You are on page 1of 4

Reference No. : OMSC-CE-COL-01-A Effectivity Date: January 07, 2022 Revision No.

01

Republic of the Philippines


OCCIDENTAL MINDORO STATE COLLEGE
Labangan, San Jose, Occidental Mindoro
Website: www.omsc.edu.ph Email address: omsc_9747@yahoo.com
Tele/Fax: (043) 457-0231
College of Arts, Sciences and Technology

Araling Panlipunan 9
EKONOMIKS
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Pangalan: ________________________ Petsa: _______________
Taon at Seksyon: ___________________ Iskor/Marka: __________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinakatamang
sagot at bilugan ang titik ng napiling sagot.

1. Ang Ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


a. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao
2. Ang salitang Ekonomiks ay galing sa salitang oikos at nomos, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay
________________________________.
a. pamamahala ng negosyo
b. pakikipagkalakalan
c. pamamahala ng tahanan
d. pagtitipid
3. Ito ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayanan ng tao at may limitasyon din ang iba pang
pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital?
a. Kakapusan
b. Kakulangan
c. Pamilihan
d. Yamang Likas
4. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao,
at yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil ________________________________.
a. limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao
b. sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
c. sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa
5. Ano ang posibleng dahilan kung bakit maaaring magkaroon ng suliranin ng kakapusan sa lipunan?
a. Maaksayang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman
b. Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
c. Limitadong pinagkukunang-yaman
d. Lahat ng nabanggit
6. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa Ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa Ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
b. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
d. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng Ekonomiks
7. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang HINDI kasama sa pangkat?
a. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan?
b. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo?
c. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo?
d. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto?
8. Ano ang pinakamahalagang layunin ng Ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
a. maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap
b. maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa
c. mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita
d. makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa
9. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks? Ito ay ____.
Reference No. : OMSC-CE-COL-01-A Effectivity Date: January 07, 2022 Revision No. 01

a. matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap


b. ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon
c. ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan
d. ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan
10. Malaki ang bahaging ginagampanan ng Ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng
diwang ito?
a. Sa tulong ng pagsusuri sa Ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan
kaya’t nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
b. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng
mayayamang bansa.
c. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy
and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
d. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas
ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
11. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito
ay:
a. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon
b. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na
kongklusyon
c. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon
d. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan
12. Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang
kakapusan?
a. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman.
b. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman.
c. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan.
d. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman.
13. Ang mga sumusunod ay ang mga paraan upang mapamahalaan ang kakapusan MALIBAN sa:
a. Kailangan ang angkop at makabagong teknolohiya upang mapataas ang produksiyon
b. Pagsasanay para sa mga mangagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito sa paglikha ng produkto
at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo
c. Pagpapatupad ng pamahalaan ng mga polisiya na nagbibigay proteksiyon sa mga pinagkukunang-yaman
d. Wala sa nabanggit
14. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksiyon sa Ekonomiks kaysa sa manood ng K-drama ng mga oras na
iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sa sitwasyon?
a. Incentives
b. Marginal thinking
c. Opportunity cost
d. Trade off
15. Ngayong nasa Grade 9 na si Melgie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti upang makakuha ng
average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng
matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan sa sitwasyon?
a. Incentives
b. marginal thinking
c. opportunity cost
d. trade-off
16. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng suliraning ito,
kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-ekonomiko. Ang
“tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya” ay sumasagot sa aling katanungang pang-ekonomiko?
a. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
17. Ang kaapusan ay maaaring magdulot ng iba’t-ibang suliraning panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi
nagpapakita ng suliraning ito?
a. Maari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakararanas nito.
b. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya naababawasan ang kakayahan ng mga mamimili na
bumili ng iba’t-ibang produkto at serbisyo.
c. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malalakas na bagyo at mahabang panahon ng EL Nino at La Nina.
d. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
18. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
a. magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap
b. makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya
c. makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa iyong
kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap
Reference No. : OMSC-CE-COL-01-A Effectivity Date: January 07, 2022 Revision No. 01

d. magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-
araw
19. Masaya si Lea sa kanyang napiling baonan dahil maliban sa ito ay maganda at mura, eco-friendly pa. Ang
sitwasyon na ito ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
a. Incentives
b. marginal thinking
c. opportunity cost
d. trade-off
20. Kahit masama ang pakiramdam ni Ariel ay pinilit pa rin niyang pumasok sa paaralan dahil nanghihinayang siya sa
maari niyang matutunan na leksiyon. Ang sitwasyon ay isang halimbawa ng aling konsepto ng matalinong
pagdedesisyon?
a. Incentives
b. marginal thinking
c. opportunity cost
d. trade-off
21. Nakaugalian na ni Archie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang bagay kung ito ba may
pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Archie ay isang halimbawa ng anong konsepto ng matalinong
pagdedessisyon?
a. Incentives
b. marginal thinking
c. opportunity cost
d. trade-off
22. Sa bawat pagpapasiya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Ang trade-off ay ang pagpili o
pagsasakripisiyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay at ang opportunity cost ay ang halaga ng bagay o best
alternative na handing ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon. Bakit may nagaganap na trade-off at
opportunity cost?
a. Dahiil walang katapusan at kagustuhan ng tao.
b. Dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer
c. Dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo
d. Upang makagawa ng produktong kailangan ng pamilihin
23. Kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan, ang sumusunod ay maaring maganap MALIBAN sa
_________.
a. Hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin
b. Magiging pantay ang distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman
c. Maaring malutas o mabawasan ang suliranin sakakapusan
d. Magiging maayos ang pagbabadyet
24. Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng pandemya sa COVID-19. Bilang
mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong pamilya sa pagharap ng krisis sa ekonomiya?
a. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
b. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang pangunahing pangangailangan.
c. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin sa pera.
d. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman responsibilidad ang paghahanapbuhay sa
kasalukuyan.
25. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng Ekonomiks?
a. nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika
b. nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pangekonomiya
c. nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo
d. naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpok
26. Ang pag-ikot na daloy ng ekonomiya ay naglalarawan ng ugnayan at pangunahing gawain ng bawat sector ng
ekonomiya. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa bahaging ginagampanan ng sambahayan?
a. Nagmamay-ari ng salik ng produksiyon
b. Gumagamit ng mga salik ng produksiyon
c. Nagbabayad ng upa o renta sa lupa
d. Nagpapataw ng buwis sa bahay-kalakal
27. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?
a. mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa
b. makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito
c. makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-
yaman ng bansa
d. matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng ta
28. Ang sistemang pang-ekonomiko ay sumasagot sa apat na pangunahing pangekonomikong katanungan. Alin sa
sumusunod ang sumasagot sa katanungang: “Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?”
a. puwersa ng pamilihan
b. utos ng pamahalaan
c. tradisyon, kultura at paniniwala
d. sa puwersa ng pamilihan at pamahalan
29. Kung ikaw ay isang rasyonal ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
Reference No. : OMSC-CE-COL-01-A Effectivity Date: January 07, 2022 Revision No. 01

a. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon


b. Isaalang-alang ang mga hilog at kagustuhan
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon
30. Alin sa sumusunod ang may pinakawastong interpretasyon sa kasabihang, “There isn’t enough to go around”, ni
John Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan ng tao.
B. Ang walang pakundangan na paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.

You might also like