You are on page 1of 6

10

00
ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 2 – MODULE 1

Globalisasyon:
Konsepto at Perspektibo
ALAMIN
Sa aralin na ito ay matututuhan mo ang tungkol sa globalisasyon
kung saan matutunghayan ang konsepto, iba’t ibang perspektibo at
pananaw ukol sa globalisasyon. Naglalayon ang modyul na ito sa
paraang ang globalisasyon ay nakakaapekto sa paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa ilang
bahagi ng daigdig. Maipapakita ang mga mahahalagang kaisipan
tungkol sa globalisasyon. Matutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng
mga konseptong globalisasyon at maiuugnay ang konsepto sa mga
suliraning kinahaharap sa kasalukuyan. Mapapalawak ang kaalaman
kung ano ang bahaging ginagampanan ng globalisasyon sa ekonomiya,
politikal, teknolohiya, at sosyo- kultural. Matututuhan ang sariling
pananaw at saloobin tungkol sa epekto ng globalisasyon sa buhay ng
tao.
Tanggapin ang mainit kong pagbati sa pagtanggap ng hamon sa
gitna ng pandemya at ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at
karunungan. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawaing nasa
ibaba.

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


• Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng globalisasyon.

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang sumusunod:


a. natatalakay ang konsepto at dimension ng globalisasyon bilang
isyung panlipunan;
b. naipapaliwanag ang pangkasaysayan, pampolitikal, pang-
ekonomiya, panlipunan at angkultural na pinagmulan ng
globalisasyon;
c. naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng
globalisasyon.

Bago mag-umpisa, balikan ang nakaraang aralin tungkol sa Mga


Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan, at ang mga naranasang kalamidad sa iba’t ibang
bahagi ng mundo.
Isulat ang ilang pangyayaring dulot ng kalamidad na nasaksihan o
naranasan.

Uri ng Kalamidad Saan at Kailan Paano Nasaksihan

TUKLASIN AT SURIIN

GLOBALISASYON: KONSEPTO AT PERSPEKTIBO

Pinagyamanan ng globalisasyon ang daigdig sa larangan ng


siyensiya at kultura at nagbigay rin ng pakinabang sa maraming tao
ukol sa kabuhayan. Sa modyul na ito ay iyong aalamin kung paano
nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang maunlad na bansa
sa panahon ng globalisasyon.
Upang matuklasan ang sagot sa katanungan, umpisahang
sagutin at gawin ang gawain sa ibaba. (APGR10-Lesson-1.pdf)

Panuto: Magtala ng limang kagamitang ginagamit na may kaugnayan


sa globalisasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. 3. 5.
2. 4.

Hindi bago ang globalisasyon. Hitik ang kasaysayan sa ugnayan


ng tao sa pamamagitan ng kalakalan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Sa
katunayan, marami ang katangian ng globalisasyon na may
pagkakatulad sa globalisasyong naganap bago sumiklab ang Unang
Digmaang Pandaigdig.

Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw


ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon
na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig (Ritzer,2011). Itinuturing
din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa mga pagitan ng
mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng
teknolohiya at impormasyon.
Isang panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwirang
binabago at hinahamon ang pamumuhay ng tao na matagal nang
nararanasan.

Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang pakikipag-


ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya,
panlipunan, pan-teknolohiya at pangkultural. May mga salik at
pangyayari na naging dahilan ng pag-usbong ng globalisasyon sa ating
mundo. Ang ilan sa mga ito ay pagkakaroon ng pandaigdigang
pamilihan, paglago ng pandaigdigang transaksyon sa pananalapi, pag-
unlad ng mga makabagong pandaigdigan transportasyon at
komunikasyon, paglawak ng kalakalan ng transnational corporations,
pagdami ng foreign direct investments sa iba’t ibang bansa, at
pagpapalaganap ng makabagong ideya at teknolohiya.

Ayon kay Thomas Friedman, ang globalisasyon ay higit na


malawak, mabilis, mura, at malalim kung ihahambing sa nagdaang
panahon. Ang mga nasabing katangian ay bunsod ng polisiyang
nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Pacheco, B. (2020), Araling Panlipunan: Anyo
ng Globalisasyon (Unang Edisyon). Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Bukidnon, pp. 6-7

Tatlong Konsepto ng Globalisasyon

1. Privatization
• Pagsasapribado ng mga negosyo
• Hinihikayat na isapribado ang mga negosyo na hawak at
pagmamay-ari ng gobyerno

2. Deregulasyon
• Malaya sa paggalaw ang mga bahay-kalakal sa paggawa at
pamamahagi ng mga pangkaraniwang produkto at serbisyo.
• Konsepto ng laissez-faire o let–alone policy ni Adam Smith.
Kailangan pabayaan ng pamahalaan ang mga sambahayan at
pakikipag-ugnayan sa isa’t isa upang maging matatag ang
ekonomiya.

3. Liberalisasyon
• Mga patakaran o polisiya tungkol sa pag-aangkat ng mga
produkto na kailangang maamyendahan o baguhin upang
maging malaya ang kalakalan sa bansa.
https://www.slideshare.net/mobile/kheesa/grade-10-globalisasyon
Perspektibo at Pananaw
Upang higit na maunawan ang globalisasyon bilang isang
kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga
pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito. May limang perspektibo o
pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng globalisasyon. Learners
Manual, Mga Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10, pp. 161-165

Una ay ang paniniwalang ang “globalisasyon” ay taal o nakaugat


sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng
paghahangad ng tao sa maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak
sa kaniyang makipagkalakalan, magpakalat ng pananampalataya,
mandigma’t manakop at maging adbenturero o manlalakbay.

Ang pangalawang pananaw o perspektibo ay nagsasabi na ang


globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay
Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon ay makabago
at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa hinaharap.
Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula ang
globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t ibang siklong
pinagdaanan.

Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng globalisasyon ay


naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o panahon na siyang
binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa kanya, may tiyak na simula
ang globalisasyon at ito’y makikita sa talahanayan na nasa ibaba.

Panahon Katangian
Globalisasyon ng Relihiyon
Ika-4 hanggang ika-5 siglo
(Pagkalat ng Islam at
(4th - 5th century)
Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo
Pananakop ng mga Europa
(late 15th century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo
Digmaan sa pagitan ng mga
hanggang unang bahagi ng ika-
bansa sa Europa na nagbigay-
19 na siglo
daan sa globalisayon
(Late 18th –early 19th century)
Gitnang bahagi ng ika-19 na Rurok ng Imperyalismong
siglo hanggang 1918 Kanluranin
Pagkakahati ng daigdig sa
Post-World War II
dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at
kapitalismo
Pananaig ng kapitalismo bilang
sistemang pang-ekonomiya.
Nagbigay-daan sa mabilis na
Post-Cold War pagdaloy ng mga produkto,
serbisyo, ideya, teknolohiya at
iba pa sa pangunguna ng United
States.
Mula sa talahanayan, itinampok ni Therborn na ang globalisasyon
ay hindi isang bagong phenomenon o pangyayari at hindi rin siklo.

Hawig ng ikaapat ang ikatlong pananaw, ang globalisasyon ay mula


sa tiyak na pangyayaring nagaganap sa kasaysayan. Maraming
pinagmulan ang globalisasyon gaya ng sumusunod:
• Pananakop ng mga Romano bago ipanganak si Kristo (Gibbon
1998).
• Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang
pagbagsak ng Imperyong Romano.
• Paglaganap ng Islam noong Ikapitong siglo.
• Paglalakbay ng mga Vikings mula Europa patungong Iceland,
Greenland at Hilagang Amerika.
• Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon.
• Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya
noong ika-12 siglo. Learners Manual, Mga Kontemporaryong Isyu Araling
Panlipunan Grade 10, pp. 161-16

Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang


globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20
siglo. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang
sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng globalisasyon.
Ito ay ang:
• Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
• Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations (MNcs
and NCs).
• Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War. Learners
Manual, Mga Kontemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10, pp. 161-165

You might also like