You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 9 EKONOMIKS

GROUP 1

YUNIT II

I. KONSEPTO NG DEMAND
 Remembering
1. Isa sa mahalagang element na sinusuri sa pag-aaral ng maykroekonomiks ay ang konsepto ng demand na
idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa
konsepto ng demand?
a. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer.
b. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto ng handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer
sa iba’t ibang presyo o halaga.
c. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang
konsyumer ay makakabili ng kanilang pangangailangan.
d. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo.

 Understanding
1. Kapag ang kurba Demand ay gumalaw mula itaas, pababa at pakanan o downward slopping, ito ay
nagpapahiwatig ng ________________?
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand
c. Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
d. Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

 Analyzing
1. Suriin ang talahanayan, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na nagpapaliwanag ng talahanayan
tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?

Presyo Quantity Demanded


5 10
4 20
3 30
a. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo
b. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo
c. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer
d. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng konsyumer

 Applying
1. Dahil sa pananalasa ng bagyo, tumaas ang presyo ng bigas mula Php 30 isang kilo sa Php 50 isang kilo.
Ano ang tugon mo sa pangyayaring ito?
a. Maghanap ng alternatibo o pamalit na produkto gaya ng kamote, saging o tinapay.
b. Mangungutang sa kapitbahay ng bigas na may kapalit na interest
c. Maghihintay ng relief- goods mula sa gobyerno
d. Mamalimis sa kalye para may pambili ng bigas
 Evaluating
1. Bakit nakakabili ng marami ang isang konsyumer sa tuwing mababa ang presyo?
a. Sapagkat sa tuwing mababa ang presyo, mas Malaki ang halaga ng kanilang kita.
b. Sapagkat marami ang mapagpipilian
c. Sapagkat nahihikayat sila sa dami ng mamimili
d. Sapagkat ito ay naka- promo

 Creating
1. Sa isang pamilyang may pitong miyembro, sa paanong paraan nila ibabadyet ang halagang Php 300
sa isang araw.
a. c.
Bigas, ulam, gamot, baon
Damit, pamasahe, at pamasahe,
internet,load, pang-sine

Bigas, ulam, gamot,


load/internet,pamasahe
Load, pang- sine, damit,
b. D.
pamasahe.

B. PRICE ELASTICITY OF DEMAND

 Remembering
1. Anong uri ng elastisidad ang ipinapakita sa sitwasyong magkapareho ang bahagdan ng pagbabago ng
presyo at quantity demanded?
a. Elastic
b. Inelastic
c. Unitary
d. Perfectly elastic

 Understanding
1. Ano ang nais ipahiwatig ng equation na /ƹ/ ≤ 1?
a. Malaki ang naging bahagdan ng pagbabago sa quantity demanded kaysa sa bahagdan sa pagababago
ng presyo.
b. Pareho ang bahagdan ng pagbabago sa quantity demanded sa bahagdan sa pagababago ng presyo.
c. Mas maliit ang naging bahagdan ng pagbabago sa quantity demanded kaysa sa bahagdan sa
pagababago ng presyo.
d. Anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot ng infinite na pagbabago sa quantity demanded.

 Analyzing
1. Alin sa mga sumusunod na formula ang gagamitin upang masukat ang pagtugon ng quantity demanded
ng tao sa isang produkto?

a. Ƹd= % Qd
%P

b. Ƹd= % P

% Qd
a.

c. Ƹd= % Qd

% P
b.
d. Ƹd= %P

% Qd
c.
 Applying
1. Ang kuryente ay isa sa mahahalagangg pangangailangan ng tao kaya’t kahit tumaas ang presyo nito,
walang magagawa ang mga konsyumer kundi tangkilikin ito. Sa paanong paraan mo titipirin ang
paggamit ng kuryente.
a. Huwag buksan ang mga ilaw at mga appliances kung hindi ginagamit.
b. Gumawa ng iskedyul sa paggamit ng mga appliances
c. Tanggalin ang mga appliances na hindi ginagamit
d. Bumili ng mura at matipid sa kuryenteng appliances.

 Evaluating
1. Si Mang Erning ay may sakit na diabetes. Kailangan niya ng gamut na insulin batay sa takdang dosage
na inireseta ng kanyang Doktor. Tumaas ang presyo nito mula Php 500 kada 10 ml vial tungong Php 700
bawat vial. Walang magawa si Mang Erning kundi bilhin ang iniresetang dosage. Anong uri ng
elastisidad ang ipanapahayag sa sitwasyong ito?
a. Perfectly Elastic b. Inelastic c. Perfectly Inelastic d. unitary

 Creating
1. Si aling Josie ay laging bumibili ng hinog na manga. Noong nakaraang lingo siya ay bumili ng 25
kilo sa halagang Php 45 kada kilo. Kinabukasan nang siya’y namalengke,biglang tumaas ang presyo
ng manga sa Php 52 kada kilo kaya’t siya ay bumili na lamang ng 22 kilo. Gamit ang datos, ilang
porsiyento kaya ang naging pagtugon ni Aling Josie sa pagbabago ng presyo.

a. 13. 25 %

b. 14.43 %

c. 15. 23 %

d. 16. 28 %

C. SALIK NA NAKAAAPEKTO SA DEMAND

 Remembering
1. Kung ang inferior goods ay sumasabay sa pagbaba ng kita, ______________ naman ang sumasabay sa
pagtaas ng kita.
a. Komplementaryong Produkto
b. Substitute Goods
c. Normal Goods
d. Common Goods

 Understanding
1. Alin sa mga sumusunod na graph ang nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand sa sitwasyong may
paparating na isang malakas na bagyo.

a. B. c. d.

 Analyzing
1. Marami ang tumatangkilik sa album ng Ex Batallion. Sa iyong palagay, bilang isang kabataan, karapat-
dapat bang tangkilikin ang mga ito?
a. Oo, dahil naaakit ang mga kabataan na pakinggan ang mga kanta nila.
b. Oo dahil sa pagdami ng bumibili sa kanilang album, nakatutulong sila sa pagbabayad ng
buwis.
c. Hindi, dahil nakakaimpluwensya sila sa pananamit at pananalita ng mga kabataan
d. Hindi, dahil marami pang dapat na pagkagastusan bukod sa pagbili ng kanilang album.

 Evaluating
1. Sa iba’t ibnag salik ng demand maliban sa presyo, alin ang higit na nakaaapekto sa Demand ng
mamimili?
a. Panlasa
b. Dami ng Mamimili
c. Ekspektasyon
d. Kita

 Applying
1. Gamit ang formula na Qd= 200-10 P, ano ang quantity demanded kung ang presyo ng isang pirasong
kendi ay Php 2.00?
a. 130 b. 140 c. 150 d. 160
 Creating
1. Si Ben ay may planong magtayo ng kaniyang karinderya na malapit sa paaralan. Alam niyang
marami siyang kakompetensiya sa negosyong ito. Ano ang pinakamagandang estratehiyang
kanilang gagawin upang makilala at tangkilikin ang kaniyang karinderya?
a. Magbigay ng unlimited rice promo upang ulam na lamang ang bibilhin.

b. Pagbibigay ng eat- now- pay- later strategy upang lahat ay makakain

c. Pagbibigay ng libreng sabaw at inuming tubig upang maramdaman ng estudyanteng maganda ang
serbisyo mo.

d. Pagbibigay ng budget meal combo A,B,C upang marami ang mapagpipilian nila.

You might also like