You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawan ng Edukasyon
Rehiyon ng Caraga
Dibisyon ng Agusan del Norte
Hilagang Distrito ng Kitcharao
MATAAS NA PAARALAN NG KITCHARAO

Unang Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9


Kwarter 1 – Week 1

PANUTO:
BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA KATANUNGAN. PILIIN ANG TITIK NG TAMANG SAGOT
AT ITIMAN ANG BILOG NA NASA IBABA NG TITIK NG TAMANG SAGOT NA MAKIKITA SA SAGUTANG PAPEL O
ANSWER SHEET.
Halimbawa:

1. Ano ang isang pag-aaral sa pang araw-araw na buhay ng tao, kabuhayan, at halos lahat ng materyal
na aspeto ng kaniyang buhay?

a. Araling Panlipunan c. Ekonomiya


b. Ekonomiks d. Oikonomeia

2. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang Griyego na oikonomeia. Ano ang ibig sabihin ng
oikonomeia?

a. Pagtitipid c. Pamamahala ng negosyo


b. Pakikipagkalakalan d. Pamamahala ng tahanan

3. Ang oikonomeia ay nagmula sa dalawang salita. Ano ang ibig sabihin ng “oikos” at “nomos”?

a. Pagtitipid c. Pamamahala ng negosyo


b. Pakikipagkalakalan d. Pamamahala ng tahanan

4. Ano ang apat (4) na konsepto ng ekonomiks?

a. Incentives, Marginal Thinking, Opportunity Cost at Trade-on


b. Incentives, Marginal Thinking, Opportunity Plan at Trade-on
c. Incentives, Marginal Thinking, Opportunity Plan at Trade-off
d. Incentives, Marginal Thinking, Opportunity Cost at Trade-off

5. Ano ang isang agham na tumatalakay sa ugnayan ng mga tao at pangkat ng mga tao sa lipunan?

a. Agham c. Ekonomiks
b. Agham Panlipunan d. Ekonomiya
6. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon?

a. Incentives c. Opportunity Cost


b. Marginal Thinking d. Trade-off

7. Ano ang itinuturing mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanatili ang kanilang buhay at
kalusugan?

a. Hilig-pantao c. Pangunahing pangangailangan


b. Luhong pangkatawan d. Sekundaryong pangangailangan

8. Ano ang tawag sa kaisipan kung saan natatamo ang benepisyo o pakinabang ng isang produkto o
serbisyo sa bawat karagdagang gastusin?

a. Incentives c. Opportunity Cost


b. Marginal Thinking d. Trade-off

9. Alin sa mga konsepto ng ekonomiks ang inilalarawan kung magbibigay ng karagdagang allowance
para sa nagawang magandang serbisyo?

a. Incentives c. Opportunity Cost


b. Marginal Thinking d. Trade-off

10. May dalawang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks. Ano ang tawag sa sangay na ito na
tumutukoy sa paglalago ng produkto at kita ng pamilya o bahay-kalakal?

a. Makro-ekonomiks c. Maykro-enterprays
b. Makro-enterprays d. Maykro-ekonomiks

11. Ano ang isang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks na nagsusuri ng mga impluwensya ng
kalakalan sa pagtaas ng pambansang kita, paglawak ng pandaigdigang pamilihinan at pagtaas ng
antas ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig?

a. Makro-ekonomiks c. Maykro-enterprays
b. Makro-enterprays d. Maykro-ekonomiks

12. Ano ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks?

a. Pagpapalawak ng kaalaman ng teknolohiya.


b. Pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
c. Labis ng dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangilangan at hilig-
pantao.
d. Kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan
at hilig-pantao.

13. Alin sa mga sumusunod ang pamamaraan o mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-
yaman sa iba’t-ibang gamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan?

a. Alokasyon c. Kalkulasyon
b. Imbensyon d. Produksyon
14. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na kahulugan ng ekonomiks?

a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan at


kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensya ng kasalanan ng tao na nakakaimpluwensya sa kanyang
pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matugunan ng tao ang kanyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

15. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kaisipin tungkol sa kahulugan ng ekonomiks?

a. Nanggaling sa salitang Latin ang salitang ekonomiks.


b. Ang konsyumer lamang ang pangunahing pukos nito.
c. Walang kinalamang ang pamahalaan sa pag-aaral nito.
d. Tumutukoy sa pamamahala ng mga pangangailangan ng tao at sa pangangasiwa ng kaniyang
pinagkukunang-yaman.

16. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa
pangkat?

a. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?


b. Paano lilikahain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
d. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?

17. Kung ikaw ang ay isang taong rasyonal na mag-aaral, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
paggawa ng desisyon?

a. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan.


b. Isaalang-alang ang mga dinadalohang okasyon.
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon.
d. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon

18. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas,
yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?

a. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa.
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang-uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinakkukunang-
yaman.
c. Dahil sa negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebento sa
pamilihan.
d. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
19. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang
nagsaad ng diwang ito?

a. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangan sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa.
b. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa
lipunan kaya’t nauuuri natin ng mahihirap, nakaririwasa at mayayaman.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kaya’t dapat
pagpatuloy ang produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, natutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas
ang antas ng kita, empleyo, seguridad at kagalingang panlipunan ng mga mamamayana sa
isang bansa.

20. Ang trade-off ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bansa samantala ang
opportunity cost ay ang halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon. Ano ang dahilan kung bakit may trade-off at opportunity cost?

a. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.


b. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdesisyon.
c. Dahil sa walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan nito.
d. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo.

21. Ano ang ibig sabihin bilang isang agham panlipunan na gumagamit ng siyentipikong paraan sa
pag-aaral ng ekonomiks?

a. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng konklusyon.


b. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
c. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng
puhunan.
d. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o
angkop na konklusyon.

22. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa lipunan?

a. Limitadong pinagkukunang yaman.


b. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang yaman.
c. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
d. Lahat ng nabanggit.

23. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo
ang ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?

a. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.


b. Magkaroon ka ng kakayahan ng makapagturo ng ekonomiks.
c. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
d. Mapag-aralan ang mga gawi, kilos at siyentipikong pamamaraang, makakatulong sa iyo
sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
24. Namili sa pamalihang bayan si Mang Isko ng isang kilong karneng manok. Subalit ng timbangin niya
Ito sa timbangan ng bayan ay kulang ito sa timbang. Dapat bang sundin ni Mang Isko ang
pinakaangkop na gagawin sa sumusunod na payo?

a. Isusumbong sa pamunuan sa palengke.


b. Isauli ang binili at bumili na lamang sa iba.
c. Hindi na muli pang bumili sa tindahang iyon.
d. Bumalik sa pinagbilhan at sabihing kulang ang timbang nito.

25. Ano ang pinakamabisang paraan upang matugunan ang pangangailangan sa pamamagitan ng
produktibong paraan?

a. Itago ang pera sa bangko upang lumago.


b. Bumili ng stocks sa market bilang investment.
c. Sumapi sa institution ng pananalapi ng bayan.
d. Gumawa ng isang angkop at organisadong pansariling badyet.

Inihanda nina: Iniwasto ni:


ABEGYLL LOLIT A. MICABALO REMY M. OCITE
Subject Teacher Subject Coordinator

Itinala ni:
ANALOU O. HERMOCILLA
Punong-guro

You might also like