You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON SCHOOLS
DIVISION OF CABANATUAN CITY
LAZARO FRANCISCO INTEGRATED SCHOOL
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 9

Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa sagutang papel.


BAWAL ANG MAGBURA.
1. Ang ekonomiks ay itinuturing na agham panlipunan sapagkat:
a. Ito'y paghahati ng mga limitadong pinagkukunang yaman ng lipunan.
b. Ito'y pamamahagi ng kita ng pamahalaan sa mga taong bayan.
c. Ito'y pagsasama-sama ng mga datos para pag-aralan ang bilang ng mga nandarayuhan sa bansa.
d. Ito'y sumasaklaw sa pag-aaral ng kilos at gawi ng tao habang tinutugunan ang kanyang mga
pangangailangan.

2. Bakit dapat matutunan ng bawat mamamayan ang ekonomiks?


a. Malaki ang ginagampanan ng ekonomiya sa politika ng bansa.
b. Pinahahalagahan nito ang ating kalikasan.
c. Nalalaman dito ang wastong paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
d. Ito ay may kinalaman sa lahat ng dako ng daigdig.

3. Ang ekonomiks ay isang mahalagang agham panlipunan. Ano ang pinag-aaralan nito?
a. Paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
b. Pagpaparami ng pinagkukunang yaman.
c. Pamamahagi ng pinagkukunang yaman.
d. Paggawa ng mga produktong kailangan ng tao.

4. Ano ang batayang kasagutan na hinahanap sa ekonomiks?


a. Paano mapapaunlad ang isang bansa.
b. Paano magagamit ang mga pinagkukunang yaman upang mapaunlad ang buhay.
c. Paano gagamitin ang mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang pangangailangan ng tao.
d. Paano makakamtan ng tao ang kasaganaan.

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI sakop ng makroekonomiks?


a. Pambansang kita
b. Presyo ng mga bilihin
c. Kawalan ng trabahao
d. Kabuuang produksyon

6. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan
ay ang konsepto ng kakapusan?
a. Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng
tao sa harap ng kakapusan.
b. Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kanyang rasyonal na pagdedesisyon c. Ito ay
pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pagkabuhayan.
d. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanilang
kinakaharap.

7. Ano ang dahilan bakit may trade-off at opportunity cost?


a. Walang katapusan ang pangangailangan ng tao.
b. Limitado ang kaalaman ng tao sa pagpapasya.
C. Sagana ang buhay ng tao.
d. Upang makalikha ng mas maraming kalakal.

8. Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?


a. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon.
b. Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan.
c. Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.
d. Isinasaalang-alang ang itsura at porma.

9. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang Ekonomiks?


a. magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap
b. makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya
c. makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo para sa
iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap
d. magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mgabagay-bagay sa
araw-araw

10. Ano ang batayang kasagutan na hinahanap sa ekonomiks?


a. Paano mapapaunlad ang isang bansa.
b. Paano magagamit ang mga pinagkukunang yaman upang mapaunlad ang buhay.
c. Paano gagamitin ang mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang mga pangangailangan.
d. Paano makakamtan ng tao ang kasaganaan.

11. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng Ekonomiks?


a. nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika
b. nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pangekonomiya
c. nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo
d. naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-iimpok

12. Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng pandemya sa
COVID- 19 Bilang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong pamilya sa pagharap ng krisis sa
ekonomiya?
a. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
b. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang pangunahing pangangailangan.
c. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin sa pera.
d. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman responsibilidad ang
paghahanapbuhay sa kasalukuyan.

13. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng kahalagahan ng ekonomiks na tumutukoy sa indibidwal


MALIBAN sa:
a. Pagpili ng Kurso sa kolehiyo
b. Pagpili ng kaibigan
c. Paggastos sa baon
d. Pagbabadyet ng pagkain ng pamilya

14. Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit
nararanasan natin ang kakapusan?
a. hindi tamang paggamit ng likas na yaman
b. masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
c. mapaminsalang kalamidad na nararanasan
d. walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang pinagkukunang-
yaman
15. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:
a. pinag-aaralan nito ang pag-uugali ng tao habang tinutugunan ang kanyang pangangailangan at
kagustuhan
b. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig
c. pinag-iisipan sa araling ito kung paano makaipon ng salapi ang tao
d. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

16. Ang pagpapatupad ng ordinansa o batas ay isang kahalagahan sa ekonomiks na tumutukoy sa


a. Indibidwal
b. Lipunan
c. Pamilya
d. Pangkapaligiran

17. Ang suliranin sa kakapusan ay bahagi na ng buhay ng tao. Para maiwasan ang paglala ng
suliraning ito, kailangang magdesisyon ang lipunan batay sa apat na pangunahing katanungan pang-
ekonomiko. Ang "tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya❞ ay sumasagot sa aling
katanungang pangekonomiko?
a. Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

18. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo
ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks na magagamit sa kolehiyo
b. Makakatulong ang mga konseptong malalaman upang maging kritiko ng pamahalaan
c. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos at mga siyentipikong pamamaraang makakatulong upang
maging matalino sa pagpapasya
d. Makakatulong upang makapagturo ng ekonomiks sa hinaharap

19. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan at
pangangailangan?
a. Distribusyon
b. Alokasyon
c. Pamumuhunan
d. Reserbasyon

20. Kailan itinuturing na may pakinabang ang isang bagay?


a. Kung ginagamit ito sa paglikha ng bagong produkto
b. Kung mahalaga ito
c. Kung laganap ito
d. Kung ginagamit ito upang matugunan ang ating pangangailangan
21. Sa aling sistema may lubos na kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ng bansa?
a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy

22. Alin sa mga sumusunod ang HINDI na naglalarawan sa lipunang may market economy?
a. Malayang nakakapasok ang mga kalakal sa pamilihan.
b. Maraming nagtitinda ang nagpapababaan ng presyo.
c. Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.
d. Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.

23. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang naniniwala sa malayang


pamumuhunan?
a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy

24. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang may aktibong pakikialam ang
pamahalaan sa ekonomiya?
a. Traditional Economy
b. Market Economy
c. Command Economy
d. Mixed Economy

25. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa lipunang may command economy?
A. Malayang nakakapasok ang mga kalakal sa pamilihan.
b. Maraming nagtitinda ang nagpapababaan ng presyo.
c. Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.
d. Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.

26. Kung ang bayad sa manggagawa ay sahod, ano naman ang bayad sa lupa?
a. Interes
b. Upa
c. Kita
d. Tubo

27. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kapital?


a. Manggagawa
b. Makina
c. Gusali
d. Kompyuter
28. Alin sa mga salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental sa produksyon?
a. Lupa
b. Manggagawa
c. Kapital
d. Entreprenyur

29. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa likas-yaman?


a. Yamang lupa
b. Yamang tubig
c. Yamang kapital
d. Yamang mineral

30. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng white-collar job?


a. Tubero
b. Kargador
c. Call-center Agent
d. Basurero

31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng circulating capital?


a. Kuryente
b. Sasakyan
c. Gasolina
d. Tubig

32. Ano ang dahilan bakit magkakaiba ang halaga ng iba't ibang uri ng bigas?
a. May mga bigas na sadyang mahirap itanim.
b. May mga bigas na galing ng ibang bansa.
c. May mga bigas na mas mataas ang halaga ng produksyon.
d. May mga bigas mas madaling masira.

33. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa paggamit ng kalakal o serbisyo upang matugunan ang
pangangailangan?
a. Distribusyon
b. Produksyon
c. Pagkonsumo
d. Alokasyon

34. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkonsumo?


a. Paggamit ng mga produkto.
b. Paggawa ng mga produkto.
c. Pagbebenta ng mga produkto.
d. Paghahanap ng produkto.
35. Kapag tumaas ang presyo ng asukal, maaring mabawasan ang dami ng nagkakape. Bakit?
a. Sapagkat limitado ang produksyon ng kape.
b. Sapagkat walang gamit ang asukal sa kape.
c. Sapagkat ang kape at asukal ay magkaugnay na kalakal.
d. Sapagkat magkatunggali ang kape at asukal.

36. Anong uri ng pagkonsumo ang inilalarawan ng labis na pag-inom ng alak?


a. Mapaminsala
b. Maaksaya
c. Produktibo
d. Tuwiran

37. Anong uri ng pagkonsumo ang inilalarawan ng pagbili ng harina upang gawing tinapay?
a. Mapaminsala
b. Maaksaya
c. Produktibo
d. Tuwiran

38. Ayon sa Law of Diminishing Marginal Utility, ano ang mangyayari sa kasiyahang matatamo
habang ginagamit ang isang kalakal?
a. Tumataas
b. Bumababa
c. Walang Pagbabago
d. Pabago-bago

39. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag
sa mga bagay na ito?
a. Luho
b. Pangangailangan
c. Kagustuhan
d. Kagamitan

40. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagpapaliwanag na makakamit ng tao ang kasiyahan kapag
nakapagpasya siyang mas bigyan ng prayoridad ang mahalagang pangangailangan?
a. Law of Economic Order
b. Law of Variety
c. Law of Harmony
d. Law of Diminishing Marginal Utility

41. Ang pangangailangan ay mga bagay na ginagamit ng tao upang mabuhay. Ano naman ang
kagustuhan?
a. Mga bagay na nakukuha sa madaling paraan.
b. Mga bagay para sa pansariling kapakanan.
c. Mga bagay na pansamantalang naaangkin ng mga tao.
d. Mga bagay na nagdudulot ng kasiyahan sa tao.

42. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Batas ng Pagkakabagay (Law of Harmony)?
a. Pagbili ng kape sa halip na milk tea
b. Pagkain ng dinuguan at puto.
c. Pagsawsaw ng chicharon sa suka
d. Pagsuot ng puting t-shirt at itim na pantalon

43. Anong katangian ng mamimili ang ipinapahiwatig kapag isinaalang-alang niya ang presyo at
kalidad ng isang bagay?
a. Marunong maghanap ng alternatibo
b. Hindi nagpapadaya
c. Makatwiran
d. Mapanuri

44. Anong batas ang nangangalaga sa kaligtasan at nagbibigay ng karapatan sa mga mamimili? a.
Consumer Rights of the Philippines
b. Revised Penal Code
c. Civil Code of the Philippines
d. Price Tag Law

45. Kailan masasabing matalino ang isang mamimili?


a. Gumagamit ng credit card
b. Bumibili ng second hand
c. Sumusunod sa Badyet
d. Bumibili ng mura

46. Anong katangian ng mamimili ang ipinapahiwatig kapag marunong humanap ng pamalit na
kalakal na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili?
a. Marunong maghanap ng alternatibo
b. Hindi nagpapadaya
c. Makatwiran
d. Mapanuri

47. Ano ang tawag sa artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto?
a. Hoarding
b. Panic Buying
c. Smuggling
d. Shortage

48. Anong karapatan ng mamimili ang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at


mapanligaw na patalastas?
a. Karapatan sa Kaligtasan
b. Karapatan sa Impormasyon
c. Karapatang Pumili
d. Karapatang Dinggin

49. Anong karapatan ng mamimili ang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang
isaalangalang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan?
a. Karapatan sa Kaligtasan
b. Karapatan sa Impormasyon
c. Karapatang Pumili
d. Karapatang Dinggin

50. Anong karapatan ng mamimili ang nilalabag sa HINDI paglalagay ng presyo ng ilang online
sellers at paggamit ng sistemang "PM is the key"?
a. Karapatan sa Kaligtasan
b. Karapatan sa Impormasyon
c. Karapatang Pumili
d. Karapatang Dinggin

You might also like