You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
District of Garcia-Hernandez
GARCIA-HERNANDEZ HIGH SCHOOL
West-Ulbujan, Garcia-Hernandez, Bohol
FIRST PERIODICAL EXAM IN ARALING PANLIPUNAN 9
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang Ekonomiks ay isang agham. Bakit dapat itong pag-aaralan at matutunan ng bawat tao?
A. Sapagkat ito ay may kinalaman sa lahat ng aspeto ng buhay ng tao.
B. Sapagkat pinahahalagahan nito ang kalikasan na tumutustos sa malaking pangangailangan ng tao.
C. Sapagkat malaki ang papel na ginagampanan ng ekonomiya sa kalagayan ng pulitika ng bawat bansa.
D. Sapagkat nalalaman dito ang tamang alokasyon ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan ng tao.
2. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon.
B. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon.
C. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.
D. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan.
3. Isang dalubhasa sa ekonomiya na nagsabi na, “ang pag-aaral ng ekonomiks ay isang praktikal na pangangailangan at
isang obligasyon ng bawat mamamayan”.
A. Jadrian Clay B. Jadrian Wooten C. Sir Henry Adams D. Sir Henry Clay
4. Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan sapagkat?
A. Nagbibigay ito ng suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
B. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
C. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang material na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
D. Pinag-iisipan ng araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
5. Sinong Ekonomista ang nagsabi na “ikaw ay hindi lubos na mamamayan ng isang bansa kung hindi ka sa paanuman
marunong sa Ekonomiks”?
A. Jadrian Bautista B. Jadrian Clay C. Jadrian Wooten D. Sir Henry Clay
6. Bilang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan, bakit kailangang pag-aralan ang ekonomiks?
A. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
B. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang makabili ng maraming pagkain sa panahon ng pandemya.
C. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa nangyayari sa lipunan.
D. Nais mong makuha ang bagay na gusto mo.
7. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng;
A. Konsyumer B. Pamahalaan C. Pamilihan D. Prodyuser
8. Tumutukoy ito sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
A. Alokasyon B. Ekonomiya C.Produksiyon D. Sistemang Pang-ekonomiya
9. Sa tradisyunal na ekonomiya, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa mga
sumusunod maliban sa isa;
A. Kultura B. Pamahiin C. Paniniwala D. Tradisyun
10. Sa sistemang pang-ekonomiya na ito, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng
mekanismo ng malayang pamilihan.
A.Command B.Market C. Mixed D.Tradisyunal
11. Ito ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy;
A.Command B. Market C. Mixed D. Tradisyunal
12. Sa Market Economy, ano ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser?
A. Konsyumer B. Pamilihan C. Presyo D. Produkto
13. Ang sistemang ito ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital,pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo,
at pangangasiwa ng mga gawain.
A.Command B.Market C.Mixed D.Tradisyunal
14. Sa sistemang ito, ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao
ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan.
A.Command B. Market C. Mixed D. Tradisyunal
15. Ito ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng
output.
A. Produksyon B. Input C. Kapital D. Entreprenuership
II. Panuto: Ibigay ang nawawalang titik upang mabuo ang konsepto.
1. _ _ _ N _ M _ K _ (Ito ay ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tilawalang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang- yaman.)
2. O _ P _ _ T _ _ I _ Y C _ _ T (Tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handing ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.)
3. _ _ C _ _ T _ V _ S (Pag-alok ng mas mura at magandang serbisyo at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa bawat
pagkonsumo ng produkto o serbisyo. )
4. _ R A _ E - _ F _ (Ang pagpili o pagsasakripisyo ng isangbagaykapalit ng ibangbagay.)
5. M _ _ G _ _ A _ _ _ _ I _ K _ _ G (Sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.)
6. K A _ _ T A L tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga
makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa.
7. E _ _ R E _ R _ _ U E R ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.
8. Ang P _ O F I _ ay tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur.
9. _ A G _ _ N S _ M _ tumutukoy sa pagbili o paggamit ng mga produkto at serbisyo upang matugunan ang mga
pangangailangan at magtamo ng kasiyahan.
10. P A _ _ _ _ S A _ A napipilitan ang isang tao na bumili ng isang produkto kahit ito ay hindi nya kailangan kapag ang
nagbebenta ay kamag-anak, kaibigan, kasamahan sa trabaho, at iba pa o kaya naman ay naudyukan.

III. Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap/pahayag. Isulat ang salitang FACT kung ang pangungusap o pahayag ay
wasto. Isulat naman ang salitang BLUFF kung ang pangungusap o pahayag ay di-wasto. Isulat ang inyong sagot sa
sagutang papel.

Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat:

1. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.


2. Maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
3. Mauunawaan ang mga layunin at programang ipinatupad ng pamahalaan na may kaugnay sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
4. Magamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pag-unawa sa mga batas mula sa mga choices na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan.
5. Sa mga isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang, paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan ay maaari
mong magamit ang kaalaman sa alokasyon at pamamahala.
6. Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya.
7. Dapat alam din ng mga pamahalaan na ang pagbabayad ng buwis ay kailangan dahil ito ang nagiging dugo ng pamahalaan
para paglingkuran nang maayos ang lipunan.
8. Naaapektuhan ng kaalaman sa Ekonomiks ang ekonomiko na perspektibo ng isang tao lalo kapag pumipili ng mga pinuno na
maglilingkod.
9. Ang kaalaman na makukuha mo sa pag-aaral ng ekonomiks ay kapakipakinabang dahil palalawakin nito ang iyong pananaw
sa buhay, patatalasin nito ang iyong isipan at tuturuan ka ng balanse at maayos na pag-iisip.
10. Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing
produkto.

IV. Panuto: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa inilalarawan ng
pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

UTWIANR Nagaganap kapag sa pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo ay natatamo kaagad ng


1.
konsyumer ang kasiyahan at kapakinabangan.

2. AMASYAKA Ang pagbili at paggamit ng produkto na hindi naman tumutugon sa pangangailangan ng


mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan.

AMPNANIBAG Ang kinonsumong produkto serbisyo ay magdulot ng sakit at perwisyo sa kalusugan ng


3.
tao.

DALNTA Kung saan gumagamit lamang ng produkto o serbisyo kapag nasa harap ng ibang tao.
4.
5. KRPOUTBOID Kung ang layunin ng konsyumer sa pagbili o paggamit ng isang produkto o serbisyo ay
para makabuo ng bago at kapakipakinabangang produkto.

IKTA
6. Tumutukoy sa salaping tinatanggap ng tao katumbas ng ginawang produkto at serbisyo.

7. AAPGKATANGKU Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang
kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo.

GPA-ANUSIYOAN Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,


8. pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media

APANHON Ang pagkonsumo ay naiimpluwensyahan ng panahon dahil nag-iiba ang kinukonsumong


9.
produkto kapag nagbabago ang panahon.

SKOYNOA
Madalas na ang mga tao ay nagbibigay ng regalo o di kaya ay naghahanda tuwing may
10.
mga okasyon na magaganap tulad ng kaarawan, araw ng pagtatapos, Pasko, Bagong
Taon.

APGISKOL Tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang
11.
pakikitungo.

APGAKAISAK Tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at


12. kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan angating kapakanan.

13. RAKAPANGAT May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang
NDIGING sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.

V. Panuto: Punan mo ng tamang kasagutan ang concept organizer. Gawin o isulat ang inyong mga sagot sa sagutang
papel.

1. 3. Halimbawa ng 4. Halimbawa
White Collar Job ng Blue Collar
Job

2.

Salik ng Produksyon
5. Batas ng
Pagkonsumo
VI. A. Panuto: Magbigay tatlong sitwasyon o pangyayari na nagpapakita sa kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng lipunan. Ibatay sa inyong mga karanasan o napagmasdan sa inyong pamayanan ang inyong mga kasagutan.

1.____________________________________________________________________________

2.____________________________________________________________________________

3.____________________________________________________________________________

B. Panuto: Punan ang tsart ng inyong mga kasagutan kung paano naaapektuhan ang inyong pagkonsumo sa mga salik na
nakakaaapekto sa pagkonsumo. Ang inyong mga kasagutan ay dapat naglalarawan sa inyong mga karanasan sa buhay.

Salik na Nakakaaapekto sa Pagkonsumo Paano ka Naaapektohan sa iyong Pagkonsumo?

4. Pagbabago ng Presyo

5. Pagkakautang

6. Okasyon

VII. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. BFAD
2. SEC
3. ERC
4. DTI
5. PRC

You might also like