You are on page 1of 15

Globalisasyon:

Konsepto at
Perspektibo
Pagpapaunlad Pagpapalawak

Pagpapatatag

Koneksyon at Ugnayan ng mga


BANSA sa KAPWA BANSA
GLOBALISASYON
Ayon kay Ritzer (2011), ang globalisasyon
ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t
ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
Ito ay proseso ng interaksyon at integrasyon
sa pagitan ng mga taong may kanya-kanyang
larangan mula sa iba;t ibang panig ng daigdig sa
pamamagitan ng isang mabilisang daloy ng
impormasyon gamit ang iba’t ibang teknolohiya.
Bakit naging mabilis ang pag-
usbong ng Globalisasyon?
Ayon sa pagtataya, ito ay dahil sa
mabilis na pag-usad ng teknolihiya at
impormasyon.
Malaking tulong ang teknolohiya sa
komunikasyon sapagkat dito dumadaloy
ang impormasyon ng nagdudulot ng
paglago ng kaisipan, kultura, produkto at
pamumuhay ng mga tao sa bawat lipunan
sa daigdig.
MGA PERSPEKTIBO NG
GLOBALISASYON - UNA
1. Ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa
bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), ito
ay manipestasayon ng paghahangad ng tao sa
maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak
sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng
pananampalataya, mandigma’t manakop at
maging adbenturero o manlalakbay.
MGA PERSPEKTIBO NG
GLOBALISASYON - IKALAWA
2. Ang pananaw na ang globalisasyon ay isang
mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.

Ayon kay Scholte (2005), maraming globalisasyon


na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago at
higit na mataas na anyo na maaring magtapos sa
hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung
kailan nagsimula ang globalisasyon kaya higit na
mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong
pinagdaanan nito.
MGA PERSPEKTIBO NG
GLOBALISASYON - IKATLO
3. Ang pananaw na ang globalisasyon
ay kabilang sa anim na “wave” o epoch
o panahon na siyang binigyang-diin ni
Therborn (2005). Para sa kanya, may
mga tiyak na simula ang globalisasyon.
Anim naPanahon
Wave o Epoch Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo Globalisasyon ng Relihiyon (Pagkalat ng Islam at
Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo
Huling bahagi ng ika-18 Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa na nagbigay-
hanggang unang bahagi ng ika- daan sa globalisasyon
19 na siglo
Gitnang bahagi ng ika-19 na Rurok ng Imperyalismong Kanluranin
siglo hanggang 1918
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang ideolohikal particular
ang komunismo at kapitalismo
Post Cold War Pananaig ng kapitalismo bilang sistemang pang-
ekonomiya.
MGA PERSPEKTIBO NG GLOBALISASYON - IKAAPAT
4. Ang simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong
pangyayaring naganap sa kasaysayan.
- Maaring nagsimula noong unang ginamit ang telepono noong
1956 o nang lumapag ang transatlantic passenger jet mula
New York hanggang London.
- Maari din na nagsimula ito nang unang lumabas ang unang
larawan ng daigdig gamit ang satellite noong 1966.
- Mayroon ding nagsabi na nagsimula nito noong 2001 nang
pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa New York.
Ang pangyayaring tio ang gumising sa marami na
kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang global na
daigdig.
MGA PERSPEKTIBO NG GLOBALISASYON - IKALIMA
5. Ang huling perspektibo ay nagsasaad na ang
globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan
ng ika-20 siglo. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa
panahong ito ang sinasabing may tuwirang kinalaman sa
pag-usbong ng globalisasyon.
- Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power
matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- Paglitaw ng mga Multinational at Transnational
Corporations (MNCs at TNCs)
- Pagbagsak ng Soviet Union at Pagtatapos ng Cold War
MGA DAHILAN
NG
GLOBALISASYO
N
Mga Dahilan ng
Globalisasyon

CULTURAL INTEGRATION
(KULTURAL NA INTEGRASYON)
- Dahil ang mga tao ay patuloy ang
pakikipag-ugnayan at pakikipamuhay
kasama ang ibang mga tao na
nagmula sa iba’t ibang panig ng
daigdig, sila ay nagkakaroon ng
pagtanggap sa kultura ng ibang tao o
lahi na nagiging bahagi na ng kanilang
pamumuhay.
Mga Dahilan ng
Globalisasyon

ECONOMIC NETWORK
(PANGKALAKALANG UGNAYAN)
- Ang pakikipagkalakalan sa iba’t ibang
bansa ay nagbibigay sa mga tao ng
maraming sangay ng pakikipag-
ugnayan. Sila ay nagkakaroon ng
palitan ng produkto at serbisyo ayon sa
hinihingi ng pangangailangan ng bawat
isa.
Mga Dahilan ng
Globalisasyon

TECHNOLOGICAL
ADVANCEMENT
(KAUNLARANG TEKNOLOHIKAL)
- Ang teknolohiya ay maaring ituring
na pangunahing dahilan sa pag-
usbong at paglago ng globalisasyon
lalo’t higit ang teknolohiyang may
kinalaman sa komunikasyon.
Mga Dahilan ng
Globalisasyon
GLOBAL POWER EMERGENCE (PAGLITAW NG
PANDAIGDIGANG KAPANGYARIHAN)
- Dahil sa pakikipag-ugnayan ng mga tao mula sa
iba’t ibang bansa at kultura, nagkaroon ng
tinatawag na “power allegiance” at “power
resistance”
- Sa power allegiance, nagkakaroon ng
pakikipagkasunduan ang mga bansa na nagbigay
daan upang magkaroon ng global power ang ilang
mga bansa. Dahil naman dito, nagkakaroon din
ng power resistance sapagkat nagkakaroon ng
tension sa pagitan ng mga bansang may political
power na maaring makaimpluwensya sa
pampolitical na kalagayan ng iba’t ibang bansa.

You might also like