You are on page 1of 12

Salud Cagas Technical and Vocational High School

Bacungan, Magsaysay Davao del Sur


Ikatlong Markahan
(Economics 9)
2020
Pangalan :____________________________________________ SCORE :__________
Taon at Pangkat :______________________________________ PETSA :__________

I - PAGPIPILI- PILI.
PANUTO : Basahin at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang mga titik ng tamang sagot.

1. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas,
yamang tao at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-
yaman
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa
pamilihan
D. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-yaman ng bansa.
2. Kinakailangan ang tamang pagpapasya upang matugunan ng tao ang kanyang pangangailangan .
A. Dapat magpasya ang tao ukol sa dapat niyang gawin.
B. Walang sapat na pinagkukunang-yaman ang makatutugon sa pangangailangan ng tao.
C. Dapat magtipid ang lahat ng tao.
D. Dapat linangin nang maayos ang pinagkukunang-yaman.
3. Hindi sapat ang pinagkukunang-yaman ng bansa upang matugunan ang pangangailangan.
A. dapat magtipid ang mamamayan.
B. Kailangan ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman.
C. Maraming pinaggagamitan ang yaman ng lipunan.
D. Mahirap ang madagdagan ang biyaya ng kalikasan.
4. Paano mapahahalagahan ang yamang-tao ng bansa? Ito ay sa pamamagitan ng______
A. Pag-udyok sa kanila upang maghanapbuhay sa ibang bansa.
B. Pagpapaanib sa kanila sa ibang relihiyon.
C. Sapilitang pagpapakuha ng kurso para sa mga ito upang pag-aaralan.
D. Pagtuturo ng tamang ugali at naaangkop na kasanayan sa gawain.
5. Alin dito ang angkop sa ipinamamahagi ng pamahalaan ang pambansang kita?
A. Sa paghatid ng panlipunang paglilingkod.
B. Sa pagbabayad ng pampublikong utang.
C. Sa paglikha ng mga negosyo
D. Sa pamamagitan ng mga buwis.
6. Sa ekonomiya, kabilang sa impormal na sektor ang mga taong naghahanap-buhay o kasali sa gawaing
pang-ekonomiko na labag sa batas. Tinatawag ang gawaing ito na underground economy. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
A. prostitusyon
B. pagpupuslit ng kalakal
C.pagtitinda ng mga bawal na gamot
D. pagrehistro ng negosyo at pagkuha ng kaukulang permit
7. Ang artipisyal na kakulangan ng bigas sa pamilihan ay nagaganap kapag itinatago ng mga negosyante
ang produkto upang hikayatin ang pagtaas ng presyo ay tinatawag na____________.
A. Scarcity B. Alokasyon C. Supply D. Hoarding
8.Tinatawag na _________ ang matatamo agad ng indibidwal ang kasiyahan sa pagbili at paggamit ng
produkto at serbisyo.
A. Produktibo B. Tuwiran C. Mapanganib D. Maaksaya
9. Mga epekto ng kakapusan sa pamumuhay ang sumusunod maliban sa ___________
A. Mababang antas ng edukasyon C. pag-aaway ng mga manggagawa
B. Malnutriyon D. kriminalidad
10. Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng:
A. Prodyuser B. Konsyumer C. Pamahalaan D. Pamilihan
11. Maaaring umiiral ang kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman tulad ng yamang-likas, yamang tao,
at yamang –kapital. Ano ang dahilan ng kakapusan sa mga ito?
A. Dahil may limitasyon ang maraming pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa malalakas na bagyo at iba pang kalamidad na sumisira sa mga likas na yaman.
C. Dahil sa hoarding o pagtatago ng produktong ibinebenta sa pamilihan upang mapataas ang
presyo ng produkto.
D. Dahil sa kawalan ng disiplina ng mga ito.
12. Kung Ikaw ay isang rasyunal na mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
A. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala, mithiin, at tradisyon.
B. Isinasaaalang-alang ang bang mga hilig at kagustuhan.
C. Isinasaaalang-alang ang trade off at opportunity cost sa pagdedesisyon.
D. Isinasaaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon.
13. Ang paikot na daloy o circular flow ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan at ng gawain ng bawat
Sector. Ano ang papel na ginagampanan ng sambahayan sa ekonomiya?
A. Naniningil ng buwis sa bahay-kalakal.
B. Gumagamit ng mga salik ng produksyon.
C. Nagmamay-ari ng salik ng produksisyon.
D. Nagbabayad ng upa o renta sa lupa.
14. Dapat na bigyan-pansin ng pamahalaan ang produksiyon sapagkat ito ay isang gawaing pang-
ekonomiya na:
A. Gumagamit ng mga produkto at serbisyo.
B. Lumilinang ng likas na yaman.
C. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo.
D. Namamahagi ng pinagkukunang-yaman.
15. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang
konsepto ng kakapusan?
A. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral upang matutugunan ang walang katapusang pangangailangan
Kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.
B. Ito ay tumutukoy sa agham ng pag-uugali ng tao na nakakaapekto sa kaniyang rasyonal na
pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at lipunan kung paano haharapin ang mga suliranin pangkabuhayan.
D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na
kaniyang kinaharap.
16. Maaaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan ang kakapusan. Alin sa sumusunod ang hindi
nagpapakita ng ng suliranin ito?
A. Maaari itong magdudulot ng pag-aaway, kaguluhan, at tunggalian ng mga pangkat ng tao.
B. Maaari itong magdulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na makababawas sa kakayahan ng
mga mamimili na bumili ng mga produkto.
C. Maaari itong magdulot ng pag-init ng klima na pangunahing dahilan ng mas malalakas na
bagyo at mahabang panahon ng EL Niňo at La Niňa.
D. Maaari itong magpataas sa pagkakataon na kumikita ang mga namumuhunan.
17. Ang trade-off ay pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay samantalang ang
opportunity cost ay mahalaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawang desisyon . Ano ang dahilan kung bakit may trade off at opportunity cost?
A. Dahilan walang katapusang ang pangangailangan at kakapusan ng tao .
B. Dahil sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon.
C. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo.
D. Upang makalikha ng mga produktong kailangan sa palengke.
18. Ang sumusunod ay maaaring maganap kung uunahin ang pangangailangan kaysa kagustuhan,
maliban sa ____________.
A. hindi maisasakatuparan ang lahat ng layunin sa pagpili at pagkonsumo..
B. magiging panay ang distribusyon ng pinagkukunang-yaman sa lahat.
C. Maaaring malulutas o mabawasan ang suliranin sa kakapusan sa mga pinagkukunang-yaman.
D. Magiging maayos ang pagbabadyet ng pamilya.
19. Iaayos ang herarkiya ng pangangailangan ni Harold Maslow mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamataas na antas nito.
1.Responsibilidad sa lipunan
2. Pangangailangan sa karangalan
3. Pangangailangan sa karangalan
4. Pisyolohikal at bayolohikal
5. Pangangailangan sa seguridad
A. 2,3,4,5,1 B. 1,2,3,4,5 C.3,2,1,5,4 D. 4,5,1,2,3
20. Mahalaga sa paglikha ng mga produkto at serbisyo ang bawat salik ng produkisyon. Ang bawat salik
ay may kabayaran kapag ginagamit tulad ng:
A. Upa sa may ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, interes sa kapitalista at tubo sa
enterprenyur.
B. Tubo sa may-ari ng lupa, sahod sa lakas-paggawa, upa sa kapitalista at interes sa
enterprenyur.
C. Upa sa kapitalista, sahod sa lakas-paggawa, tubo sa may-ari ng lupa at interes para sa
enterprenyur.
D. Sahod sa enterprenyur, upa sa sa lakas-paggawa, interes sa sa kapitalista at tubo sa
enterprenyur.
21. Dalawang magkaibang konsepto ang kagustuhan at pangangailangan. Masasabing kagustuhan ang
isang produkto o serbisyo kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kaila maituturing na batayang
pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
A. Kapag nakapagbigay ito ng kasiyahan at kaginhawahan sa buhay ng tao.
B. Kapag hindi mabubuhay ang tao kung wla ang mga ito.
C. Kapag makakabi ka ng mas maraming bagay sa pamamagitan nito.
D. Kapag ang produkto ay magagamit mo upang maging madali ang mahirap na gawain.
22. Alin sa sumusunod ang may painakawastong interpretasyon sa kasabihang “ There istn’t enough to
go around” ni Jhon Watson Howe?
A. May limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman kaya’t hindi ito sasapat sa pangangailangan
ng tao.
B. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yamn ay hahantong sa kakapusan.
C. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayundin ang mga pinagkukunang-yaman.
D. May hanggan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
23. Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili ?
A. Kapag gumagamit ng credit card sa pamimili at lagging inaabangan ang pagkakaroon ng sale
B. Kapag bumibili ng segunda mano upang maka mura at makatipid.
C. Kapag sumusunod sa badyet at sinusuri ang sangkap, presyo, at timbang ng produkto binibili.
D. Kapag bumibili ng labis sa mga pangangailangan upang matiyak na hindi siya maubusan.
24. Papaano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa
sistemang tradisyonal na ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula s autos ng pamahalaan batay
sa plano.
B. Malaya kang makakikilos ayon sa sa sariling kagustuhan o interes nang hindi pinapakialaman
ng pamahalaan.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakikinabang sa mga pinagkukunang-
yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control pa rin sa ilang mga gawain.
25. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitataguyod sa pamamagitan ng:
A. Palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang kapaligiran.
B. Pag-aaral sa nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng produkto.
C. Pagpapahalaga sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilihin.
D. Palaging pagpunta sa timbangan bayan upang matiyak na husto ang timbang ng biniling
produkto.
26. Ang produksiyon ay mahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay. Alin sa sumusunod ang hindi
nagpapahayag nito?
A. Ang kinikita ng bawat salik ng produksiyon ay nagagamit ng mga sambahayan sa pagbili ng
produkto at serbisyo.
B. Ang pagkonsumo ang nagbibigay-daan sa produksiyon ng produkto at serbisyo, kaya
masasabing mas mahalaga ang produksiyon kaysa sa pagkonsumo.
C. Sa produksiyon nagmumula ang mga produktong kailangang ikonsumo sa pang-araw-araw.
D. Ang produksiyon ay proseso na nagbibigay-daan sa paglikha ng hanapbuhay.

27. Ang ____________ay paggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa mga
mamimili.
A. pagkonsumo B. pamimili C. produksyon D. ekonomiya
28. inatawag na ___________ ang paniniwala na simbolo ng karangyaan ang paggamit ng banyagang
produkto.
A. status symbol B. kultura C. kaalaman D. kayamanan
29. Alin sa mga sumusunod ang matinding dulot ng global warming sa bansa?
A. Pagkasira ng sistema ng kalikasan
B. Mabilis na pagkaubos ng yaman sa tubig-tabang
C. Malimit na pagkakaroon ng bagyo, tagtuyot at iba pang kalamidad
D. Lahat ng nabanggit
30. Maituturing na __________ ang pagtangkilik sa mga produkto at serbisyong gawa ng mga Pilipino.
A. pagtupad sa batas C. paggalang sa kapwa
B. nasyonalismong pang-ekonomiko D. pagmamahal sa bayan
31. Nagbubunga ng ________ ang mataas na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon.
A. Malusog na populasyon B. Matalinong mamamayan
C. Mahusay na lakas-paggawa D. Malaking bilang na may trabaho
32. Lumaganap ang impormal na ekonomiya dahil sa sobrang kahirapan. Ang pagdami ng mga sidewalk
vendor, paglala ng krimen gawa ng paggamit ng bawal na gamot at pagsasamantala ng mga money
lenders ay iilan lamang sa mga suliranin ng ating bansa. Kung pagbabatayan ang kita ng bansa, ano ang
posibleng epekto nito sa ating pamahalaan?
A. Mababawasan ang kita ng bansa.
B. Dadami ang sasali sa underground economy dahil malaki ang kita.
C. Madagdagan ang kita ng pamahalaan dahil sa malakas ang bintahan ng kalakal.
D. Madagdagan ang kita ng mga sangkot sa sektor kahit bawal sa batas.
33. Sa ekonomiya, kabilang sa impormal na sektor ang mga taong naghahanap-buhay o kasali sa gawaing
pang-ekonomiko na labag sa batas. Tinatawag ang gawaing ito na underground economy. Alin sa mga
sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?
A. prostitusyon
B. pagpupuslit ng kalakal
C.pagtitinda ng mga bawal na gamot
D. pagrehistro ng negosyo at pagkuha ng kaukulang permit
34. Isang kaugalian nating mga Pilipino ay ang tumanaw ng utang na loob kahit ang ating pagkonsumo ay
naiimpluwensyahan nito.
A. Pagtanaw ng Utang na loob B. Pakikisama C. Okasyon D. Kita
35.Sa mga kaugalian Pilipino ang pagdiriwang ng kaarawan , Bagong Taon , Araw ng mga puso ,
Kapistahan at iba pa ay nakaaapekto sa pagkonsumo ng tao.
A. Pagtanaw ng Utang na loob B. Pakikisama C. Okasyon D. Kita
36. Sa kaibigan o kamag-anak ay isang dahilan kung bakit bumibili ng produkto at serbisyo. Ang
pagkakaroon ng suki ay isang dahilan kung bakit madalas na tinatangkilik natin ang kanyang mga
produkto.
A. Pagtanaw ng Utang na loob B. Pakikisama C. Okasyon D. Kita
37. Ang pagbili at paggamit ng produkto na ng nakapinsala sa kalusugan ng tao tulad alak, sigarilyo at
bawal na gamot.
A. Produktibo B. Tuwiran C. Mapanganib D. Maaksaya
38. Ang artipisyal na kakulangan ng bigas sa pamilihan ay nagaganap kapag itinatago ng mga negosyante
ang produkto upang hikayatin ang pagtaas ng presyo ay tinatawag na____________.
A. Scarcity B. Alokasyon C. Supply D. Hoarding
39. Sa sistemang ito, ang pagdedesisyon sa pagasagot sa mga suliraninng ano , paano, at para kanino
ang gagawing produkto ay isinasagawa ng indibidwal at pribadong sector.
A. Market na ekonomiya B. Tradisyonal na Ekonomiya C. kapitalismo D. Pasismo
40. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mabuting epekto sa pag-aanunsyo ng isang produkto?
A. Bumili ng tamang gamot sa murang halaga at may kalidad.
B. Bumili ng shampoo dahil sa maganda ang buhok ng modelo
C. Bumili ang isang binata ng bulaklak para sa kanyang kasintahan dahil sa okasyon
D. Bumili ng sapatos dahil gustong gayahin ang kaibigan sa paaralan
41. Si Aling Lita ay matagal ng naninilbihan bilang kawani ng isang pamahalaan. Dahil nadagdagan ang
kanyang sahod, nakabibili na siya ng dagdag sa pangangailangan ng kanyang pamilya. Anong salik ang
nakaapekto sa kanyang demand?
A. Ang paglaki ng kanyang kita B. Ang paglaki ng kanyang pamilya
C. Ang pagbabago ng kanyang pamumuhay D. Ang kahalagahan sa pagbili ng mga kailangan
42. Paano mapahahalagahan ang yamang-tao ng bansa?
A. Sa pamamagitan ng pag-udyok sa kanila upang maghanapbuhay sa ibang bansa.
B. Sa pamamagitan ng pagpapaanib sa kanila sa ibang relihiyon.
C. Sa pamamagitan ng sapilitang pagpapakuha ng kurso para sa mga ito upang pag-aaralan.
D. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng tamang ugali at naaangkop na kasanayan sa gawain.
43. Kadalasan , paano ipinamamahagi ng pamahalaan ang pambansang kita?
A. Sa pamamagitan ng paghatid ng panlipunang paglilikod.
B. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng pampublikong utang.
C. Sa pamamagitan ng paglikha ng mga negosyo
D. Sa pamamagitan ng mga buwis.
44. Anyo ng produksyon na hindi na kailangan pang dumaan sa kahit na anong prosesong gawa ng tao.
A. Elementary Utility B. Form Utility C. Time Utility D.Service Utility
45. Ito ay salik ng produksyon sumasaklaw sa lahat ng lakas at panahon ng tao na nagagamit sa
pagpoproseso ng mga sangkap upang maging tapos na produkto.
A. Lupa B. Paggawa C. Kapital D. Entrepreyur

46. Ang salik pamproduksyon na pinagmumulan ng lakas at talento sa pagbuo ng produkto ay___.
A. kapital B. lupa C. entrepreneur D. lakas paggawa
47. Aling salik ng produksyon ang ginagamit muli upang makabuo pa ng isang produkto?
A. Lupa B.Kapital C. Enterpenyur D. Lakas-paggawa
48. Ang produksiyon ay nagaganap sa mga bahay-kalakal. Ang namumuno sa isang bahay-kalakal ay ang
entreprenyur o negosyante. Anong mahalagang papel ang kanilang ginagamapan dito?
A. Nangangapital ng negosyo
B. Pinuno o lider ng lahat ng manggagawa
C. Taga-angkat ng mga produkto sa ibang bansa
D. Pinapadala sa ibang bansa upang umaksyon sa problema ng mga manggagawa
49. Isang organisasyon ng produksiyon na ang mga manggagawa ay nagpakadalubhasa sa paggawa ng
isang produkto
A. kompetisyon B. Konsumerismo C. Espesyalismo D. Industriyalisasyon
50. Itinuturing na Bangko ng mga bangko ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Sinusubay bayan nito ang
lahat ng institusyon sa pamamamahagi. Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing tungkulin nito?

A. Taga- gawa ng salapi


B. Tagapamahala ng pondo ng pamahalaan
C. Tagapayo ng pamahalaan ukol sa gawaing pinansyal nito
D. A,B,C
Salud Cagas Technical and Vocational High School
Bacungan, Magsaysay Davao del Sur
Ikatlong Markahan
(Kontemporaryo Isyu 10)
2020
6
Pangalan :____________________________________________ SCORE :__________
Taon at Pangkat :______________________________________ PETSA :__________

I - PAGPIPILI- PILI.
PANUTO : Basahin at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang mga titik ng tamang sagot.

1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng


salitang sex at gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy
sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex

2. Sa kabilang banda, ano naman ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain
na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
A.Sex B. Gender C. Bi-sexual D. Transgender
3. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag
sa anumang pag uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o
kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit
4. Sila ay mga primitibong pangkat ng mga tao sa Papua New Guinea kung saan kapwa ang
babae at lalaki ay maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, sila rin ay matulungin,
mapayapa, at kooperatibo sa kanilang pamilya.
A. Arapesh B. Mundugumur C. Tchambuli D. Tasaday
5. Anong bansa noong ang nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na
nagsasaad na ang same–sex relations at marriages ay maaring parusahan ng
panghabambuhay na pagkabilanggo?
A. South Africa B. Uganda C. Pakistan D. United Arab Emirates

6. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng
mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at
proteksyon sa mga biktima nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad labing-lima (15) pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranasng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan
o nakaraang relasyon sa isang lalaki atkasalukuyan o dating asawang babae.
7. Ang bisexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang
kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niya ng kasarian.
Samantalang ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang
kanyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma siya ay tinatawag
na________________.
A. Bakla B. Lesbian C. Transgender D. Queer
8. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New
Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa na ang babae at lalaki ay ma-alaga o mapag-aruga,
matulungin at mapayapa samantalang ang mga Tchambuli ay:
A. Parehas ang babae at lalaki ay matapangagresibo at bayolente
B. Babae ang abala sa pag-aayos ng sarili atmahilig sa kwento samantalang ang mga
kalalakihan ay dominante at naghahanapng makakain.
C. Parehas ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang dominante at naghahanap ngmakakain samantalang ang mga kalalakihan ay
abala sa pag-aayos ng sarili mahilig sa kwento
9. Isaayos ang mga sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles
sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
________A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihang ang nakapag- aral
dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang
mundong kanilang ginagalawan.
________B. Ang mga kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod sa Diyos.
________C. Sa panahon ng mga Hapones, ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng
mga kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
________D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng
mga kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
________E.Ang mga kababaihan sa Pilipinas maging kabilang sa pinakamataas na uri o
timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.

A. 1,2,3,4,5 B. 3,2,4,5,1 C. 2,3,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2


10. Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang
kalalakihan ay biktima din nito. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng
karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo
C.Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa
niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal, o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
11. Ang mababang pagtingin sa
kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China
isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa nang
hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa
kababaihan upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan na
tinatawag na _________.
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry
12. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against
Women. Ang mga sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog B. Pangangaliwa ng asawang lalaki
C. Sexual harassment D. Sex trafficking
13. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang-pansin ng
batas na ito ang kalalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga
babae sa iba’t ibang larangan “marginalized women”, at “women in especially difficult
circumstances”. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult
circumstances?
A. Maralitang taga lunsod B. Kababaihang Moro at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
14. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae
sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa
sa kababaihan.
15.Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata
at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at
Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito.
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang siya ay maikasal
16.Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
KUMILOS MGA KALALAKIHAN
Noel Cabangon
Titik at Musika
Kumilos mga kalalakihan
Makiisa laban sa karahasan
Maging kasama, kapatid at kaibigan
Itigil ang karahasan sa kababaihan
H’wag mo silang saktan, h’wag mong sigaw-sigawan
H’wag mong idadaan sa lakas ng boses at katawan
Igalang mo’t h’wag ituring na sila’y laruan
Sila’y taong tulad mong may dangal at karapatan
Ano ang mensahe ng awit na ito?
A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa mga kababaihan.
B. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng mga kalalakihan.
C. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang mapangalagaan ang karapatan ng
mga kababaihan
D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila dapat
saktan at paglaruan
17. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba.

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?


A. Ang mga lalaki ay maaaring manatili sa bahay atgawin ang mga gawaing pambabae
A. Ang mga lalaki ay maaaring manatili sa bahay atgawin ang mga gawaing pambabae
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sakalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay
18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.


B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao
19. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bi-sexual.Siya ang lagi mong kasama
simula pa noong kayo ay mga bata pa, para na kayong magkapatid hanggang sa matuklasan
mo ang kanyang oryentasyon sekswal. Ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahihiya ang iyong kaibigan
B. Ipagkakalat kong siya ay isang bi-sexual
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihimito sayo
D. Igagalang mo ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ng aming pagkakaibigan
20. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong ika 6-9 ng Nobyembre
2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto sa oryentasyong sekswal
at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ano ang
pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksyon saLGBT laban sa pang-aabuso at
karahasan.
21. Ito ay tumutukoy sa mga likas na karapatang taglay na ng tao mula pa nang siya ay isilang
na kung wala ang mga ito ang tao ay hindi mabubuhay. Sa mga lupon ng mga karapatan na
tumuyugon sa pangangailangan ng tao upang makapamuhay nang disente at marangal..
A. Karapatan Sibil B. Karapatang Pantao
B. Karapatang Politikal D. Karapatang Pangkabuhayan
22. Ang bawat tao ay nangangailangan ng kalayaan sa paninirahan, pananalita,
pananampalataya, karapatan laban sa sapilitang paglilingkod, at karapatan sa
pagkakabilanggo dahil sa hindi pagbayad ng utang. Anong karapatan ang ipinahayag?
A. Karapatan Sibil C. Karapatang Pantao
B. Karapatang Politikal D. Karapatang Pangkabuhayan
23. Ang karapatan ay kapangyarihan moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya
nang sapilitan
ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
B. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang oblikasyon ng kaniyang kapuwa na
igalang ito.
D. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral
na kilos.
24. Sa isang liblib na lugar sa Manila ay may isang tao na akto na labag sa batas na
sinadyang pagpatay ng kinatawan ng estado nang walang makatwirang proseso. Anong
karapatang pangtao ang nilabag ?
A. Massacre C. Torture
B. Extrajudicial Killing D. Salvaging
25. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karpatan sa buhay?
A. Iniiwasan ni Mark kumain ng karne at matamis na pagkain.
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Lopez para sa mga batang biktima ng
pag-aabuso.
C. Sumasali si Danny sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph para sa mga batang kalye.
26. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at
pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual C. gender B. transgender D. sex

27. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan
para sa mga babae at lalaki.
A. sex B. bi-sexual C. gender D. transgender
28. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang
kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang
isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-iisip
at pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
29. Ayon sa GMA balita ay may isang tao binubugbog, kinitil ang buhay,pinuputol ang
anumang parte ng katawan. Kasama rito ang seksuwal na pananakit tulad ng pagsasamantala
at panghahalay. Ito ay pananakit sa pangangatawan ng tao. Anong anyo na paglabag sa
karapatang pantao?
A. Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao
B. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao
C. Istruktural na Paglabag sa Karapatang Pantao
D. Karapatang Legal
30. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?
A. Karapatan C. Isip at kilos-loob
B. Kalayaan D. Dignidad
31. Ang tungkulin ay obligasyon moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ng tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga
tungkulin.
32. Anong Karapatan na batay sa encyclical na “ Kapayapaan sa Katotohanan”( Pacem in
Terries) ang ipinakita ng tauhan?
Itinatakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang
takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.
A. Karapatang Mabuhay
B. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos
na pamumuhay.
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
( migrasyon ) .
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas.
33. Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito, hindi
mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat itong mangibawbaw sa ibang karapatan
kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
A. Karapatang Mabuhay
B. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos
na pamumuhay.
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan
( migrasyon ) .
D. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas
34. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniwasan ni Mameng kumain ng karne at matamis na pagkain.
B. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Reyes para sa mga batang biktima
ng pag-aabuso.
C. Sumali sa Romeo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
D. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Vidal sa Manila para sa mga batang kalye.
35. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang
karera
at mataas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang maghanapbuhay
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
36. Ilang mga labag sa batas na paggamit ng kapangyarihan ng mga kapulisan at mga kasapi
ng military sa pamamagitan ng pananakit sa pag-aaresto, pagdakip demolisyon ng komunidad,
dispersal sa mga raliyista na nagreresulta ng sugat at malubhang pinsala pisikal. Anong
karapatang pantao ang nilalabag?
A. Represyon sa Media C. Massacre
B. Illegal Detention D. Physical Assualt/or Injuries
37. Ito ay paglabag sa karapatang pantao na nagaganap sa sandaling hindi matamasa ang
karapatan sanhi ng pagkiling sa mga nakatataas sa kaayusang panlipunan. Anong anyo ng
karapatang pantao ang nilabag?
A. Pisikal na Paglabag sa Karapatang Pantao
B. Sikolohikal at Emosyonal na Paglabag sa Karapatang Pantao
C. Istruktural na Paglabag sa Karapatang Pantao
D. Karapatang Legal
38. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan ukol sa pagsusulong at pagtataguyod ng kabuhayan at
disenteng pamumuhay. Napapaloob dito ang karapatan sa kabuhayan, edukasyon,
pagpapalaganap ng sining at kultura, agham at teknolohiya, at karapatan sa ari-arian.
E. Karapatang Sibil C. Karapatang Pang-ekonomiya
F. Karapatang Politikal D. Karapatang Panlipunan
39. May karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na makatulong sa kaniya upang
mapaunlad ang kaniyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. Hindi maaring
gawing obligasyon ang pagkakaroon ng relihiyon upang matanggap sa trabaho o maging sa
pamahalaan. Anong uri ng karapatan ito?
G. Karapatang sa Pribadong Ari-arian C. Karapatang Magpakasal
H. Karapatang sa Buhay D. Karapatang ipahahayag ang
Pananampalataya
40. Sa panahon ni Pangulong Marcos panandalian o permanenteng ipinasasara ang anumang
radio/TV station at anumang anyo ng pagpigil sa pamamahayag ng mga istitusyonng
pangkomunikasyon. Anong palapag ng karapatang sibil at politika ito?
I. Torture C. Represyon sa Media
J. Frustrated killing D. Illegal arrest
41. Tumutukoy sa pagkasira sa kabahayan at iba pang istruktura sa isang maralitang
komunidad na kadalasang nagreresulta sa karahasan.
K. Pagkawasak ng Ari-arian C. Illegal Detention
L. Illegal Arrest D. Demolisyon
42. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa ibaba?
*Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
*Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
*Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
*Pag-iwas sa eskandalo
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Pumunta sa ibang lugar
B. Karapatang Magpakasal D. Karapatang Maghanapbuhay
43.Tumutukoy sa pagkasira sa kabahayan at iba pang istruktura sa isang maralitang
komunidad na kadalasang nagreresulta sa karahasan.
A. Pagkawasak ng Ari-arian C. Illegal Detention
B. Illegal Arrest D. Demolisyon
44. Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa ibaba?
*Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
*Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
*Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
*Pag-iwas sa eskandalo
A. Karapatan sa Buhay C. Karapatang Pumunta sa ibang lugar
B. Karapatang Magpakasal D. Karapatang Maghanapbuhay
45. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang
uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang
mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan .
A. Pang-aabuso B. Pagsasamantala C. Diskriminasyon D. Pananakit
46. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at gen
tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagt
pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual C. Gender
B. Transgender D. Sex
47. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maramin
maaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalak
ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa ka

48. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibidwal maliban sa isa.
A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan
49. Ang sumusunod ay ang mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang-batas ng 1987 ng
Pilipinas maliban sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul
C. labing walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong
bumoto nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan
50. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask what
you can do for your country.” Ano ang mensaheng nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong Jonh
F. Kennedy
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at
tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng
pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng
isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa
pagkamamamaya

Good Luck!

You might also like