You are on page 1of 10

Learning Activity Sheet

GAWAING PAMPAGKATUTONG PAPEL


(Araling Panlipunan – 9 – Ikalawang Kwarter – Ikatlo at Ikaapat na Linggo)

Pangalan : _____________________________________Baitang at Seksyon : ______________


Paaralan : ______________________________________District : ________________________

SUPPLY

Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto at salik na


nakaaapekto sa supply sa pang araw-araw na pamumuhay
_______________________________________________________________________________

MGA LAYUNIN:
▪ Naibibigay ang kahulugan ng konsepto ng supply;
▪ Nakapagbibigay halimbawa sa mga salik na nakaapekto sa supply sa pang
araw-araw na pamumuhay;
▪ Nakagugupit o nakaguguhit ng larawan na nagpapakita ng supply ng mga
produkto ; at
▪ Napahahalagahan ang konsepto ng supply batay sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat pamilya .

Talakdaan Mga Gawain Sanggunian

Araw: ____ ANG KONSEPTO NG SUPPLY *Ekonomiks


Petsa:____ 10 Araling
Oras:_____ Panlipunan
Ang supply ay tumutukoy sa dami – Modyul
ng produkto o serbisyo na handa at para sa
kayang ipagbili ng mga prodyuser o Mag-aaral,
Ano ang negosyante sa mga mamimili sa iba't- Unang
kahulugan ng ibang presyo sa takdang panahon. Edisyon
supply? 2015
pahina 138-
152
Ang Batas ng Supply ay nagpapakita na may direkta o positibong
ugnayan ang presyo at dami ng supply na isinasaad na : *http://ww
Kapag mataas ang presyo, lumalaki rin ang bilang ng produkto o w.youtube.c
om/c/Amet
serbisyo na kaya at handing ipagbili ng prodyuser. Kapag mababa
hyteacher
naman ang presyo, lumiliit ang bilang ng produkto o serbisyong kaya
at handang ipagbili (ceteris paribus).

Halimbawa: Dahil sa Distance Learning, lumaki ang demand ng


laptop, tumaas ang presyo nito kaya naman mas nahikayat pa ang
mga prodyuser na dagdagan pa ang bilang ng laptop sa pamilihan.
MGA SALIK NA NAKAAPEKTO SA SUPPLY

1|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
Ang presyo ay ang halaga ng salapi bilang kabayaran sa produkto o serbisyo.
Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa supply. Maliban sa presyo ay may
iba pang salik na nakaapekto sa supply. Ito ang mga sumusunod.
#1 Pagbabago sa Ang teknolohiya ay anumang bagay o
teknolohiya kasangkapan na nakatutulong sa mga negosyante sa
paggawa o pagbuo ng produkto. Napapabilis nito ang
paggawa ng produkto o serbisyo. Ang pagbabago sa
teknolohiya ay karaniwang nagpapataas sa supply ng
produkto.
Halimbawa: Sa lumang makinang panahi ay
http://www.youtu nakagagawa ka ng isang damit sa loob ng isang araw
be.com/c/Amethyt at nang mag upgrade ka sa isang electric sewing
eacher machine,maaaring makagawa ka na ng limang
pirasong damit sa loob lamang ng isang araw.

#2 Pagbabago sa Ang pagbabago sa presyo ng mga salik sa


Halaga ng mga produksiyon tulad ng lupa, kapital, paggawa,
Salik ng pamahalaan at entrepreneurship ay nakaaapekto sa
Produksiyon dami ng supply ng produkto. Kapag mababa ang
halaga ng produksiyon tataas ang supply. Kapag
mataas ang halaga ng produksiyon, mababa ang
supply.

Halimbawa: Tumaas ang presyo ng tela na ginagamit


mo sa paggawa ng damit, ibig sabihin nito tataas din
ang gastusin mo sa produksiyon. Dahil dito,
mababawasan ang dami ng produkto na handa o kaya
mong ipagbili bilang prodyuser.
http://www.youtu
be.com/c/Amethyt
eacher

#3 Pagbabago sa Ang prodyuser ay nanaisin na gumawa ng


Bilang ng mga maraming produkto kapag dumami ang bilang ng
Nagtitinda nagtitinda na nagreresulta sa pagtaas ng supply.
Kapag ang bilang ng nagtitinda ay tumataas, lumalaki
din ang bilang ng supply ng produkto. Maaari rin itong
ihalintulad sa Bandwagon Effect.

Halimbawa: Nauuso ngayon ang face masks at face


sheilds dahil sa pandemya. Mas marami ngayon ang
nahihikayat na magtinda nito na naging dahilan ng
http://www.youtu pagtaas ng bilang ng supply ng face masks at face
be.com/c/Amethyt sheilds.
eacher

#4 Pagbabago sa Naaapektuhan ang dami ng supply kapag nagbabago


Presyo ng ang presyo ng kaugnay na produkto.
Kaugnay na
produkto Halimbawa: Tumaas ang presyo ng asukal at bumaba
naman ang presyo ng mais. Ang mga dating taniman
ng mais ay gagawing taniman ng tubo. Dahil dito, lalaki

2|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
ang supply ng asukal at bababa naman ang supply ng
mais.

Ikaw mahilig ka bang umasa?


Hmmm…

Ok lang yan, huwag kang mag-


alala dahil kahit ang mga
#5 Ekspektasyon prodyuser ay mahilig ding umasa.
ng Presyo ding

Kung ang prodyuser ay umaasa ng pagtaas ng


presyo sa kanyang produkto, maaaring maghoard o
magtago sila ng produkto. Na magreresulta sa
pagtaas ng presyo at pagbaba ng bilang ng supply nito
sa pamilihan.

http://www.youtu Halimbawa: Dahil sa pagkakaroon ng COVID-19


be.com/c/Amethyt pandemic, karamihan ng mga tao ay naghanap ng
eacher face masks at alcohol. Ngunit maraming mga
prodyuser ang nagtago ng mga produktong ito at
ilalabas na lamang sa pamilihan sa oras na mataas na
ang presyo nito.

MATALINONG PAGPAPASYA SA PAGTUGON SA MGA


PAGBABAGO NG MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA SUPPLY

Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa kahihinatnan ng


negosyo. Alam dapat ng prodyuser kung paano tutugon sa pagbabago ng mga
naturang salik.
1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon ay nagreresulta sa pagtaas ng
presyo ng produkto. Hahantong naman ito sa pagbaba ng demand. Ang
pagtaas ng gastos ng produksiyon ay matutugunan sa pamamagitan ng
efficient na pamamaraan. Ibig sabihin sa kakaunting salik na gagamitin
ay makabubuo ng maraming produkto.
2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang
maging matagumpay, kailangang pagtutuunan ng masusing pag-aaral
ang pamamalakad nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa
mga eksperto upang maging matatag ang negosyo.
3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa
negosyo ay napakahalaga. Dapat maging handa sa anumang
inaasahang balakid tulad ng natural na kalamidad at krisis sa ekonomiya
upang hindi maapektuhan ang produksiyon.
4. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o
kakulangan. Ito ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. Dapat isipin
ng mga negosyante ang kapakanan ng nakararami lalo na ng mga
konsyumer na hindi kayang abutin ang mataas na presyo.

3|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
GAWAIN 1.1
4PICS: ONE WORD
Suriing mabuti ang apat na larawan at punan ng mga letra ang mga
patlang sa ibaba upang mabuo ang salitang tinutukoy sa inilalahad.

____ ____ ____ P ___ ___

Mga Tanong:
1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan?

2. Ano ang kaugnayan ng presyo sa salitang nabuo?

GAWAIN 1.2
SA- HA (Salik - Halimbawa)
Punan mo ang unang kolum ng mga kahon sa ibaba ng mga salik na
nakaapekto sa supply. Punan din ang ikalawang kolum ng mga kahon ng
halimbawa ng bawat salik.

Iba pang Salik na Halimbawa


Nakaapekto sa Supply
1.

2.

3.

4.

5.

Tanong:
Paano nakaaapekto ang hoarding sa pagbabago ng dami ng supply?

_______________________________________________________________

4|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
GAWAIN 2
Araw:_____ MAGPICTO-DIARY KA
Petsa:____ Gumupit ng larawan ng isang tindahan, o palengke na nagpapakita ng supply
Oras:_____ sa kanilang mga produkto. Maaari ring iguhit mo ang larawan ng tindahan sa
iyong paligid kung walang magugupit na larawan. Idikit ito sa isang construction
paper o colored paper. Pagkatapos ay sumulat ng talata na maiugnay mo sa
iyong larawan. Gamitin ang rubriks sa paggawa ng picto-diary.

LARAWAN

5|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
Rubriks para sa PICTO-DIARY

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuha-


/Sitwas ng
yon Puntos
Larawang Malinaw, tama at tugma ang larawang 15
ipinaskil ginagamit batay sa panuto.
Nilalaman ng Maliwanag ang mensahe ng diary 25
diary batay sa paksa at nauugnay ito sa
larawang ginamit.
Kalinisan sa Malinis ang gawain at maayos ang 10
gawain pagkakasulat ng diary.
Kabuuang Puntos 50

GAWAIN 3
Araw: ____ I WII SUP-FIVE (Supply Five)
Petsa:____ Kung ikaw ay isang negosyante sa kasalukuyang pandemya, magbigay ng
Oras:_____ limang produkto na kaya at handa mong ipagbili o i-supply. Isulat ang mga napili
mong produkto na patok at nakatutulong sa kapwa. Sagutin ang mga
katanungan na nasa ibaba.
1. Bakit ang mga ito ang iyong napili?
5 Produktong Napili Ko: ___________________________
1.___________________ ___________________________
___________________________
2.___________________ 2. Bilang isang negosyante, nararapat
3.___________________ bang pansariling interes lamang ang
pagtutuunan mo ng pansin? Bakit?
4.___________________ ___________________________
___________________________
5.___________________
___________________________
___________________________
____________________________

Araw:_____ PAGTATASA SA SARILI


Petsa:____
Oras:_____ Panuto: Sa tulong o gabay ng iyong mga magulang o mas nakatatandang
kasama sa bahay, balikan ang mga nakatakdang gawain at suriin kung ito ay
nagawa ng kumpleto at tama. Pagkatapos ay lagyan ng tsek (√) sa bawat kolum
sa talahanayan kung ito ay kumpletong nagawa o hindi. Sumangguni sa susi sa
pagwawasto.

Mga Gawain Kumpletong Nagawa ngunit Hindi nagawa


nagawa may kulang
Gawain 1.1
Gawain 1.2
Gawain 2
Gawain 3

6|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
Araw: ____ PAGTATAYA
Petsa:____ Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang
Oras:_____ sagot.
1. Ito ang pangunahing salik na nakaapekto sa demand at supply.
A. Konsyumer C. Presyo
B. Nagtitinda D. Prodyuser

2. Ang batas ng supply ay nagsasaad na may direktang ugnayan ang presyo at


supply. Anong pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Kapag mataas ang presyo, bababa ang supply at kapag mababa ang
presyo, tataas ang supply.
B. Kapag mataas ang presyo, mataas din ang supply at kapag mababa ang
presyo, mababa din ang supply.
C. Kapag mataas ang presyo, bahagyang bababa ang supply at kapag
mababa ang presyo, walang pagbabago sa supply.
D. Kapag mataas ang presyo, walang pagbabago sa supply at kapag mababa
ang presyo, bahagyang tataas ang supply.

3. Ang presyo ay nagtatakda sa dami ng supply sa pamilihan. Bakit


binabawasan ng prodyuser ang produkto sa pamilihan kapag bumababa ang
presyo?
A. Dahil mag-aagawan ang mga tao
B. Dahil mababa ang salik ng produksiyon nito
C. Dahil marami siyang magiging kakompetensiya sa pagtitinda
D. Dahil malulugi siya sa maliit na halagang ipagbibili ang produkto

4.Sinasabing naapektuhan ang dami ng supply sa pagbabago ng presyo ng


kaugnay na produkto. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng magkaugnay
na produkto?
A. Asukal - kape
B. Brown sugar- White sugar
C. Face mask at alcohol
D. Peanut butter – Hotdog

5.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at handang


ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon.
A.Demand B. Ekwilibriyo C. Produksiyon D. Supply

6. Salik ng produksiyon na tumutukoy sa mga makabagong makinarya o


kasangkapan na nagpapabilis sa produksiyon ng partikular na produkto.
A. Presyo C. Bilang ng nagtitinda
B.Teknolohiya D. Halaga ng Produksiyon

7. Maraming produkto ang tumaas dulot ng pandemya na COVID-19. Kung


ikaw ay isang mamimili, anong pangunahing pangangailangan ang iyong
bibilhin kahit tumaas pang presyo nito?\
A. Smart phone para madali kong matawagan ang pamilya ko.
B. Mamahaling alahas upang may masangla kung kakailanganin.
C. Bigas at pang-ulam bilang pantawid gutom sa panahon ng lockdown.
D. Kotse dahil nakatutulong ito na makapag-grocery at makapunta kahit saan.

8. Inaasahang tataas ang presyo ng bigas sa darating na buwan. Ano ang


magiging epekto nito sa supply ng bigas sa darating na buwan?
A. Aangkat ng supply.

7|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
B. Bababa ang magiging supply.
C. Mananatili ang dami ng supply.
D. Tataas ang magiging supply.

9. Ang hoarding ay minsang isinagawa ng mga prodyuser sa mga produktong


nakatakdang magkaroon ng limitadong supply. Paano isinagawa ang hoarding
sa pamilihan?
A. Pagpigil na makapasok ang mga produkto sa mga pamilihan.
B. Pagtatago ng mga produkto habang mura pa ang mga presyo nito.
C. Maramihang produksiyon ng mga produkto para ito ay maibenta sa mas
mataas na presyo.
D. Paglilimita ng produksiyon ng produkto habang mura pa ang presyo ng
mga ito sa pamilihan.

10. Naglipana ngayon sa social media ang pagbebenta ng halos


magkaparehong produkto na may iba’t-ibang presyo. Kung ikaw ay isang
negosyante, ano ang gagawin mo para maging mabenta ang iyong produkto?
A. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo kasama na ang
delivery charge.
B. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mataas na tubo at hiwalay ang
delivery charge.
C. Itatakda ang presyo sa bawat item na may katamtamang tubo at delivery
rate sa bawat lugar.
D. Itatakda ang presyo sa bawat item na may mababang tubo at pagpipiliin ang
mga mamimili kung ito ay pick up o delivery na may charge na nakadepende
sa lugar.

8|Page Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North
District: Hinatuan North
School/Station: Baculin Integated School
Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I 9|Page
PAGTATAYA
1. C 6.B
2. B 7.C
3. D 8.B
4. A 9.B
5. D 10.D
ISAGAWA 1.2
Iba pang Salik na Halimbawa
Nakaapekto sa (Ang guro ang inaasahang magbibigay ng puntos base sa ideya ng
Supply mga mag -aaral bilang tugon sa katanungan o gawaing ibinigay)
1. Pagbabago sa
teknolohiya
2. Pagbabago sa
Halaga ng mga
Salik ng
Produksiyon
3. Pagbabago sa
Bilang ng mga
Nagtitinda
4. Pagbabago sa
Presyo ng
Kaugnay na
produkto
5. Ekspektasyon
ng Presyo
ISAGAWA 3 ISAGAWA 2 ISAGAWA 1
(Ang guro ang (Ang guro ang 1. Supply
inaasahang magbibigay inaasahang magbibigay 2. Presyo ang
ng puntos base sa ideya ng puntos base sa ideya pangunahing
ng mga mag -aaral bilang ng mga mag -aaral bilang salik na
tugon sa katanungan o tugon sa katanungan o nakaapekto sa
gawaing ibinigay) gawaing ibinigay) supply.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Mula sa aklat:

• Ekonomiks 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon 2015


pahina 138-152
• Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV. 2012. pp. 152-161
• Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV. 2012. pp. 56-60.
Mula sa internet

• http://www.youtube.com/c/Amethyteacher

10 | P a g e Writer/s : Daipen B. Banog- Teacher I


School/Station: Baculin Integated School
District: Hinatuan North

You might also like