You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region X – Northern Mindanao
DIVISION OF GINGOOG CITY
Gingoog City

ARALING PANLIPUNAN (Grade 9)


Unang Markahan
Set A
PANUTO: Basahing mabuti ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
A. Ekonomiks
B. Sosyolohiya
C. Antropolohiya
D. Sikolohiya
2. Sa proseso ng pagpili, alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best
alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon?
A. Trade-off
B. Marginal thinking
C. Incentives
D. Opportunity cost
3. Isang salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “pamamahala ng sambahayan”.
A. Oikonome
B. Oikanomia
C. Oikonomia
D. Oikenomia
4. Umiiral ito dahil limitado ang pinagkukunang-yaman at walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
A. Kakulangan
B. Kakapusan
C. Kasakiman
D. Katotohanan
5. Kaganapang pansamantala sapagkat may magagawa pa ang tao upang masolusyunan ito.
A. Kakapusan
B. Katotohanan
C. Global crisis
D. Kakulangan
6. Ayon kina McConnel, Brue, at Barbiero (2001) sa kanilang aklat na Microeconomics, “Ang
__________ ng tao ay nagbabago at maaaring madagdagan dahilan sa paglabas ng mga bagong
produkto.”
A. Pangangailangan
B. Kagustuhan
C. Demand
D. Supply
7. Tumutukoy ito sa mga bagay na dapat mayroon ang isang tao upang magamit niya sa kaniyang
pang-araw-araw na buhay.
A. Pangangailangan
B. Kagustuhan
C. Demand
D. Supply
8. Institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-
ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang
lipunan.
A. Sistemang Pang-ekonomiya
B. Financial Institution
C. SistemangPinansiyal
D. Peace and Order
9. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa
kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
A. Command Economy
B. Tradisyunal na Ekonomiya
C. Mixed Economy
D. Market Economy
10. Ayon kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth
of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang __________ ng mga tao.
A. Pagpapayaman
B. Pagkonsumo
C. Paggawa
D. Pamamahagi
11. Isang salik na nagpapahayag na madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa
radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media.
A. Pagbabago ng Presyo
B. Mga Inaasahan
C. Demonstration Effect
D. Kita
12. Sa mga Salik ng Produksiyon, aling salik ang may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o
takda ang bilang.
A. Lupa
B. Paggawa
C. Kapital
D. Entrepreneurship
13. Isang uri ng lakas-paggawa na tumutukoy sa mga manggagawang may kakayahang pisikal o mas
ginagamit nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa.
A. Blue collar job
B. Brown collar job
C. Orange collar job
D. White collar job
14. Sinasabing ito ang may pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo na may legal na
katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga taong nagmamay-ari, kumokontrol at nagpapatakbo.
A. Partnership
B. Corporation
C. Sole Proprietorship
D. Cooperative
15. Isang uri ng negosyo na binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro
na kabahagi ng puhunan at tubo at ang pangunahing layunin nito ay makapagbili o makapagbigay
ng mga produkto at serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.
A. Partnership
B. Corporation
C. Sole Proprietorship
D. Cooperative
16. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks maliban sa isa:
A. Makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong pagdedesisyon
B. Maunawaan ang mga napapanahong isyu
C. Makita ang pagkukulang ng iba na maaaring mauwi sa diskriminasyon
D. Pag-unawa sa mga desisyon mula sa mgapamilihan
17. May kasabihan sa ekonomiks na “Rational people think at the margin.” Ang ibig sabihin nito ay:
A. Isinasaad na ang tao ay may kakayahang mag-isip
B. Dapat na ilalabas ng tao ang kanyang nararamdaman o iniisip
C. Sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga
D. Dapat may margin sa pagsusulat upang mas kaaya-ayang tingnan ang komposisyon
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop sa katotohanan ng kakapusan:
A. Kulang sa idea kung paano sosolusyunan ang isang problema
B. Umiiral dahil limitado ang pinagkukunang-yaman
C. Nangyayari dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
D. Nagaganap dahil sa itinakda ng kalikasan
19. Sa mga sumusunod, alin dito ang hindi tuwirang pahayag sa konseptongkakulangan?
A. Pansamantalang suliranin sa supply ng bigas dahil sa bagyo, peste, El Niño
B. Nagiging trend ngayon sa ibang mga Plipino ang pagkonsumo ng brown rice
C. Aangkat ang pamahalaan ng bigas sa ibang bansa gaya ng Vietnam at Thailand
D. Pananaliksik ng mga dalubhasa sa hybrid rice na mas malaki ang ani
20. Tuwing araw ng sahod, alin sa mga sumusunod ang mas madalas mangyari sa sweldo ng mga
karaniwang manggagawa?
A. Ibibili ng damit at sapatos
B. Ibibili ng kakanin at pampalamig
C. Ibibili ng mansanas at ubas
D. Ibibili ng ulam at bigas
21. Ang tao ay naghahangad ng higit pa sa kanyang mga batayang pangangailangan. Alin sa mga
sumusunod ang mas nakaangkla sa pahayag na ito?
A. Gusto niyang manirahan sa mas magarang mansyon sa isang exclusive village.
B. Gusto niyang mabuhay nang marangal at maayos sa lipunan.
C. Gusto niyang magsuot ng branded na damit at alahas.
D. Gusto niyang mapuntahan ang mga sikat na pasyalan.
22. Sabi ni John Watson Howe, “There isn’t enough to go around.” Ito ay kasabihang sumasalamin
sa…
A. Nasirang kapaligiran
B. Minimithing kapayapaan
C. Suliranin ng kakapusan
D. Nararanasang kakulangan
23. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo sa sistemang mixed economy?
A. Isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at traditional economy,
B. Malayang pakikilahok at pagkontrol ng pamahalaan sa mga gawaing pangkabuhayan.
C. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastruktura at organisasyon.
D. Nagpapahintulot na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya ang
mga kompanya at indibidwal.
24. Sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo, alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi
totoo?
A. May sariling paninindigan ang tao at hindi ito madaling maimpluwensiyahan ng social media.
B. May pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa
pagkonsumo ng tao.
C. Ang kita ay nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao.
D. Ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaapekto a pagkonsumo sa
kasalukuyan.
25. Alin sa mga sumusunod ang hindi sumasalamin sa pagiging isang matalinong mamimili?
A. Ikinababahala ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng produkto (hoarding).
B. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa.
C. Laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at
paggamit ng timbangan.
D. Isinaalang alang ang kalidad ng produkto at ang kasiyahang matatamo.
26. Ang mga sumusunod na pahayag ay tumutugon sa kahulugan ng Produksiyon maliban sa isa…
A. Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikonsumo agad ng tao kaya’t kailangang
idaan muna ito sa isang proseso.
B. Upang mabuo ang output na mesa at silya, kinailangan ang mga input na bagaytulad ng
kahoy, makinarya, kagamitan at manggagawa.
C. Ang produksiyon ang tumutugon sa ating pangangailangan, kung wala ito ay wala rin tayong
ikokonsumo.
D. Ang bawat isa sa mga salik ng produksiyon ay mahalaga at hindi kailangang iugnay sa iba
pang salik upang maiwasan ang kalituhan.
27. Sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution of Capital to Economic
Growth” (1962), alin sa mga sumusunod ang hindi totoo sa usaping kapital bilang isang salik ng
Produksiyon?
A. Ang kapital ay isang salik sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.
B. Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at
lakas-paggawa.
C. Ang kapital ay maaari ding iugnay sa salapi at imprustruktura tulad ng gusali, kalsada, tulay
at sasakyan.
D. Ang kapital ay pwedeng gamitin ng lahat upang paunlarin ang bansa dahil wala naman itong
kabayaran na interes.
28. Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning kumita o
tumubo. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa apat na pangkalahatang uri ng
negosyoang hindi totoo?
A. Sa sole proprietorship, ang lahat ng kita at pagkalugi ay tanging sa nagmamay-ari lamang.
B. Sa partnership, ang organisasyong ito ay binubuo ng hindi hihigit sa dalawang indibidwal.
C. Sa corporation o korporasyon, isang katangian nito ay ang pagbibigay ng mga bahagi o
shares sa anyo ng mga stocks.
D. Sa cooperative, kabahagi ang mga kasapi sa pagtatatag at pamamalakad ng samahan.
29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kasali sa usaping corporation o korporasyon?
A. Ang korporasyon ay maaaring bumili at magbenta ng mga ari-arian, pumasok sa mga
kontrata, magsampa ng kaso at nararapat na magbayad ng buwis.
B. Ang proseso ng pagiging isang korporasyon ay tinatawag na incorporation na nagbibigay sa
kompanya ng katayuang legal na hiwalay sa mga nagmamay-ari.
C. Sa pamamagitan ng incorporation, ang mga may-ari ng korporasyon ay may pananagutan
sa utang ng kompanya.
D. Kung ang kompanya ay malugi, ang tanging mawawala sa may-ari ay ang salapi na kanilang
pinuhunan bilang common stock.
30. Alin ang hindi kasali dito? Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sa iyong buhay bilang isang
mag-aaral sapagkat…
A. Maaaring mapaigting pa lalo ang iyong paniniwala sa mga bagay na nababalot ng misteryo
at kababalaghan
B. Maaaring maging higit kang matalino, mapanuri, at mapagtanong sa mga nangyayari sa
kapaligiran
C. Maaari itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi sa pamaraang makatutulong sa
iyong pagdedesisyon para sa kinabukasan
D. Makatutulong upang makapagbigay ka ng makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang
pagdedesisyon ng iyong pamilya
31. Ang mga sumusunod ay ilan sa paraan na maaaring isagawa upang mapamahalaan ang
kakapusan, maliban sa…
A. Kailangan ang angkop na teknolohiya upang mapataas ang produksiyon
B. Pagsasanay para sa mga mangagawa upang mapataas ang kapasidad ng mga ito
C. Pagpapatupad ng pamahalaan ng polisiya na nagbibigay prebilihiyo sa mga halal na opisyal
D. Pagpapatupad ng mga programa na makapagpapabuti sa organisasyon
32. Sa “Theory of Human Motivation” ni Abraham Harold Maslow (1908-1970), ipinanukala niya ang
teorya ng ‘Herarkiya ng Pangangailangan.’ Alin sa mga sumusunod na pahayag sa usaping ito
ang hindi tama?
A. Nakapaloob sa pangangailangang pisyolohikal ang pagkain, tubig, hangin, pagtulog
kasuotan, at tirahan na kapag nagkulang ay maaaring magdulot ng sakit o pagkamatay
B. Kabilang sa pangangailangan ng seguridad at kaligtasan ay ang magkaroon ng kaibigan,
kasintahan, pamilya at ng anak
C. Sa pagkamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao, kailangan ng tao na maramdaman
ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon.
D. Ang kaganapan ng pagkatao ang pinakamataas na antas ng pangangailangan na kung saan
ang tao ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa kasagutan sa halip na katanungan
33. Upan matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, dapat itong
sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Alin ang hindi kasali sa mga
katanungang ito?
A. Paano ang pagbibili ng naturang produkto at serbisyo?
B. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
D. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
34. Sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo, alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi
makatotohanan?
A. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil
mas marami silang mabibili.
B. Kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa
kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito bilang paghahanda sa hinaharap.
C. Bababa ang kakayahan ng tao na kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran
niyang utang.
D. Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kanyang kakayahan na kumonsumo ng
mga produkto at serbisyo.
35. Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong pamamaraan at
istilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang sumusunod ay ilan sa mga
katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur, maliban sa isa…
A. Mapagkawanggawa at simpatiya sa mga walang makain at walang matirahan.
B. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.
C. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
D. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.
36. Sa iyong planong pagnenegosyo, gamit ang iyong natutuhan sa Technology and Livelihood
Education, ang mga sumusunod ay nakapaloob sa business plan maliban sa isa…
A. Hangarin o misyon ng negosyo; ang pagkakaiba ng iyong negosyo sa ibang negosyo;
B. Magiging mga kliyente (Target Market); Magiging Karibal o kakompetensiya; uri ng produkto
o serbisyo na ibebenta;
C. Listahan ng mga bagay na ipamimigay sa mga kapos palad nating mga kababayan;
D. Estratehiyang gagamitin sa pagbebenta; puhunan at paano ito gagamitin; inaasahang kita
37. Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanilang lugar.
Naglalakad lamang siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang lingo, binibigyan siya ng
kanyang mga magulang ng Php 100 na baon pambili ng kanyang pagkain at iba pang
pangangailangan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag angmas angkop sa sitwasyon si Nicole?
A. Si Nicole ay interesadong pumasok sa paaralan kahit konti lang ang suportang natatanggap
mula sa kanyang mga magulang
B. Si Nicole ay walang kakayahang mag-aral sa isang private na paaralan
C. Si Nicole ay hindi maarte at gusto niya palaging mag-exercise gaya na lang ng paglalakad
D. Si Nicole ay gumagamit ng matalinong pagdedesisyon kung paano pagkasyahin ang
kanyang pera
38. Ang Production Possibilities Frontier o PPF ay isang modelo na nagpapakita ng mga estratehiya
sa paggamit ng mga salik upang makalikha ng mga produkto. Nailalarawan din sa pamamagitan
nito ang konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang masnakaangkla sa usaping ito?
A. May mga plano talaga na maganda pero hindi makatotohanan.
B. Kailangang tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ay magkakapareho ng prayoridad sa
buhay.
C. Minsan kailangan mo talagang isakripisyo ang isang bagay upang makuha ang isa pang
bagay.
D. Kailangang gumawa ng desisyon para sa ikabubuti ng nakararami na batay din sa kung
anong taglay na limitadong resources ng pamayanan
39. Si Dan at Don ay kambal, pareho silang pumapasok sa paaralan at gusto nilang bumili ng bagong
sapatos sa susunod na taon. Subalit binibigyan lamang sila ng Php 50 na baon araw-araw ng
kanilang magulang. Upang matupad ang kanyang kagustuhan, si Dan ay gumigising ng maaga at
naglalakad papunta sa paaralan. Si Don naman ay sumasakay upang hindi mahuli sa pagpasok.
Naglalaro rin siya ng video game tuwing tanghali at gumagastos ng halos Php 30 ng kanyang
baon sa araw-araw, samantalang si Dan ay iniipon ang kanyang pera.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mas makakatotohanang paglalarawan sa kambal?
A. Si Don ay masayahing tao at gusto lamang niyang i-enjoy ang life.
B. Si Dan ay willing na isakripisyo ang ibang bagay makamit lamang ang isang pang bagay na
makapagpapasaya sa kanya.
C. Si Don ay mas may interest sa pag-aaral kung kaya’t ayaw niyang mahuli sa pagpasok.
D. Si Dan ay nagpapaubaya na lamang para sa kaligayahan ng kanyang kambal.
40. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas sa dami
ng produkto na nais bilhin ng mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa
interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mas nagpapakita ng katotohanan sa nasabing
sitwasyon?
A. Nais ng prodyuser at mamimili na kumita at makaipon ng malaki.
B. Ang mga mamimili ay bumibili lamang ng mga produktong gawa ng kanilang
pinagkakatiwalaang producer.
C. Ang mga prodyuser ay nagbibigay ng discount sa kanilang mga suking mamimili.
D. Ang prodyuser at ang mamimili ay pawang naglalayon na lamangan ang isa’t isa
41. Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga
patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong
din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas
na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at
industriya.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga binibigyang-pansin ng batas na ito?
A. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng
mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan
B. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan
C. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga negosyante
D. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa
operasyon ng mga negosyo at industriya
42. Sa Ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati
ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat.
Alin sa mga sumusunod ang mas nakaangkla sa pahayag na ito?
A. Dahil sa pang-aabuso ng tao, naniningil na ang kalikasan.
B. Maraming bagay sa lupa ang hindi pa napapakinabangan ng tao.
C. Ang tao ay hindi nakukuntento hanggat hindi nauubos ang lahat ng yaman sa lupa.
D. Ang lahat nang ikinabubuhay ng tao sa mundo ay nagmula sa lupa.
43. Ang kakayahan ng maliit na negosyo na umuunlad ay nakadepende sa kakayahan ng sole
proprietor. Kung mangangailangan siya ng maraming pondo, maaaring kumuha siya ng
karagdagang pondo mula sa kaibigan, bangko, o kita ng negosyo.
Alin sa mga sumusunod ang mas sumusuporta sa pahayag na ito?
A. Sa panahon ngayon, imposible talagang umunlad kung hindi ka mangungutang ng pera.
B. Ang proprietor ay may sariling desisyon na paunlarin at panagutan ang kanyang negosyo.
C. Sa negosyo, kailangan talaga ang mga mayayamang kaibigan.
D. Ang proprietor ay dapat lamang na ibuhos ang lahat ng kanyang pera sa negosyo dahil
mayroon namang mga bangko na maaaring takbuhan.
44. Si Mat at Tam ay pareho mong kaibigan. Si Mat ay isang negosyanteng nagmamay-ari ng
malawak na palaisdaan at manukan sa inyong komunidad, at si Tam ay isang sikat na basketball
player at nagmamay-ari ng isang kilalang kainan sa kaparehong komunidad. Kung may
kakayahan ang inyong pamilya na magtayo ng negosyo, ano ang maaari ninyong itayo?
Kapareho ba ng mga negosyo nina Tam at Mat?
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mas angkop na sagot?
A. Magtatayo ako ng negosyo na kapereho sa aking mga kaibigan na sina Mat at Tam upang
maramdaman nila na kaibigan talaga nila ako dahil gusto ko silang gayahin.
B. Hindi ako magnenegosyo dahil ayokong mastress at gusto ko lang i-enjoy ang buhay.
C. Magnenegosyo ako ng mga paborito ko lamang na produkto at nang sa ganon ay hindi na
ako maghahanap pa sa iba kung sakaling kakailanganin ko ito.
D. Magtatayo ako ng ibang negosyo na hindi kapareho sa negosyo nina Mat at Tam upang
maiwasan ang kompetisyon at upang matugunan ang gusto ng mga tao na hindi kayang
ibigay nina Mat at Tam.
45. Sa pagharap sa suliraning pang-ekonomiya, mahalagang pag-isipan ang opportunity cost ng
gagawing desisyon. Alin sa mga pamimiliang produkto ang gustong likhain? Para kanino ang mga
ito? Alin ang higit na kailangan? Paano ito lilikhain? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpili?
Saang alternatibo higit na makikinabang? Gaano kalaki ang halaga ng pakinabang? Gaano kalaki
ang mawawalang oportunidad?
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mas naka-angkla sa mga katanungang nabanggit?
A. Nagdedesisyon tayo na gawin at ipagpalit ang mga bagay na mas makabubuti at
mapapakinabangan ng nakararami.
B. Ang tao ay gumagawa ng desisyon upang maisakatuparan ang kanyang mga minimithi sa
buhay.
C. Minsan bago mo gawin ang isang bagay, kailangan mong isipin ang iyong magagastos at
makukuhang kapalit.
D. Ikaw na tagapagpatupad ng isang proyekto, kahit na mas pinili ng nakararami ang isang
proyekto, kailangang ipatupad mo ang proyektong mas magpapasaya sa’yo.
46. Ang respeto ng ibang tao at tiwala sa sarili ay nagpapataas ng kanyang dignidad bilang tao. Ang
mga kakulangan sa antas na ito ay maaaring magdulot sa kanya ng mababang moralidad at
tiwala sa sarili na maaaring nagmula sa pagkapahiya, pagkabigo, at pagkatalo.
Alin sa mga sumusunod ang mas sumasalamin sa pahayag na ito?
A. Ang taong lumaki sa magulong paligid ay wala nang pagkakataon pang maranasan ang
buhay na puno ng respeto at pagmamahal.
B. Ang tao ay mas namumuhay ng mapayapa at masaya kung lumaki siyang punong-puno ng
respeto at pagmamahal.
C. Lahat ng mga taong may mababang moralidad at walang tiwala sa sarili ay nanggaling sa
magulong pamilya.
D. Dapat kamuhian ang mga taong umalipusta sa iyong pagkatao.
47. Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng
bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula
rito. Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga
pinagkukunang-yaman. Ang mapanagutang paggamit nito ang titiyak na may magagamit pang
pinagkukunang-yaman ang susunod na henerasyon.
Alin sa mga sumusunod ang mas sumusuporta sa pahayag na ito?
A. Kailangang maranasan ng susunod na henerasyon ang mga naranasan natin ngayon upang
madama nila kung gaano kahirap ang mamuhay sa mundong ito.
B. Ang susunod na henerasyon ay makararanas ng kahirapan sa darating na panahon dahil sa
kapabayaan natin ngayon.
C. Wala ng magagawa ang susunod na henerasyon dahil halos naubos na natin ang
pinagkukunang-yaman ngayon.
D. Ang lahat ng napapakinabangan natin sa mundo ay hiram lamang natin sa susunod na
henerasyon.
48. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media
kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik.
Alin sa mga sumusunod ang mas naglalarawan sa pahayag na ito?
A. Sadyang mas naniniwala pa ang mga tao sa sinasabi ng media kaysa sa kanilang personal
na obserbasyon.
B. Ang mga tao ay mas madaling paikutin at pabilogin ang ulo.
C. Pinahahalagahan ng mga tao kung ano ang sinasabi at ginagamit ng nakararami at ng mga
sikat.
D. Ang media ay isang makabagong pamamaraan ng mga sikat upang bulagin ang tao sa
katotohanan.
49. (Kinuha mula sa Online Balita, March 15, 2013)
Hataw sa rice production, pararangalan
Nakatakdang gawaran ng Department of Agriculture (DA) ng “Agri-Pinoy Rice Achievers Award”
ang mga lalawigan, bayan, at indibidwal na malaki ang ambag sa pagtamo ng hangarin ng
pamahalaan na staple self-sufficiency…
…Ayon sa Regional Agriculture Chief, ang pagsasanib ng mga programa at proyekto patungkol sa
climate change adaptation ng mga tanggapan na pambansa at lokal na pamahalaan ang dahilan
ng agarang pagkabawi mula sa sakuna at paglago ng produksiyon.
Alin sa mga sumusunod ang mas tinutukoy ng pahayag na ito?
A. Ang tao ay sadyang kumikilos kung may kaakibat na reward.
B. Dahil sa masinsinang pagpapalaganap ng impormasyon at makabuluhang motibasyon ng
pamahalaan, mas naagapan ang suliranin ng kakapusan sa bigas.
C. Dapat lang na gumawa ng paraan ang mga tao na masolosyunan ang suliranin sa climate
change dahil ayaw nating maulit ang trahedya na gaya ng Yolanda.
D. Ang tao ay saka lang kumikilos kung mayroon nang nararanasang problema.
50. Ang negosyo ay may malaking ginagampanan sa ekonomiya ng bansa. Ito ay pangunahing
pinagmumulan ng trabaho at kita. May iba’t ibang uri ang negosyo batay sa laki ng puhunan at
dami ng kasapi.
Alin sa mga sumusunod ang mas tinutukoy ng pahayag na ito?
A. Nagpapatunay lamang na ang pansariling pagpupunyagi ng iba’t ibang indibidwal na kumita
ay may malaking naitutulong sa ating bansa.
B. Sadyang ang iniisip ng mga negosyante ay ang kanilang pansariling interes lamang.
C. Walang umaasenso sa pagnenegosyo kung hindi mo lalamangan ang iba.
D. Sa negosyo, dapat mong tanggapin na ikaw ay malulugi at malalamangan.

You might also like