You are on page 1of 4

Añonuevo, Dian L.

10-1 STE

Kabanata: Kabanata XIII

Pamagat: Ang Klase sa Pisika

Kaisipang Nakapaloob sa Kabanata:

Dulot sa pananakop ng mga kastila, ang mga namamalakad at nagtuturo sa mga

eskwelahan ay mga prayleng dominiko.Ang mga mag-aaral noong panahong iyon ay hindi

nasisiyahan sa pamamaraan ng pagtuturo sa pamantasan. Sila’y naghahangad ng

kahilingan upang magkaroon ng pagbabago. Ang malaking laboratoryo sa pisika ay laging

inihahanda sa mga panauhing darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa sakit ng ating

lipunan -- ang pakitang tao. Sa kabanatang ito ay inilarawan ang kalakaran ng edukasyon

ang klase sa pisika ay walang pangganyak sa interes ng mga mag-aaral, limot ng mga guro

na iugnay ang natutunan ng estudyante sa pang-araw-araw na buhay. Sila ay naturingang

mayroong mga gamit ukol sa eksperimento pero itoy ginagamit lamang para sa mga

bumibisita mula sa Europa para masabing mahusay ang pagtuturo ng mga dominiko sa

siyensa. Sakatunayan naman ay wala namang natututunan ang mga estudyante dito

sapagkat puro lamang sila pabalatkayo. Isa rin sa kanilang mga dahilan ang takot na

matuto ng husto ang mga Indio.

Buod:

Isang mahaba at rektangular na bulwagan ang silid ng klase sa Pisika, maluluwang

ang bintana nito at narerehasan ng bakal. Sa magkabilang tabi ng silid ay may tatlong

baitang na batong natatapakan ng kahoy. Doon nakaupo ang mga estudyanteng nakaayos
ayon sa pagkakasunud-sunod ng letra ng kanilang mga apelyido.Walang palamuti ang

dingding ng silid. May mga kasangkapan nga sa pisika ngunit ito ay nakasusi sa isang

aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa

malayo tulad ng Santisimo ng Pari.Samantala, ang batang Dominikong pari na si Padre

Millon ang guro sa klase ng Pisika. Siya’y napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San

Juan de Letran. Katapat ng pintuan, sa ilalim ng larawan ni Santo Tomas de Aquino ay

doon nakaupo ang propesor.

Tinawag ng propesor ang antuking estudyante na may buhok na parang iskoba.

Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi

nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante at sunod na tinawag si

Pelaez.Sumenyas ito kay Placido na tila ba sinasabing, “Makinig ka’t diktahan mo ako.”

Sa katatapak sa paa ni Placido ay napasigaw ito sa sakit. Sa kanya tuloy nabaling ang galit

ng propesor.Siya ang tinatanong ng propesor matapos na siya’y murahin at sabihang

“espiritu sastre”. Nasabihan din siyang “pakialamero” at dahil dito ay pinaupo na si

Juanito at siya na ang tinanong.Nagkandautal si Placido sa pagsagot sa mga tanong ng

propesor. Tinawag pa siya nitong Placidong Tagadikta. Wala siyang nabigkas sa mga

leksyon kaya naglagay ang propesor ng guhit kay Placido. Tumutol dito si Placido at

nagpaliwanag.Inihagis ni Placido ang hawak niyang aklat, tumindig, hinarap ang propesor

at walang-galang na umalis sa klase.Natigilan ang klase. Di nila lahat akalain na magagawa

iyon ni Placido. Nagsermon at nagmura si Padre Millon hanggang sa tumugtog ang

kampanilya, hudyat na tapos na ang klase.


Mensahe ng Kabanata:

Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang

intensyon, kung hindi maganda ang pamamaraan ay wala rin itong bisa.Hindi masama ang

maging istrikto sapagkat nangangahulugan lamang ito na may pagpapahalaga ang guro

upang umunlad ang kanyang mga estudyante ngunit ang pagiging labis na mahigpit at

paglalapastangan ng awtoridad na iniatas ay hindi makatarungan.Madalas ang pagiging

sobrang higpit at istrikto ay hindi nakakatulong upang lumago ang isang mag-aaral, imbes

ay mas lalo pa silang naliligaw ng landas at ang resulta ay wala na silang napupulot na

aral. Ang kabanata ay naghahatid ng mensahe para sa mga estudyante. Bilang isang mag-

aaral nararapat po nating galangin ang ating mga guro at ang kanilang mga pamantayan

sa loob ng silid. Huwag tayong tumulad sa naging kilos ni Juanito sa loob ng klase na kung

saan ay hindi niya ginalang ang mahigpit na utos ng guro na huwag magdidikta ng mga

sagot.

Aral na napulot sa Kabanata:

Ang aral na nais na iparating ng kabanata ay ang pagrespeto ay hindi nababatay sa

estado sa buhay, edad,o kasarian Nararapat nating bigyang paggalang ang lahat ng tao.

Makikita natin sa tinalakay na kabanata na ang pagpapahiya at hindi paggalang ng guro

sa kanyang estudyante ay hindi makatarungan kahit na may hawak siyang awtoridad sa

loob ng klase. Ipinapakita na kahit mas matanda ka o mas maalam kaysa sa ibang tao,

wala kang Karapatan na lapastanganin at kutyain ang iba. Kung gusto natin na respetuhin

tayo ng mga tao sa ating paligid ay matuto tayong rumespeto sa kanila.


Mga Sanggunian:

EL FILIBUSTERISMO Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika. (2020, March 14). YouTube.

https://www.youtube.com/watch?v=mYNcLwsKToU&t=886s

Kabanata 13: Ang Klase Sa Pisika (Buod). (2020, July 9). Panitikan.Com.Ph.

https://www.panitikan.com.ph/kabanata-13-ang-klase-sa-pisika-el-filibusterismo-buod

Pinoy Collection. (n.d.). El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1–39 With Talasalitaan.

Slideshare. Retrieved June 16, 2021, from https://www.slideshare.net/pinoycollection/el-

filibusterismo-buod-ng-bawat-kabanata-139-with-talasalitaan.

You might also like