang maipagtanggol ang sarili sa mga tulisan) kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito; si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na diyamante para sa Birhen ng Antipolo.

Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas (mga alahas na may ibat ibang uri, ayos, at kasaysayan). Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisip niya na kahit ang pinakamaliit na diyamante na ipinagbibili ni Simoun ay maaari nang ipangtubos kay Juli, mapanatili ang kanyang bahay, makapagpatayo ng sakahan, at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun.

Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas: namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong ni Simoun si Kabesang Tales kung may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang si Mari Clara (limandaang piso o ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya). Nag-isip si Kabesang Tales. Ngunit sinabi ni Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong may-ari ng lupa. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.

Kinabukasan, wala si Kabesang Tales gayundin ang rebolber ni Simoun ay wala sa baul at ang naroroon ay isang sulat at ang kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril dahil kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito Sinabi ni Simoun na sa wakas ay natagpuan na niya ang taong kanyang kailangan: pangahas ngunit mabuti nga ang ganoon-marunong tumupad sa mga pangako.

Dinakip ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo.

3 pagpatay ang naganap nang gabing iyon: Bagong nagmamay-ari ng lupain Paring tagapangasiwa Asawa ng bagong kasama
kapirasong papel pamamagitan ng dugo pangalang Tales sa

Mensahe
Ipinakita ni Kabesang Tales sa kabanatang ito na ang pagpatay niya sa 3 tao na iyon ay paraan lamang niya para maipakita na lalaban siya makuha lang niya ang katarungan ng kanyang pamilya.

Mga Tanong at Sagot


1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun?
Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik.

2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril?


Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik.

3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo?


Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik.

You might also like