You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PASULIT SA

ARALING PANLIPUNAN 9

I- Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay isang konsepto na nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili
ay maghahanap ng mas murang pamalit o substitute nito.
A. Batas ng Demand B. Ceteris Paribus C. Demand D. Substitution Effect

2. Alin ang pinakaangkop na pahayag sa konsepto ng ceteris paribus batay sa konteksto ng batas ng demand?
A. Magkasalungat ang relasyon ng demand at presyo. B. May tuwirang relasyon ang presyo at demand.
C. Ang batayan ng demand ay ang presyo D. Magkaagapay ang demand at presyo.

3. Ito ay ang mga produkto na ang demand ay hindi tumataas kahit lumaki ang kita ng isang indibidwal.
A. Complementary Goods B. Normal Goods C. Inferior Goods D. Substitute Goods

4. Ano ang tawag sa produktong tumaas ang demand sabay sa pagtaas ng kita?
A. Demand Goods B. Inferior Goods C. Normal Goods D. Supply Goods

5. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa demand para sa isang produkto,
masasabing magkaugnay ang mga ito.
A. Bandwagon Effect B. Complementary C. Demand D. Supply

6. Ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang
presyo.
A. Supply Schedule B. Supply Function C. Supply Curve D. Supply

7. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.


A. Supply Schedule B. Supply Function C. Supply Curve D. Supply

8. Kapag ang presyo sa pamilihan ay mas mababa kaysa presyong ekwilibriyo, magkakaroon ng anong sitwasyon?
A. Shortage ng mga produkto o serbisyo B. Surplus ng mga produkto o serbisyo
C. Ekwilibriyong presyo D. Disekwilibriyo

9. Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) “Kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang
parehong konsyumer at prodyuser”. Ano ang pamagat ng kaniyang aklat kung saan niya ito isinulat?
A. Essentials of Market B. Essentials of Economics
C. Essentials of Microeconomics D. Essentials of Market Equilibrium

10. Ito ay ang punto kung saan ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse.
A. Ekwilibriyong dami B. Ekwilibriyong presyo C. Disekwilibriyo D. Ekwilibriyo sa pamilihan

11. Ito ay ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.


A. Ekwilibriyong dami B. Ekwilibriyong presyo C. Disekwilibriyo D. Ekwilibriyo sa pamilihan

12. Ito ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga
konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong
kanilang pinagkasunduan.
A. Ekwilibriyong dami B. Ekwilibriyong presyo C. Disekwilibriyo D. Ekwilibriyo sa pamilihan

13. Kapag ang presyo sa pamilihan ay mas mataas kaysa presyong ekwilibriyo, magkakaroon ng anong sitwasyon?
A. Surplus ng mga produkto o serbisyo B. Shortage ng mga produkto o serbisyo
C. Ekwilibriyong presyo D. Disekwilibriyo

14. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at quantity supplied sa isang
takdang presyo ay tinatawag na?
A. Surplus ng mga produkto o serbisyo B. Shortage ng mga produkto o serbisyo
IKALAWANG MARKAHANG PASULIT SA
ARALING PANLIPUNAN 9

C. Ekwilibriyong presyo D. Disekwilibriyo

15. Ito ay ang kalagayan sa pamilihan kung saan mas marami ang supply kaysa demand.
A. Ekwilibriyong dami B. Shortage C. Surplus D. Ekwilibriyo

16. Mayroong tinawag na “invisible hand” si Adam Smith na siyang gumagabay sa ugnayan ng dalawang sector sa
pamilihan. Ang tinutukoy ay ang;
A. Demand B. Presyo C. Supply D. Transaksiyon

17. Ano ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan?
A.Opisina B.Pagawaan C.Pamilihan D.Talipapa

18. Sino ang nagsisilbing bumibili ng mga produktong gawa ng mga prodyuser?
A. Komprador B. Konsyumer C. Nag-aangkat D.Prodyuser

19.Ang pangunahing salik sa pagbabago ng demand at supply sa pamilihan.


A. Gastos B. Pamilihan C. Presyo D. Produkto

20.Sino ang itinuturing na tagapagtustos ng mga serbisyo at produkto upang ikonsumo ng mga tao?
A. Komprador B. Konsyumer C. Nag-aangkat D.Prodyuser

21.Nagaganap ang sistema ng pamilihan dahil hindi lahat ay may kakayahang ___________.
A.gumastos B. magdemand C. magprodyus D.magtrabaho

22. Sa pagkakaroon ng mataas na demand ng mga konsyumer, nagiging dahilan ito sa _______________.
A. pagbaba ng presyo ng produkto C. pagtaas ng presyo ng produkto
B. pagbaba ng supply ng produkto D. pagtaas ng supply ng produkto

23. Ang pamilihan ay maaaring lokal, panrehiyon, pambansa, o pandaigdigan ang lawak. Ang barber shop na
matatagpuan saan mang dako ng ating bansa ay isang magandang halimbawa ng pamilihang:
A. Lokal B. Pambansa C. Pandaigdigan D. Panrehiyon

24. Ang Shell, Petron, at Caltex ay kalahok sa pamilihang ______________.


A. Monopolistic Competition B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Oligopolyo
25. Ang pagbebenta ng kuryente ng MERALCO ay isang halimbawa ng _________.
A. Monopolistic Competition B. Monopolyo C. Monopsonyo D. Oligopolyo

II- A. Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na pangungusap. Isulat
ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.
1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.
2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ batas nanagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at
quantity demanded.
3. _ _ _ _ _ D _ _ _ V _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded.
4. _ _ _ E _ _ _ P _ _ I _ _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng
quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.
IKALAWANG MARKAHANG PASULIT SA
ARALING PANLIPUNAN 9

B. Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa isang produkto batay sa mga pagbabago ng sumusunod
na salik. Isulat sa patlang ang kung tataas ang demand at kung bababa ang demand.

1. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods).


2. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior goods).
3. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto.
4. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo.
5. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo.

C. Dugtungan ang sumusunod na mga kaisipan. Ilagay ang sagot sa papel.


1. Ang supply at tumutukoy sa ____________________________________________________.
2. Ang batas ng supply ay nagsasaad na kapag ____________________________________.
3. Ang supply schedule ay isang ___________________________________________________.
4. Ang supply curve ay ____________________________________________________________.
5. Ang supply function ay isang paraan ng __________________________________________.

D. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe ng bawat aytem.
Lagyan ng salitang PABILI kung tama ang mensahe at PATAWAD kung ito ay mali.Isulat ang
sagotsapatlangbago ang bilang.

________1. Price Ceiling ay kilala rin sa katawagan bilang minimum price policy o ang pinakamataas na presyo na
maaaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto.

________2. Price freeze o pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan.

________3. Labag sa Anti- Profiteering Law ang labis na pagpapataw ng mataas na presyo.

________4. Price Floor ay kilala rin bilang price support at maximum price policy na tumutukoy sa pinakamababang
presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo.

________5. Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa ating bansa. Ang pangunahing tungkulin ng
pamahalaan ay ang paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.

_______6. Ipinatutupad ng pamahalaan ang minimum wage law o batas sa pinakamababang suweldo sa sektor ng
paggawa upang makaiwas ang mga manggagawa na makatanggap ng mababang suweldo na naaayon sa Republic
Act 602 o Minimum Wage Law of the Philippines.

____7. Ang pamilihan at pamahalaan ay magkakaugnay sapagkat ang pamilihan ay tumutulong sa kalagayan ng
pamahalaan upang magkaroon ng maayos na ekonomiya

____8. Upang mapatatag ang presyo sa pamilihan, ipinapatupad ang price stabilization program at maiwasan ang
mataas na inflation.
IKALAWANG MARKAHANG PASULIT SA
ARALING PANLIPUNAN 9

III. Kompyutin.

A. Ipakita ito sa demand/supply schedule at demand/supply curve.


1. Demand function na Qd = 1,600 – 100P at i substitute sa P ang presyong 5,10,15.
2. Supply function na Qs = 1,000 – 100P at i substitute sa P ang presyong 3,6,9.

B. Gamit ang formula ay kompyutin ang price elasticity of supply at suriin kung anong uri ng price elasticity ang
suplay ng milo (8 pts).
ɛꜱ = % ∆Qs
%∆P

% ∆Qs %∆P

= __Q2 – Q1_× 100 = _P2 – P1__ × 100


Q1 + Q2 P1 – P2
________ ______
2 2

PRESYO KADA BOTE NG MILO (P) QUANTITY SUPPLIED (QS)


Php25 1000
Php40 800

IV. Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad sa tekstong nabasa.

Dalawang Pangunahing
Estruktura ng Pamilihan

2. 1.

3.

4.

5.

6.

You might also like