You are on page 1of 12

Kabanata 26

Mga Paskin
Talasalitaan
butaw - kontribusyon
hangal - baliw
ipagkaila - itanggi
kaululan - kabaliwan; kalokohan
magkakawatak - malalansag; magkakahiwa-hiwalay
magsiyasat - mag-imbestiga
magtitiwalag - maaalis
nagtila - nagulat
nakapangahas - nakasubok
nakapinid - nakasara
nangingilag - umiiwas
pakana - plano
paskin - paskil; poster
piging - handaan
sinakmal - kinain; binalot
tiktik - espiya
tumiwalag - di na sumapi
umalingawngaw - bumalik-balik na tunog
Mga Tagpuan Unibersidad

Ospital ng San Juan de Dios

Bahay ni Makaraig
Mga Tauhan
• Basilio - estudyanteng walang alam sa nangyayari dahil maraming
inaasikasong personal na bagay.
• Propesor sa Klinika - nagpayo kay Basilio na sirain ang lahat ng papeles
na masasama siya upang hindi masama sa gulo.
• Propesor sa Patolohia - ginawang tiktik na tagapagsumbong ng mga
propesor
• Sandoval - unang nakita at tinawag ni Basilio na nagbibingi-bingihan.
• Tadeo - tuwang-tuwa dahil walang klase ng isang linggo.
• Juanito Pelaez - pinipilit niyang wala siyang alam sa organisasyon.
• Isagani - ang kumakausap sa malakas na tinig sa ibang mga
estudyante.
• Makaraig - mayamang estudyante na dinarakip ng kabo
Mahahalagang Pangyayari
• Maagang nagising si Basilio at nakatakda na ang lahat
ng kanyang gagawin.

• Pagkadating niya sa ospital ng San Juan de Dios at ng


tanungin siya ng tungkol sa isang pakana ay naalala niya
si Simoun.

• Nakasalubong ni Basilio ang kaibigan niyang isang


Propesor sa klinika
Mahahalagang Pangyayari
• Dumaan ang Propesor sa Patolohia habang nag-uusap si
Basilio at ang kanyang kaibigan na Propesor patungkol
kay Kapitan Tiago at nagwika nang malakas: “Alam kong
mamamatay na si Kapitan Tiago. Dinadalaw na siya ng
mga uwak at buwitre.”

• Unang nakasalubong ni Basilio ay si Sandoval


Mahahalagang Pangyayari
• Pangalawa ay si Tadeo na masayang-masaya

• Pangatlo ay si Juanito Pelaez na namumutla dahil sa


kaganapan

• At ang huli naman ay si Isagani na namumutla rin


ngunit sagana sa kisig ng kabataan

• Nagtungo na siya kay Makaraig para mangutang dahil


gagamitin niya ito sa pagkuha ng lisensya
Mahahalagang Pangyayari
• Nang malapit na siya sa bahay ni Makaraig, may
napansin siyang nagbubulungan na mga kapitbahay

• Nang marating na ni Basilio ang bahay ni Makaraig,


hinarang siya ng dalawang bantay at tinanong kung ano
ang ibig niya

• Pagkababa ni Makaraig ay kasama niya ang kabo


Mahahalagang Pangyayari
• Tinanong ang pangalan ni Basilio at sinabing sumakay
sila sa karwahe

• Nang nasa karwahe na sila, isinalaysay ni Basilio ang


sanhi ng pagpunta niya kay Makaraig
Isyung Panlipunan

Ang labis na paniniil ng mga namumuno sa mga


kabataang estudyante na hindi sila maaaring
magpahayag ng kanilang saloobin o manghimasok sa
mga desisyon ng mga namumuno ng paaralan at
pamahalaan.
Aral
Ang mga estudyante ay kayang ipakulong ng sarili
nilang eskwela't simbahan dahil sa kanilang
nagawang hindi mabuti at ang pagtubos ni Basilio
kay Juli na pinapakitang makapangyarihan talaga
ang pag-ibig.

You might also like