You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Department of Education
Region V – Bicol
DIVISION OF CAMARINES SUR
Laganac High School
S.Y. 2023 – 2024

FIRST PERIODICAL TEST IN GRADE 9 ARALING PANLIPUNAN (Ekonomiks)

A. TANONG AT SAGOT
Panuto: Piliin at bilugan ang pinakatamang sagot sa mga katanungan sa ibaba.

1. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?


A. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kanyang pagdedesisyon.
C. Ito ay matalinong pagpapasya ng mga tao sa pagsagot sa mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

2. Sa anong salitang Griyego nagmula ang salitang ekonomiks?


A. nomos C. oikos
B. oikonomia D. ekonomiya

3. Alin sa mga konsepto ng ekonomiks sa ibaba ang tumutukoy sa hindi


kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao?
A. Kakapusan C. Pangangailangan
B. Kagustuhan D. Pinagkukunang-yaman

4. Ano-ano ang dalawang pangunahing sangay ng ekonomiks?


A. bahay at batas
B. kakapusan at kakulangan
C. pangangailangan at kagustuhan
D. macroekonomiks at mikroekonomiks

5. Alin sa mga konsepto sa ibaba ang tumutukoy sa isang sangay ng


ekonomiyang nagsasagawa ng pag-aaral kung paano nagpapasya ang
tahanan at mga kompanya upang magamit at itatalaga ang limitado o
kakaunting mga kagamitan o yaman?
A. Ekonomiya
B. Mikroekonomiks
C. Makroekonomiks
D. Pamilihang kailangang malaman ang laki

6. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang


trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best alternative na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na
trade-off at opportunity cost?
A. Dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao
B. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
C. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihan
D. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo

7. Paano nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon ang mga konsepto ng


Trade-off, Opportunity, Marginal at Incentive?
A. Ito ay nakakatulong sa kakapusan
B. Ito ay pag-aaral sa mga alternatibong desisyon
C. Ito ay walang kinalaman sa pagpapasya ng desisyon
D. Ito ay nakatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging
rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng desiyon

8. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang


ipapalit sa bawat paggawa ng desisyon.
A. Trade off C. Opportunity cost
B. Incentives D. Marginal Thinking

9. Ito ay ang pagsaalang-alang sa karagdagang benepisyo o halaga na maaring


makuha sa gawaing desisyon.
A. Trade off C. Opportunity cost
B. Incentives D. Marginal Thinking

10. Ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon, kung ikaw ay
taong rasyonal?
A. Isaalang-alang ang opportunity cost
B. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
C. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
D. Isaalang-alang ang paniniwala, mithiin, at tradiyon

11. Nakatutulong ang ekonomiks sa mag-aaral sa pagbuo ng


desisyon,MALIBAN sa:
A. Bilang mag-aaral ay magkakaroon ng interest sa mga isyung
pampulitika ng bansa
B. Bilang mag-aaral ay malalaman mo ang tamang alokasyon ng pera
sa araw-araw na gastusin
C. Bilang mag-aaral ay makapag-iisip kung paaano makipag-
kumpetensya sa iba’t ibang bansa
D. Bilang mag-aaral ay magiging mas matalino, mapanuri, at
mapagtanong sa nangyayari sa kapaligiran

12. Ang pag-aaral ng ekonomiks ay nakatutulong, MALIBAN sa:


I. usaping pampapamilya.
II. isyu sa larangan ng isports
III. mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan para umunlad ang
ekonomiya.
IV. napapanahong isyu na may kaugnayan ang mga artista ng bansa.

A. l at II B. II at III C. III D. IV

13. Alin sa mga pahayag ang HINDI kahalagahan ng ekonomiks sa pamilya?


A. Pag-unawa tungkol sa isyu sa larangan ng sports at edukasyon
B. Pag-unawa tungkol sa isyu ng pag-aaral, pagkita, paglilibang at
paggastos
C. Pag-unawa sa pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan sa
kaalaman sa alokasyon at pamamahala
D. Pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang
pamilyang iyong kinabibilangan
14. Bilang mag-aaral, paaano nakatutulong ang kahalagahan ng ekonomiks?
A. Humuhubog sa iyong pag-unawa, ugali at gawi
B. Humuhubog sa iyong desisyon ng paggasta sa araw-araw
C. Humuhubog sa iyong desisyon sa mga isyung pandaigdigan.
D. Humuhubog sa iyong desisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.

15. Ang pag-aral ng ekonomiks ay nakatuon sa mga ito MALIBAN sa:


A. Pulitika C. Pamilya
B. Lipunan D. Bilang mag-aaral

16. Bilang bahagi ng lipunan, paano mo maipapakita ang wastong paggamit ng


likas na yaman?
A. Paggamit ng dynamite sa pangingisda
B. Pagtapon ng basura sa tamang basurahan
C. Pagputol ng mga punongkahoy sa kagubatan
D. Pagpatay ng mga endangered animals sa kabundukan

17. Ang sumusunod ay iba pang kahalagahan ng ekonomiks, MALIBAN sa


A. Nagbibigay kaalaman sa wastong paggamit ng likas na yaman
B. Nagbibigay linaw ukol sa ugnayan ng mga patakarang pambansa sa
ekonomiya
C. Nagbibigay ng tamang karunungan sa pagdedesisyon ukol sa
pagkonsumo at pagpro-prodyus
D. Nagbibigay pagkakataon upang makibahagi sa nagaganap na
karahasan sa ibang bahagi ng mundo

18. Sino sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kahalagan ng


ekonomiks?
A. Si Marites na araw-araw na nakikipagkuwentuhan sa kapitbahay.
B. Si Marinel na nagbubudget ng pera sa araw-araw na gastusin ng
pamilya.
C. Si Marisa na umaasa na lamang sa kanyang magulang sa usaping
pinansyal.
D. Si Maria na inubos ang isang buong sahod sa pamimili ng mga damit
at iba pang palamuti sa katawan.

19. Bilang bahagi ng lipunan, sa paanong paraan mo maipapakita ang


kahalagahan ng ekonomiks?
A. Pagiging tahimik na lamang sa loob ng tahanan
B. Pagkalat ng mga maling impormasyon sa facebook
C. Pagbahagi ng balita ukol sa isyung pang-artista sa mga kapitbahay
D. Pagkaroon ng mga seminars o symposium ukol sa isyung
pangkomunidad

20. Bilang mag-aaral, sa paanong paraan mo maipapakita ang kahalagahan ng


ekonomiks sa loob ng paaralan?
A. Pagkakalat ng mga fake na impormasyon sa klase
B. Pagbili ng mga dapat kakainin na naaayon sa budget
C. Walang katapusang pagbili ng mga pagkain sa canteen
D. Paghiram ng sobrang pera sa iyong kaklase para makabili ng bagong
cellphone

B. TIKTOK TAYO
Panuto: Isulat ang titik na TIK kung TAMA ang ipinapahiwatig ng pangungusap at
TOK naman kung MALI.
1. Ang Ekonomiks ay hinango sa salitang griyego na ‘oikos’ at ‘nomos na
nangangahulugang “Pamamahala ng Tahanan”.
2. Sadyang nagkakaroon ng kakapusan dahil ang ating mga pangangailangan
at kagustuhan ay may katapusan.
3. Ang suliraning kinakaharap natin sa araw-araw ay dulot ng dalawang
nagbabagang dahilan: Limitadong yaman at walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan.
4. Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad.
5. Ang mikroekonomika o mikroekonomiks (microeconomics) naman ay
sumusuri sa kabuoang ekonomiya at sa mga isyu na nakaaapekto.
6. Matalino at tama ang isang desiyon kung ito’y nakabubuti sa sarili.
7. Sa pagpili sa pagitan ng dalawang bagay, mahalaga na isaalang-alang ang
halaga na maaring mawala sa gagawing desisyon.
8. Ang pagsaalang-alang sa karagdagang benepisyo na maaring makuha ay
tinatawag na marginal thinking.
9. Anomang benepisyo o pakinabang na makagaganyak sa’yo sa pagbuo ng
desisyon ay tinatawag na incentives.
10. Mahalagang sandata ang kaalaman sa ekonomiks sa paggawa ng
matalinong pagdesisyon.
11. May apat na sistemang pang-ekonomiya.
12.Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyunal na
kaayusan at paraan ng produksyon, pagmamay-ari at paglinang ng
pinagkukunang yaman.
13.Ang market economy ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng pamamahalaan.
14.Ang mixed economy ay isang sistema na kinapalooban ng elemento ng
tradisyunal at command.
15.Ang tradisyunal na ekomomiya ay isang sistema kung saan ang
pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan.
16.Sa tradisyunal na ekonomiya ay walang tiyak na batas ukol sa alokasyon.
17.Ang market economy ay hindi pinapahintulutan ang pribadong pagmamay-ari
ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa
sa gawain.
18.Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy.
19.Ang mixed economy ay kombinasyon ng command at market economy.
20. Ang command economy ay hindi kontrol ng pamahalaan

C. PAG-IISA-ISA:

1. LIMANG Uri ng Pagkonsumo


2. PITONG Katangian ng Matalinong Mamimili
3. WALONG Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
4. Magbigay ng ANIM na Karapatan ng Mamimili
5. Ano ang APAT na Isinusulong ng Republic Act 7394 also known as
Consumer Act of the Philippines?
6. LIMANG Pananagutan ng Mamimili

D. PAGPAPALAWAK NG MGA ACRONYMS

DTI
1. BFAD
2. ERC
3. DENR – EMB
4. FPA
5. HLURB
6. IC
7. SEC
8. PRC
9. POEA

You might also like