You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF SIPALAY CITY
Nabulao National High School
Brgy. Nabulao, Sipalay City, Neg. Occ.

Unang Markahang
Pagsusulit
Araling Panlipunan 9
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak
na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat:


A. Pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na
pangangailangan.
B. Nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig.
C. Pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakaroon ng salapi ang tao.
D. Pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao

2. Ang salitang ekonomiks ay galing sa oikonomeia, isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay:
A. Pamamahala ng negosyo B. Pakikipagkalakalan C. Pamamahala ng tahanan D. Pagtitipid

3. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at
yamang kapital. Nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito dahil:
A. Limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman.
C. Sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan.
D. Likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang yaman ng bansa.

4. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan.

5. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang
pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
C. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong
pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap.
D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.

6. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang
ito?
A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kaya’t
nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman.
B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang
bansa.
C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy
and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig.
D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng
kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa.
7. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
A. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng trabaho sa hinaharap.
B. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa ekonomiya.
C. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali at gawi na magagamit mo para
sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay sa hinaharap.
D. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa pagdedesisyon ng mga bagay-
bagay sa araw-araw.

8. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?


A. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
B. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping pangekonomiya.
C. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
D. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pagiimpok.

9. Alin sa sumusunod ang mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya?


A. Upang mas mapalawig ang kitang pang-ekonomiya ng ating bansa.
B. Upang makamit ang pinakamataas na kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
C. Upang makaagapay ang lipunan sa mga suliranin at kung paano episyenteng magagamit ang pinagkukunang-
yaman ng bansa.
D. Upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

10. Piliin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy.


A. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
B. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
C. Hinahayaan ang pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
D. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.

11. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa market
economy.
A. Wala sapagkat ang katungkulan ko sa ekonomiya nagmumula sa pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinakikialaman ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol pa rin sa ilang mga gawain.

12. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod-tangi sa
sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming bansa?
A. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
B. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung
sino ang dapat gumamit.
C. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipagugnayan sa pamamagitan ng presyo at
pangangasiwa ng gawain.
D. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-
ari ng estado.

13. Ang isang entrepreneur ay itinuring bilang “Kapitan ng Negosyo”. Ang sumusunod ay katangiang taglay niya
MALIBAN sa:
A. puno ng inobasyon
B. maging malikhain
C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
D. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo

14. Sa pang araw-araw na buhay ng mga tao ay may pagkonsumo. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapatunay
sa pagkakaiba ng produksyon at pagkonsumo?
A. Ang produksyon ay pagproseso ng produkto at ang pagkonsumo ay paggamit ng produkto.
B. Nililikha ang produkto sa produksyon, samantala ginagamit ito sa pagkonsumo.
C. Ang produksyon ay proseso ng pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng produkto at ang
pagkonsumo ay pagbili at paggamit ng produkto na magbibigay ng kapakinabangan sa tao.
D. Sa produksyon maraming produktong bibilhin samantala sa pagkonsumo nasisiyahan ang mga tao sa pagbili
ng produkto.

15. Saan nanggagaling ang lupa, lakas paggawa, kapital at kakayahang entrepreneur bilang mga salik ng produksyon?
A. bahay-kalakal B. industriya C. pamahalaan D. sambahayan

16. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng kahalagahan ng produksyon sa pang araw-araw na pamumuhay?
A. Ang produksyon ay lumilikha ng trabaho.
B. Ang mga kinita mula sa bawat salik ng produksyon ay nagagamit ng sambahayan sa pagbili ng produkto at
serbisyo.
C. Ang produksyon ay pinagmumulan ng mga produktong kailangang ikonsumo sa pang araw-araw.
D. Ang pagkonsumo ay nagbibigay-daan sa produksyon ng produkto at serbisyo, kaya dahil ditto masasabing
mas mahalaga ang produksyon kaysa sa pagkonsumo.

17. Bakit nagkakaiba ang paraan at dahilan ng pagkonsumo?


A. Maraming kalagayan ang isinasaalang-alang
B. Magkakaiba ang katangian ng mga nakakaapekto dito
C. Magkakaiba ang pangangailangan ng tao
D. Hindi tiyak ang pangyayari sa lipunan

18. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?


A. kakaunti ang suplay C. mataas ang presyo
B. marami ang suplay D. mababa ang presyo

19. Alin sa sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration effect?
A. Hindi sumusunod sa uso
B. Nahuhumaling sa suot ng mga artista
C. Binibili ang mga napapanahong gamit
D. Suportado ang mga ini-endorso nga paboritong artista

20. Ang sumusunod ay ilan sa mga nakasaad sa aklat na pinamagatang The General Theory of Employment, Interest,
and Money na inilathala noong 1936 MALIBAN sa:
A. Malaki ang epekto ng kita sa konsumo
B. Kapag lumalaki ang kita lumalaki din ang kakayahang kumonsumo
C. Kapag lumiliit ang kila lumiliit din ang kakayahan kumonsumo
D. Ang ekonomiya ay nakabatay sa kita ng mga tao sa lipunan

20. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksiyon sa pamilihan?
A. Department of Labor and Employment
B. Department of Trade and Industry
C. Energy Regulatory Commission
D. Securities and Exchange Commission

21. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang
transaksiyon sa pamilihan?
A. Department of Labor and Employment
B. Department of Trade and Industry
C. Energy Regulatory Commission
D. Securities and Exchange Commission

22. Aling batas ang nangangalaga sa kapakanan ng mamimili?


A. Republic Act 10368 C. Republic Act 7394
B. Republic Act 7160 D. Republic Act 9003
23. Bumili si Maria ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga ng kanyang
labi. Anong karapatan ang dapat ipaglaban dito?
A. Karapatang Dinggin C. Karapatang Pumili
B. Karapatan sa kaligtasan D. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan

24. Tumutukoy sa karapatang maipahayag ang interes ng mga mamimili sa paggawa at pagsakatuparan ng mga
patakaran at batas ng pamahalaan.
A. Karapatang Dinggin C. Karapatan sa Kaligtasan
B. Karapatang Pumili D. Karapatan sa Patalastasan

25. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng mamimili MALIBAN sa isa.


A. Maipapahayag ang sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo
B. Mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo
C. Magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang ating kapakanan
D. Makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng
anumang patakaran ng pamahalaan

26. Sa pag-aaral ng ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan. Bakit nararanasan natin ang
kakapusan?
A. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman
B. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-yaman
C. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan
D. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit limitado ang
pinagkukunang-yaman

27. Bakit kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa?
A. Upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito.
B. Upang mas lumaki ang kita nga ekonomiya ng ating bansa at ng mamamayan nito.
C. Mas mapalawig ang yamang-likas ng isang bansa na kagaya ng ating bansa.
D. Nararapat itong bigyang pansin dahil sa katotohanang may kakapusan na umiiral.

28. Ang taglay na talino at kakayahan ng tao ay mahalaga. Ano ang materyal na gawa ng tao na ginagamit sa
produksyon?
A. malawak na lupain C. makinarya at teknolohiya
B. libo-libong binhi ng prutas D. maayos na daan at tulay

29. Bakit may malaking ginagampanan ang mga manggagawa sa ating pang arawaraw na pamumuhay?
A. Sila ang tagaproseso upang makabuo ng produkto.
B. Sila ang kumukuha ng mga hilaw na sangkap.
C. Ang kanilang paggawa ng mga produkto ay tumutugon sa pangangailangan ng mga tao.
D. Ang kanilang paglilingkod ay ipinagkaloob sa mga tao.

30. Sa produksyon, nagaganap ang transpormasyon ng mga raw materials sa pagbuo ng bagong produkto sa
pamamagitan ng kahusayan at sipag ng mga:
A. kapitalista B. landlord C. manggagawa D. opisyale

31. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?


A. Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
B. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
C. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
D. Kakaunti ang naiipon sap era mula sa kita

32. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo?
A. Araw ng eleksyon B. Kaarawan C. Kalamidad D. Palabas sa telebisyon
33. Sa paanong paraan mo maitataguyod ang karapatan sa tamang impormasyon?
A. Pag- aralan ang nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon sa produkto
B. Pahalagahan ang kalidad at hindi ang tatak ng produkto o serbisyong bibilhin
C. Palagiang gumamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran
D. Palagiang pumunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang bibilhing produkto

34. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging
makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
A. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
B. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan
C. Karapatan sa Palatastasan
D. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran

35. Bakit mahalaga ang batas na nangangalaga sa karapatan ng mamimili?


A. Madali lamang matutunton ng pamahalaan ang mga negosyanteng lumalabag sa patakaran ng pagkonsumo
B. Nagbibigay-proteksiyon ito sa mga mamimili laban sa mga panganib sa pagkonsumo
C. Napapadali nito ang pamimili ng mga konsyumer sa mga tindahan
D. Pinangangalagaan nito ang mga nagmamay-ari ng tindahan o negosyo

36. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagiging makatwiran?


A. Hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo
B. Laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan
C. Marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng
produktong dating binibili
D. Sa pagpili ng isang produkto ay isinaalang-alang ang presyo at kalakal nito

37. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Department of Trade and Industry o DTI?
A. Ang pagtiyak sa kalidad at kaligtasan ng mga produkto
B. Ang pagmomonitor sa pag-aanunsiyo
C. Ang pagtiyak sa mga produktong pang-agrikultura
D. Ang pagtiyak sa pagbibigay ng sapat na impormasyon at edukasyon sa mamimili

38. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon ay:
A. Dinadalihang okasyon C. Opportunity cost ng desisyon
B. Kagustuhang desisyon D. Tradisyon ng pamilya

39. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito
ay:
A. Tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon.
B. Naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na
kongklusyon.
C. Sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon.
D. Ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan.

40. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan?
A. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap.
B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa.
C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita.
D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.

II. Panuto: Ibigay ang mga sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
A. (41-45) Iba’t ibang pananagutan ng mamimili.
B. (46-49) Pangunahing Katanungang Pang-ekonomiya
C. (50) Salik ng Produksiyon
Prepared by:
Ms. MONICA P. RAMOS
Subject Teacher
Answer key:

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.
36.
37.
38.
39.
40.
41.

Prepared by:
MONICA P. RAMOS
Science Teacher

You might also like