You are on page 1of 12

AP Reviewer

DAHILAN, DIMENSIYON AT EPEKTO NG GLOBALISASYON


Konsepto ng Globalisasyon
 Ito ay nakabatay sa kaunlaran sa pamamagitan ng ugnayan ng mga lipunan sa mundo sa iba't-iabng larangan ng pamumuhay ng tao.
 Ito ay ang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigidg (Ritzer, 2011).
 Ito ay ang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng samahang pandaigdig na
pinabibilis ng pankalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon.
 Ang pag-usbong ng globalisasyon ay dahil sa mabilis na pag-unsad ng teknolohiya at impormasyon.
 Nagdudulot ang globalisasyon ng paglago ng kaisipan, kultura, produkto at pamumuhay.
 Ang globalisasyon sa kasalukuyan ay higit na malawak, mabilis, mura at malalim (Thomas Friedman).
 Maituturing na panlipunang isyu sapagkat tuwirang binago, binabago, at hinahamon ang pamumuhay at mga perennial institusyon na
matagal nang naitatag
 Pamilya | Simbahan | Pamamahalaan | Paaralan
Perspektibo ng Globalisasyon
 Ang pananaw na ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat isa.
 Manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwas o maayos na pamumuhay na nagtutulak sa kaniya na
makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya, mandigma't manakop at maging adbenturero o manlalakbay (Nayan
Chanda, 2007).
 Ang pananaw na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
 Maraming globalisasyon na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at
higit na mataas ang anyo na maaring matapos sa hinaharap (Scholte, 2005).
 Ang pananaw na ang globalisasyon ay kabilang sa anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang binigyang-diin.
 May tiyak na simula ang globaslisasyon (Therborn, 2005).
 4th ~ late 15th century – globalisasyon ng relihiyon (pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)
 Late 15th century – pananakop ng mga Europeo
 Late 18th century ~ early 19 th century - Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay daan sa
globalisasayon
 Mid-19th century ~ 1918 – Rurok ng imperyalismong kanluranin
 Post-WWII – Pagkakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal partikular ang komunismo at
kapitalismo
 Post-Cold War - Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-ekonomiya. Nagbibigay-daan sa mabilis na
pagdaloy ng mga produkto, serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa pangunguna ng United States
 Ang simula ng globalisasyon ay nauugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan.
 Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng ika-20 siglo
 Unang gamit ng telepono noong 1956
 Paglapag ng ‘translantic passenger jet’ mula New York hanggang London
 Unang larawan ng daigidg gamit ang LUNA 3 noong 1966
 Pagbagsak ng Twin Towers sa New York noong 2001
 Ang mga pangyayaring ito ay gumising sa marami na kinakailangan ang higit nap ag-aaral sa isang ‘global’ na daigdig
 Ang globalisasyon ay penomenang nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo.
 Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
 Paglitaw ng mga Multinational at Transnational Corporations (MNCs and TNCs).
 Transnational Companies (TNCs)
 Mga kompanya o negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa
(United Nations Commission on Transtanional Companies).
 Ang serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangang lokal.
 Multinational Companies (MNCs)
 Pangkalahatang katawagang tumutukoy sa mga kompanya na
namumuhunan sa ibang bansa.
 Ang mga produkto nito ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan.
 Magandang Epekto ng pag-usbong ng mga TNCs at MNCs
 Pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga mamimili.
 Nakalilikha ng trabaho sa mga tao.
 Masamang Epekto ng pag-usbong ng mga TNCs at MNCs
 Pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyon.
 Pagkakaroon ng malaking tax na binabayaran.
 Pagbagsak ng Soviet Union at pagtatapos ng Cold War
 Ang Union ng Sobyet na Sosyalistang Republika ay dumating mula 1922-1991.
 Kilala rin bilang USSR na binubuo ng Russia at 14 na nakapaligid na bansa.
 Ang Cold War ay panahon ng tensiyong politikal at tensiyong militar na naganap pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1945 – 1991).
 Nangyari ito dahil sa tensiyon ng kompetensiya sa ekonomiya, ang hindi pagkakasundo ng
mga politiko, at tensiyong militar, ang "digmaan" ay sa pagitan ng mga kaunlarang mga bansa
kasáma ang Estados Unidos at ang Unyong Sobyet kasáma ang mga kaalyado nito.
 Pinatanyag ang katawagang "Digmaang Malamig" ng tagapayong pampolitika at tagapondo na
Amerikanong si Bernard Baruch sa isang debate noong Abril 1947 tungkol sa Paniniwalang
Truman.
Dahilan ng Globalisasyon
 Cultural Integration o Kultural na Integrasyon
 Dahil sa patuloy na pakikipag–ugnayan ng tao sa iba’t-ibang daigdig nagkakaroon sila ng pagtanggap sa kultura ng ibang tao
o lahi.
 Economic Network o Pankalakalang Ugnayan
 Ang pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang bansa ay nagbibigay sa mga tao ng maraming sangay ng pakikipag-ugnayan.
 Technological Advancement o Kaunlarang Teknolohikal
 Ang teknolohiya ay maaring ituring na pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo’t higit ang
teknolohiyang may kinalaman sa komunikasyon.
 Global Power Emergence o Paglitaw Ng Pandaigdigang Kapangyarihan
 Dahil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao mula sa iba’t-ibang bansa at kultura nagkaroon ng “power allegiance” at “power
resistance”
 Power Allegiance – Nagkakaroon ng pakikipagkasunduan ang mga bansa na nagbibigay daan
upang magkaroon ng” global power” ang ilang bansa.
 Power Resistance – Nagkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga bansang may political power
na maaaring makaimpluwensya sa pampolitikal na kalagayan ng may iba’t-ibang bansa.
Dimensiyon ng Globalisasyon
Dimensiyon ng Globalisasyon – mga salik kung saan ang globalisasyon ay makikita at lumalago
 Socio-Cultural o Sosyo-Kultural
 Ang uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay umuunlad
 Natututo tayo o nakakakuha ng ideya at impormasyon mula sa ibang tao mula sa ibang bansa.
 Economic o Pankalakalan
 Ang ekonomiya ng bansa ay tuloy-tuloy ang pag-unlad sapagkat ang mga kompanya at negosyo ay nakararating sa iba’t-
ibang bansa, gayundin ang mga manggawa ng mga kompanya at negosyo ay mula rin sa iba’t-ibang bansa at kultura.
 Political o Politikal
 Ang globalisasyon ay naging daan upang magkaroon ng mga ugnayan-pampolitikal ang mga bansa na mayroong
magkakaugnay na hangarin sa pamamahala.
 Environmental o Pangkapaligiran
 Ang kapaligiran ay isa sa pinakanaapektuhan ng globalisasyon dahil sa pag-unlad ng pang-industriyal ng ekonomiya.
 Technological o Teknolohikal
 Ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay nagdudulot ng maraming pagbabago sa teknolohiyang
ginagamit sa iba’t–ibang panig ng mundo.
Epekto ng Globalisasyon
Mabuting Dulot
 Nagkaroon ng pagkakasundo ang mga bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan.
 Maraming trabaho at oportunidad ang nalikha dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya.
 Mabilis na paglago ng teknolohiya
Di-Magdang Dulot
 Nagkaroon ng problema sa ekonomiya sa iba’t-ibang bansa lalo na ang mga nasa mahihirap na bansa.
 Nagkaroon ng malaking agwat sa ekonomiya ng iba’t-ibang bansa.
 Nagkaroon ng malaking agwat sa buhay ang mahihirap at mayayaman
Manipestasyon ng Globalisasyon
 Outsourcing
 Pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad.
 Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng kumpanya upang mapagtuunan ng pansin ang higit na mahalaga.
 Business Process Outsourcing – prosesong pagnenegosyo ng isang kompanya
 Health Care
 Insurance
 Real Estate
 Automotive
 Telecommunication
 Logistics
 Knowledge Process Outsourcing – nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang
teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal
 Engineering Service Outsourcing
 Financial Research Outsourcing
 Business Research
 Design and Animation
 Analysis
 Marketing Services
 Legal Process Outsroucing
 Market Research
Layo o Distansya ng kompanya na nagbibigay ng serbisyo
 Offshoring – pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa na naniningil ng mas mababang bayad
 Nearshoring - pagkuha ng serbisyo mula sa kompanya sa kalapit na bansa
 Onshoring – “domestic outsourcing”;pagkuha ng serbisyo sa isang kompanya mula din sa loob ng isang kompanya
na nagbubunga ng higit na mababang gastusin sa operasyon
 OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
 Kung mayroong mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa ito ay ang mga manggagawang
pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanap buhay.
 Nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang pagtugon sa budget deficit ng naturang administrasyon.
 Naging matagumpay ang stop gap measure na ito at nagpatuloy ito hanggang sa kasalukuyan.
 Dahilan na Nagbubunsod sa mga Pilipino na Mangibang Bayan
 Dahil sa pagbilis ng globalisasyon ng pangdaigdigang ekonomiya,ang ilan sa mga bansang mauunlad ay
kinukulang ng manggagawa na tutustos sa kanilang pag-unlad. Ang kakulangang ito ay pupunan naman
ng lakas ng paggawa ng Pilipinas.
 Ang kawalan ng sapat na oportunidad upang makapag hanapbuhay sa sariling lupain ay isa rin sa mga
salik na nagtutulak sa mga Pilipinong mangibang bayan.
 Ang mababang sahod dito sa Pilipinas ay isa rin sa nagtutulak sa ibang Pilipino upang Lumabas ng
bansa.
Hamon ng Globalisasyon
Guarded Globalization – pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at
bigyang proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetensya laban sa malalaking dayuhang negosyante
 Pagpataw ng Taripa o Buwis
 Lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa ay pinapatawan ng buwis.
 Mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman nagkakaroon ng bentahe ang mga lokal na produkto
 Pagbibigay ng Subsidya (Subsidies)
 Tulong pinansyal ng pamahalaan sa mga namumuhunang local
 Malaking tulong na ibinibigay sa mga magsasaka
 Pagbabawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang mga ito
 Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
 Pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko, at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan ayon sa
International Fair-Trade Association (IFTA)
 Higit na moral at patas na pang-ekonomikong sistema ng daigdig ayon sa Neo Liberalismo
 Mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga
bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ng
mga kalakalang ekolohikal at panlipunan.
 Pagbibigay ng Sapat at Ligtas na Trabaho sa Kababaihan at mga Bata
 Pangangalaga ng Karapatan ng mga Manggawa
 Pagtulong sa Bottom Billion
 “Na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinakaharap sa daigdig yun ay ang
pagtulong sa Bottom Billion”, Paul Collier, 2007.
 Ito ay isang libro na isinulat ni Paul Collier na isang propesor ng Ekonomics sa Oxford university.
 Sinisiyasat nito ang dahilan kung bakit hindi pa rin nagtatagumpay at umuunlad ang mga mahihirap na bansa sa
kabila ng tulong na natatanggap nito mula sa mga internasyonal na organisasyon sa iba’tibang parte ng mundo.
 May mahalagang papel ang maunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang Bottom Billion ngunit hindi ito sapat
kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang Sistema
ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.
 Afghanistan  Burundi
 Angola  Cambodia
 Azerbaijan  Cameroon
 Benin  Central African Republic
 Bhutan  Chad
 Bolivia  Comoros
 Burkina Faso  Democratic Republic of the
Congo.
KALAGAYAN, SULIRANIN AT PAGTUGON SA ISYU NG PAGGAWA
Kalagayan ng Paggawa sa Bansa
 Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t-ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa.
 Mababang Pasahod
 Mas mababa ang sahod sa Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa.
 Ito ang dahilan kung bakit pinapangarap ng mga taong makaalis sa bansa para maghanap ng trabaho.
 Kawalan ng Seguridad sa Pinapasukang Kompanya
 Kahit anong trabaho ang pinakamahalaga para sa manggagawa ay kanilang personal na siguridad.
 Dapat harapin ng bawat negosyo ang tatlong pangunahing mga isyu sa seguridad sa lugar ng trabaho.
 “Job-mismatch” bunga ng “Job-skills mismatch”
 Dahil sa kahirapan at limitadong oportunidad,marami ang nagkaka “Job-mismatch”.
 Ito ay pagkakaroon ng trabaho na hindi nakalinya sa iyong mga talento at pinag-aralan.
 Iba’t-ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa
 Ito ay naging daan upang makatipid ang malaking kompanya sa pagbibigay ng mga karapat-dapat na benepisyo para sa
kanilang manggagawa.
 Mura at flexible labor
 Ang mura at flexible labor ay ang klase ng paggawa na ginagamit ng iba’t-ibang negosyo o kompanya upang matugunan ang
sariling interes.
 Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan
 Nagpatingkad ito ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon.
Ang Globalisasyon at Paggawa
 Demand ng bansa para sa iba’t-ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
 Ano ang World Trade Organization o WTO?
 Isang pandaigdigang Samahan.
 Nagtatakda ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa.
 Are You Globally Competitive? (Mga Kasanayan sa ika 21-siglo ayon sa DepEd noong 2012)
 Media and Technology
 Learning and Innovation
 Communication
 Life and Corner
 Enhanced Basic Education Act of 2013 (K to 12) R.A. 10533
 1 year Kindergarten Education
 6 years of Elementary Education
 6 years of High School Education
 4 years of JHS
 2 years of SHS
 Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan.
 Binago ng globalisasyon ang workplace at salik ng produksiyon.
 Pagpasok ng iba’t-ibang gadgets
 Computer/IT Programs
 Complex Machines at iba pang Makabagong Kagamitan sa Paggawa
 Dahil mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa
laban sa mga dayuhang produkto.
 Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t-ibang aspeto.
 Nagbunsod ito ng maraming isyu sa paggawa na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino.
 Ang tugon ng Pilipinas sa hamon ng globalisasyon sa paggawa ay ang patuloy na pagbubukas ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.
 Dahil dito nagbago ang mga kakailanganing kasanayan at salik sa produksiyon.
 Patuloy ang pagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho at sapat na trabaho.
 Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan ang iskemang kontraktuwalisasiyon.
 Ibaba ang gastos sa paggawa.
 Alisin ang anumang proteksiyon at ang tuwirang responsibilidad nito sa paggawa.
Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE,2016)
DOLE o Department of Labor and Employment
 Isang departamentong tagapagtupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsible na gumawa ng mga polisiya, magsagawa ng mga
program at serbisyo,at maging ugnayan ng pamahalaan sa paggawa at empleyo.
 Ang lahat ng tao ay kinakailangan ng trabaho,hanapbuhay o pagkakakitaan.
 Ngunit kadalasan sa paghahanap-buhay ay di maiiwasan ang mga pang-aapi at pang aabuso ng mga nakakaangat sa buhay.
 Kung kayat dapat din na magkaroon ng mga ahensiya ang pamahalaan na magtatanggol sa mga naapi na manggagawa sa
lipunan.
 Employment Pilar
 Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho,malaya at pantay na opurtunidad sa paggawa,at
maayos na workplace para sa mga manggagawa.
 Ito ay ang pagtiyak na ang bawat isa ay may sustenableng trabaho.
 Walang pinapanigan bagkus ang lahat ay malaya at maypantay na oportunidad sa paggawa.
 Worker’s Rights Pilar
 Naglalayong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
 Pagbuo ng Samahan o Labour Union
 Kung nag-iisa ka, ididikta sa iyo kung anong sweldo ang gusto ng employer. Pero
kung may unyon, mayroong bargaining power at pwedeng humingi ng mataas na
sahod.
 Ugnayan ng Management at Labour
 May karapatan ang mga manggagawa na makilahok sa pagbuo ng mga alituntunin
ng mga kumpanya o nakakaapekto sa kanilang karapatan, benipisyo at kaayusan.
 Karapatang Magwelga
 Pagtatalaga sa Trabaho
 Hindi maaring tanggalin sa trabaho ang isang manggagawa kung walang tamang
dahilan.
 Kalagayan sa Trabaho/ Sweldo
 Karaniwang Oras ng Pagtatrabaho ay:
 8 hrs.
 5 Araw sa isang Linggo
 May panahon sa pagkain; hindi kabilang sa 8 hrs. ng trabaho
 Maternity Leave
 May karapatan sa maternity leave ang mga buntis na empleyada (Ayon kay DU30).
 105 days – normal delivery
 105 days – Caesarean
 Social Protection Pilar
 Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo
para sa proteksyon ng manggagawa,katanggap tanggap na pasahod, at oportunidad.
 Tumutukoy ito sa mga benipisyo na dapat lamang na tinatanggap ng mga manggagawa upang hindi
maisaalang-alang ang kanilang mga kinabukasan at kalusugan.
 Occupational Health and Safety
 Health Service
 Compensation for Work Related Accidents Including Diseases
 Retirement Fund
 Maternity Benefits
 Childcare
 Ang pagkakaloob ng mga ito ay magbibigay ng bahagyang kasiguraduhan sa kinabukasan ng mga
manggagawa hanggang sa kanilang pagreretiro.
 Social Dialogue Pilar
 Palakasin ang laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa,at kompanya
sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.
 Ito ay halagi na na sumisiguro sa pagkakaroon ng koneksyon ng manggagawa at kompanya sa
pamahalaan upang ang negosasyon sa usapin sa sweldo,karapatan ng manggagawa,maayos na
pagtratrabahuan at iba pang usapin ay maging epektibo at maayos at higit sa lahat ay natutugunan.
Kalagayan ng mga Manggawa sa Iba’t-Ibang Sektor
 Sektor ng Agrikultura
 Kakulangan para sa patubig
 Kakulangan ng suporta ng pamahalaan tuwing nananalasa ang mga kalamidad sa bansa tulad ng pagbagyo, tagtuyot at iba
pa.
 Ginagawang subdibisyon, mall at iba pang pangkomersiyo ang dating pansakahan.
 Pagliit ng lupaing agricultural
 Pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan
 Pagkasira ng biodiversity
 Maraming nawawalan ng hanapbuhay sa mga pook rural; rural – countryside :: urban – city
 Nawasak ang mga lupang mainam pagtaniman
 Sektor ng Industriya
 Malayang pagpasok ng mga kompanya at namumuhunan sa industriya
 Konstruksyon
 Telekomunikasyon
 Inumin
 Pagmimina
 Enerhiya
 Pag-aabuso ng Karapatan ng mga manggawa
 Mahabang oras ng pagpasok sa trabaho
 Mababang pasahod
 Hindi pantay na opurtunidad sa pagpili ng mga empleyado
 Kawalan ng sapat na seguridad sa mga manggawa
 Sektor ng Serbisyo
 Ang paglaki ng porsiyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor na ito ay malaking tulong sa mga manggagawang
Pilipino.
 Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makararating sa mga mamimili ang
mga produkto sa bansa.
 Saklaw ng Sektor ng Serbisyo
 Pananalapi  Komunikasyon
 Komersiyo  Libangan
 Insurance  Medikal
 Kalakalang pakyawan at  Turismo
pagtitingi  BPO
 Transportasyon  Edukasyon
 Pag-iimbak
 Iba’t-ibang suliranin bunsod ng globalisasyon
 Over-worked
 Mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga manggawa.
 Hindi normal na oras ng trabaho.
Suliranin sa Paggawa
 Bunsod ng epektong dulot ng globalisasyon mas naging mabilis ang pagdating ng mga dayuhang namumuhunan.
 Nagdudulot ito ng iba’t-ibang suliraning may kaugnay sa iskemang subcontracting, unemployment at underemployment, self-
employed, mura at flexible labor, at kontraktuwalisasyon.
 Iskemang Subcontracting
 Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya(principal) ay komukontrata ng isang ahensiya o
indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
 Labor-Only Contracting
 Ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang
pinapasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
 Job Contracting
 Ang subcontractor ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga gawain ng
mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang deriktang kinalaman sa mga
gawain ng kompanya.
Hindi pinapayagan sa batas ang Job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga
manggagawa sa trabaho.
Hindi sila nagkakaroon ng pangmatagalang pagkakakitaan at hanap-buhay.
Hindi rin matitiyak ng mga manggagawa ang tinatawag na job security.
Sapagkat nakabatay lang ang kanilang trabaho sa mga kontratang pinapasok ng kanilang kompanya.
 Unemployment at Underemployment
 Unemployment
 Isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho.
 Underemployment
 Ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit ang kanyang perang sinasahod ay hindi sapat.
 Hindi tugma ang trabaho sa kursong tinapos.
 Self-Employed
 Tumutukoy sa trabahong para-paraan o sa sinasabing vulnerable employment.
 Pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa na sinasabing vulnerable ay
 Nasa sektor ng agrikultura.
 Working Student
 OJT (On the Job Training)
 Mura at Flexible Labor
 Isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo.
 Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
 Isang paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon at kapital na
nararanasan ng iba’t-ibang mga bansa.
 Kontraktwalisasyon
 Epekto ng Kontraktwalisasyon
 Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod
 Wala silang benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng mga regular na manggagawa tulad ng:
 Pagbabayad ng separation pay
 SSS
 Philhealth
 Hindi rin sila maaaring bumuo o sumapi sa unyon
Mga Tugon sa Hamon ng Paggawa
 Upang matugunan ang mga isyu at suliranin sa paggawa ang iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan ay nagpatupad ng mga batas at
polisiya na makakatulong na maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga manggagawa sa ating bansa.
 Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code
 Ang batas na ito ay nagtatakda ng mga alituntunin na naglalayong ingatan ang mga manggagawa at mabigyan ng
batayan ang mga karapatang pang manggawa sa Pilipinas.
 Department Order 18-A ng DOLE
 Ay nagpahayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata.
 Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng mga
manggagawang komtraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-regular).
 Iba pang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.
 Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18-02
 Naging malaking usapin ito kaya’t binalasa ang probisyon ng Department Order 10 ng DOLE sa ilalim ng
Department Order 18-02.
 Isinasaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga
manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa.
 O kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa unyon gaya ng pagbabawas ng kasapi.
 Paghina ng bargaining leverage o pagkakahati ng bargaining unit.
MIGRASYON
Migrasyon

 Paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan.


 Panloob na Migrasyon
 Panlabas na Migrasyon

Economic Migrants

 Naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Refugee

 Lumikas sa kanilang sariling bayan upang umiwas sa labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.

Flow

 Dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.
 Inflow – Outflows
 Entries – Departures Bilang ng mga taong umaalis o lumalabas
 Immigration – Emigration ng bansa

Stock

 Bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan.

Pananaw at Perspektibo sa Migrasyon


1. Globalisasyon ng Migrasyon
 Mga bansang madalas puntahan o dayuhin
 Australia
 Canada
 New Zealand
 United States
 Mga bansang malalaking bilang ng mga migrante
 Asya
 Africa
 Latin America
2. Mabilis na Paglaki ng Migrasyon
 Ang kapal o dami ng mga nandarayuhan ay patuloy ang pagtaas sa iba’t-ibang rehiyon ng daigdig.
 Malaki ang implikasyon nito sa batas at polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong bansa.
3. Pagkakaiba – Iba ng Uri ng Migrasyon
 Labour Migration
 Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na hindi dokumentado o walang permit para magtrabaho at sinasabing
overstaying sa bansang pinuntahan.
 Refugees Migration
 Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho at manirahan ng
may takdang panahon.
 6 months
 Foreign Students
 Mga Negosyante
 Permanent Migration
 Ang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang permanenteng paninirahan sa piniling
bansa kaya naman kalakip dito ang pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship.
4. Pagturing sa Migrasyon Bilang Isyung Politikal
 Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon sa mga bansang nakararanas nito.
 Ang usaping pambansa, pakikipag-ugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya tungkol sa pambansang seguridad
ay naaapektuhan ng isyu ng migrasyon.
5. Paglaganap ng “Migration Transition”
 Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t-ibang bansa.

 South Korea  Mexico


 Poland  Dominican Republic
 Spain  Turkey
 Morocco

6. Peminisasyon ng Migrasyon
 Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa usaping migrasyon sa kasalukuyan.
 Sa nagdaang panahon,ang labour migration at refugees ay binubuo halos ng mga lalaki.
 Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginagampanan ng kababaihan sa labour migration.
 Kaakibat ng migrasyon ang pagbabago ng gampaning pangkasarian sa isang pamilya.
 Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang bansa ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing
pantahanan.

Dahilan ng Migrasyon
1. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay.
2. Paghahanap ng ligtas na tirahan.
3. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa.
4. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado.
5. Pag-iwas sa sakunang dulot ng hidwaang politikal o pangkalikasang kalamidad.

Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon

 Forced Labor
 Ang mga tao ay puwersadong pinagtratrabaho sa pamamagitan ng dahas o pananakit o kaya’y sa mga tagong pamamaraan
tulad pagbabaon sa utang, pagtago ng id at passport o pagbabanta ng pagsusuplong sa immigration.
 Human Trafficking
 Ay pangangalakal sa paraang legal o ilegal ng mga tao,partikular ng mga kabataan at kababaihan sa ibang bansa nang
walang kapahintulutan ng mga biktima.
 Karaniwan itong kinakakitaan ng paggamit ng dahas,pananakit at pag-aalipin.
 Slavery
 Ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan tinuturing o tinatrato ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba.
 Inaari ang mga alipin na labag sa kanilang kalooban mula ng sila’y nabihag,nabili o sinilang at inaalisan ng karapatan na
magbakasyon,tumangging magtrabaho o tumanggap ng bayad o sahod.
 Marami sa mga domestic worker ang napupunta sa maayos na trabaho.
 Marami ring nahaharap sa iba’t-ibang uri ng pang-aabuso.
 Hindi pagtanggap ng sahod.
 Pagkukulong sa bahay ng kanilang amo.
 Hindi pagkain.
 Sobrang trabaho.
 Matinding psychological, pisikal at sekswal na pang-aabuso.

Epekto ng Migrasyon

 Bagamat may mabubuting dahilan kung bakit ang migrasyon ay nakatutulong sa mga tao upang makahanap ang migrasyon din ay
nakapagdudulot ng iba’t-ibang epekto bunga ng mga isyung kaakibat nito.

EPEKTO SA BANSANG PUPUNTAHAN


MABUTING EPEKTO DI-MABUTING EPEKTO
• Nagkakaroon ng pagdami ng populasyon. • Nakapagdaragdag sa gastos at security ng bansa/lugar na
• Nakapagdaragdag ng kitang pang-ekonomikal. pinuntahan.
• Nakatutulong upang dumami ang manggagawa. • Mayroong posibilidad ang pagkakaroon ng overcrowding.
Ang migrants ay tumatanggap ng mas mababang pasahod kumpara
Maaaring pagmulan ng di-pagkakasundo sa pananaw at paniniwala.
sa lihitimong tao na taga roon sa bansa /lugar na iyon.
EPEKTO SA BANSANG PINANGGALINGAN
MABUTING DULOT DI-MABUTING DULOT
• Ang padalang pera na kinikita sa ibang bansa o lugar ay
• Maaaring bumaba ang potential workforce ng bansa .
nakatutulong sa ekonomiya.
• Nagkakaroon ng gender imbalance sa luger na inalisan ng
• Nababawasan ang unemployment sa bansang
mga migrants.
pinanggalingan.
Nagkakaroon ng tinatawag na “brain drain” sapagkat ang marami sa
Ang mga taong nagmula sa ibang bansa/lugar ay may dalang bagong
umaalis ay mga skilled at professional.
skills at kaalaman.

SALOOBIN TUNGKOL SA EPEKTO NG MIGRASYON DULOT NG GLOBALISASYON


Risk

 Pagkakataon at panganib ang naibibigay ng migrasyon na dulot ng globalisasyon.

MABUTING EPEKTO NEGATIBONG EPEKTO


Nakatutulong ang malaking pasahod sa migranteng
 Ilan sa mga migrante ang nasasadlak sa sapilitang
manggagawa upang makaahon sa kahirapan ang kaniyang
paggawa.
pamilya.
 Nagiging biktima ng human trafficking
Ang kanilang remmitance ay nakatutulong din sa pagpapaunlad ng
Namamatay
ekonomiya ng bansa.

 Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng dalawang epekto.

Ayon sa tala ng International Labor Organization

1. Halos 21 milyong tao ang biktima ng forced labor.


 11.4 milyon ay mga kababaihan
 9.5 milyon ang kalalakihan
2. Umabot sa 19 na milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong individual at mga kompanya at lagpas 2 milyon naman ng mga
rebeldeng grupo.
3. Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng eksploytasyong sekswal.
4. Nakalilikha ng US $150 bilyong ilegal na kita ang forced labor taon – taon.
5. Malimit na mga migrant workers at indigenous people ang nagiging biktima ng forced labor.

Pag-Angkop sa Pamantayang Internasyonal

 Kinakailangang sumali ang Pilipinas sa iba’t-ibang samahang international upang hindi naman mapag-iwanan ang mga migranteng
Pilipino.

Pamantayang
Internasyonal

Bologna Accord Washington Accord

K-to-12 Basic
Education

Bologna Accord

 Hango mula sa pangalan ng University of Bologna sa Italy kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa 29 na mga
bansa sa Europa,
 Ito ay isang kasunduan na naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat bansa para ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay
madaling matatanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat dito.

Washington Accord

 Kasunduang pang-internasyonal sa pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng
engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.
 Samakuwid,ang engineering graduates sa Pilipinas ay hindi itinuring na engineer sa mga bansang nabanggit,kaya maraming Pilipinong
propesyunal sa ibang bansa ay hindi nakakukuha ng trabaho na akma sa kanilang tinapos.
K-to-12 Kurikulum

 Naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa.


 Kung ihahambing noon, isa ang Pilipinas sa may maikling bilang ng basic education kaya second class professionals ang tingin sa
maraming mga Pilipino.Inaasahan ng repormang ito na maiiangat ang mababang kalidad ng edukasyon sa bansa at matugunan ang
suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa.

Pinangangambahan ang Mas Nagkakabaha-Bahaging Daigdig

 Marahil ang pinakamalaking ikinababahala tungkol sa globalisasyon ay ang ginawa nitong pagpapalawak sa agwat ng mayayaman at
mahihirap. Bagaman ang kayamanan sa daigdig ay walang - alinlangang dumami, natipon naman ito sa iilang tao lamang at sa iilang
bansa.
 Ang neto na halaga ng mga ari - arian ng 200 pinakamayayamang tao sa lupa ngayon ay nakahihigit nang 40 porsiyento kaysa sa
pinagsama-samang kita ng mga taong nabubuhay sa planeta-humigit - kumulang 24 bilyon katao. At habang patuloy na tumataas ang
mga kita sa mayayamang bansa,nasaksihan mismo ng 80 naghihirap na mga bansa ang pagbaba ng katamtamang kita sa nakalipas na
sampung taon.
 Ang isa pang pangunahing ikinababahala ay ang kapaligiran. Ang globalisasyon sa ekonomiya ay pinasigla ng mga impluwesiya ng
pamilihan na mas interesado sa kita kaysa sa pangangalaga sa planeta. Ipinaliwanag ni Agus Purnomo, pinuno ng World Wide Fund
for Nature sa Indonesia,ang tungkol sa problema. “Tayo’y patuloy na nagkukumahog sa pagsulong. Nag-aalala ako na sa loob ng isang
dekada,tayong lahat ay magiging palaisip sa kapaligiran, subalit wala nang natitira pa para pangalagaan.”
 Ikinababahala rin ng mga tao ang tungkol sa kanilang mga trabaho. Kapwa ang mga trabaho at kinikita ay lalong nagiging di – tiyak,
yamang ginigipit ng pagsasama-sama ng mga kompanya sa daigdig at matinding kompetisyon ang mga kompanya na gawing mas
simple ang kanilang mga palakad. Ang pag - upa at pagsisante ng mga manggagawa ayon sa kasalukuyang pangangailangan sa
pamilihan ay waring makatwiran para sa isang kompanya na nababahala sa paglaki ng kita nito, subalit nagdudulot ito ng labis na
problema sa buhay ng mga tao.
 Ang globalisasyon sa internasyonal na pangangapital at dayuhang pautang ay nagharap ng isa pang salik para sa kawalang-katatagan.
Maaring magpautang sa papaunlad na mga bansa ang mga pandaigdigang namumuhunan subalit sa dakong huli ay biglang kukunin
ang kanilang salapi kapag lumalala ang sitwasyon sa ekonomiya. Ang gayong malakihang paglalabas ng salapi ay makakaapekto ng
maraming bansa sa krisis sa ekonomiya.
 Ang krisis sa pananalapi sa Silangang Asya noong 1998 ang nagpangyari na mawalan ng trabaho ang 13 na milyong tao. Sa Indonesia,
nalaman mismo ng mga manggagawang hindi natanggal sa trabaho na nabawasan nang kalahati ang kanilang kinikita. Kung gayon,
mauunawaan na ang globalisasyon ay naghaharap ng mga pangamba at gayundin ng mga pag-asa.

You might also like