You are on page 1of 9

KABANATA IX

ANG MGA PILATO


TALASALITAAN:

 Nagkibit-blikat
– Paggalaw ng balikat sa
kadahilanang wala kang alam
 Tulisan- magnanakaw/ salarin
 Polyeto-
papel na may impormasyong
nakasulat
 Namalagi- Nanatili
PADRE CLEMENTE
P_A_D_RE CL_ _ ENTE TENYENTE
T_NY_N_E TAG_
TAGA-BUNGKAL
- BU_G_AL HER_A_A P_N_H_ _G
HERMANA PENCHANG
Pinag-usapan sa bayan ang
nangyari kay Tandang Selo at kung
sino ang may kasalanan sa
ipinagkagayon ng matanda.

“Ang Alperes o Tenyente ng Guardia


Sibil? Ano raw ang kasalanan niya?”
Kaya lamang daw niya sinamsam ang
mga sandata ay utos sa kanya iyon,
hindi upang bigyan ng pagkakataon
ang mga tulisan upang madukot si
Kabesang Tales. At di raw niya
kasalanan kung di man matagpuan si
Kabesang Tales.
Samantala, nagkibit-balikat
lamang ang tagapangasiwa
ng mga prayleng si Padre
Clemente. Tunay ngang kung
hindi siya nagsumbong ay
hindi marahil ipagbabawal
ang mga baril; subalit ayon
sa kanya, nagiingat lamang
siya dahil si Kabesang Tales
ay may tingin parang gusto
siyang barilin.
“Ang bagong taga-bungkal na gumagawa ng lupa ni Kabesang
Tales?” Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang
Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang
pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si
Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
Ayon kay Hermana Penchang na bagong
panginoon ni Juli, ang may sala raw ay si Tandang
Selo dahil di marunong magdasal at di nagturo ng
wastong pagdarasal sa mga kaanak hindi tulad ng
ginagawa niya ngayon kay Juli na tinuturuan niya
kung paano magdasal. Ipinababasa rin ni Hermana
Penchang kay Juli ang polyeto ni Tandang Basyo-
isang kilalang babasahin ukol sa relihiyon.
Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio si Juli ay
sinabi niya na si Basilio daw ay isang demonyong
nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa
kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan
ng mga alahas ni Juli at nautang ng dalaga kay Hermana
Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang
lupa, nagpaupang utusan si Juli, pipi ang amang si Tandang
Selo, at pinaalis siya sa sariling bahay, sa atas ng hukuman at
sa katuwaan ng mga Kura at gumawa ng lupa. Si Kabesang
Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.

You might also like