You are on page 1of 5

Republic of the Philippines Document Code: SCC-NIU-

Department of Education 300382-QF-TS-001


Region I
SCHOOLS DIVISION OF SAN CARLOS Revision: 00
CITY
Cluster of Non-Implementing Units Effectivity date: 11-05-18
San Carlos City, Pangasinan
Name of School: LIBAS
TEST QUESTION
NATIONAL HIGH SCHOOL

Reference No. Date:


Name: S.Y./Quarter 2022-2023/1ST Quarter
Subject: Araling Panlipunan
Score:
Grade Level & Section: G9-

I. MULTIPLE CHOICE. Basahin ang tanong at isulat sa patlang ang titik ng pinakatamang sagot.
___1. Ang salitang ekonomiks ay galing sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
a. pamamahala ng negosyo. b. pakikipagkalakalan. c. pamamahala ng tahanan. d. pagtitipid.
___2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan.
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao.
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao.
___3. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
___4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang
tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
___5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
a. Dinadaluhang okasyon c. Opportunity cost ng desisyon
b. Kagustuhang desisyon d. Tradisyon ng pamilya
___6. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin
nito ay:
a. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
b. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon.
c. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
d. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.
___7. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
b. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
c. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
d. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.
___8. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong
pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

___9. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng
diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t
nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy
and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng
kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
___10. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
a. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan.
___11. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang
kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman
___12. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
a. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
b. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pangekonomiya.
c. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
d. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pagiimpok.
___13. Masaya si Lydia sa kanyang napiling baunan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly pa. Ang
sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
___14. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng mga oras
na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives b. Marginal Thinking c. Opportunity Cost d. Trade-off
___15. Ang sistemang pang-ekonomikong ito ay sumasagot sa unang katanungang pang-ekonomiko batay sa puwersa
ng pamilihan.
a. Traditional Economy b. Market Economy c. Command Economy d. Mixed Economy
___16. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng:
a. Konsyumer b. Pamahalaan c. Pamilihan d. Prodyuser
___17. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
a. Likas-yaman b. Pamahalaan c. Presyo d. Prodyuser
___18. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market
economy?
a. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng
pamahalaan.
c. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
d. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain.
___19. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang- yaman ng bansa?
a. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
b. Upang mas lumaki ang kita ang ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
c. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
d. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.
___20. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
c. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaring manghimasok ang pamahalaan.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
___21. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around”.
ni John Watson Howe?
a. May limitasyon ang pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
b. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
c. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
d. May Hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
___ 22. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa
sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung
sino ang dapat gumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at
pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado.
___23. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
a. paggamit ng mga hilaw na sangkap
b. pagtayo ng mga pabrika
c. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
d. pagkamalikhain ng mga manggagawa
___ 24. Paano nakakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
a. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
b. maraming output ang mabubuo
c. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
d. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
___ 25. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya
MALIBAN sa:
a. puno ng inobasyon
b. maging malikhain
c. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
d. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo
___26. Paano mo patunayan na kakambal ng paggawa ang kapital?
a. paggawa at kapital ay parehong salik ng produksyon
b. kaakibat ng lakas at galing sa paggawa ang kalidad at dami ng capital
c. teknolohiya na gawa ng tao ay magagamit rin bilang kapital
d. magkapareho ang dami ng manggagawa at kapital sa pagnenegosyo
___27. Bakit itinuring ang lupa na pangunahing salik ng produksyon?
a. pinagmulan ito ng lahat ng produktong ibinenta sa pamilihan
b. dito nagmumula ang raw materials na kinakailangan sa pagbuo ng bagong produkto
c. mas malawak ang sukat ng lupaing tinataniman
d. ito ay patayuan ng mga imprastraktura na kailangan sa produksyon
___28. Ang input ay mga salik na ginamit sa pagbuo ng produkto. Sa nabuong output na “mesa at silya”, alin sa
sumusunod ang mga input nito?
a. kagamitan, makinarya, manggagawa
b. kahoy, kagamitan, makinarya
c. kagamitan, makinarya, manggagawa, kahoy
d. tabla, makinarya, teknolohiya
___29. Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na gawa ng tao na ginagamit sa
produksyon?
a. malawak na lupain b. libo-libong binhi ng prutas
c. makinarya at teknolohiya d. maayos na daan at tulay
___30. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?
a. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang b. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
c. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao d. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan
___31. Sa anong salik na nakakaapekto sa pagkonsumo napapabilang ang mga kalamidad?
a. Demostration Effect b. Kita c. Mga Inaasahan d. Pagkakautang
___32. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
a. Hindi sumusunod sa uso b. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
c. Binibili ang mga napapanahong gamit d. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista
___33. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?
a. Lumulubo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
b. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
c. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
d. Kakaunti ang naiipon sa pera mula sa kita
___34. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
a. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan
d. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan
___35. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo na kinabibilangan ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon,
pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media?
a. Demostration Effect b. Kita c. Mga Inaasahan d. Pagkakautang
___36. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa
pagkonsumo?
a. Araw ng eleksyon b. Kaarawan c. Kalamidad d. Palabas sa telebisyon
___37. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang utang?
a. Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
b. Lumalaki ang ipon sa bangko
c. Walang utang na kailangang bayaran
d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo
___38. Sino ang may akda ng aklat na The General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong
1936?
a. Antonio Abatemarco b. John Maynard Keynes
c. Frank Ackerman d. Sandra Andraszewicz
___39. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General Theory of Employment,
Interest, and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN sa:
a. Malaki ang epekto ng kita sa konsumo
b. Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo
c. Kapag lumiliit ang kita lumiliit din ang kakayahang kumonsumo
d. Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan
___40. Ang sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa pagkunsumo, MALIBAN sa isa.
a. Pagbabago ng pagkonsumo b. Mga inaasahan
a. Pagkakautang d. kita
___41. Bakit may iba’t-ibang salik na nakaaapekto sa pagkunsumo ng isang tao?
a. Magkakaiba ang kanilang kailangan b. Magkakaiba ang kanilang hanapbuhay
c. Magkakaiba ang kanilang katangian d. Magkakaiba ang kanilang pagkunsumo
___42. Bakit mas tinatangkilik ng mga tao ang produkto kapag ito ay mura?
a. Mas magaganda ang mabibili nya b. mas marami ang mabibili nya
c. mas makakapili sya ng kakailanganin nya d. mas marmi siyang mabibili
___43. Ito ay salik na naglilimita o nagdidikta sa pagkonsumo ng isang tao.
a. Kita b. Presyo c. Okasyon d. Paggaya.
___44. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksiyon sa pamilihan?
a. Department of Labor and Employment b. Department of Trade and Industry
c. Energy Regulatory Commission d. Securities and Exchange Commission
___45. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
a. Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon sa produkto
b. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
c. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
d. Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing produkto
___46. Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga ng
kanyang labi. Anong karapatan ang dapat ipaglaban dito?
a. Karapatang Dinggin b. Karapatan sa kaligtasan
c. Karapatang Pumili d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

___47. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili MALIBAN sa isa.


a. Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo
b. Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo
c. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang
maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan
b. Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at
pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan
___48. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagiging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at
kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit?
a. Kamalayan sa Kapaligiran b. May Alternatibo o Pamalit
c. Mapanuring Kamalayan d. Pagmamalasakit na Panlipunan
___49. Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?
a. Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa patakaran ng pagkonsumo
b. Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga panganib sa pagkonsumo
c. Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga tindahan
d. Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o negosyo
___50. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagiging makatwiran?
a. Hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo
b. Laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan
c. Marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng
produktong dating binibili
d. Sa pagpili ng isang produkto ay isinaalang-alang ang presyo at kalakal nito

Prepared by:

NELSSEN CARL M. BALLESEROS


Subject Teacher

Checked by:

MAUREEN DV. PARAS


Head Teacher III

Noted:

RICA C. MACAM
Principal III

You might also like