Professional Documents
Culture Documents
Gawaing Pansibiko (Civic Duties)- ay
ang mga tungkuling dapat gampanan
ng mga mamamayan katumbas ng
mga karapatang kanilang tinatamasa.
Ang paggawa nito ay paraan ng
pagiging mabuting mamamayan.
MGA PANGUNAHING
TUNGKULIN NG
MAMAMAYAN
1. PAGBABANTAY SA KATOTOHANAN
Laganap ang mga pekeng balita at huwad na
impormasyon sa panahon ngayon, lalo na dahil mas
malaya na ang mga tao sa paggamit ng teknolohiya
at social media. Mas maraming impormasyon na
ang nasasagap ng isang taong may access sa
computer at internet. Ito ay bunga ng karapatan sa
malayang pagpapahayag na tinatamasa ng lahat ng
Pilipino. Subalit kalakip ng karapatang ito ay ang
tungkuling pangalagaan at itaguyod ang
katotohanan.
Nakatutulong sa pagpapanatili ng mabisang
pamahalaan ang pagtataguyod sa katotohanan
sapagkat kinakatakutan ito ng korupsyon,
katiwalian, katamaran, at karahasan. Dapat
magbantay ang mga mamamayan sa anumang
pagtatangka na supilin ang katotohanan sa
pamamagitan ng pagpapakalat ng maling
impormasyon o kaya sa pagkitil sa malayang
pagpapahayag.
PAKIKILAHOK SA
PAMAHALAAN
Dapat lumahok ang mga mamamayan sa
pamamahala sa lipunan. Dapat matuto ang mga
mamamayan na gawing responsible ang kanilang
mga hinalal na opisyal sa pamamagitan ng
pakikipag-usap o diyalogo sa mga ito. Maaaring
sumulat ng liham sa mga opisyal ng barangay o
lungsod tungkol sa mga isyu sa pamayanan, o kaya
ay kalampagin ang kanilang mga social media
accounts tungkol sa mga suliraning
nangangailangan ng agarang aksiyon.
Isa lamang ito sa maraming paraan ng
pakikilahok sa pamahalaan. Ang kawalan
ng pakialam sa pamahalaan ay isang
pangunahing salik na nagpaparaya sa
korupsiyon, katamaran, at kawalang bisa
ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
SUMUNOD SA LAHAT NG BATAS
1. Makabayan
• Tapat sa Republika ng Pilipinas
• Handang ipagtanggol ang estado
• Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang
batas ng Pilipinas.
• Nakikipagtulungan sa mga may
kapangyarihan.
Makatao
• Karapatan na dapat igalang,
isaalang-alang at matugunan o
protektahan.
• May laya tayong gamitin ang maraming
• Magkaroon ng matapat na
pamahalaan.
• Ayaw natin na tayo ay dinaraya at
inaabuso kung ang katiwalian sa
pamahalaan ay masusugpo magiging
mabilis ang pag-unlad ng bansa.