You are on page 1of 11

Learning Activity Sheet

LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO


Araling Panlipunan 10 Ikalawang Markahan Unang Linggo

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat :__________


Paaralan : _____________________________ District : ___________________

ANYO NG GLOBALISASYON

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto:


• Nasusuri ang dahilan, dimensiyon at epekto ng globalisasyon

Layunin:
• Naipaliliwanag ang konsepto ng globalisasyon;
• Nailalarawan ang mga impluwensiya ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao;
at
• Naipahahayag ang sariling opinyon ukol sa limang perspektibo at pananaw
ng globalisayon.

Talakdaan Mga Gawain Sanggunian

Mga Susing Konsepto


Araw: _________
Petsa: _________ Konsepto ng Globalisasyon Mga
Oras: _________ Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o Kontempor
paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t- aryong
ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Isyu
(Ritzer,2011) Itinuturing din ito bilang proseso ng inter-aksyon at pahina
integrasyon sa mga pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging 144-165
ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang
panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at
impormasyon.
Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat
tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay
at perenial institusyon na matagal nang naitatag. Perennial
institutions ang mga pamilya, simbahan, pamahalaan at paaralan
sapagkat ang mga ito ay matatandang institusyong nananantili pa
rin sa kasalukuyan dahil sa mahahalagang gampanin nito.
Globalisasyon ang tawag sa malaya at malawakang
pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa mga gawaing pampolitika,
pang-ekonomiya, panlipunan, pan-teknolohiya at pangkultural.
May mga salik at pangyayari na naging dahilan ng pag-usbong ng
globalisasyon sa ating mundo. Ang ilan sa mga ito ay; pagkakaroon
ng pandaigdigang pamilihan, paglago ng pandaigdigang
transaksyon sa pananalapi, pag-unlad ng mga makabagong
pandaigdigan transportasyon at komunikasyon,paglawak ng
kalakalan ng transnational corporations, pagdami ng foreign direct
investments sa iba’t ibang bansa, at pagpapalaganap ng
makabagong ideya at teknolohiya.

Writer: Irene L. Cruiz


1|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
Itinuturing ito bilang proseso ng interaksiyon sa pagitan ng mga
tao, kumpanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng
teknolohiya. Kung ihahambing sa nagdaang panahon, ang
globalisasyon sa kasalukuyan ayon kay Thomas Friedman ay higit
na ‘malawak, mabilis, mura, at malalim.
Ang nasabing katangian ay bunsod ng mga polisiyang
nagbukas sa ekonomiya ng mga bansa. Gamit ang kahulugan ng
globalisasyon ay maaari tayong magbigay ng karagdagang mga
tanong na makatutulong sa atin upang higit na maunawaan ito.
• Ano-anong produkto at bagay ang mabilis na dumadaloy o
gumagalaw? Electronic gadgets, makina o produktong
agrikultural?
• Sino-sinong tao ang tinutukoy rito? Manggagawa ba tulad
ng skilled workers at propesyunal gaya ng guro, engineer,
nurse o caregiver?
Anong uri ng impormasyon ang mabilisang dumadaloy?
Balita, scientific findings and breakthrough, entertainment
o opinyon?
• Paano dumadaloy ang mga ito? Kalakalan, Media o iba pang
paraan?
• Saan madalas nagmumula at saan patungo ang pagdaloy na
ito? Mula sa mauunlad na bansa patungong mahihirap na
bansa o ang kabaligtaran nito?
• Mayroon bang nagdidikta ng kalakarang ito? Sino? United
States, China, Germany, Japan, Argentina, Kenya o
Pilipinas? Isyu nga bang maituturing ang globalisasyon?
Bakit?

Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang


pangmalawakang integrasiyon o pagsanib ng iba’t ibang prosesong
pandaigdig. Suriin natin ang terorismo na isang hamong
pandaigdig bilang isang halimbawa. Dahil sa mabilisang ugnayan
at migrasyon ng mga tao sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang
terorismo ay mabilis ding nakapagdudulot ng malaking pinsala sa
buhay, ari-arian at institusyong panlipunan. Mabilis na tumugon
ang mga bansa sa banta ng terorismo sa pamamagitan ng palitan
ng mga impormasyon at kolaborasyon na naging dahilan ng
pagkakabuo ng mga mahigpit na polisiya at patakaran tungkol sa
migrasyon na nagpabagal naman ng integrasyong sosyo-kultural.
Nariyan ang iba’t ibang paalala.

Perspektibo at Pananaw ng Globalisasyon

Upang higit na maunawaan ang globalisayon bilang isang


kontemporaryong isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng
mga pananaw o perspektibo sa pagsusuri nito. May limang
perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan at simula ng
globalisasyon.

Una ay ang paniniwalang ang ‘globalisasyon’ ay taal o


nakaugat sa bawat isa. Ayon kay Nayan Chanda (2007),
manipestasyon ito ng paghahangad ng tao sa maalwan o maayos

Writer: Irene L. Cruiz


2|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan,
magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at maging
adbenturero o manlalakbay.

Ang pangalawang pananaw o perkspektibo ay nagsasabi na


ang globalisasyon ay isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago.
Ayon kay Scholte (2005), maraming ‘globalisasyon’ na ang dumaan
sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyang globalisasyon
ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa
hinaharap. Mahirap tukuyin ang panahon kung kailan nagsimula
ang globalisasyon kaya higit na mahalagang tingnan ang iba’t
ibang siklong pinagdaanan nito.

Sa kabilang banda, ang pangatlong pananaw ng


globalisasyon ay naniniwalang may anim na ‘wave’ o epoch o
panahon na siyang binigyang-diin ni Therborn (2005). Para sa
kanya, may tiyak na simula ang globalisasyon at ito’y makikita sa
talahanayan na nasa kasunod na pahina.

Panahon Katangian
Ika-4 hanggang ika 5 siglo Globalisasyon ng Relihiyon
(4th -5th century) (pagkalat ng Islam at
Kristiyansimo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo Pananakop ng mga Europeo
(late 15th century)
Huling bahagi ng ika 18 siglo Digmaan sa pagitan ng mga
hanggang unang bahagi ng bansa na nagbigay-daan sa
ika-19 siglo globalisasyon

(late 18th-early 19th century)


Gitnang bahagi ng ika-19 na Rurok ng Imperyalismong
siglo hanggang 1918 Kanluran
Post World War II Pagkahati ng daigdig sa
dalawang puwersang
ideolohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo
Post-Cold war Pananaig ng kapitalismo bilang
sistemang pang-ekonomiya.
Nagbigay daan sa mabilis na
pagdaloy ng mga produkto,
serbisyo, ideya, teknolohiya at
iba pa sa pangunguna ng
United States.

Mula sa talahanayan, itinampok ni Therborn na ang


globalisasyon ay hindi isang bagong penomenon o pangyayari at
hindi rin siklo.

Hawig ng ikaapat na pananaw ang ikatlo. Ayon dito, ang


simula ng globalisasyon ay mauugat sa ispesipikong pangyayaring
naganap sa kasaysayan. Sa katunayan, posibleng maraming
pinag-ugatan ang globalisasyon. Ilan dito ang sumusunod:

Writer: Irene L. Cruiz


3|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
Pananakop ng mga Romano bago man maipanganak si
Kristo (Gibbon 1998) o Pag-usbong at paglaganap ng Kristyanismo
matapos ang pagbagsak ng Imperyong Roman o Paglaganap ng
Islam noong ikapitong siglo o Paglalakbay ng mga Vikings mula
Europe patungong Iceland, Greenland at Hilagang America o
Kalakalan sa Mediterranean noong Gitnang Panahon o Pagsisimula
ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12
siglo
Maaaring nagsimula ang globalisasyon sa kalagitnaan ng
ika-20 siglo nang unang ginamit ang telepono noong 1956 o nang
lumapag ang ‘transatlantic passenger jet’ mula New York hanggang
London. Maaari rin namang nagsimula ito nang lumabas ang
unang larawan ng daigdig gamit ang satellite ng taong 1966.
Mayroon ding nagsasabi na ang globalisayon ay nagsimula noong
taong 2001 nang pabagsakin ng mga terorista ang Twin Towers sa
New York. Ang pangyayaring ito ay gumising sa marami na
kinakailangan ang higit na pag-aaral sa isang ‘global’ na daigdig.

Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang


globalisasyon ay penomenong nagsimula sa kalagitnaan ng ika-20
siglo. Tatlo sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang
sinasabing may tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng
globalisasyon. Ito ay ang:
Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ipinakita ng Estados Unidos
sa daigdig ang kaniyang lakas-militar nang talunin ang Japan at
Germany sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naungusan ang
France at Great Britain sa usaping pang-ekonomiya at sakupin ang
mga Asyanong bansang Korea (taong 1950) at Vietnam (taong
1960-70).
Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations
(MNcs and TNCs) Bagamat ang mga makapangyarihang
korporasyon sa daigdig ay nagsimula noong ika-18 hanggang ika-
19 na siglo mula sa Germany, Great Britain at United States,
marami sa mga ito ay kasalukuyang nagtutuon ng pansin sa ibang
bansa partikular sa mga developing nations. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang Ford at General Motors. Dati’y mamimili ng
sariling bansa ang pokus ng mga kompanyang ito subalit sa
kasalukuya’y malaking bahagdan o porsyento ng kanilang kita ay
nanggagaling sa mga bansa sa Asya at Latin America. (Tatalakayin
ang isyung ito sa mga susunod na bahagi.)
Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
Sinasabing ang pagbagsak ng ‘Iron Curtain’ at ng Soviet Union
noong 1991 ang naghudyat sa pag-usbong ng globalisasyon.
Matapos ang pangyayaring ito’y mabilis na nabura ang markang
naghahati at naghihiwalay sa mga bansang komunista at
kapitalista. Pumasok ang mga multinational companies (MNCs) sa
mga bansang dating sakop ng USSR tulad ng Ukraine, Estonia at
Latvia. Nagbukas ang mga bansang ito sa migrasyon, media,
turismo at ugnayang panlabas.

Writer: Irene L. Cruiz


4|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
Gawain 1

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga ideyang iyong


natutunan tungkol sa konsepto ng globalisasyon at sagutin ang
pamprosesong tanong.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang globalisasyon? __________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

2. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Gawain 2
Araw: ________
Petsa:________ Panuto: Sa isang A4 sized bond paper ay gumawa ng isang photo
Oras: ________ essay na nagpapakita ng impluwensiya ng globalisasyon sa
pamumuhay ng tao. Sa ibaba nito ay lagyan ng kunting
pagpapaliwanag kung bakit ito ang iyong napili. Ang rubrik na
nasa ibaba ay magsisilbing gabay sa pagmamarka ng iyong
photo essay.

Writer: Irene L. Cruiz


5|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Napakagaling (5) Magaling (3) May
Kakulangan (1)
Impormatibo/ Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
Praktikalidad photo essay ay photo essay ay photo esay ay
nakapagbibigay nakapagbibigay kulang sa sapat
ng kumpleto, ng wastong na
wasto at impormasyon impormasyon
napakahalagang sa tungkol sa
impormasyon impluwensiya impluwensiya
tungkol sa ng ng
impluwensiya ng globalisasyon globalisasyon
globalisasyon sa sa pamumuhay sa pamumuhay
pamumuhay ng ng tao ng tao
tao.
Malikhain Malikhain at Malinis ang May
malinis ang pagkakadesiny kakulangan
pagkakadesinyo o ng photo ang element ng
ng photo essay essay pagkakadesiny
o
Makatotoha- Ang photo essay Ang photo Ang photo
nan ay nagpapakita essay ay essay ay
ng nagpapakita ng nagpapakita ng
makatotohanang pangyayari iilang
opangyayari tungkol sa pangyayari
tungkol sa impluwensiya tungkol sa
impluwensiya ng ng impluwensiya
globalisasyon sa globvalisasyon ng
pamumuhay ng sa pamumuhay globalisasyon
tao ng tao. sa pamumuhay
ng tao.
Gawain 3
Araw:________
Petsa: _______ Panuto: Punan ang patlang ng iyong sariling opinyon. Kung alin
Oras:________ sa limang pananaw o perspektibo ng globalisasyon ang mas
naaayon sa iyong sariling paniniwala? Pangatuwiranan ang iyong
sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Pagtatasa sa Sarili
Araw:_________
Petsa: ________ Panuto: Sa tulong o gabay ng iyong mga magulang mas
Oras: ________ nakatatandang kasama sa bahay, balikan ang mga nakatakdang
gawain at suriin kung ito ay nagawa ng kumpleto at tama.
Pagkatapos ay lagyan ng tsek (√) sa bawat kolum sa talahanayan
kung ito ay kumpletong nagawa o hindi. Sumangguni sa susi sa
pagwawasto.

Writer: Irene L. Cruiz


6|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
Mga Gawain Kumpletong Nagawa Hindi nagawa
nagawa ngunit may
Kulang
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Pagtataya
Araw:__________
Petsa: _________ Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa
Oras: __________
bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa patlang na
inilaan.

1. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?


A. Malaya at malawakang pagbabago sa Sistema ng
pamamahala sa buong daigdig
B. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong
politikal at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
C. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto
sa sa sistema ng pamumuhay ng mga mammayan sa buong
mundo.
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na


naging dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon?
A. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan,
transaksyon sa pananalapi at pagpapalaganap ng kalakalan na
transnational Corporation, transportasyon at komunikasyon,
makabagong teknolohiya, ideya at foreign direct investments.
B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba
ang maliliit na negosyo at pagbaba ng sahod ng mga
manggagawa.
C. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na
pagkalat ngimpormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at
pagdami ng pamilihan ng mga materyales na ginagamit dito.
D. Sinikap ng mapabuti ng mga local na kompanya ang presyo
at kalidad ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo
laban sa mga banyagang kompanya o mga multinasyunal.

3. Anong pangyayari sa taong 2001 na kinagigimbal ng lahat ng


tao sa Amerika?
A. Pagbagsak ng Twin Towers sa New York
B. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War

Writer: Irene L. Cruiz


7|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
C. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations
(MNcs and TNCs)
D. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

4. Lahat ng mga pagbabagong naganap sa panahong ito ang


sinasabingmay tuwirang kinalaman sa pag-usbong ng
globalisasyon. Alin sapangyayaring ito ang hindi kabilang?
A. Pagbagsak ng Soviet Union at ang pagtatapos ng Cold War
B. Paglitaw ng mga multinational at transnational corporations
(MNcs and TNCs)
C. Pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
D. Ang kakahati ng daigdig sa dalawang puwersang ideolohikal
partikular ang komunismo at kapitalismo

5. Kailan nangyari ang pananakop ng Europeo?


A. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
B. Huling bahagi ng ika-18 siglo
C. Huling bahagi ng ika-15 siglo
D. Post-World War II

6. Ito ay panahon ng rurok ng Imperyalismong Kanluran?


A. Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo hanggang 1918
B. Huling bahagi ng ika-18 siglo
C. Huling bahagi ng ika-15 siglo
D.Post-World War II

7. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o


negosyong nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa, ang kanilang
serbisyong ipinagbibili ay batay sa pangangailangan ng lokal.
A. Del Monte Corporation C. Rebisco Corporation
B. Multinational Companies D. Transnational Corporation

8. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng


tao sakasalukuyan?
A. Ekonomiya C. Migrasyon
B. Globalisasyon D. Paggawa

9. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t-ibang anyo o


dimension nito maliban sa isa.
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Sikolohikal D. Teknolohikal

10. Ano ang ginagamit upang mapadali ang transaksyon lalung-


lalo na sapaghahatid ng mensahe?
A. radio C. telegrama
B. cellphone D. sulat
Writer: Irene L. Cruiz
8|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
11. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho ang nabuo, Anong
trabahoang naging uso dulot ng online process based?
A. Benta C. call center agent
B. Gaming D. Networking

12. Anong tawag sa kasunduan ang naisulat na nagpapaluwag sa


takbo ngkalakalan?
A. Free Trade Agreement B. Online Agreement
C. Tariff Agreement D. Trade Agreement

13. Anong Bansa ang itinuturing na Iron Curtain?


A. Estados Unidos C. Greenland
B. Germany D. Soviet Union

14. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay


ng tao sa kasalukuyan?
A. Ekonomiya C. Globalisasyon
B. Migrasyon D. Paggawa

15. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o


dimensyon nito maliban sa isa.
A. Ekonomikal B. Sikolohikal
C. Sosyo-kultural D. Teknolohikal

Writer: Irene L. Cruiz


9|P age School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West
District: Hinatuan West
School/Station: Tagasaka National High School 10 | P a g e
Writer: Irene L. Cruiz
1. A 11. D
2. A 12. A
3. B 13. B
4. D 14. C
5. C 15. A
6. B
7. D Nakadependi sa Ang pagwawasto
8. B pagwawasto ng ay nakabatay sa
9. B ang kasagutan. rubriks na ibinigay.
10. B
Pagtataya Gawain 3 Gawain 2
Pamprosesong Tanong:
1. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
Itinuturing ito bilang proseso ng interaksiyon sa pagitan ng mga tao, kumpanya, bansa o
maging ng mga samahang pandaigdig na pinabilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan
sa tulong ng teknolohiya.
2. Maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon sapagkat tuwiran nitong binago,
binabago at hinahamon ang pamumuhay at perenial institusyon na matagal nang naitatag.
Itinuturing ito bilang proseso ng
interaksiyon sa pagitan ng mga tao,
kumpanya, bansa o maging ng mga
samahang pandaigdig na pinabilis ng
kalakalang panlabas at
pamumuhunan sa tulong ng
teknolohiya.
proseso ng mabilisang pagdaloy o
paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t-
ibang direksyon na nararanasan sa
iba’t ibang panig ng daigdig
Gawain 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson
Maria Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga
Kontemporaryong isyu, Binagong EditionLearners Manual, Mga
Kotemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade
10http//.google.com.phhttps://www.slideshare.net/AileenEnriquez/ap
10-Modyul2-mgaisyung pangekonomiyaaralin1- and 2?from-
action=save

Writer: Irene L. Cruiz


11 | P a g e School/Station: Tagasaka National High School
District: Hinatuan West

You might also like