You are on page 1of 50

9

NOT

Araling Panlipunan
Unang Markahan

Department of Education ● Republic of the Philippines


1
Subukin
Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks B. Sosyolohiya C. Kasaysayan D. Heograpiya
2. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano
hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
3. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin,
paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital. Anong kondisyon
ang tinutukoy nito?
A. Kakapusan C. Kamalayang Panlipunan
B. Kakulangan D. Kamalayan sa Kapaligiran
5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay
gastos man o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang
pagpapasya.
C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at
serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga pangunahing
bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
6. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong
pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa
inaalok ng mga prodyuser para magbago ang iyong desisyon. Ano ang tawag dito?
A. Opportunity Cost C. Incentives
B. Marginal Thinking D. Trade-Off
7. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
A. Choice B. Trade-Off C. Incentives D. Opprtunity Cost
8. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-araw. Bakit
mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang
bahagi ng pamilya?
A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng
kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng
pinakainam na desisyon.
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon.
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na
gagawin natin sa araw-araw.
10. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-aralan
ang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong
sa nangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming
pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.

2
Aralin
Ang Kahulugan ng Ekonomiks
1
Tuklasin
Gawain 1: Sitwasyon-Desisyon-Rason (SDR) Chart
Araw-araw ang tao ay laging nahaharap sa sitwasyon na kailangan niyang pumili.
Mababasa sa loob ng talahanayan sa ibaba ang mga sitwasyon na maaari mong
maranasan. Isulat sa pangalawang kolum ang iyong magiging desisyon at sa pangatlong
kolum naman ang rason o kadahilanan. Isulat sa activity notebook ang sagot.
SITWASYON DESISYON RASON
1. Pagtatrabaho pagkatapos ng Senior High School o
pagpapatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo?
2. Pananatili sa loob ng bahay sa panahon ng
pandemya o pagpunta sa bahay ng kaibigan?
3. Pagtulong sa pag-iimpake ng relief goods o pag-
titiktok gamit ang cellphone?
4. Pamamasyal sa mall o pagtulong sa mga gawaing-
bahay?
5. Paglalaro ng computer games o paggawa ng
takdang aralin?
Anu-ano ang mga naging basehan mo sa pagpili ng desisyon? Sa iyong pananaw,
tama ba ang iyong mga naging desisyon? Ipaliwanag.

Nahirapan ka ba sa pagdedesisyon? May iba pa bang sitwasyon na naranasan mo


na kung saan kailangan mong pumili at magdesisyon? Ipaliwanag.

Suriin
Ano ang kahulugan ng Ekonomiks?
Ayon kay Viloria (2000), ang
Ekonomiks ay isang sangay ng Agham
Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang-
yaman. Ito ay nagsimula sa salitang
Griyego na oikonomia, ang oikos na
nangangahulugang bahay at nomos na
pamamahala.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/co
mmons/c/cf/Economics_circular_flow_car
toon.jpg
Pinag-aaralan sa ekonomiks ang
pamamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga
mamamayan at ang bansa ng kanilang limitadong
resources. Kaya pinag-aaralan din kung papaano
gagamitin ng tao at lipunan ang limitadong resources
upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang
produkto at serbisyo sa mga tao at iba’t ibang pangkat
ng lipunan.
https://clipartstation.com/sambahayan 3
-clipart-4/
May dalawang mahalagang bahagi na binibigyang-pansin ang ekonomiks – ang
sambahayan at ang pamayanan. Sa sambahayan, pinaplano kung paano hahatiin ang
limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Sa loob ng
sambahayan, pinagpapasyahan naman kung magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa
pagkain, tubig, kuryente at iba pang mga bagay na maaaring makapagdulot ng kasiyahan o
pakinabang sa isang pamilya. Sa aklat ni Mankiw (1997), ang ekonomiya at sambahayan
ay magkatulad sapagkat pareho silang gumagawa ng desisyon.
Ang pamayanan ay gumagawa ng iba’t ibang desisyon katulad ng sambahayan.
Lumalabas dito ang apat na katanungan para matugunan ang suliranin sa pagkakaroon ng
limitadong resources. Ang mga katanungang ito ay ang mga sumusunod: Anu-anong mga
produkto at serbisyo ang gagawin? Gaano karami ang gagawin? Paano gagawin? At para
kanino? Dahil sa may limitasyon ang ating pinagkukunang-yaman ay umiiral ang suliranin
sa kakapusan. May kakapusan sa pinagkukunang-yaman sapagkat walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang likas na yaman ay maaaring maubos at
mahirap na palitan. Ang yamang kapital din ay may limitasyon kaya limitado ang
nagagawang produkto at serbisyo para sa tao. Kaya ang kakapusan ay kaakibat na ng
ating buhay sapagkat may limitasyon ang lahat ng bagay sa daigdig.
Ang Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
Sa pag-aaral ng ekonomiks ay nalalaman natin ang mga mahahalagang konsepto
para makatulong sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon. Sinasabi na sa buhay ng tao ay
kalakip na ang pagkakaroon ng choice o pagpipilian. Sa pang-araw-araw na pamumuhay
ng tao, siya ay napapaligiran ng iba’t ibang pagpipilian kaya mahalaga na pagtuunan ng
pansin kung paano makabuo ng matalinong pagpapasya ang tao.
Trade-off: Ito ay ang pagpili ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ito sa
pagbuo ng matalinong desisyon sapagkat sinusuri muna ng isang tao ang kanyang
pagpipilian. Isang halimbawa ay ang paggamit ng iyong oras sa paggawa ng takdang aralin
o paglalaro ng computer games. Kapag sinuri ng mabuti ang dalawang pagpipilian ay
makabubuo ka ng isang pinakamainam na desisyon.

Opportunity Cost: Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sakali mang
ikaw ay nakabuo na ng desisyon. Sa naunang halimbawa, kapag pinili ang paggawa ng
takdang aralin, ang opportunity cost nito ay ang hindi paglalaro ng computer games.

Incentives: Ito ay mga inaalok ng mga negosyante para maaari pang magbago ang
desisyon ng mga mamimili. May mga pagkakataon na ganap na ang ating desisyon sa
pagbili ng iba’t ibang produkto at serbisyo subalit hindi maiiwasan na magbago ang ating isip
sa bandang huli. Ang halimbawa ng incentives ay ang pagbibigay ng discount sa mga
bilihin. Ang promo gaya ng buy one take one ay maaari ding makapagbabago sa ating
desisyon. Bilang mag-aaral, maaaring mailalarawan ang incentives sa pagbibigay ng
pabuya kapag ikaw ay nakakuha ng mataas na marka.

Marginal Thinking: Sinusuri muna ng isang tao ang karagdagang halaga maging ito ay
gastos o pakinabang na makukuha sa pagbuo ng desisyon. Kaya sa pag-aaral ng
ekonomiks, may kasabihan na “Rational people think at the margin”. Nagiging rasyonal
ang tao sa mga bagay na dapat gawin para humantong sa isang matalinong pagdedesisyon.

Pagyamanin
Gawain 2: Wala ng Quarantine, Tayo na at Mag-enjoy!
Si Kobe ay nagagalak na pumunta ng lungsod dahil inihinto na ng lokal na
pamahalaan ang pagkakaroon ng quarantine. Binigyan siya ng kanyang mga magulang ng
Php100.00 para makapaglibang kasama ang mga kaibigan. Suriin ang talahanayan ng mga
produktong maaring bilhin ni Kobe sa lungsod at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

PRODUKTO PRESYO
Burger at Fries Php 70.00
Milk Tea Php 80.00
Softdrink Php 20.00
Ice Cream Php 50.00

4
Kung ikaw si Kobe, anu-anong mga produkto ang handa mong ipagpalit para lang
makabili ng gusto mong produkto? Bakit?

Nagkaroon ng buy one take one promo sa burger at fries. Kung ikaw si Kobe, ano
ang magiging pasya mo at paano mo ngayon pamamahalaan ang iyong badyet?

Isaisip
Gawain 3: Piliin Mo!
Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Kilalanin at tukuyin kung ito
ay nagpapahiwatig ng konsepto ng Trade-Off, Opportunity Cost, Incentives at Marginal
Thinking. Isulat ang napiling sagot sa loob ng kahon.

Mga Sitwasyon Mahalagang Konsepto


1. Nahaharap sa isang pangangailangan ng pagpili si Angel
dahil nawalan ng hanapbuhay ang kanyang mga magulang
dulot ng pandemya. Pinagpipilian niya ang paghihinto sa pag-
aaral para makapagtrabaho o ang pagpapatuloy kahit siya ay
nahihirapan.
2. Si Coco ay nais bumili ng bagong sapatos ngunit wala
siyang perang pambili. Pinangakuan siya ng kanyang kuya
na bibilhin ang gusto niya kapag tumaas ang kanyang mga
nakuhang marka sa susunod na markahan.
3. Inimbitahan si Kim sa isang pagtitipon at nais niyang
magsuot ng bagong damit. Ngunit iniisip niya ng mabuti kung
magagamit ba ang damit na bibilhin niya sa iba pa niyang
lakad.
4. Si Maris ay mayroon pa ring magandang trabaho sa Manila
kahit sila ay nasa gitna ng pandemya. Ngunit iniwan niya ang
trabaho at umuwi sa probinsiya para makapiling ang pamilya.

Isagawa
Gawain 4: Desisyon Ko, I-journal Ko!
Binigyang-pansin natin ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga mahahalagang
konsepto nito tungo sa pagkakaroon ng isang matalinong pagdedesisyon. Isa-isahin ang
mga sitwasyong naranasan sa nakalipas na limang araw kung saan ikaw ay nakakagawa ng
matalinong pagdedesisyon. Isulat ang mga ito sa iyong journal. Matapos gawin ang journal
ay sagutin ang tanong sa ibaba.

Desisyon Ko, I-journal Ko!

Unang Araw: _
Ikalawang Araw:
Ikatlong Araw:

5
Ika-apat na Araw:
Ika-limang Araw:
Bakit mo nasabi na ang iyong mga nagawa sa nakalipas na limang araw ay isang
matalinong pagpapasya? Ipaliwanag.

Buod
Napag-alaman sa modyul na ito ang kahulugan ng ekonomiks at kung paano ito
magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay. Batay sa mga nailalahad na mga
konsepto at gawain, nabigyang-linaw at natutunan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
• Kaakibat na ng buhay ng tao ang suliranin sa kakapusan dahil may limitasyon hindi
lamang ang kakayahan ng tao maging ang kanyang likas na kapaligiran.
• Ang suliranin sa kakapusan ay nagdudulot ng limitasyon ng mga nagagawang
produkto at serbisyo. Sa suliraning ito ay kinakailangan na ang tao ay humantong sa
pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.
• Sa pagdedesisyon, kailangan ang mga mahahalagang konsepto gaya ng trade-off,
opportunity cost, incentives at marginal thinking. Ang mga ito ay mga kaparaanan
para ang tao ay makapagbigay ng mapanuri at matalinong desisyon sa kanyang
araw-araw na pamumuhay.

Pagtatasa
Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
activity notebook.
1. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
A. Ekonomiks B. Sosyolohiya C. Kasaysayan D. Heograpiya
2. Gumagawa ng mga desisyon kung anu-anong produkto at serbisyo ang gagawin,
paano gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin.
A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
3. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano
hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan at kagustuhan.
A. Pamayanan B. Sambahayan C. Pamahalaan D. Pamilihan
4. May limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang ibang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital. Anong kondisyon
ang tinutukoy nito?
A. Kakapusan C. Kamalayang Panlipunan
B. Kakulangan D. Kamalayan sa Kapaligiran
5. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin”. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging ito ay
gastos man o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
B. Hinahayaan ng isang indibidwal ang magiging resulta ng kanyang
pagpapasya.
C. Hindi pinakikialaman ng isang indibidwal ang presyo ng mga produkto at
serbisyo na nais niyang bilhin.
D. Ang isang indibidwal ay hindi tinitingnan ang presyo ng mga pangunahing
bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
6. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon.
A. Choice B. Trade-Off C. Incentives D. Opprtunity Cost
7. Mahalagang makabuo ng matalinong pasya sa bawat produkto o serbisyong
pagpipilian subalit may pagkakataon na magbago ang isip sa bandang huli dahil sa
inaalok ng mga prodyuser para magbago ang iyong desisyon. Ano ang tawag dito?
A. Opportunity Cost C. Incentives
B. Marginal Thinking D. Trade-Off

6
8. Bilang mag-aaral at kasapi ng iyong pamilya at lipunan, bakit kailangan pag-
aralan ang ekonomiks?
A. Nakakagawa ng matalinong pasya ang mapanuri at mapagtanong sa
nangyayari sa lipunan.
B. Magagamit ang kaalaman sa pagbili ng mga kagustuhan sa buhay.
C. Magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks upang bumili ng maraming
pagkain sa panahon ng pandemya.
D. Nais mong makuha ang mga bagay na gusto mo.
9. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Ano ang idinudulot nito?
A. Sa pamamagitan nito ay malalaman natin kung nakapagdudulot ba ng
kasiyahan ang ating desisyon.
B. Sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo ng
pinakainam na desisyon.
C. Sa pamamagitan nito ay hindi tayo magkamali sa pagpili ng desisyon.
D. Sa pamamagitan nito ay maging kapaki-pakinabang ang bawat desisyon na
gagawin natin sa araw-araw.
10. Gumagawa ng isang ekonomikong pagpapasya ang isang tao araw-araw. Bakit
mahalagang maunawaan ng isang mag-aaral ang kaalaman sa ekonomiks bilang
bahagi ng pamilya?
A. Upang sila ay maging maalam sa mga napapanahong uso.
B. Hinuhubog nito ang pag-unawa sa kanyang kagustuhan lamang.
C. Makakatulong ito sa paghahanapbuhay sa hinaharap.
D. Makakatulong sa pagpapasya sa mga gawaing bahay.
Karagdagang Gawain
Gawain 5: Ang Aking Panata
Napag-alaman mo ang kahulugan ng ekonomiks at ang mga mahahalagang
konsepto nito na makatutulong sa pagbuo ng isang matalinong pagdedesisyon. Isulat ang
iyong mga saloobin at gawin mong panata bilang mag-aaral at bahagi ng iyong pamilya at
ng lipunan. Ang panatang ito ay magiging gabay mo sa pag-unawa ng ekonomiks at ang
kabutihang maidudulot nito sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang Aking Panata

7
Subukin
Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Tayo ay kabilang sa isang malawak na komunidad kung saan iba-iba ang ating mga
prayoridad. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang kailangan para mas mapa-igting
ang pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks?
A. Hindi pakikialam sa mga usaping panlipunan.
B. Paggamit sa mga natutunang batas at programa ng pamahalaan sa ating ikabubuti.
C. Pagsasarili ng pananaw sa mga nangyayari sa paligid.
D. Nakagagawa ng pasya tungkol sa pagbili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.

2. Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng


mga bagay na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?
A. Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.
B. Ang isang indibidwal ay hindi na kailangan gsuriin ang presyo ng mga pangunahing
bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
C. Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang
bilhin.
D. Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa
kanya o wala.

3. Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang
pagpili ng mga bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng
kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
A. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng
desisyon sa buhay.
B. Nakatutulong ang ekonomiks upang mas piliin ang kagustuhan kaysa pangangailangan.
C. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang
kagustuhan mo sa buhay.
D. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa
lipunan.

4. Mahalaga ang impluwensiya ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.


Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
A. Isaalang-alang ang paniniwala, kultura at tradisyon.
B. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan.
C. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.
D. Isaalang-alang ang pagiging mapanuri at makatuwiran.

5. Ang bawat pamilya ay nagpapasya sa loob ng tahanan. Bilang kasapi ng iyong pamilya,
bakit kailangan na mas maunawaan ang kahalagahan ng ekonomiks?
A. Nakatutulong sa pagbuo ng tamang desisyon sa loob ng tahanan.
B. Nagagamit ang kaalaman sa pagbibigay ng hindi makatuwirang opinyon.
C. Walang pakialam sa mga usapin sa pangangailangan ng pamilya.
D. Maaaring sarilihin lamang ang opinyon sa usaping pang-ekonomiko.

6. Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may hinaharap na malaking pandemya na nakaaapekto


sa pamumuhay ng mga tao. Nagsasara ang mga paggawaan at humina ang ekonomiya.
Bilang mamamayan ng bansa, ano ang dapat nating gawin para manumbalik ang sigla ng
ating ekonomiya?
A. Hayaan ang gobyerno na lumutas sa problema ng bansa.
B. Pumunta sa ibang bansa para magbakasyon pagkatapos ng quarantine.
C. Tangkilikin ang sariling produkto para makatulong sa mga Pilipinong negosyante.
D. Magkaroon ng lockdown hanggang limang taon.

7. Mahalagang bahagi ng ekonomiks ang pagiging praktikal sa pang-araw-araw na


pamumuhay. Bakit kailangan matutunan ang kahalagahan ng ekonomiks lalo na sa mga
sitwasyong may pandemya at kaguluhan?
A. Upang mawaldas ang pera ng sambahayan.

8
B. Upang makatutulong ang pamahalaan sa mga tao na naaapektuhan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tulong-pinansiyal.
C. Upang mapili ang pwedeng tulungan.
D. Upang makatipid ang gobyerno dahil sa ipinatupad na lockdown o quarantine.

8. Walang pinipiling edad ng tao upang matutunan ang kahalagahan tungkol sa ekonomiks.
Ano ang idudulot nito sa isang mag-aaral sa pang-araw-araw niyang pamumuhay?
A. Magiging mapanuri at mapagtanong sa paligid.
B. Matutong gumastos sa mga hindi importanteng bagay.
C. Mas nanaisin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
D. Makatutulong sa mayayamang mamumuhunan sa paglago ng pambansang ekonomiya.

9. Pinapahalagahan sa ekonomiks ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran.


Paano mo maipakikita ang iyong natutunan tungkol dito sa pang-araw-araw na
pamumuhay?
A. Pagbabadyet ng allowance.
B. Bumili ng kape sa mamahaling coffee shop upang may kita ang tindahan.
C. Bumili ng mga bilihing naka-discount kahit hindi gagamitin.
D. Walang pakialam sa nangyayari sa lipunan.

10. Bahagi ng ekonomiks ang paggawa ng mga produkto upang matustusan ang maraming
pangangailangan ng tao. Ano ang pinakamahalagang paraan para matugunan ang walang
katapusang pangangailangan ng tao?
A. Dapat magnegosyo at ipagpaliban ang pag-aaral.
B. Maging matalino sa pagdedesisyon.
C. Iwasang mag-impok ng pera sa banko para may kita ang bansa.
D. Walang pakialam sa kasalukuyang nangyayari.

9
Aralin

2 Ang Kahalagahan ng Ekonomiks

Balikan
Gawain 1: Nasa Kahon Ang Sagot!
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Alamin kung alin sa konseptong
natalakay na sa nakalipas na aralin ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang mga sagot
na makikita sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa iyong activity notebook.

KAKAPUSAN PAMAYANAN SAMBAHAYAN


OPPORTUNITY COST MARGINAL THINKING
KAKULANGAN TRADE-OFF
1. Nagpaplano kung paano mahahati-hati ang mga gawain at
nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming pangangailangan
at kagustuhan.
2. Tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.
3. May limitasyon ang kanyang kakayahan at may limitasyon din ang
ibang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at yamang kapital.
4. Sinusuri muna ng isang indibidwal ang karagdagang halaga maging
ito ay gastos man o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
5. Gumagawa ng mga desisyon kung anong produkto at serbisyo ang
gagawin, gaano karami ang gagawin, paano gagawin at para kanino.
Tuklasin
Gawain 2: Sang-ayon Ka Ba o Hindi?
Sagutin ng buong katapatan ang mga sumusunod na pahayag na napapaloob sa
tsart. Lagyan ng tsek ang loob ng kahon kung ikaw ay sumasang-ayon o hindi sa bawat
pahayag. Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Gawin sa iyong notebook.
4 – Mariing Sumasang-ayon 2 – Hindi Sumasang-ayon
3 – Sumasang-ayon 1 – Lubos na Hindi Sumasang-ayon
Kapag iyong naunawaan ang ekonomiks, ikaw ay: 4 3 2 1
1. Maaaring maging higit na mapanuri sa nagyayari sa
kapaligiran.
2. Makapagbibigay ng opinyon tungkol sa mahahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya.
3. Makapag-uunawa sa napapanahong isyu na may
kinalaman sa usaping pang-ekonomiko.
4. Makatutulong sa pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.
5. Makakaunawa sa mga batas at programa ng pamahalaan
kaugnay sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
1. Anu-anong mga bilang na nasa talahanayan ang sinang-ayunan mo? Mahalaga
ba ang mga pahayag na ito sa lubos na pag-unawa sa ekonomiks? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

2. May mga pahayag ba na hindi mo sinang-ayunan? Alin at bakit?

1
10
0
Suriin
Ang Kahalagahan ng Ekonomiks
Sa pag-aaral ng ekonomiks ay mas lalo nating mauunawaan ang pagbuo ng isang
matalinong pagpapasya. Aalamin natin ang kahalagahan ng ekonomiks bilang mag-aaral,
bilang bahagi ng iyong pamilya at bilang bahagi ng lipunan.
Bilang mag-aaral, kapag naunawaan ang kahalagahan ng ekonomiks ay mas lalo
kang maging mapanuri at mapagtanong sa mga nangyayari sa iyong paligid. Nakatutulong
ito sa pagbuo ng mga matatalinong pagpapasya tungo sa kinabukasan. Hinuhubog nito ang
iyong pag-unawa sa mga bagay-bagay na maaaring makatulong sa loob ng tahanan.
Nagkakaroon ka ng interes sa mga usaping pang-ekonomiko na nakatutulong sa mas
malawak na pag-uunawa sa buhay mo at buhay ng ibang tao.
Bilang bahagi ng iyong pamilya, ang mga natutunan sa ekonomiks ay magagamit sa
mga pagdedesisyon sa loob ng tahanan. Ang iyong kaalaman ay magagamit sa pagbibigay
ng mga makatuwirang opinyon tungkol sa pagdedesisyon ng iyong pamilya. Ang mga
desisyong ito ay may kinalaman sa usapin sa pag-aaral, pagnenegosyo, paggasta, at
pagtugon sa maraming pangangailangan at kagustuhan ng iyong pamilya. Ang mga sariling
pananaw na maibabahagi sa iyong pamilya ay hango sa iyong natutunan sa pag-aaral ng
ekonomiks.
Bilang bahagi ng lipunan, mas mauunawaan mo ang iba’t ibang usaping panlipunan
kasama na ang usaping pang-ekonomiko. Magagamit mo ang mga natutunan mo sa
ekonomiks lalo na sa mga batas at programa na ipinatupad ng pamahalaan na may
kinalaman sa pagpapaunlad ng ekonomiya at ng buhay ng tao. Mas lalo mong lubos na
mauunawaan ang mga nangyayari sa paligid at ang mga isyung kinakaharap ng bansa.
Magagamit mo ang iyong mga natutunan sa ekonomiks para makapagbigay ng sariling
pananaw sa mga suliranin na kinakaharap at dinaranas ng bansa.
Pagyamanin
Gawain 3: Ako, Pamilya at Lipunan
Ihayag ang iyong mga saloobin tungkol sa kahalagahan ng ekonomiks at kung paano
mo magagamit ang kaalamang ito sa pang-araw-araw na pamumuhay lalung-lalo na sa
pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.

http://clipartandscrap.com/student-clip-art_28084/
Bilang isang mag-aaral, paano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-
araw na pamumuhay? Ipaliwanag.

https://favpng.com/png_view/house-house-vector-graphics-clip-art-mother-home-png/mhVz1QAb
Bilang bahagi ng pamilya, paano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-
araw na pamumuhay? Ipaliwanag.

11
https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-jtjkj
Bilang bahagi ng lipunan, paano mo magagamit ang kaalaman sa ekonomiks sa pang-araw-
araw na pamumuhay? Ipaliwanag.

Isaisip
Gawain 4: Saan Ka Napapabilang?
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang pahayag
ay tumutukoy sa kahalagahan ng ekonomiks bilang mag-aaral, bilang bahagi ng pamilya at
bilang bahagi ng lipunan. Isulat lamang sa iyong activity notebook ang BM, BBP at BBL sa
ibaba.
BM – Bilang Mag-aaral
BBP – Bilang Bahagi ng Pamilya
BBL – Bilang Bahagi ng Lipunan
1. Nauunawaan ngayon ang iba’t ibang usaping panlipunan tulad ng usaping
pang-ekonomiko ng bansa.
2. Nagiging mapanuri ka sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran.
3. Nagagamit sa pagdedesisyon sa mga mahahalagang usapin sa loob ng
tahanan.
4. Nagagamit sa pagbibigay ng mga makatuwirang opinyon tungkol sa
pagdedesisyon ng iyong pamilya.
5. Nagagamit sa pag-unawa sa mga batas at programa na ipinatupad ng ating
gobyerno.
6. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga matatalinong pagpapasya tungo sa
iyong kinabukasan gaya ng paghahanapbuhay.
7. Mas lubos na naunawaan ang mga isyu at suliranin na kinakaharap ng
ating bansa.
8. Naibabahagi ang sariling pananaw sa pamilya.
9. Mas napapalawak ang pag-unawa sa sariling buhay at desisyon.
10. Mas lalong naiintindihan ang mga suliranin ng bansa at makapagbibigay
ng pananaw sa mga suliraning ito.

Isagawa
Gawain 5: Pagsulat ng Repleksiyon
Sumulat ng isang maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutunan sa
kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay bilang isang mag-aaral at bahagi ng pamilya at
ng lipunan. Isulat ito sa activity notebook.

Ang Aking Natutunan

12
Buod
Ang kahalagahan ng ekonomiks ay nakatutulong sa pagbuo ng matatalinong
pagpapasya sa pagtaguyod ng pang-araw-araw na pamumuhay. Batay sa mga nailalahad
na mga konsepto at gawain, natutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
• Ang kahalagahan ng ekonomiks bilang isang mag-aaral ay nakakatulong ng malaki
upang mauunawaan ang kanilang papel bilang mapanuri at mapagtanong sa mga
pangyayaring nagaganap sa kapaligiran.
• Ang kahalagahan ng ekonomiks bilang isang bahagi ng pamilya ay mas nauunawaan
ang paggamit ng makatuwirang opinyon tungkol sa pagdedesisyon sa mga bagay na
may kinalaman sa loob ng tahanan.
• Ang kahalagahan ng ekonomiks bilang isang bahagi ng lipunan ay isang malaking
hamon upang mas lalong maunawaan ang mga ipinapatupad na mga batas at mga
programa ng ating pamahalaan.
Pagtatasa
Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot sa activity notebook.
1. Sa ekonomiks kailangang maging makatuwiran ang tao sa kanyang pag-iisip sa pagpili ng
mga bagay na mapapakinabangan. Ano ang kahalagahan nito sa panahon ng pandemya?
A. Kailangan suriin ang mga produktong bibilhin dahil limitado ang pagkakaroon ng salapi.
B. Ang isang indibidwal ay hindi na kailangan gsuriin ang presyo ng mga pangunahing
bilihin sapagkat ang mga ito ay mahalaga para sa kanya.
C. Hindi pakikialaman ang mataas na presyo ng mga produkto at serbisyo na nais niyang
bilhin.
D. Hahayaan na lamang ng isang indibidwal kung ang produkto ay may pakinabang sa
kanya o wala.
2. Tayo ay kabilang sa isang malawak na komunidad kung saan iba-iba ang ating mga
prayoridad. Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang kailangan para mas mapa-igting
ang pag-aaral sa kahalagahan ng ekonomiks?
A. Hindi pakikialam sa mga usaping panlipunan.
B. Paggamit sa mga natutunang batas at programa ng pamahalaan sa ating ikabubuti.
C. Pagsasarili ng pananaw sa mga nangyayari sa paligid.
D. Nakagagawa ng pasya tungkol sa pagbili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan.
3. Malaki ang naging ambag ng ekonomiks sa tao upang maging marunong sa kanyang
pagpili ng mga bagay na mas kailangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng
kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao?
A. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay maging matalino at mapanuri sa pagbuo ng
desisyon sa buhay.
B. Nakatutulong ang ekonomiks upang mas piliin ang kagustuhan kaysa pangangailangan.
C. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay higit na gumastos sa mga luho at iba pang
kagustuhan mo sa buhay.
D. Nakatutulong ang ekonomiks upang ikaw ay hindi makialam sa mga nangyayari sa
lipunan.
4. Mahalaga ang impluwensiya ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng
desisyon?
A. Isaalang-alang ang paniniwala, kultura at tradisyon.
B. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan.
C. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.
D. Isaalang-alang ang pagiging mapanuri at makatuwiran.
5. Mahalagang bahagi ng ekonomiks ang pagiging praktikal sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Bakit kailangan matutunan ang kahalagahan ng ekonomiks lalo na sa mga
sitwasyong may pandemya at kaguluhan?
A. Upang mawaldas ang pera ng sambahayan.
B. Upang makatutulong ang pamahalaan sa mga tao na naaapektuhan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tulong-pinansiyal.
C. Upang mapili ang pwedeng tulungan.
D. Upang makatipid ang gobyerno dahil sa ipinatupad na lockdown o quarantine.
6. Ang bawat pamilya ay nagpapasya sa loob ng tahanan. Bilang kasapi ng iyong pamilya,
bakit kailangan na mas maunawaan ang kahalagahan ng ekonomiks?

13
A. Nakatutulong sa pagbuo ng tamang desisyon sa loob ng tahanan.
B. Nagagamit ang kaalaman sa pagbibigay ng hindi makatuwirang opinyon.
C. Walang pakialam sa mga usapin sa pangangailangan ng pamilya.
D. Maaaring sarilihin lamang ang opinyon sa usaping pang-ekonomiko.
7. Sa kasalukuyan ang Pilipinas ay may hinaharap na malaking pandemya na nakaaapekto
sa pamumuhay ng mga tao. Nagsasara ang mga paggawaan at humina ang ekonomiya.
Bilang mamamayan ng bansa, ano ang dapat nating gawin para manumbalik ang sigla ng
ating ekonomiya?
A. Hayaan ang gobyerno na lumutas sa problema ng bansa.
B. Pumunta sa ibang bansa para magbakasyon pagkatapos ng quarantine.
C. Tangkilikin ang sariling produkto para makatulong sa mga Pilipinong negosyante.
D. Magkaroon ng lockdown hanggang limang taon.
8. Walang pinipiling edad ng tao upang matutunan ang kahalagahan tungkol sa ekonomiks.
Ano ang idudulot nito sa isang mag-aaral sa pang-araw-araw niyang pamumuhay?
A. Magiging mapanuri at mapagtanong sa paligid.
B. Matutong gumastos sa mga hindi importanteng bagay.
C. Mas nanaisin ang kagustuhan kaysa sa pangangailangan.
D. Makatutulong sa mayayamang mamumuhunan sa paglago ng pambansang ekonomiya.
9. Bahagi ng ekonomiks ang paggawa ng mga produkto upang matustusan ang maraming
pangangailangan ng tao. Ano ang pinakamahalagang paraan para matugunan ang walang
katapusang pangangailangan ng tao?
A. Dapat magnegosyo at ipagpaliban ang pag-aaral.
B. Maging matalino sa pagdedesisyon.
C. Iwasang mag-impok ng pera sa banko para may kita ang bansa.
D. Walang pakialam sa kasalukuyang nangyayari.
10. Pinapahalagahan sa ekonomiks ang mga pangyayaring nagaganap sa iyong kapaligiran.
Paano mo maipakikita ang iyong natutunan tungkol dito sa pang-araw-araw na
pamumuhay?
A. Pagbabadyet ng allowance.
B. Bumili ng kape sa mamahaling coffee shop upang may kita ang tindahan.
C. Bumili ng mga bilihing naka-discount kahit hindi gagamitin.
D. Walang pakialam sa nangyayari sa lipunan.
Karagdagang Gawain
Gawain 6: Eco-Slogan
Gumawa ng slogan na may anim hanggang labindalawang salita tungkol sa
kahulugan at kahalagahan ng ekonomiks sa iyong buhay. Ang gawaing ito ay magsisilbing
gabay mo bilang isang mabuting mag-aaral at bahagi ng pamilya at ng lipunan. Isulat ang
naisip na slogan sa loob ng kahon.

14
RUBRIK SA PAGGAWA NG SLOGAN
PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHAN
G PUNTOS
Presentasyon Maliwanag ang 10
pagkasulat at
pagkagawa,
Katuturan Angkop ang mga 10
salitang ginamit.
Kabuuang Puntos 20

15
Subukin (Pre-Test)
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa activity notebook ang sagot.
1. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili ang
paggawa ng mga produkto at serbisyo.
A. Command economy B. Mixed economy
C. Market economy D. Traditional economy
2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang
makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan?
A. Alokasyon B. Sistemang Pang-ekonomiya
C. Distribusyon D. Produksiyon
3. Sa ilalim ng mixed economy, kaninong desisyon nakasalalay kung anong produkto at
serbisyo ang lilikhain?
A. Pamahalaan B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Pamilihan
4. Sa loob ng pamilihan, kailangan ng instrumento sa pagtatakda kung gaano karami ang
bibilhin ng mga mamimili at gaano karami ang malilikhang mga produkto at serbisyo ng
mga prodyuser. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing instrumento ng konsyumer at
prodyuser?
A. Presyo B. Produkto
C. Pamilihan D. Pagpapalitan
5. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng isang tradisyunal na
ekonomiya?
A. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kumikilos alinsunod sa kanyang personal
na interes.
B. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at kababaihang
nagtatanim.
C. Ang bawat pamilya ay may kalayaang makabili ng produkto batay sa salapi nito.
D. Ang mga kalalakihan ay maaaring makapamili ng kanilang nais na pasukang
trabaho.
6. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang market economy, alin sa sumusunod ang iyong
gampanin bilang kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng pamahalaan
batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng
pamahalaan.
C. Sama-sama ninyong isasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang- yaman.
D. Mayroon kayong economic freedom ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa
iilang gawain.
7. Ang bawat lipunan ay may sistemang pang-ekonomiya na sinusunod. Bakit mahalagang
magkaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang isang lipunan?
A. Upang mapakinabangan ng ilang tao ang mga malilikhang kalakal o serbisyo
B. Upang makapamili ng mga bagay na mahalaga lamang sa paglikha ng kalakal at
serbisyo.
C. Upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon, distribusyon at
alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
D. Upang magamit ang iba pang mga pamamaraang panteknolohiya sa pagbuo ng
mga produkto at serbisyo.
8. Napakaraming desisyon ang nagaganap sa market economy. Paano napapanatili ang
kaayusan sa loob nito?
A. Ang iba’t ibang uri ng transaksiyon sa pagitan ng nagtitinda at mamimili, naitatakda
ang halaga o presyo ng isang kalakal o serbisyo.
B. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse ng konsyumer at prodyuser sa loob ng
pamilihan.
C. Mas maraming malilikhang produkto ang konsyumer kung kaaya-aya ang presyo.
D. Pinipili lamang ng mga prodyuser ang mga produktong dinadala nila sa pamilihan.
9. Bawat sistemang pang-ekonomiya ay may ginagawang pagpapasya sa produksyon.
Paano natutukoy ng pamahalaan ang inaasahang produksiyon sa command economy?

16
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak ng plano.
B. Sa pamamagitan ng tamang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng desentralisadong desisyon o plano.
D. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa ng mga produkto
at serbisyo.
10. Paano nakatutulong ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahagi ng mga
pangangailangan ng bawat mamamayan ng isang bansa?
A. Tinitiyak nito ang prayoridad na mabigyan ang lahat ng tao sa kanilang mga
pangangailangan.
B. Tinitiyak nito na magkaroon ng maayos na alokasyon upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan.
C. Tinitiyak nito na makamit ng mga mamamayan ng bansa ang kasaganahan sa
buhay.
D. Tinitiyak nito na maipamahagi ang mga pinagkukunang-yaman sa mga tunay na
nangangailangan.

17
Iba’t Ibang Sistemang
Aralin Pang-ekonomiya
3
Balikan
Napag-aralan mo sa nakaraang modyul na ang ekonomiks ay ang pag-aaral
kung paano magagamit ng mabuti ang mga limitadong pinagkukunang yaman. Sa
panahon ng krisis sa COVID 19, limitado ang pagtatrabaho ng iyong mga magulang
kung kaya’t limitado rin ang kanilang pinagkukunan ng gastos. Sa anong paraan maaari
kang makatulong sa iyong pamilya sa panahong ito? Isulat ang sagot sa activity
notebook.

Tuklasin
WAT AWAT-SURI!
Suriin ang larawan at uriin kung anong bansa ang sinasagisag ng mga ito.
Hanapin sa loob ng kahon ang uri ng sistemang pang-ekonomiya mayroon ang
bawat bansa. Isulat ang sagot sa activity notebook.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:US_flag_51_stars.svg

https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_the_Philippines

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_of_Haiti_(1859%E2%80%931964).svg

https://commons.wikimedia.org/wiki/File_of_the_People%27s_Republic_of_China.svg

18
➢ Traditional Economy Pamprosesong Tanong:
➢ Market Economy
➢ Command Economy - Ano ang iyong masasabi sa uri o sistemang
➢ Mixed Economy pang-ekonomiya ng mga bansang ito?

Suriin
Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay lumilikha ng
kakapusan at kakulangan ng mga pinagkukunang-yaman. Nagdudulot ito ng mga
suliraning pang-ekonomiya na maaaring magresulta sa kaguluhan at kahirapan sa
lipunan. Dahil dito, mahalaga na magkaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang
bansa. Ito ay para sa organisdo at tamang pagdedesisyon ng pamamahagi ng mga
pinagkukunang-yaman. Halina’t umpisahan nating suriin ang iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan.

Sistemang Pang-ekonomiya
Ang sistemang pang-ekonomiya ay paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang
yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning nakapaloob sa produksiyon,
distribusyon, alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Kailangang tumugon ang bawat
lipunan sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-anong
produkto at serbisyo ang gagawin? Pangalawa, gaano karami ang gagawing produkto
at serbisyo?
Pangatlo, papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Pang-huli, para
kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
Ang alokasyon ay isang napakahalagang konsepto ng ekonomiks. Ito ang
mekanismong ginagamit para sa paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-
yaman. Sumasagot ito sa mga suliraning pang-ekonomiya ng bansa. Isinasagawa
ang alokasyon upang hindi humantong sa pagkaubos ang mga limitadong pinagku-
kunang yaman. Tinutukoy din sa alokasyon kung paano at sino ang magbibigay-
halaga sa mga pinagkukunang-yaman.

Tunghayan natin sa susunod na pahina ang mga sistemang pang-ekonomiya….

Sistemang Pang-ekonomoiya

Traditional Economy Command Economy


-Nakabatay sa pangangailangan ng pamayanan -Nakabatay sa kautusan ng pamahalaan ang
ang paggawa ng mga produkto at serbisyo. paggawa ng produkto at serbisyo.
-Nakaayon sa mga sinaunang pamamaraan at -Ang pamahalaan ang magdedesisyon kung paano
tradisyon ang pruduksiyon. gagawin ang mga produkto at serbisyo na nakaayon
-Para sa mga madla ang ginagawang produkto at sa pangunahing pangangailangan ng mga tao. Ang
serbisyo. Kinakalakal naman ang mga sobrang nagmamay-ari ng yaman ay ang pamahalaan.
produkto. -Para sa lahat at sa Kaunlaran ng estado ang
ginagawang produkto at serbisyo.
Market Economy
-Nakabatay sa kagustuhan ng mga mamimili Mixed Economy
ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
-Nakabatay sa pamahalaan at pribadong mga
-Mga pribadong tao o pribadong kompanya
nagmamay-ari ang paggawa ng desisyon sa
ang komokontrol ng produksiyon at nasa
pamilihan.
kamay nila ang paggawa ng mga produkto.
-Maaaring pinagsama ang
-Tinatawag na free enterprise dahil malaya
pamahalaan at pribadong tao para matugunan
ang lahat na pumasok o lumabas sa
ang mga pangangailangan sa kasanayan,
negosyong nais niya.
teknolohiya, at puhunan.
-Para sa mga mamimili ang mga produkto at
-Ang mga produkto at serbisyo ay pagmamay-
serbisyo.
ari ng pamahalaan at pwede rin ang priba-
-Presyo ng mamimili at nagbibili ang umiiral
dong tao na magmamay-ari ng yaman.
sa pamilihan.

19
Pagyamanin
SISTEMA, IKA MO!
Punan ang kahon sa kanan ng mga sagot mula sa mga pangunahing
katanungang pang-ekonomiko batay sa mga ibinigay na uri ng sistemang pang-
ekonomiya. Isulat sa activity notebook ang sagot.
Nagpapasya (kung ano- Paraan ng Pagpapasya
Sistemang anong produkto at (kung papaano gagawin
Pang-ekonomiya serbisyo ang ang produkto at
gagawin?) serbisyo?)
Traditional Economy
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy

TANONG MO, TUGON KO!


Gamit ang cluster map, sagutin ang mga katanungang nasa kanang bahagi at
isulat ang sagot sa activity notebook.
1. Ano ang katangian ng traditional economy?
1. 2. Paano mo ilalarawan ang market economy?
3. Sa command economy, sino ang
nagpaplano ng ekonomiya?
4. Ano ang mixed economy?
Iba't ibang
Sistemang
2. Pang- 3.
ekonomiya

https://freesvg.org/mike-the-mic-
asking-a-question-vector-clip-art
4.

Isaisip
WALL OF TRAITS!
Magtala ng mga katangian ng sistemang pang-ekonomiya gamit ang graphic
organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa activity notebook.

Sistemang Pang-ekonomiya

Traditional Economy Market Economy

Katangian

Command Economy Mixed Economy

20
Para sa iyo, ano sa palagay mo ang angkop na sistemang pang-ekonomiya sa
Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isagawa
Basahing mabuti ang artikulo sa ibaba at suriin kung anong sistemang pang-ekonomiya
ang nabanggit at magbigay nga mga katangian nito na nasa artikulo. Gamitin ang
graphic organizer sa pagsulat ng mga kasagutan sa inyong activity notebook.

Sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ito ang sistemang
namayaning pang-ekonomiyang kaisipan na gumagabay pagdating sa mga patakaran
ng napakaraming bansa sa buong daigdig nuong mga naunang panahon. Nagbibigay
ito ng mga kaisipang nagsusulong na ang kapangyarihan ng isang partikular na bansa
ay nakadepende sa dami ng suplay ng mga ginto at pilak. Noong unang panahon,
nakadepende ang pagkakaroon ng kapangyarihan at pamumuno ng isang pinuno sa
dami ng ginto at pilak na mayroon ang isang tao. Maraming bansa sa Europa ang
nagtuon ng pansin sa pagkolekta ng napakaraming ginto at pilak na kanilang ginawa sa
pamamagitan ng pananakop sa mga bansang mahihina. Karagdagan nito, ang
sistemang ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang isang bansa ay uunlad sa
pamamagitan ng pagpigil sa pag-angkat at pagsuporta sa pag-export ng mga kalakal.
Sapagkat, ang pangunahing layunin ng Merkantilismo ay ang pagkakaroon ng isang
balanseng pangangalakal na magdadala ng ginto at pilak sa bansa at pagpapanatili ng
tinatawag ng domestic employment. https://www.slideshare.net/Avilei/merkantilismo-50717164

Buod

Ang sistemang pang-ekonomiya ay paraan ng pagsasaayos ng


iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa suliraning
pangkabuhayan ng isang lipunan. Sa mga nakalipas na gawain na
iyong isinagawa, natuklasan mo ang mga sumusunod:
• Sa tradisyunal na ekonomiya, ang mekanismo ng alokasyon ay
nakabatay sa tradisyun, kultura, at paniniwala
• Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang
pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang
pamilihan.
• Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng
komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
• Ang mixed economy ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang
desisyon kung paano gagamitin ang mga pinagkukunang-yaman ay
nasa kamay ng pribadong sector at pamahalaan.

21
Tayahin (Post-Test)
Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa activity notebook ang sagot.
1. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng mga
mamimili ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
A. Command economy B. Mixed economy
C. Market economy D. Traditional economy
2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya
upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan?
A. Alokasyon B. Sistemang Pang-ekonomiya
C. Distribusyon D. Produksiyon
3. Sa ilalim ng mixed economy, kaninong desisyon nakasalalay kung anong
produkto at serbisyo ang lilikhain?
A. Pamahalaan B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Pamilihan
4. Sa loob ng pamilihan, kailangan ng instrumento sa pagtatakda kung gaano
karami ang bibilhin ng mga mamimili at gaano karami ang malilikhang mga
produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Alin sa mga sumusunod ang
nagsisilbing instrumento ng konsyumer at prodyuser?
A. Presyo B. Produkto
C. Pamilihan D. Pagpapalitan
5. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging tradisyunal
na ekonomiya?
A. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kumikilos alinsunod
sa kanyang personal na interes.
B. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at
kababaihang nagtatanim.
C. Ang bawat pamilya ay may kalayaang makabili ng produkto batay
sa salapi nito.
D. Ang mga kalalakihan ay maaaring makapamili ng kanilang nais na
pasukang trabaho.
6. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang market economy, alin sa sumusunod ang
iyong gampanin bilang kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam
ng pamahalaan.
C. Sama-samang ninyong isasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang-yaman.
D. Mayroon kayong economic freedom ngunit may control pa rin ang
pamahalaan sa iilang gawain.
7. Ang bawat lipunan ay may sistemang pang-ekonomiya na sinusunod. Bakit
mahalagang magkaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang isang lipunan?
A. Upang mapakinabangan ng ilang tao ang mga malilikhang kalakal o
serbisyo
B. Upang makapamili ng mga bagay na mahalaga lamang sa paglikha ng
kalakal at serbisyo.
C. Upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon,
distribusyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
D. Upang magamit ang iba pang mga pamamaraang panteknolohiya sa
pagbuo ng mga produkto at serbisyo.
8. Napakaraming desisyon ang nagaganap sa market economy. Paano
napapanatili ang kaayusan sa loob nito?
A. Ang iba’t ibang uri ng transaksiyon sa pagitan ng nagtitinda at mamimili,
naitatakda ang halaga o presyo ng isang kalakal o serbisyo.
B. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse ng konsyumer at prodyuser sa
loob ng pamilihan.
C. Mas maraming malilikhang produkto ang konsyumer kung kaaya-aya
ang presyo.

22
D. Pinipili lamang ng mga prodyuser ang mga produktong dinadala nila sa
pamilihan.
9. Bawat sistemang pang-ekonomiya ay may ginagawang pagpapasya sa
produksyon. Paano natutukoy ng pamahalaan ang inaasahang produksiyon sa
command economy?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak ng plano.
B. Tamang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng desentralisadong desisyon o
plano.
D. Pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa ng mgaprodukto at serbisyo.
10. Paano nakatutulong ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahagi ng mga
pangangailangan ng bawat mamamayan ng isang bansa?
A. Tinitiyak nito ang prayoridad na mabigyan ang lahat ng tao sa kanilang
mga pangangailangan.
B. Tinitiyak nito na magkaroon ng maayos na alokasyon upang
matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
C. Tinitiyak nito na makamit na mga mamamayan ng bansa ang
kasaganahan sa buhay.
D. Tinitiyak nito na maipamahagi ang mga pinagkukunang-yaman sa mga
tunay na nangangailangan.
Karagdagang Gawain
QUALITY-EFFECT!

Maglista ng dalawang kabutihang dulot ng iba’t ibang sistemang pang-


ekonomiya at ang epekto nito sa lipunan. Isulat ang sagot sa activity notebook.
Kabutihang Dulot Epekto
1.
2.

23
Subukin
Basahin ang bawat aytem ng mabuti at isulat ang titik ng tamang sagot sa activity
notebook.
1. Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng
mga salik upang makabuo ng output.
A. Pagkonsumo B. Produksyon C.Distribusyon D. Alokasyon
2. Saklaw nito ang lahat ng yamang pisikal sa ibabaw o ilalim pati ang yamang tubig,
yamang mineral at yamang gubat bilang mahalagang salik sa paglikha ng
produkto.
A. Lupa B. Lakas Paggawa C. Entrepreneur D. Kapital
3. Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makapagsimula ng negosyo sa nabuong
produkto o serbisyo.
A. Lupa B. Lakas Paggawa C. Entrepreneurship D. Kapital
4. Tinaguriang mga kalakal o kagamitan tulad ng makinarya o kasangkapan na nakalilikha
ng iba pang produkto.
A. Lupa B. Lakas Paggawa C. Entrepreneur D. Kapital
5. Mahalaga ang lupa bilang isang salik ng produksyon. Alin sa mga pangungusap ang
magpapatunay sa kahalagahan nito?
A. Pinatatayuan ito ng pagawaan, tulay at daan, mayroon ding yamang mineral, yamang
tubig at yamang gubat na makukuha.
B. Nagbibigay ito ng serbisyo o produkto sa ekonomiya ng bansa.
C. Ang kita o upa mula rito ay nagbibigay kapital sa lakas paggawa, nagbibigay trabaho
sa entrepreneur at kinokunsumo ng kapital.
D. Makukuha mula rito ang interes na ginagamit para sa ating ekonomiya.
6. Ang lakas paggawa ay tinuturing na mahalagang salik ng produksyon. Paano ito
mapatutunayan?
A. Nakasalalay ditto ang sahod na maaring ibigay sa kapital para makabuo ng isang
produkto.
B. Pinagbabasehan ditto ang dami ng oras para sa upa na ibibayad sa lupa.
C. Pangunahing batayan ditto ang panahon at lakas sa pagproseso para makalikha ng
produkto.
D. Walang silbi kung hindi ginagawa ng entrepreneur ang kanyang tungkulin.
7. Kung ang makukuhang kita sa lupa ay upa, sa entrepreneur ay tubo at sa lakas paggawa
ay sahod, ano namang uri ng kita ang makukuha sa kapital?
A. Sweldo B. Interes C. Makinarya D.Sasakya
8. Ang entrepreneur ang gumaganap bilang tagapag-ugnay sa ibang naunang salik ng
produksyon. Anong katangian ang dapat niyang taglayin bilang may mahalagang
gampanin sa produksyon?
A. Dapat magpakita ng mabilis na paggawa at may kakayahang pisikal.
B. Dapat malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago.
C. Dapat hindi nakasalalay sa interes ng kapital, upa sa lupa at sahod sa paggawa.
D. Dapat isinasaisip ang apat na salik ng produksiyon.
9. Ang salik ng produksyon ay mahalaga sa pang araw-araw na pamumuhay. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Ang kita sa bawat salik ng produksiyon ay ginamit sa pagbili ng produkto o serbisyo.
B. Sa pamamagitan ng produksyon nagagawa ng tao ang pagkokonsumo.
C. Mas mahalaga ang salik ng produksyon sa salik ng pagkonsumo.
D. Ang mga salik ng produksyon ay nakatutulong sa pagbibigay tulong sa mga tao.
10. Mahalaga ang paglikha ng produkto at serbisyo sa ekonomiya. Gaano kahalaga ang
mga salik ng produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto?
A.Nagmumula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital
ang mga makinarya at sa entrepreneur ang abilidad na mapagsasama ang mga salik
para sa produksyon.
B. Nakakukuha ng kabayaran mula sa lakas paggawa, entreprenyur, lupa at kapital
C. Nakabubuo ng lim itadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon.
D. Nakakukuha ng tubo sa lupa, interes sa lakas paggawa, upa sa entrepreneur at sahod
sa kapitalista

24
Aralin Mga Salik ng Produksyon
4
Balikan
Kumpletuhin ang mga salita o konseptong tinutukoy batay sa mga pahayag sa bawat aytem.
1. Nakabatay sa sinaunang pamamaraan ang produksyon at maliwanag na may
pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito.
T _ _ D _ _ U
2. Tinatawag ito na malayang pamilihan dahil malaya ang lahat na pumasok o
lumabas sa negosyo na nais nya.
R T
3. Ang nagmamay-ari ng yaman ay ang pamahalaan at ang pamahalaan siya ring
nagtatakda ng presyo sa pamilihan at maging ang pagpaplano kung anong
produkto at serbisyo ang gagawin
C M N
4. Nakabatay sa pamahalaan at pribadong nagmamay-ari ang paggawa ng desisyon
sa pamilihan.
I D
Tuklasin
Anyo ko Ibahin mo!
Suriing mabuti ang larawan at sumulat ng limang produkto na pwedeng magawa o mabuo sa
isang puno ng niyog. Ilagay ang iyong sagot sa activity notebook.

Tapos na Produkto

https://www.publicdomainpictures.net/en/view-
image.php?image=305326&picture=coconut-palm-tree
Tanong:
1. Ano ang tawag sa proseso ng pagapapalit-anyo ng produkto sa pamamgitan ng
pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng tapos na produkto?

2. Pumili ng isang produkto na iyong naitala sa tapos na produkto at isulat ang mga
kagamitan na ginamit sa pagbuo nito.

Tsek ko, Gabay ko!


Suriing mabuti ang salik ng produksyon sa bawat nabanggit na input. Lagyan ng tsek kung
saan ito napabilang.

25
SALIK NG PRODUKSYON
INPUT LUPA PAGGAWA KAPITAL ENTREPRENYUR
Gusali
Tulay
Daan
Tindahan
Upa
Tubo
Interes
Sahod
Sasakyan
Makina
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang pinagbabatayan mo sa paglagay ng tsek sa bawat input?

2. Paano mo iuugnay ang input sa salik na produksyon?

Suriin
Kahulugan ng Produksyon
Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaring agad na magamit ng tao.
Kinakailangan muna itong dumaan sa produksyon upang maging higit na mapakinabangan.
Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng mga input upang makabuo ng output.
Ang mga salik na ginagamit sa pagbuo ng produkto ay tinatawag na input. Ang output naman
ay tumutukoy sa mga tapos na produkto. Halimbawa, kinakailangan ng input na kahoy,
kagamitan o kasangkapan, at manggagawa upang makabuo ng output na mesa o silya.
Mga Salik Ng Produksyon
Nagagawa ang isang produkto sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng
salik ng produksyon (lupa, lakas paggawa, kapital at entrepreneur). Mahalaga ang mga
salik na ito upang makabuo ng produkto na magagamit sa araw-araw na pagkokonsumo ng
mga tao.
Makikita sa ibaba ang diagram na nagpapakita ng ugnayan ng mga salik ng
produksyon.
LUPA

MGA SALIK NG PAGGAWA


KAPITAL PRODUKSYON

ENTEPRENYUR
Lupa bilang Salik ng Produksyon
• Ang lupa ay isang pangkalahatang kataga
para sa materyal na nasa ibabaw ng daigdig,

• Sa ekonomiks, hindi lamang ito tumtukoy


sa pinagtamnan ng magsasaka sa
kanilang pananim o di kaya’y
pinagtatayuan ng bahay.

• Tumutukoy din ito sa lahat ng yamang


pisikal sa ibabaw o ilalim pati ang yamang
tubig, yamang mineral at yamang gubat.
Malaki man o maliit, mahalaga ang
wastong paggamit nito. Upa ang
https://pixabay.com/photos/nature-first-may-coconut-trees- makukuhang kita sa lupa.
5111906/

26
Paggawa Bilang Salik ng Produksyon
• Ang lakas paggawa ay
tumutukoy sa kakayahan ng
tao sa produksyon ng
kalakal o serbisyo.

• Hindi magiging kapaki


pakinabang ang mga likas na
yaman at mga hilaw na
materyales kung hindi ito
ginagawang produkto o
serbisyo na kung saan
kinakailangan ang
kasanayan ng isang
manggagawa.

https://edition.channel5belize.com/archives/141051

• Inuuri sa dalawa ang lakas paggawa. Una, ang mga manggagawang may kakayahang
mental o silang tinatawag na white collar job. Halimbawa nito ay doctor, abogado,
inhenyero at iba pa. Ang ikalawa ay mga mangagawang may kakayahang pisikal o
blue collar job na mas ginagamit ang lakas paggawa kaysa isip. Halmbawa ay ang
mga karpentero, drayber, magsasaka at iba pa. Sahod o sweldo ang pakinabang ng
mangagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.
Kapital bilang Salik ng Produksyon • Ang kapital ay tinaguriang mga
kalakal o kagamitan tulad ng
• Pinabibilis nito ang gawain ng
makinarya o kasangkapan na
mga mangagawa.
nakalilikha ng iba pang produkto.
• Ginagamit ang mga ito sa
paglikha ng panibagong
produkto.
• Ang mga halimbawa nito ay ang
salapi, imprastruktura tulad ng
gusali, kalsada tulay pati na ang
sasakyan at maging mga
makinarya tulad ng traktor na
ginagamit sa paghuhukay ng
lupa.

• Ang kabayaran sa paggamit ng


kapital sa proseso ng
produksiyon ay tinatawag na
interes.
https://www.123rf.com/photo_13584418_ploughing-on-a-cloudy-
spring-afternoon.html

Entrepreneurship bilang Salik ng Produksyon

• Entrepreneur o negosyante ang tawag sa isang nagnenegosyo.


Mahalagang salik ito sa pagsulong ng ekonomiya.
• Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan
ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
• Siya ang gumaganap bilang tagapag-ugnay ng ibang salik ng
produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo.
• Nag-oorganisa, kumokontrol at nakikipagsapalaran ang isang
entrepreneur sa mga desisyon sa mga bagay na makakaapekto sa
produksyon.
• Tinataglay nito ang mga katangian ng pagiging isang innovator,
malikhaing pag-isiip at handa sa pagbabago.
• Ang tubo o profit ang kita ng isang entrepreneur matapos
matagumpay sa isang negosyo.

27
Pagyamanin
Basahin at Unawain!
Basahin at suriin ang salaysay sa ibaba. Isulat sa talahanayan ang ang mga katangian
ng mga mababanggit na salik ng produksiyon. Ilagay ang mga sagot sa activity notebook.
Si Feliciana ay nagpaplanong magtayo ng bakery upang mapakinabangan ang maliit
na lote na ipinamana ng kanyang mga magulang sa kanya. Malapit sa paaralan at matao ang
lugar kung saan matatagpuan ang nasabing lote kaya akmang-akma ito para sa pagsisimula
ng isang negosyo. Napagtanto ni Feliciana na marami siyang dapat na paghandaan.
Kinakailangan muna niyang magsanay sa TESDA para mapahusay ang kanyang kakayahan
sa paggawa ng tinapay at cake. Naisip niya na dapat may sapat na kasanayan ang
panadero na kanyang kukunin. Kinakailangan na may sapat siyang pohunan upang ipambili
ng mga kagamitan tulad ng oven, baking pan, mixer, at iba pa sa pagsisimula ng negosyo.
Nabatid din niya na para maging matagumpay ang kanyang negosyo kinakailangan niyang
maging isang innovator, may malikhaing pag-iisip at marunong makipagsapalaran sa mga
desisyon na makakaapekto sa kanyang negosyo.
Salik ng Produksiyion INPUT
1. Lupa
2. Paggawa
3. Kapital
4. Entrepreneur
Pamprosesong Tanong:
1. Paano makatutulong ang mga salik ng produksiyon sa pagsisimula ng sariling
negosyo?

2. Sa iyong palagay, magiging matagumpay ba si Feliciana sa kanyang pinaplano na


negosyo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isaisip
Kumpletuhin ang hinihingi sa bawat kahon sa ibaba sa pamamagitan ng pagtukoy ng
implikasyon ng bawat salik sa produksyon. Ilagay ang sagot sa activity notebook.

Implikasyon
Lupa

Lakas Paggawa

Kapital

Entrepreneurship

Tanong:
1. Ano sa tingin mo ang naidudulot ng mga salik ng produksyon sa iyong pang araw-araw
na pamumuhay? Ipaliwanag.

Isagawa
Magplano Tayo!
Dahil sa pandemya na Covid-19, nagkaroon ng kautusan mula sa pamahalaan na
itigil muna ang pagbubukas ng ilang mga negosyo. Kahit na napasailalim na sa GCQ ang
mga lugar tulad ng Iligan hindi pa rin normal at matumal pa rin ang bentahan sa pamilihan.
Kung babalik na sa normal ang sitwasyon at wala na ang pandemya anong negosyo ang
nais mong pasukin o itayo kung mabibigyan ka ng pagkakataon? Punan ng mga
impormasyon ang talahanayan sa ibaba sa pamamagitan ng pagtukoy sa uri ng negosyo na
iyong itatayo at ang
28
mga salik ng produksyon na kinakailangan sa pinaplanong negosyo. Pagktapos makumpleto
ang talahanayan, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gamitin ang rubriks bilang gabay.
Mga Napaloob sa Negosyo Tugon o Impormasyon
A.Uri ng Produkto o serbisyo na ibebenta
B.Salik ng Produksyon
1. Lupa
2. Kapital
3. LaKas Paggawa
4. Entrepreneur
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit napili mo ang ganitong uri ng negosyo?

2. Makakatulong ba ang negosyo pinaplano sa iyong komunidad?

RUBRIKS sa Pamarka ng Family Business Plan


Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang Puntos
Pagdedesisyon Malinaw na naipakita ng maayos na 10
pagdedesisyon
Inobasyon sa Nakikita sa plano ang pagiging 10
Plano isang innovator
Nilalaman ng Akma at may kabuluhan ang planong 10
Plano nagawa
Kabuuang Puntos 30
Buod
Natalakay sa modyul na ito ang mga salik ng ng produksyon at ang implikasyon nito
sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pagganap sa mga gawain at pagbasa ng tekso
nabigyang linaw ang mga sumusunod:
• Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng mga input upang makabuo
ng output.
• Ang mga salik ng produksyon o input tulad ng lupa, kapital, entrepreneur at
lakas paggawa ay ginagamit sa pagbuo ng produkto o output.
• Mahalaga ang ugnayan ng apat na salik ng produksyon upang makapagdulot
ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa pang araw-araw na
pangangailangan ng tao.
Nakamit din ng mag-aaral ang sapat na kaalaman upang makagawa ng matalinong
pagpapasya ukol sa pagpaplano ng negosyo.
Tayahin
Basahin ang bawat aytem ng mabuti at isulat ang titik ng tamang sagot sa activity
notebook.
1. Ang proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsasama- sama ng
mga salik upang makabuo ng output.
A. Pagkonsumo B. Produksyon C.Distribusyon D. Alokasyon
2. Saklaw nito ang lahat ng yamang pisikal sa ibabaw o ilalim pati ang yamang tubig,
yamang mineral at yamang gubat bilang mahalagang salik sa paglikha ng
produkto.
A. Lupa B. Lakas Paggawa C. Entrepreneur D. Kapital
3. Ang tawag sa kakayahan ng isang tao na makapagsimula ng negosyo sa nabuong
produkto o serbisyo.
A. Lupa B. Lakas Paggawa C. Entrepreneurship D. Kapital
4. Tinaguriang mga kalakal o kagamitan tulad ng makinarya o kasangkapan na nakalilikha
ng iba pang produkto.
A. Lupa B. Lakas Paggawa C. Entrepreneur D. Kapital
5. Mahalaga ang lupa bilang isang salik ng produksyon. Alin sa mga pangungusap ang
magpapatunay sa kahalagahan nito?
A. Pinatatayuan ito ng pagawaan, tulay at daan, mayroon ding yamang mineral, yamang
tubig at yamang gubat na makukuha.
B. Nagbibigay ito ng serbisyo o produkto sa ekonomiya ng bansa.

29
C. Ang kita o upa mula rito ay nagbibigay kapital sa lakas paggawa, nagbibigay trabaho
sa entrepreneur at kinokunsumo ng kapital.
D. Makukuha mula rito ang interes na ginagamit para sa ating ekonomiya.
6. Ang lakas paggawa ay tinuturing na mahalagang salik ng produksyon. Paano ito
mapatutunayan?
A. Nakasalalay ditto ang sahod na maaring ibigay sa kapital para makabuo ng isang
produkto.
B. Pinagbabasehan ditto ang dami ng oras para sa upa na ibibayad sa lupa.
C. Pangunahing batayan ditto ang panahon at lakas sa pagproseso para makalikha ng
produkto.
D. Walang silbi kung hindi ginagawa ng entrepreneur ang kanyang tungkulin.
7. Kung ang makukuhang kita sa lupa ay upa, sa entrepreneur ay tubo at sa lakas paggawa
ay sahod, ano namang uri ng kita ang makukuha sa kapital?
A. Sweldo B. Interes C. Makinarya D.Sasakyan
8. Ang entrepreneur ang gumaganap bilang tagapag-ugnay sa ibang naunang salik ng
produksyon. Anong katangian ang dapat niyang taglayin bilang may mahalagang
gampanin sa produksyon?
A. Dapat magpakita ng mabilis na paggawa at may kakayahang pisikal.
B. Dapat malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago.
C. Dapat hindi nakasalalay sa interes ng kapital, upa sa lupa at sahod sa paggawa.
D. Dapat isinasaisip ang apat na salik ng produksiyon.
9. Ang salik ng produksyon ay mahalaga sa pang araw-araw na pamumuhay. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Ang kita sa bawat salik ng produksiyon ay ginamit sa pagbili ng produkto o serbisyo.
B. Sa pamamagitan ng produksyon nagagawa ng tao ang pagkokonsumo.
C. Mas mahalaga ang salik ng produksyon sa salik ng pagkonsumo.
D. Ang mga salik ng produksyon ay nakatutulong sa pagbibigay tulong sa mga tao.
10. Mahalaga ang paglikha ng produkto at serbisyo sa ekonomiya. Gaano kahalaga ang
mga salik ng produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto?
A.Nagmumula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital
ang mga makinarya at sa entrepreneur ang abilidad na mapagsasama ang mga salik
para sa produksyon.
B. Nakakakuha ng kabayaran mula sa lakas paggawa, entreprenyur, lupa at kapital
C. Nakakabuo ng limitadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon.
D. Nakakuha ng tubo sa lupa, interes sa lakas paggawa, upa sa entrepreneur at sahod sa
kapitalista

Karagdagang Gawain
Gumawa ng Repleksiyon sa naging Epekto ng Covid19 sa mga salik ng produksiyon.

30
Subukin
Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa bawat aytem. Isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong activity notebook.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng pagkonsumo?
A. Ito ay proseso ng paglikha ng panibagong produkto.
B. Ito ay ang interaksyon ng mamimili at nagtitinda sa isang pamilihan.
C. Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto at
serbisyo.
D. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang uri. Anong uri ang nakapagdudulot ng agarang
kasiyahan sa mamimili?
A. direkta B. maaksaya C. produktibo D. mapanganib
3. Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may nakukuhang
kasiyahan ang mamimili sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
A. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
B. Kung inubos niya ang stock ng naturang produkto sa pamilihan.
C. Kung hindi na siya tumatangkilik sa naturang produkto o serbisyo.
D. Kung nagmahalan ang presyo ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
4. Isang uri ng pagkonsumo na nagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng isang tao. Alin
sa mga sumusunod ang tinutukoy nito?
A. direkta B. maaksaya C. produktibo D. mapanganib
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo?
A. kapakinabangan nito
B. kasiyahan na dulot nito para sa sarili
C. kaligayahan na dulot nito sa ibang tao
D. kaibahan nito sa ibang produkto o serbisyo
6. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ng bansa
sapagkat ito ay nagbibigay katuturan sa produksyon. Ano ang mahihinuha mo sa
pahayag na ito?
A. Walang produksyon kung walang pagkonsumo.
B. Walang pagkonsumo kung walang produksyon.
C. Ang pagkonsumo ay nakasalalay sa dami ng produkto o serbisyo.
D. Maaaring may mga produkto at serbisyo kahit walang produksyon.
7. Ang hindi pagtugon ng mga tao sa kanyang pangangailangan at kagustuhan ay
magdudulot ng iba’t ibang suliranin sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga
sumusunod ang payak na paglalarawan sa suliraning ito?
A. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga tao.
B. Magreresulta sa pagkalugmok ng bansa sa kahirapan.
C. Mabubuhay pa rin ang mga tao na nasa mga liblib na lugar.
D. Walang pamilihan dahil walang malilikhang produkto at serbisyo.
8. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawain ng lipunan. Paano mo
mailalarawan ang isang lipunan na walang pagkonsumong nagaganap?
A. walang umiiral na pamilihan
B. industriyalisado at superyor sa paggawa
C. may naglalakihang mga gusali at bahay-kalakal
D. kakikitaan ng interaksyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser
9. Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang kaugnayan
ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa bayan.
B. Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga
pangangailangan.
C. Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kay sa dami ng kanyang mga
pangangailangan.
D. Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang pagkonsumo
sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.
10. Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng tao.
Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang?
A. Dapat may sapat na halaga ng pera bilang pambayad ng utang.
31
B. Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa
pagkakautang.
C. Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili ng pangangailangan.
D. Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga institusyong
pinansyal.
11. Ang mga negosyante ay gumagamit ng patalastas sa kanilang produkto sa
telebisyon, pahayagan, radyo, internet at social media. Paano ito nakaaapekto
sa pagkonsumo ng isang mamimili?
A. Mas mabenta ang mga produktong pinapatalastas.
B. Naeenganyong bumili ang tao para makasabay sa uso.
C. Mas tinatangkilik ng tao ang mga produktong iniendorso ng isang
personalidad sa telibisyon.
D. Tumaas ang pagkonsumo ng tao dahil sa impluwensyang dulot ng mga
patalastas sa telebisyon, radyo o maging sa internet.
12. Ang mga sakuna tulad ng bagyo, lindol at maging ang pandemyang dala ng
COVID-19 ay nagreresulta sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing
produkto. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong na mapanatili ang
maayos na pagkonsumo sa kabila ng sakuna?
A. Bumili ng maramihan at itago sa bahay para hindi maubusan.
B. Bumili ng mabentang produkto sa pamilihan kahit hindi kailangan.
C. Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan para makontrol ang
presyo.
D. Bumili lamang ayon sa pangangailangan para mabigyan ng pagkakataon ang
iba na makabili sa parehong produkto.
13. Hindi lahat ng tao ay naiimpluwensyahan ng mga patalastas ng mga produkto
kung kaya mababa lamang ang kanilang pagkonsumo. Ano ang ipinapahiwatig sa
pahayag na ito?
A. Kaya ng tao paikutin ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.
B. Malawak ang kaalaman ng mga tao sa bawat produktong ibenebenta sa
pamilihan.
C. Mas binibili ng tao ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain kaysa
sa mga luho sa buhay.
D. Magkakaiba ang mga pangangailangan ng tao kaya mas inuuna niya ang
pagbakasyon sa ibang bansa.
14. Sinasabing may mataas na pagkonsumo ang mga taong may malalaking kita. Alin
sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo nito?
A. Kung mas malaki ang kita, mas maraming mabibiling mga produkto.
B. Kung may malaking kita, mas kayang makapagbakasyon sa iba’t ibang
bansa.
C. Kung mas malaki ang kita, mas mababa ang pagtugon sa
mga pangangailangan.
D. Kung mas malaki ang kita, mas malawak ang kaalaman sa sisitemang pang-
ekonomiya.
15. Ang pagbabago-bago ng presyo ay nakaaapekto sa pagkonsumo. Kung ikaw ay
isang mamimili, paano ka makatutulong na maiwasan ang pang-aabuso sa
pagtakda ng presyo sa mga produkto sa pamilihan?
A. Idulog ang mga suliraning pang-ekonomiya sa mababang korte.
B. Ipagdasal at hayaan sila na maging mayaman sa mga mata ng tao.
C. Iwasan ang paggawa ng mga produkto para sa malakihang pamilihan.
D. Isumbong ang mga abusadong namumuhunan sa Department of Trade and
Industry (DTI).

32
Aralin Ang Konsepto ng Pagkonsumo
5
Balikan

Four Questions One Puzzle


Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa apat na pangunahing katanungang pang-
ekonomiko para sa maayos na alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman. Isulat ang iyong
sagot sa activity notebook.

? ?

? ?
https://www.pexels.com/photo/business-business-finance-
business-meeting-close-up-606318/

Tuklasin
Pic-Sure This!
Suriin ang larawan na nasa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong batay sa iyong
sariling interpretasyon. Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

https://www.aetc.af.mil/News/Photos/igphoto/2000121007/ https://www.piqsels.com/es/public-domain-photo-oczen
1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?
2. Naranasan mo na ba ang ganitong sitwasyon?
3. Bakit tayo gumagamit ng produkto at serbisyo?
Suriin
Ano ang pagkonsumo?
Sa pag-aaral ng ekonomiks binibigyang diin
ang gawain ng paggamit ng mga produkto at serbisyo
upang matugunan ang pangangailangan at makamit
ang kasiyahan sa mga taong gumagamit nito. Ang
tawag sa konseptong ito ay pagkonsumo. Ang
pagkonsumo ay hindi lamang limitado sa mga
pagkain o paggamit ng mga produkto bagkus
kabilang rin dito ang pagtangkilik sa mga serbisyo tulad ng pagpapagupit ng buhok,
paggamit ng kuryente o tubig at iba pang serbisyong nagbibigay sa tao ng kasiyahan o
kapakinabangan.

33
Ang pagkonsumo ay may apat na uri ayon sa kapakinabangan nito sa nagkokonsumo.
May tuwiran, produktibo, maaksaya at mapanganib na pagkonsumo. Matutunghayan sa
tsart sa ibaba ang kahulugan ng bawat uri.
Apat na Uri ng Pagkonsumo

Direkta Produktibo Maaksaya Mapanganib

Kapag
agarang Kung ang Sobra o labis Kung ito ay
layunin ng kung nagdudulot ng
natatamo ang
paggamit ng ihahambing sa pinsala o banta
kasiyahan at
produkto ay kanyang lalo na
kapakinaba-
upang pangangai- kalusugan ng
ngan sa
makabuo ng langan o taong
paggamit ng
panibagong kagustuhan gumagamit
produkto o
serbisyo bagay na nito.
kapaki-
pakinabang

Pagyamanin
A. What’s in the Basket?
Itala sa mga kahon na nasa ibaba ang sampung produkto na sa tingin mo ay laman
ng basket ng mga mamimili sa panahong ito na may pandemya. Pagkatapos ay sagutin ang
mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

http://www.freestockphotos.biz/stockphoto/16029
1. Ano-ano ang naging batayan mo sa pagpili ng naturang mga produkto o serbisyo?

2. Alin sa mga produkto at serbisyong nailista mo sa itaas ang binibili ng iyong


pamilya? Alin naman sa mga ito ang hindi? Bakit?

3. Bakit ba nagkakaroon ng panic-buying sa mga panahon tulad ng pandemic?


Nakabubuti ba o nakasasama ito sa ekonomiya? Ipaliwanag.

B. Pagkonsumo, Uriin Mo!


Piliin sa mga salitang may salungguhit ang tutukoy sa uri ng pagkonsumo na
ipinapakita sa mga larawan. Isulat ito sa activity notebook.
Direkta Produktibo Maaksaya Mapanganib

1. Tela

2. Pag-inom ng
tubig
https://pxhere.com/en/photo/646851 https://commons.wikimedia.org/wiki/File:A

3. Junk foods

4. Shoe hoarding
snack-junkfoods-chips-peanuts-foods

https://www.needpix.com/photo/1530803/
34

tt
p
s
:/
/
c
o
m
m
o
n
s
.
w
ik
i
m
e
d
i
a
.
o
r
g
/
w
ik
i/
F
il
e
:
L
a
r
g
e
s
t
_
c
o
ll
e
c
ti
o
n
_
o
f
_
C
o
n
v
e
r
s
e
_
A
ll
-
Isaisip
A. Pic-Suri
Suriin ang bawat larawan na nasa ibaba. Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga ito sa
konsepto ng pagkonsumo. Itala ang iyong sagot gamit ang horizontal scroll. Isulat ito sa
activity notebook.

1.

ttps://pixabay.com/illustrations
2.

https://pixabay.com/vectors/firewood
-tree-trunk -logs-timber-36866/
3.

https://freesvg.org/pregnant-lady-smoking
4.

https://www.needpix.com/photo/

B. Pagkonsumo, Pahalagahan Mo!


Buuin ang graphic organizer batay sa napag-aralang teksto. Punan ang unang
kahon ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa kahalagahan ng pagkonsumo. Matapos
mapunan, magbigay ng konklusyon tungkol sa natalakay na paksa sa ikalawang kahon.
Gawin ito sa iyong activity notebook.

Mahalaga ba ang Pagkonsumo?

Dahilan
Sagot:

Kongklusyon;
Isagawa
Spend It Wisely!
Magdiriwang ng kaarawan si Wisely pero napagdesisyunan ng kanyang pamilya na
walang handaang magaganap dahil sa krisis na nararanasan na dulot ng COVID-19
pandemic. Binigyan na lamang siya ng isang libo ng kanyang mga magulang para mabili
ang gusto niya sa kanyang kaarawan. Kung ikaw si Wisely, alin sa mga produkto na nasa
cloud callout ang pagkagastusan mo sa isang libo? Ipaliwanag ang iyong naging batayan
sa pagpili ng naturang produkto. Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

Maglalaro
Bibili ng ng
pagkain computer
games

Bibili ng
bagong
damit

Bibili ng
murang
cellphone

Sagot
Mga Salik na Nakaaapekto
Aralin sa Pagkonsumo
6
Natutuhan mo sa unang aralin ang kahulugan at mga uri ng pagkonsumo. Ngayon
ay isa-isahin natin ang mga salik na nakaaapekto nito.

Tuklasin
Hulaan Mo!
Suriing mabuti ang bawat larawan. Punan ang patlang ng mga nararapat na letra upang
mabuo ang mga hinihinging konsepto. Sagutin ang tanong na nasa ibaba at isulat ito sa
iyong activity notebook.

https://www.flickr.com/photos/george_reyes/23 https://pixabay.com/illustrations/debt-loan-credit-money-
68791524 finance-1500774/

1. Pagbabago sa P es 2.Pagkak _ u an

https://www.pxfuel.com/en/search?q=peso https://commons.wikimedia.org/wiki/File:0161ajfDaniel_Padilla_Benc
h_Billboards_Advertisements_Pasig_River_Mandaluyong_Cityfvf.jpg
3. K t 4. Pag- an ns

1. Paano nakaaapekto sa iyo bilang isang mamimili ang mga nabuong kataga?

Suriin
Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo
Maraming salik ang nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang konsyumer.
Nakadepende sa mga salik na ito ang pagkakaiba ng paraan at dahilan ng kanilang
pagkonsumo.
Ang sumusunod na mga konsepto ay magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa
mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.
Pagbabago ng Presyo
• Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ay nakaaapekto sa dami ng kanyang
binibiling produkto o serbisyo.

Mga Salik na Nakaapekto sa Pagkonsumo


Pagkakautang
• Dahil sa pagkakautang ay mababawasan ang kakayahan ng tao na
makabili.

Kita
• Ito ay nagdidikta sa anong paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Kapag
lumalaki ang kita ay lumalaki din ang kakayahan niya na bumili ng produkto

Mga Inaasahan
• Ang mga inaasahang pangyayari sa hinaharap tulad ng sakuna, pandemya,
pagdiriwang at iba pa ay nakaaapekto sa desisyon ng mga konsyumer na

Pag-aanunsyo o Patalastas
• Ang nakikita sa mga anunsiyo sa telebisyon, pahayagan, radyo, internet at
social media ay madaling makaimpluwensya sa tao sa pagkonsumo.

Pagyamanin
Sanhi at Bunga
Punan ang mga kahon na nasa Hanay B ng maikling pagpapaliwanag kung paano
nakaaapekto ang mga salik sa pagkonsumo na nasa Hanay A hanay ng mga kahon. Gawin
ito sa iyong activity notebook.
Hanay A Hanay B

PAGBABAGO NG
PRESYO

KITA

MGA
INAASAHAN

PAGKAKAUTANG

PAG-AANUNSYO
Isaisip
Buuin ang concept map batay sa tekstong iyong napag-aralan. Punan ang unang
hanay ng mga kahon ng mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo at sa ikalawang hanay
ng mga kahon ng mga halimbawa sa bawat salik. Isulat sa activity notebook ang sagot.

MGA SALIK

HALIMBAWA

Isagawa
Produkto Ko, Ipatalastas Ko!
Nabigyan ka ng pagkakataon na pumasok sa isang negosyo at nagdesisyong
gumawa ng produkto. Naisip mong kinakailangan itong i-anunsyo para makumbinsi ang mga
konsyumer na tangkilikin ito.
Gumawa ng isang poster bilang patalastas sa produktong ibebenta. Gawing
patnubay sa paggawa ng poster ang rubrik sa ibaba. Gawin ito sa iyong activity notebook.
RUBRIK PARA SA PATALASTAS
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Ang nabuong
Impormatibo patalastas ay Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
nakapagbibigay patalastas ay patalastas ay patalastas ay
ng wasto at nakapagbibigay kulang sa hindi
napakahalagang ng wastong impormasyon organisado at
impormasyon impormasyon tungkol sa kulang sa
tungkol sa tungkol sa katangian ng impormasyon
katangian ng mga katangian ng mga salik na tungkol sa
salik na mga salik na nakaapekto sa katangian ng
nakaapekto sa nakaapekto sa pagkonsumo. mga salik na
pagkonsumo. pagkonsumo. nakaapekto sa
pagkonsumo.

Malikhain Napakagaling ng Magaling ang May Hindi maayos


pagkagawa ng pagkagawa ng kakulangan ang
patalastas. patalastas. ang pagkagawa ng
pagkagawa ng patalastas.
patalastas.
My Family Consumption
Pumili ng sampung produkto na makikita mo sa inyong bahay at tukuyin ang
kapakinabangan nito sa inyong pamilya. Isulat ito sa acitivity notebook.

My Family Produkto/ Dahilan ng


Consumption Serbisyo Pagkonsumo
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
https://pixabay.com/vectors/house-
blue-building-blue-house-1293063/

Buod
Binigyang-linaw sa modyul na ito ang konsepto ng pagkonsumo. Sa pagganap sa mga gawain at
pagbasa ng mga teksto ay nabigyang linaw ang mga sumusunod:
• Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng produkto at serbisyo.
• Ito ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya na nagbibigay katuturan sa produksyon. Walang
malilikhang produkto at serbisyo kung walang kokonsumo ng mga ito.
• Layunin nito na matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng kasiyahan sa mga taong
gumagamit nito.
• May apat na uri ng pagkonsumo. Ang direkta, produktibo, maaksaya at mapanganib na pagkonsumo.
• Ang iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ay ang mga sumusunod; pagbabago ng presyo,
kita, pagkakautang, mga inaasahan at pag-aanunsyo.
• Nabigyang-diin sa mga gawain sa modyul na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pang-unawa sa
konsepto ng pagkonsumo para sa isang matalinong pagdedesisyon na magagamit sa pang-araw-araw
na pamumuhay ng tao.

Tayahin
Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa bawat aytem. Isulat ang titik ng
pinakatamang sagot sa iyong activity notebook.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng pagkonsumo?
A. Ito ay proseso ng paglikha ng panibagong produkto.
B. Ito ay ang interaksyon ng mamimili at nagtitinda sa isang pamilihan.
C. Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto at
serbisyo.
D. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang uri. Anong uri ang nakapagdudulot ng agarang
kasiyahan sa mamimili?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib
3. Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may nakukuhang
kasiyahan ang mamimili sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
A. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
B. Kung inubos niya ang stock ng naturang produkto sa pamilihan.
C. Kung hindi na siya tumatangkilik sa naturang produkto o serbisyo.
D. Kung nagmahalan ang presyo ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
4. Isang uri ng pagkonsumo na nagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng isang tao. Alin
sa mga sumusunod ang tinutukoy nito?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo?
A. kapakinabangan nito
B. kasiyahan na dulot nito para sa sarili
C. kaligayahan na dulot nito sa ibang tao
D. kaibahan nito sa ibang produkto o serbisyo
6. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ng bansa
sapagkat ito ay nagbibigay katuturan sa produksyon. Ano ang mahihinuha mo sa
pahayag na ito?
A. Walang produksyon kung walang pagkonsumo.
B. Walang pagkonsumo kung walang produksyon.
C. Ang pagkonsumo ay nakasalalay sa dami ng produkto o serbisyo.
D. Maaaring may mga produkto at serbisyo kahit walang produksyon.
7. Ang hindi pagtugon ng mga tao sa kanyang pangangailangan at kagustuhan ay
magdudulot ng iba’t ibang suliranin sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga
sumusunod ang payak na paglalarawan sa suliraning ito?
A. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga tao.
B. Magreresulta sa pagkalugmok ng bansa sa kahirapan.
C. Mabubuhay pa rin ang mga tao na nasa mga liblib na lugar.
D. Walang pamilihan dahil walang malilikhang produkto at serbisyo.
8. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawain ng lipunan. Paano mo
mailalarawan ang isang lipunan na walang pagkonsumong nagaganap?
A. walang umiiral na pamilihan
B. industriyalisado at superyor sa paggawa
C. may naglalakihang mga gusali at bahay-kalakal
D. kakikitaan ng interaksyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser
9. Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang kaugnayan
ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa bayan.
B. Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga
pangangailangan.
C. Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kay sa dami ng kanyang mga
pangangailangan.
D. Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang pagkonsumo sa
kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.
10. Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng tao.
Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang?
A. Dapat may sapat na halaga ng pera bilang pambayad ng utang.
B. Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa pagkakautang.
C. Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili ng pangangailangan.
D. Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga institusyong
pinansyal.
11. Ang mga negosyante ay gumagamit ng patalastas sa kanilang produkto sa
telebisyon, pahayagan, radyo, internet at social media. Paano ito nakaaapekto
sa pagkonsumo ng isang mamimili?
A. Mas mabenta ang mga produktong pinapatalastas.
B. Naeenganyong bumili ang tao para makasabay sa uso.
C. Mas tinatangkilik ng tao ang mga produktong iniendorso ng isang
personalidad sa telibisyon.
D. Tumaas ang pagkonsumo ng tao dahil sa impluwensyang dulot ng mga
patalastas sa telebisyon, radyo o maging sa internet.
12. Ang mga sakuna tulad ng bagyo, lindol at maging ang pandemyang dala ng
COVID-19 ay nagreresulta sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing
produkto. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong na mapanatili ang
maayos na pagkonsumo sa kabila ng sakuna?
A. Bumili ng maramihan at itago sa bahay para hindi maubusan.
B. Bumili ng mabentang produkto sa pamilihan kahit hindi kailangan.
C. Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan para makontrol ang
presyo.
D.Bumili lamang ayon sa pangangailangan para mabigyan ng pagkakataon ang
iba na makabili sa parehong produkto.
13. Hindi lahat ng tao ay naiimpluwensyahan ng mga patalastas ng mga produkto
kung kaya mababa lamang ang kanilang pagkonsumo. Ano ang ipinapahiwatig sa
pahayag na ito?
A. Kaya ng tao paikutin ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.
B. Malawak ang kaalaman ng mga tao sa bawat produktong ibenebenta sa
pamilihan.
C. Mas binibili ng tao ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain kaysa
sa mga luho sa buhay.
D. Magkakaiba ang mga pangangailangan ng tao kaya mas inuuna niya ang
pagbakasyon sa ibang bansa.
14. Sinasabing may mataas na pagkonsumo ang mga taong may malalaking kita. Alin
sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo nito?
A. Kung mas malaki ang kita, mas maraming mabibiling mga produkto.
B. Kung may malaking kita, mas kayang makapagbakasyon sa iba’t ibang bansa.
C. Kung mas malaki ang kita, mas mababa ang pagtugon sa mga
pangangailangan.
D. Kung mas malaki ang kita, mas malawak ang kaalaman sa sisitemang pang-
ekonomiya.
15. Ang pagbabago-bago ng presyo ay nakaaapekto sa pagkonsumo. Kung ikaw ay
isang mamimili, paano ka makatutulong na maiwasan ang pang-aabuso sa
pagtakda ng presyo sa mga produkto sa pamilihan?
A. Idulog ang mga suliraning pang-ekonomiya sa mababang korte.
B. Ipagdasal at hayaan sila na maging mayaman sa mga mata ng tao.
C. Iwasan ang paggawa ng mga produkto para sa malakihang pamilihan.
D. Isumbong ang mga abusadong namumuhunan sa Department of Trade and
Industry (DTI).
Karagdagang Gawain
I- Collage Mo!
Bumuo ng isang collage tungkol sa pagkonsumo. Pumili ng isang anyo para sa gagawing
collage. Gumupit ng mga larawan mula sa pahayagan o magasin ng mga produkto o
serbisyong kinokonsumo ng tao. Maaari ring kumuha ng mga larawan mula sa label ng mga
produkto tulad ng sardinas, noodles o mga pansit kanton at iba pa. Idikit ang nabuong
collage sa activity notebook.
RUBRIK SA PAGBUO NG COLLAGE

Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Nilalaman Malinaw, tama at tugma ang larawang ginamit 10
Presentasyon Maayos at malinis ang pagkagawa 10
Malikhaing Gumamit ng recycled materials at angkop na anyo 10
Paggawa sa
gawain
Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa gawaing kwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa tungkuling maipahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo.
A. Mapanuring kamalayan C. Pagmamalasakit sa panlipunan
B. Pagkilos D. Kamalayan sa kapaligiran
2. Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang
isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng
pamahalaan?
A. Karapatang dinggin C. Karapatang pumili
B. Karapatan sa kaligtasan D. Karapatan sa patalastasan
3. Ito ay tumutukoy sa tungkuling magtatag ng samahan upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.
A. Pagkilos C. Kamalayan sa kapaligiran
B. Pagkakaisa D. Pagmamalasakit na panlipunan
4. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang
makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
A. Karapatang sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
B. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
C. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
D. Karapatan sa malinis na kapaligiran
5. May mga mapanlinlang at madayang patalastas, mga etiketa at hindi wasto na gawain na
naglipana ngayon. Aling karapatan ang maaari mong gamitin upang ipaglaban ang iyong
sarili laban sa mga gawaing ito?
A. Karapatang pumili C. Karapatang dinggin
B. Karapatan sa kaligtasan D. Karapatan sa patalastasan
6. Halos lahat na mga kilalang produkto ay may patalastas, sa iyong palagay, bakit
nahihikayat ang mga tao na bumili ng mga produktong ito?
A. Dahil sa maganda ang patalastas.
B. Dahil gustong gayahin ang nakita sa telebisyon.
C. Dahil ineendorso ng mga sikat na artista.
D. Dahil sa murang halaga at may kalidad.
7. Mahalagang humingi ng resibo sa bawat produktong bibilhin. Papaano ito makatutulong
sa gobyerno sa pangongolekta ng buwis?
A. Isa itong pamamaraan na makalikom ng buwis sa mga negosyante na panustos
ng pamahalaan para sa pampublikong paglilingkod.
B. Dito kumaha ang gobyerno ng salapi para sa ilegal na gawain.
C. Basihan ito sa pangongolekta ng malaking taripa.
D. Malaman ng pamahalaan ang mga mandaraya.
8. Bawat mamimili ay may karapatan na malaman ang impormasyon sa kabuuan ng isang
produkto na gustong bilhin. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa
tamang impormasyon?
A. Pag-aralan ang nasa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto.
B. Pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
C. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto bibilhin.
D. Gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
9. Nagkalat ang mga huwad na produkto sa pamilihan. Paano maiiwasan ang pagbili nito?
A. Bumili ng produkto na ineendorso ng sikat na artista.
B. Maging tapapagtangkilik ng imported na produkto.
C. Kailangan maging mapanuri, matalino, at alertong mamimili.
D. Bumili sa mga kilalang department store.
10. Ibinalita sa telebisyon na bawal ang pagkain ng tahong dahil sa “red tide”. Bilang isang
responsableng mamimili ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagkalat sa social media ang balita na bilhin ang tahong
B. Isumbong sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan
C. Hikayatin ang mga kakilala na huwag bumili at kumain ng tahong
D. Ipagwalang bahala ang balita sa telebisyon
Aralin Karapatan at Tungkulin ng Mamimili
7
Balikan
Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang mga salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo. Ibigay ang limang salik at isulat ito sa bawat petal ng flower web.

Salik na Nakakaapekto
sa Pagkonsumo

Tuklasin
Larawan-Hula!
Suriing mabuti ang mga larawan na nasa ibaba. Magtala ng karapatan at tungkulin
ng mga mamimili na ipinapakita sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa gawaing kwaderno

Karapatan: _

Tungkulin: _

Karapatan:

Tungkulin:

Karapatan:

Tungkulin:
Suriin
Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay
naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksyon sa pamilihan.

WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI

1. Karapatan sa Pangunahing
Pangangailangan
May karapatan sa sapat na
pagkain, pananamit, masisilungan,
pangangalagang pangkalusugan,
edukasyon at kalinisan upang mabuhay.

https://www.piqsels.com/en/search?q=family+eating+at+the+table

2. Karapatan sa Kaligtasan
May karapatang bigyan ng
katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka
laban sa pangangalakal ng mga panindang
makasasama o mapanganib sa iyong
kalusugan.

https://pixabay.com/vectors/insecticide-insect-pest-killer-37424/

3. Karapatan sa Patalastasan
May karapatang mapangalagaan
laban sa mapanlinlang, madaya at
mapanligaw na patalastas, mga etiketa at
iba pang hindi wasto at hindi matapat na
gawin. Ito ay kailangang malaman ng mga
mamimili upang maiwasan ang
pagsasamantala ng iba.
https://www.pikist.com/free-photo-sadpy

4. Karapatang Pumili
May karapatang pumili ng iba't
ibang produkto at paglilingkod sa halagang
kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng
pribadong kompanya man, dapat na
magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-
siyang uri at halaga ng produkto nila.

https://www.andersen.af.mil/News/Features/Article/415718/andersen-prepares-for-series-of-tropical-storms/
5. Karapatang Dinggin
May karapatang makatiyak na ang
kapakanan ng mamimili ay lubusang
isaalang-alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran
ng pamahalaan.

https://www.wallpaperflare.com/listening-upset-hands-on-head-ear-hearing-woman-young-wallpaper-afpu t

6. Karapatang Bayaran at Tumbasan


sa ano mang Kapinsalaan
May karapatang bayaran at
tumbasan sa ano mang kapinsalaan
na nagbuhat sa produkto na binili mo.
May karapatan kang mabayaran sa
ano mang kasinungalingan o
mababang uri ng paninda o
paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili
kahit na ito ay sa pagkakamali,
kapabayaan o masamang hangarin.

https://www.flickr.com/photos/carbonnyc/5747629074

7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa


Pagiging Matalinong Mamimili.
May karapatan sa consumer
education, nagtatanong at
nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito
ay nagtataglay ng karapatan sa
katalinuhan at kaalaman na
kinakailangan upang makagawa ng
hakbanging makatutulong sa mga
desisyong pangmamimili.

https://www.flickr.com/photos/30478819@N08/49518590646

8. Karapatan sa Isang Malinis na


Kapaligiran
May karapatan sa kalayaan,
pagkakapantay-pantay at sapat na
mga kalagayan sa buhay na
nagbibigay pahintulot sa isang
marangal at maayos na pagkatao at
ikaw ay may malaking pananagutan
na pangalagaan at pagbutihin ang
iyong kapaligiran para sa kalusugan
at kinabukasan ng ating saling lahi.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Girls_on_a_Picnic_(6760195675).jpg
Ang kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang
pananagutan ng mga mimimili.

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging


listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga,
at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating
ginagamit.

2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating


sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang
pakikitungo. Kung tayo'y mananatili sa pagwawalan g-
bahala, patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga
mandarayang mangangalakal

3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling


alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng
mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-
lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan,
maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na
komunidad

4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid


ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi
wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan n atin
ang ating likas na kayamanan para sa ating
kinabukasan.

5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahan g


mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.

Pagyamanin
Karapatan mo, Ipaglaban mo!

Ipagpalagay na ikaw ay nahaharap sa isa sa mga sitwasyong nababanggit sa ibaba.


Pumili ng isang sitwasyon at gawan ng letter of complaint na ipararating sa kinauukulang
ahensiya ng pamahalaan, ang Food and Drug Administration (FDA) na tumutulong upang
maisulong ang kapakanan ng mamimili hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng
gamot, pagkain, pabango, at make-up. Isulat ang sagot sa gawaing kwaderno.
1. Lip tint na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi
2. Expired na de-latang pagkain na naging sanhi ng pagsakit ng tiyan
3. Body lotion na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong balat
4. Expired na gamot na naging sanhi ng paglala ng karamdaman
May 28, 2020

Undersecretary Rolando Enrique D. Domingo, MD, DPBO


Director General
Food and Drug Administration
Muntinlupa City, Philippines

Dear Undersecretary Domingo,

Lubos na gumagalang,

(pangalan)

Isaisip
Sitwasyon-Aksiyon!
Ang mga sitwasyon sa ibaba ay nagpapakita ng paglabag sa mga karapatan at
tungkulin ng isang mamimili. Basahing mabuti at magmungkahi ng mga paraan kung paano
mo maipagtanggol ang iyong sarili sa mga sitwasyong nabanggit. Isulat ang sagot sa
gawaing kwaderno.
1. Nakabili ka ng double dead na karne ng manok.

2. Pumunta ka sa parlor para sa hair rebonding at nasunog ang iyong buhok.

3. Bumili ka ng isang kilong isda ngunit kulang ito sa timbang.

Isagawa
Islogan – Gawa!
Gumawa ng islogan na may sampung (10) salita batay sa temang “Karapatan at
Tungkulin ng Mamimili, Susi sa Pag-unlad ng Bansa”. Isulat ito sa gawaing kwaderno at
gawing gabay ang kraytirya sa ibaba.

KRAYTIRYA PARA SA PAGGAWA NG ISLOGAN


1. Kaangkupan sa Tema...............................................40%
• Ang islogan na ginawa ay naaayon sa temang “Karapatan at Tungkulin ng Mamimili,
Susi sa Pag-unlad ng Bansa”
2. Orihinalidad..............................................................40%
• Ang islogan ay nagpapakita ng abilidad na maging iba at malikhain.
3. Kalinisan at Kaayusan ng Islogan.............................20%
• Ang presentasyon ng islogan sa kabuuan ay malinis at maayos.
Kabuuan..................................................................100%

Buod
Natalakay sa modyul na ito ang mga karapatan at tungkulin ng mga mamimili. Sa paganap sa mga gawain,
nakamit ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
• Natukoy ang mga karapatan ng mamimili: karapatan sa pangunahing pangangailangan, karapatan sa
kaligtasan, karapatan sa patalastasan, karapatang pumili, karapatang dinggin, karapatang bayaran at
tumbasan sa ano mang kapinsalaan, karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili,
at karapatan sa isang malinis na kapaligiran.
• Natukoy din ang mga tungkulin ng mamimili: mapanuring kamalayan, pagkilos, pagmamalasakit na
panlipunan, kamalayan sa kapaligiran at pagkakaisa.
• Nakabagbigay ng mga paraan upang maipagtanggol ang mga karapatan bilangmamimili.
• Napahalagahan ang kamalayan sa mga karapatan at tungkulin ng mamimili.
Tayahin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa gawaing kwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa tungkuling maipahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo.
A. Mapanuring kamalayan C. Pagmamalasakit sa panlipunan
B. Pagkilos D. Kamalayan sa kapaligiran
2. Aling karapatan ang makatitiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang
isinasaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng
pamahalaan?
A. Karapatang dinggin C. Karapatang pumili
B. Karapatan sa kaligtasan D. Karapatan sa patalastasan
3. Ito ay tumutukoy sa tungkuling magtatag ng samahan upang magkaroon ng lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.
A. Pagkilos C. Kamalayan sa kapaligiran
B. Pagkakaisa D. Pagmamalasakit na panlipunan
4. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang
makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
A. Karapatang sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili
B. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
C. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
D. Karapatan sa malinis na kapaligiran
5. May mga mapanlinlang at madayang patalastas, mga etiketa at hindi wasto na gawain na
naglipana ngayon. Aling karapatan ang maaari mong gamitin upang ipaglaban ang iyong
sarili laban sa mga gawaing ito?
A. Karapatang pumili C. Karapatang dinggin
B. Karapatan sa kaligtasan D. Karapatan sa patalastasan
6. Halos lahat na mga kilalang produkto ay may patalastas, sa iyong palagay, bakit
nahihikayat ang mga tao na bumili ng mga produktong ito?
A. Dahil sa maganda ang patalastas.
B. Dahil gustong gayahin ang nakita sa telebisyon.
C. Dahil ineendorso ng mga sikat na artista.
D. Dahil sa murang halaga at may kalidad.
7. Mahalagang humingi ng resibo sa bawat produktong bibilhin. Papaano ito makatutulong
sa gobyerno sa pangongolekta ng buwis?
A. Isa itong pamamaraan na makalikom ng buwis sa mga negosyante na panustos
ng pamahalaan para sa pampublikong paglilingkod.
B. Dito kumaha ang gobyerno ng salapi para sa ilegal na gawain.
C. Basihan ito sa pangongolekta ng malaking taripa.
D. Malaman ng pamahalaan ang mga mandaraya.
8. Bawat mamimili ay may karapatan na malaman ang impormasyon sa kabuuan ng isang
produkto na gustong bilhin. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa
tamang impormasyon?
A. Pag-aralan ang nasa etiketa ukol sa sangkap, dami, at komposisyon ng produkto.
B. Pumunta sa timbangang-bayan upang matiyak na husto ang biniling produkto.
C. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto bibilhin.
D. Gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
9. Nagkalat ang mga huwad na produkto sa pamilihan. Paano maiiwasan ang pagbili nito?
A. Bumili ng produkto na ineendorso ng sikat na artista.
B. Maging tapapagtangkilik ng imported na produkto.
C. Kailangan maging mapanuri, matalino, at alertong mamimili.
D. Bumili sa mga kilalang department store.
10. Ibinalita sa telebisyon na bawal ang pagkain ng tahong dahil sa “red tide”. Bilang isang
responsableng mamimili ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagkalat sa social media ang balita na bilhin ang tahong
B. Isumbong sa kinaukulang ahensya ng pamahalaan
C. Hikayatin ang mga kakilala na huwag bumili at kumain ng tahong
D. Ipagwalang bahala ang balita sa telebisyon

You might also like