You are on page 1of 12

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 3 – MODULE 1
PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA
ALAMIN
Sa modyul na ito, matutuklasan ang bumubuo sa pambansang ekonomiya, mga
suliraning pangkabuhayan, at ang pamamaraang ginagawa ng pamahalaan upang malutas ang
mga ito tungo sa pag-unlad. Maipamamalas ang malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa
pambansang ekonomiya at kung papano ito gumagana upang matugunan ang mga suliraning
pangkabuhayan tungo sa pambansang kaunlaran.

(MELC) Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nauunawaan ang paikot na daloy ng ekonomiya;


b. nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya;
c. natataya ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya.

TUKLASIN AT SURIIN

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA

Ano ang Pambansang Ek onomi ya?

 Ang pambansang ekonomiya ay tumutukoy sa ekonomiya ng isang bansa.


 Ito ang pag-aaral kung natutugunan ba ng mga mamamayan ang kanilang mga
pangangailangan.
 Naipapakita ang isang payak na kalagayan ng buong ekonomiya sa pamamagitan ng
paikot na daloy ng produkto at serbisyo.

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon
naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na
inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Inaasahang magagabayan ka ng mga
inihandang gawain at teksto na masagot kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga
karapatan at magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa isang matatag na
ekonomiya. Halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa at pang-unawa sa paksa.
(Balitao et al., 2015, p. 256)

1
MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA
Unang Modelo: Simpleng Ekonomiya

SAMBAHAYAN

Ang Sambahayan ay
Ito ay isang sektor sa siya ring bumibili ng
ekonomiya na mga produkto at
kinabibilangan ng mga serbisyo na lumalabas
pamilya o ng mga tao galing sa Bahay-
na kumikita ng pera. Kalakal. Dahil dito,
https://www.google.com/search?q=bahay+cartoon&tbm=i maari nating sabihin
sch&ved=2ahUKEwiXwdrfkITtAhUAx4sBHaxhBJYQ2
na sila ang nagbibigay
ng kita sa bahay-
kalakal.

Bukod dito, may dalawang pangunahing sektor sa isang simpleng ekonomiya.


 Sambahayan
Nagbibigay ng lupa at manggagawa sa mga bahay-kalakal
 Bahay-Kalakal
Gumagawa ng produkto at serbisyo.

Ikalawang Modelo: Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng Tapos na


Produkto at Salik ng Produksiyon

Suweldo, upa,

Pinagkuhanan: www.facebook.com/arnelrivera

2
Dalawang uri ng Pamilihan sa Pambansang Ekonomiya :

Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkod

 Nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na


produkto at paglilingkod
 Bumibili ang sambahayan ng mga tapos na produkto
at paglilingkod
 Sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod, bibili ang
sambahayan ng produkto na pantugon sa kanyang
pangangailangan at kagustuhan
(Balitao et al., 2017, p. 257)

Pamilihan ng mga Salik ng


Produksyon

 Nagbebenta ang sambahayan


ng mga salik ng produksiyon
(input – lupa, kapital,
paggawa, entreprenyur)
 Kapital (magbayad ng interes),
paggawa (pasahod),
entreprenyur (kita) – kita ng
sambahayan
 Bumibili ang bahay-kalakal ng
mga salik ng produksiyon
(input – lupa, kapital,
paggawa, entreprenyur)
(Balitao et al., 2017, p. 257)

Sa ikalawang modelo, nakatuon ang pag-iral ng sistema ng pamilihan ng pambansang


ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito.
Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto ngunit kailangan
na bumili o umupa ng mga salik ng produksyon. Tanging ang sambahayan ang may suplay ng
salik ng produksiyon.

Makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga


pamilihan ng mga salik ng produksyon. Matutunghayan ang ikalawang modelo ng pambansang
ekonomiya sa pigura sa ibaba. (Balitao et al., 2017, p. 257)

3
Ikatlong Modelo: Pamilihang Pinansiyal: Pag-iimpok (Savings) at Pamumuhunan
(Investments)

Suweldo, upa,

Pinagkuhanan: www.facebook.com/arnelrivera
Balitao et al., 2015, p. 260

Pamilihang Pinansyal

 Nag-iimpok ang sambahayan


 Umuutang ang bahay-kalakal

https://www.google.com/search?q=bank

Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor - ang sambahayan


at bahay-kalakal. Isinasaalang – alang ng samabahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga
desisyon sa panghinaharap.

Bukod sa pamimili at paglilikha ng produkto, nag-iimpok ang mamimili bilang


paghahanda sa hinaharap. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok
(savings), ito ang nilalagak sa pamilihang pinansiyal tulad ng mga bangko, kooperatiba,
insurance company, pawnshop, at stock market.

Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang pamilihan ay para sa salik ng produksiyon,
commodity o tapos na produkto, at para sa mga pinansiyal na capital. Matutunghayan ang
ikatlong modelo ng pambansang ekonomiya sa pigura sa itaas. (Balitao et al., 2017, p. 259)

4
Ikaapat na Modelo: Ang Pamahalaan at Pamilihan ng Pinansiyal, Salik ng
Produksiyon, Kalakal, at Paglilingkod

Suweldo, upa,

Pinagkuhanan: Balitao et al., 2015,


p. 262
 Ang kita ng pambansang
ekonomiya ay maitatakda ng
kabuoang gastusin ng
sambahayan, bahay-kalakal at
pamahalaan.
 Ang paglago ng pambansang
ekonomiya ay nakabatay sa :
pagtaas ng produksyon,
produktibidad ng
pamumuhunan at
https://www.google.com/search?q=city+hall+cartoon produktibidad ng mga gawain
ng pamahalaan.
 Upang maging matatag ang
ekonomiya, mahalagang
 Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng makalikha ng positibong
pamilihan. motibasyon ang mga gawain
 Sektor: sambahayan , bahay-kalakal at pamahalaan. ng pamahalaan.
 Pagbabayad ng buwis ang karagdagang  Mahalagang maihatid ang mga
gawain sa ekonomiya. (broken lines) pampublikong paglilingkod na
 Sumisingil ng buwis ang pamahalaan para kumita. ipinangakong isasakatuparan
 Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public sa pagsingil ng buwis.
revenue.  Ang mga pampublikong
 Ito ay ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng paglilingkod ay dapat maging
pampublikong paglilingkod. (nauuri sa produktibo.
pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal) (Balitao et al., 2017,
(Balitao et al., 2017, p. 261) p. 261)

5
Ikalimang Modelo: Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakalang Panlabas

Suweldo, upa

Pinagkuhanan: Balitao et al., 2017 p. 263


Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong
ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya.

Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng eokonomiya.
Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik. Sa modelong ito, ang
pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas ang pambansang ekonomiya.

Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang


ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Ang perspektiba sa pambansang ekonomiya na bukas
ay internasiyonal. (Balitao et al., 2017, p. 262)

Panlabas na Sektor

 Nagbebenta sa ibang
bansa (Export)
 Bumibili sa ibang bansa
(Import)

Pinagkuhanan:https://www.google.com/
search?q=export+import+cartoon&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwjho

6
MGA GAWAIN
Gawain 1: WORD SEARCH!
Panuto: Hanapin at bilugan ang anim (6) na mahahalagang konsepto ng paikot na daloy ng
ekonomiya. Ang konsepto ay maaaring pababa, pahalang, o pabaliktad. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

S E E L C I A T E T S O
Y A X I A N D Y R I I K
I I M P O R T O H S N S
M I I B U S P H A I P E
O L Y M A X O A S W U U
N B A H E H L K H U T O
O S H E E N A G O B L A
K A L A K A L Y O I U L
E N A H I L I M A P P A
P A M A H A L A A N A G

Gawain 2: Itala ko, Kaisipan ko!


Panuto: Punan ng wastong sagot ang talahanayan. Gawing gabay ang mga hinihingi sa bawat
column ng talahayanan. Piliin ang wastong sagot mula sa kahon sa ibaba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Sambahayan Pamahalaan Panlabas na Sektor


Bahay Kalakal Pamilihang Pinansiyal Pamilihan ng Salik ng
Produksyon Pamilihan ng Kalalakal at Paglilingkod

Mga sektor sa Limang Modelo ng Paikot na Mahalagang gampanin ng bawat sektor sa


Daloy ng Ekonomiya daloy ng ekonomiya
1. Unang Modelo
a.
2. Ikalawang Modelo
a.
b.
3. Ikatlong Modelo
a.

4. Ikaapat na Modelo
a.
5. Ika-limang Modelo
a.

7
Gawain 3: COMPLETE IT RIGHT!
Panuto: Punan ng wastong konsepto ang daloy ng ikalawang modelo ng panbansang ekonomiya.
Piliin ang wastong sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

3.

1. 2.

4.

Bahay Kalakal Pamilihan ng Kalakal at Paglilingkod


Sambahayan Pamilihan ng Salik ng Produksiyon

Pagproseso ng Gawain:

1. Ipaliwanag ang ginagampanan ng bahay-kalakal at sambahayan sa pambansang


ekonomiya.
a. Bahay-kalakal _______________________________________________________________
b. Sambahayan ________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang bawat salik ng produksyon?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
TAYAHIN
I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.

1. Binubuo ng sambahayan, bahay kalakal, pamahalaan, at dayuhang sector.


a. Pamahalaan c. Market Economy
b. Makroekonomiks d. Panlabas na Sektor
2. Saan bumibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa pangangailangan o
kagustuhan nito?
a. Pamilihan ng salik ng produksiyon. b. Pamilihan ng kalakal at paglilingkod
c. Sambahayan d. Bahay Kalakal.
3. Nagpapakita ng galaw ng buong ekonomiya sa isang payak na kalagayan. Ano ang tawag
dito?
a. Paikot na daloy ng pambansang ekonomiya.
b. Paikot na daloy ng pambansang kita.
8
c. Paikot na daloy ng produkto
d. Paikot na daloy ng sambahayan.
4. Ang nangangasiwa sa pag-iimpok at pamumuhunan sa paikot na daloy ng ekonomiya.
a. Factor market c. Sambahayan
b. Pamilihang pinansyal d. Bahay kalakal
5. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
a. Ito ang pinagmumulan ng commodity market.
b. Dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon o factor market.
c. Mahalaga ang tao para umikot ang ekonomiya.
d. Kailangan ang pagkilos ng sector na ito sa ekonomiya.
II. Panuto: Lagyan ng tsek (√) na marka ang bawat kung wasto ang isinasaad ng pangungusap
at ekis (X) kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. May ugnayan ang sambahayan at bahay kalakal.

2. Nagbebenta sa ibang bansa (export) at bumibili sa ibang bansa (Import).

3. Ang Ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor – ang


sambahayan at bahay pinansiyal.

4. Sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod, bibili ang sambahayan ng produkto na


pantugon sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.

5. Ang bahay-kalakal ang gumagawa ng produkto at serbisyo.

6. Ang pamahalaan ang nagbibigay ng lupa at manggagawa sa mga bahay-kalakal.

7. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public commodity.

8. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambasang


ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.
9. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay tinatawag na impok(savings), ito ang
inilalagak sa pamilihang pinansiyal tulad ng mga bangko, kooperatiba, insurance
company, pawnshop, at stock market.
10. Bumibili ang bahay-kalakal ng mga salik ng produksiyon.

III. Panuto: Bumuo ng isang dayagram ng paikot na daloy ng ekonomiya at idikit ito sa
sagutang papel gamit ang mga recyclable materials tulad ng lumang newspaper at
magazines.
Pamantayan sa pagbuo ng dayagram.
11.

INDICATOR DESKRIPSYON ISKALA ISKOR


Nilalaman Lohikal ang presentasyon at magkakaugnay ang mga 5
konsepto
Organisasyon May ebidensya ng pagkaunawa sa mga pangunahing 5
konsepto.
Mekaniks Wasto ang mga pangungusap at malinis ang 5
pagkakagawa.
Kabuoang Epekto sa pagwawasto 5
Epekto
Kabuoang Iskor 20

9
SAGOT SA MGA GAWAIN

Import 6. 5. a. Panlabas na Sektor Produksiyon


Export 5. Salik ng
4. a. Pamahalaan
Pamahalaan 4. Pamilihan ng 4.
Pinansiyal Paglilingkod
Sambahayan 3. 3. a. Pamilihang Kalakal at
Kalakal b. Bahay-Kalakal Pamilihan ng 3
2. Bahay 2. a. Sambahayan Sambahayan 2.
1. Buwis 1. a. Sambahayan Bahay Kalakal 1.

GAWAIN I: GAWAIN 2: GAWAIN 3:

SANGGUNIAN

MGA AKLAT:

Bernard R. Balitao, et. al.,EKONOMIKS: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-


aaral:(VIBAL Group, Inc), pp.253-267

ONLINE AT IBA PA:


https://ww.google.com/search?q=barangay+hall+clipat
https://www.slideshare.net/edmond84/aralin1-paikot-na-daloy-ng-ekonomiya
https://pt.slidesahre.net/kasekage15/makroekonomiks-at-ang-paikot-na-daloy-ng-
ekonomiya

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Melody Flores Tadeo


Tagasuri:
Dr. Marilex A. Tercias
Jeannerose R. Acosta
Ofelia G. Cerdeniola
Jessibel O. Taganas
Jennifer L. Lacbayan
Gloria F. Fernandez
Florecita M. Ananayo

Tgalapat: Geni M. Sarmiento

Tagapamahala: Dr. Danilo C. Sison


Dr.Teodora V. Nabor
Dr. Cornelio R. Aquino
Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

10
SAGOT SA TAYAHIN

I. II.
1. B 1. √ 6. X
2. B 2. √ 7. X
3. A 3. X 8. √
4. B 4. √ 9. √
5. C 5. √ 10. √

III. Malayang Pag-sagot: Inaasahang magkakaroon ng ibat’t ibang sagot batay sa Rubriks.

INDICATOR DESKRIPSYON ISKALA ISKOR


Nilalaman Lohikal ang presentasyon at magkakaugnay 5
ang mga konsepto
Organisasyon May ebidensya ng pagkaunawa sa mga 5
pangunahing konsepto.
Mekaniks Wasto ang mga pangungusap at malinis ang 5
pagkakagawa.
Kabuoang Epekto sa pagwawasto 5
Epekto
Kabuoang 20
Iskor

11

You might also like